Close
 


ROQUE, IPI-PETITION DAW SA SUPREME COURT NA TANGGALIN ANG MGA ABOGADONG PINAGTATANGGOL ANG ICC
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ROQUE, IPI-PETITION DAW SA SUPREME COURT NA TANGGALIN ANG MGA ABOGADONG PINAGTATANGGOL ANG ICC #enzorecto #attyrpt #bunyog
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 23:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pagkipin niyo sa sabihin niya, yung mga hindi daw naniniwala sa justice system natin, at mas naniniwala pa sa ICC, ay magbitiw na lang daw.
00:18.0
Hindi yun ang issue, mga kabonyog, hindi yun ang issue roke.
00:21.0
Atorney Ricky Tomutorgo, nagtataguyod ng katutuhanan, nakikipaglaban para sa bayan.
00:31.0
Itong si Harry Roque, alam ko nasusuka kayo dito kapag pinag-uusapan natin itong si Harry Roque,
00:38.0
kaya lang talagang hindi ko mapigilan na hindi mag-comment dito, hindi mag-komentaryo dito.
00:44.0
Ang yabang talaga nitong si Harry Roque.
00:47.0
Isipin nyo naman mga kabonyog, mainit pa rin ang issue ngayon tungkol sa ICC.
00:52.0
Ay siyempre iba-iba ang pananaw kaugnay sa ICC.
00:55.0
Sila Roque, sila Panelo, sila Remoria, siyempre pinagtatanggol nila ang stand ng gobyerno na sabi ni...
01:10.0
Kahit nung panahon ni Duterte, hanggang ngayon kay Marcos, ganun pa rin ang stand ng gobyerno na hindi sila mag-cooperate sa ICC.
01:19.0
Hindi nila ito papayagang magsagawa ng investigasyon sa Pilipinas.
01:25.0
Kahit nung panahon pa ni Duterte, mayayabang na itong si Roque, si Panelo.
01:30.0
Naalala nyo noon nung panahon na presidential legal counsel pa si Panelo.
01:34.0
Sabi ni Panelo, ipapa-deport. Kapag tumuntung daw sa Pilipinas ang mga tauhan ng ICC, ipapa-deport ito.
01:48.0
Pabalik sa the Netherlands.
01:51.0
Mas malala ngayon kaya yung pumalit sa kanya na chief presidential legal counsel,
01:57.0
sabi naman ni Enrique, ipapa-arresto. Yung matindi, ano pang kremen at ipapa-arresto?
02:05.0
Anyway, pare-pareho yan. Si Roque, si Panelo at ngayon si Rimulya.
02:13.0
Mayayabang yan na biglang naging mga makabayan, mga kabonyog, napansin nyo?
02:19.0
Bigla silang naging mga makabayan.
02:21.0
Bigla nilang, ang madalas nilang binabanggit ngayon, soberinti. Kailangan daw ipaglaban natin ang ating soberinti, ang ating soberanya.
02:31.0
Akala mo naman ang gagaling nilang makipaglaban para sa ating soberanya?
02:36.0
Samantalang sa buong panahon ni Duterte na nanongkulan itong si Roque, si Panelo,
02:41.0
pinaglaban ba nila ang soberanya ng ating bansa laban sa China? Tikluktuhon sila eh.
02:47.0
Tapos ngayon, may gana silang magsabi na kailangan daw ipaglaban ang ating soberanya.
02:58.0
Isa daw tayong malayang bansa na hindi dapat pinanghihimasukan ng dayuhan.
03:03.0
Matindi ano? Akala mo naman mga makabayan na ipinaglaban ang ating bayan, ang kalayaan ng ating bayan?
03:11.0
Eh kahihiya nga yung ginawa nila sa atin. Nagpakatuta ang administrasyo noon ni Duterte sa China.
03:19.0
Anong ginawa ni Roque noon? Bahagi siya ng administrasyo na yon, sila nila Panelo.
03:24.0
Bakit? Pinaglaban ba nila ang soberanya natin?
03:28.0
Tapos ngayon, sasabihin nila, ipaglaban daw ang ating soberanya.
03:32.0
Hindi daw tayo dapat pumapayag na bastusin ang ating soberanya nitong ICC. Matindi.
03:41.0
At saka ngayon, ang sinasabi ni Roque, dapat daw yung mga abugadong walang tiwala sa justice system ng Pilipinas,
03:49.0
dapat daw bumitiw na bilang abugado kasi hindi daw naniniwala sa justice system ng Pilipinas.
03:56.0
At alam niyo kung ano pang sabi ni Roque, mamaya ipiplay ko yung sinabi niya.
04:00.0
Sabi niya magpipetition daw siya sa Curte Suprema, ito daw mga abugadong ito, ipipetition niya na tanggalin na sa pagiging abugado dahil hindi daw naniniwala sa justice system ng Pilipinas at mas naniniwala pa daw sa ICC.
04:17.0
Panoorin niyo mga kabunyog, saka tayo magpatuloy ng ating komentaryo.
04:48.0
Alam mo talaga dapat magpipetition na siguro ako sa Supreme Court, lahat na nagsasabi hindi gumagana ang ating hudikatura dito sa Pilipinas,
04:56.0
ipadisbaran silang lahat kung hindi sila magvoluntaryo na magbibitiw bilang mga abugado.
05:04.0
Sinabi ni Roque na posibling ang mga naglareklamo na ito ay ang mga abugadong wala pang naipanalong kaso.
05:10.0
Samantala ibinunyag ni Atty. Roque na sa loob ng 21 taon na pagkakatalag ng ICC, 31 pa lang na mga kaso ang nahawakan nito.
05:20.0
Mula sa 31 na kaso, 10 lang din ang natuloy sa paglilitis at iisa lang ang convicted. Kung ikukumparaan niyan sa Pilipinas, mas marami pang mga kaso at paglilitis ang nahawakan ng bansa.
05:51.0
Ipapadisbar daw ni Roque ang mga abugado na hindi naniniwala sa justice system natin.
06:01.0
Unang-una, ano bang sinabi ng Supreme Court kaugnay sa jurisdiction ng ICC?
06:10.0
Akala mo naman itong si Roque ang galing-galing niya. Nung panahon, sa totoo lang, isa rin ako bumilib dito. Nung panahon, human rights lawyer pa ito at public international law expert ito.
06:27.0
Pag may mandatory continuing legal education kami, isa ito sa mga nagiging speakers, umaatend ako. Bulib pa ako sa kanya nung panahon. Ngayon wala na, nilabo na ito ng sistema. Lalo nung panahon ni Duterte hanggang ngayon, wala pa rin pagbabago ito.
06:44.0
Isipin niyo sa sabihin niya, ang mga hindi naniniwala sa justice system natin at mas naniniwala pa sa ICC ay magbitiw na lang daw. Hindi yan issue Roque. Unang-una ano ang sinabi ng Supreme Court? Nabasa mo na ba yan?
07:03.0
Yung disisyon ng Supreme Court? Ewan ko dito kay Roque. Nabasa niya na ba yan? O sadyang binabaliwala niya lang? Alam niya naman yan. Alam nila yan. May disisyon na.
07:18.0
Nung panahon na na kay Duterte pa sila, mayayabang sila noon. Mayayabang sila noon, sila nila Panelo, ganoon na rin ang bukang bibig ng mga yan. Pero inilaban na yan ng mga senador, yung mga opposition senators noon, nung mga opposition senators sila dating Sen. Kiko Pangilinan, ito na yan.
07:46.0
Mayroon ng petisyon na final sa SC. Ang issue noon na ni-resolve sa SC ay legal ba at valid ang pagkakawidraw ni Duterte sa ICC?
08:01.0
Ang contention ng petitioners ng mga opposition senators noon, sila Senators Kiko Pangilinan, Drilon, Trillanes, Delima at iba pa, ang respondents noon ay Alan Peter Cayetano, Luxin, Panelo, mga officials ito nung panahon ni Duterte.
08:26.0
Ngayon anong naging disisyon ng SC doon sa issue na valid o legal ba ang pagkakawidraw ni Duterte sa ICC? Kasi ang contention ng mga petitioners nila Senators Kiko Pangilinan at iba pa, invalid yan at hindi legal dahil wala namang hindi kinunsulta ang Senado.
08:51.0
Samantalang noong nag-member tayo sa Senado, kinailangan ang concurrence ng Senado noong panahon ni Pinoy. So bakit noong pag-withdraw ni Duterte hindi na kumuha ng concurrence o pagsangayon ng Senado?
09:05.0
Yan ang contention ng mga petitioners. Pero sabi ng SC hindi, valid ang pagkakawidraw sa ilalim ng administration ni Duterte. Kasi wala namang sinabi doon sa dokumento ng pag-concurrence ng Senado, hindi nila sinabi doon kung mag-withdraw man sa ICC kailangan uli ang pagsangayon ng Senado.
09:33.0
Walang gano'ng sinabi. Dahil walang gano'ng sinabi na kailangan uli ang pag-concurrence ng Senado sa pag-withdraw, presyong yan na pwedeng ang Presidente ang mag-withdraw kasi siya ang chief architect ng foreign policy. Yan ang nakikita niyang policy.
09:50.0
So gano'n ang naging desisyon ng SC. Pero may obiter dictum doon o ibig sabihin ang obiter dictum, may wrong pronouncement ang SC doon kahit hindi yan ang main issue pero may pronouncement ang SC. Anong sabi ng SC mga kabunyog?
10:10.0
Yan sa kaso na yan na dinesisyon ng SC March 16, 2021. Ang sabi ng SC mga kabunyog malinaw. Napakalinaw ng sinabi ng SC dyan sa kaso na yan.
10:40.0
Pero sa desisyon na yan mayroon na rin sinabi ng SC tungkol sa issue ng jurisdiction ng ICC. At ito ang sinabi ng SC mga kabunyog. Itong sinabi, pangilang paragraph.
10:58.0
Yan sa una, withdrawing from Rome statute does not discharge a state party from the obligations it has incurred as a member. Tapos kinote ang article 127 paragraph 2. Yan ang sinasabi. Tingnan natin ang third paragraph.
11:15.0
A state party withdrawing from the Rome statute must still comply with this provision. Even if it has deposited the instrument of withdrawal, it shall not be discharged from any criminal proceedings.
11:31.0
Whatever process was already initiated before the ICC obliges the state party to cooperate kung anuman daw na process o criminal proceeding ang nasimula na ng ICC bago mag-withdraw.
11:54.0
Ano na po yan? May obligasyon ang state party tulad ng Pilipinas na mag-cooperate. O ngayon balikan natin si Roque. Nakakasuka yan, doon tayo sa sinabi ni Roque.
12:15.0
O balikan natin si Roque. Bakit ngayon sasabihin niya na yung mga abogado na iba ang pananaw sa kanya. O ako mismo, ang pananaw ko may jurisdiction ng ICC kaya dapat tayo mag-cooperate.
12:31.0
Kung kaming mga abogado na ganoon ang pananaw, sinasight namin yung sinabi ng Corte Suprema bagamat obiter dictum lang doon sa case ng Pangilinan v. Cayetano.
12:45.0
Dinesisyonan March 16, 2021. Kung kami ay nagsasight ng desisyon na yan at ang sinasabi namin hindi naman bangka, hindi in contradiction sa sinabi ng Corte Suprema. In fact, pareho ang sinasabi namin at saka ng Corte Suprema.
13:04.0
Pareho ang opinion namin at saka ng Corte Suprema. Sino ngayon ang hindi nagre-respecto sa desisyon ng Corte Suprema? Diba kayo Roque? Hindi nyo nagre-respecto nila really yung sinabi na mismo ng Corte Suprema.
13:22.0
Sinabi na ng Corte Suprema kahit hindi abogado pag binasa yung ganoon portion napakalinaw. Bakit kami i-disbar na kami na ngayong nagpapaliwanag ano ba yung sinasabi namin na naniniwala may jurisdiction ng ICC?
13:41.0
Ganoon kung anong sinabi ng Corte Suprema sa kaso na iyon? Kung anong sinabi? Bagamat ang Corte Suprema, ang sabi ng Corte Suprema valid at legal ang pagkakawidraw, ako ibang opinion ko. Ibang opinion ko doon. Sa tingin ko hindi valid at legal yan.
14:00.0
Pero hindi ko inaano yan. Nandyan na yan. Desisyon na yan ng Corte Suprema. Pero yung sinabi ng Corte Suprema napakalinaw. Napakalinaw ng sinabi ng Corte Suprema na bagamat nag-withdraw na tayo sa ICC, yung mga obligasyon natin noong panahong miembro pa tayo ay dapat na kilalani natin.
14:26.0
Dapat pa rin tayong mag-cooperate. Sino ang ayaw mag-cooperate? Sino ang ayaw mag-cooperate? Diba kayo Roque? Diba kayo nila Panelo? Diba kayo nila Remulia? Kayo yata ang dapat disiplinain kasi hindi nyo sinusunod yung guidance na binigay ng Corte Suprema.
14:42.0
Ba't kami ang sasabihin mo na hindi kumikilala? Ay kami nga yung sumasangayon at nagpapaliwanag kung ano yung sinabi ng Corte Suprema. Kayo na mga sila Panelo, kayo, wala na kayong sagot. Ay diba noong panahon nyo nga ganoon ang stand nyo?
15:04.0
Balikan natin ang kasaysayan Roque. Noong panahong nasa gobyerno kayo ni Duterte, ganoon din ang stand nyo. Wag mag-cooperate, wag kilalani ng jurisdiction ng ICC. Anong nangyari? Sabi ng ICC magpuproceed na kami with the investigation. Tapos lumabas ang desisyon ng Corte Suprema, yun na nga noong March 16, 2021.
15:27.0
Dahil sa desisyon ng Corte Suprema may reasonable mag-isip na naabogado sa administration ni Duterte, halimbawa si Medardo Guevara. Ang advice ni Medardo Guevara noong Secretary of Justice, wag nating kontrahin ang desisyon ng Corte Suprema at wag din natin banggain ang ICC.
15:48.0
Ang gawin natin mag-cooperate tayo pero sabihin natin sa ICC na itigil muna ang kanilang investigation kasi may ongoing investigation tayo. O diba nanahimik kayo Roque noon? Nanahimik kayo nila Panelo? Kayo na mga maiingay noon na hindi nyo kikilalanin ang jurisdiction ng ICC?
16:09.0
Sa bandang ulit kinilala nyo rin naman. Diba sumulat si Guevara noon? Sumulat si Guevara yung tinatawag na letter of deferral. Ano yung hinihiling ni Guevara noon? Hinihiling niya sa ICC na i-defer muna ang investigation kasi hayaan munang tapusin ang Pilipinas ang investigation nito.
16:29.0
Igrenant ng ICC yan kaya tinigil ng ICC ang investigation nito. Pero ngayon nitong Jan 2022 hiniling ulit ng prosecutor ng ICC ibalik na lang ang investigation nila kasi wala silang nakikita magandang investigation na sinasagawa ang Pilipinas, hindi sila convinced.
16:48.0
So ngayon nag-decision na ang pretrial chamber, okay proceed with the investigation. O diba? O paano mo masasabing walang ano? Hindi nyo kinilala ang jurisdiction ng ICC? Humiling na nga kayo sa ICC na huwag munang ituloy ang investigation? Nakalimutan mo yan Roque?
17:06.0
Mayroong letter of deferral ang government ng Philippines eh tungkol doon. Kaya nga kayo na nahimik ni Panelo, hinayaan nyo noon si Medardo Guevara. Pero ngayon wala na kayo sa administration ni Marcos, ina-advise pa rin ang administration ni Marcos. Sinasabi nyo huwag kilalanin ang jurisdiction ng ICC.
17:28.0
Ayun, mapapahiya ang administration ito. Mapapahiya. At saka sinasabi aaristuhin ay talagang sobrang kahihiyan pag ginawa yan. Kasi pinagmamalaki ni Marcos na ano na siya, ka-respect na ang Pilipinas na membro ng international community.
17:45.0
Hindi ito tulad ng nakaraang administration na bastos, hindi gumagalang sa international bodies, United Nations, UN Human Rights Council. Ito ngayon daw ay iba na. Pero paano mo yan papatunayan kung yan sa issue ng ICC ay hindi nyo kikilalanin?
18:01.0
Yan Roque ang problema nyo. Yung sinasabi ni Roque dito, may sinabi siya bakit daw mas magaling pa nga ang ating justice system kasi ang justice system natin mabilis mag-resolve ng mga kaso. Ay ang ICC daw ilan lang ang naanuhan yan. Ilan lang ang na-resolve na kaso ng ICC. Ang bagal daw ng ICC.
18:29.0
Panoorin natin ang sinabi ni Roque.
18:59.0
Samantala ibinunyag ni Atty. Roque na sa loob ng 21 taon na pagkakatalag ng ICC, 31 pa lang na mga kaso ang nahawakan nito. Mula sa 31 na kaso, 10 lang din ang natuloy sa paglilitis at iisa lang ang convicted. Kung ikukumparaan niya sa Pilipinas, mas marami pang mga kaso at paglilitis ang nahawakan ng bansa.
19:30.0
At mas marami pa ang na-convict sa atin kaysa sa ICC. Totoo ba yan? Totoo yan. Unang-una ang mga kasong kinakaharap ng ICC hindi ordinary ang kaso ng pagpatay. Ay ang sinasabi ni Roque ang mga kaso sa Pilipinas.
19:47.0
Ano lang naman yun? Murder. Murder yun. Murder yung ganoon kaso. Ay yung sa ICC, 4 lang kasing kaso. Mga international crimes ang nahawakan ng ICC. Genocide, war crimes, war of aggression at crimes against humanity.
20:12.0
Sa klase pa lang ng mga kaso na yan, marami ang pagpatay. Ibig sabihin hindi ganoon kadali. Kasi ang nire-reklamo sa ICC, mga dating leaders ng istado at gobyerno, madali mo ba yan? Madali mo ba ang kasuhan ng dating leaders, head of state at head of government? Hindi madali yun.
20:35.0
Mabuti kung nagko-cooperate ang gobyerno ng bansa o katulad sa Pilipinas, dini-delay nyo, hindi kayo nagko-cooperate, talagang hindi madali ang mga ginagawa ng ICC. Unang-una ang kasong nililitis nila, hindi mga ordinary ang kaso.
20:50.0
Mga international crimes, crimes against humanity, genocide, war crimes, crimes of aggression, hindi yan madaling litisin kasi matitinding mga kaso yan.
21:05.0
Pangalawa ang mga nire-reklamo doon, mga leaders ng iba't ibang mga bansa na nakagawa ng mga karumaldumal na krimen sa mundo. Hindi madali yun. Saka mabuti kung pagkinasuhan ang leader ng bansa o Pilipinas, nagko-cooperate ang gobyerno.
21:23.0
Kung hindi o tulad ngayon, hindi naman nagko-cooperate, dini-delay nyo, hinaharangan nyo ang administration ni Marcos, hindi rin nagko-cooperate, paano mapapabilis yan?
21:36.0
Saka pangalawa, Roke, yung mga sinasabi mong na-convict dito sa Pilipinas sa kaso ng mga pagpatay sa war on drugs, ilan lang ang nasintensyahan? Yung mga polis na pumatay kay Kian de los Santos ay 25,000-30,000 ang tinatayang namatay sa war on drugs.
21:56.0
O ngayon, ilan lang bang naparusahan? Ilan lang ba yung gumugulong ang investigasyon? 60 lang yatang kaso. At mga pipitugin pang mga polis yun, hindi naman mga matataas na opisyal ng gobyerno.
22:13.0
Ganyan Roke, napaka-subra na ang pagkatuta mo kay Duterte. Anyway mga ka-bunyog, alam ko nasusupa kayo pag nakikita niyo ang picture ni Roke pero hindi ko maiwasang hindi mag-comment sa pinagsasabi niya.
22:34.0
Anyway mga ka-bunyog, medyo maiksilang itong talakayan natin. Pakishare nito sa ating mga kababayan, sa inyong mga kakilala, kaibigan, mga ka-bunyog. Mabuhay po tayo!
23:04.0
Bunyog! Bunyog! Bunyog!