Close
 


ANG MAHIWAGANG ILOG NG EUFRATES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANO NGA BA ANG MGA TUNOG NA DOON AY NAIRERECORD? SAMA SAMA ANTING ALAMIN MGA KATINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 05:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga katinagalog ko, ipaliliwanag ko sa inyo kung bakit sa dami ng ilog sa mundo, ang ilog na ito ay ang isa sa pinaka-importante na malaman nyo
00:11.0
at ano nga ba ang mga mahiwagang tunog na doon ay naririnig.
00:15.8
Sa Biblia, apat na po atatlong ilog ang nabanggit.
00:19.3
Isa na dito ay ang ilog ng Jordan, kung saan bininyagan ang tagapagligtas ng sangkatauhan.
00:25.6
Ang ilog ng Nile, kung saan naman ipinaanod ng ina nito itong Simoeses.
00:30.7
Ito ay upang mailigtas sa tiyak niya na kamatayan.
00:34.5
Lahat sila ay importante sa nakaganapan sa sangkatauhan.
00:38.9
Ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang ilog na tinatawag nila na ang ilog na Euphrates.
00:45.6
Ito ay dahil minsan nang mag-research ako, mga katinagalog ko,
00:49.8
nakita ko na may kakaibang tunog na doon ay nare-record na mamaya ay iparirinig at ipakikita ko rin naman sa inyo.
00:57.9
Pero bago yun, mga katinagalog ko, ipaliliwanag ko po muna kung bakit napaka-importante ng ilog na ito sa sangkatauhan.
01:05.9
Ito ay ang naitala na ang pinakamahabang ilog sa gitnang silangan.
01:10.5
Ito ay may haba na 2,735 na kilometro.
01:16.0
Ayon sa banal na kasulatan, ang ilog ng Euphrates ay ang naghahati sa Hardin ng Eden mula sa ibang lugar.
01:24.4
Ang ilog na ring ito ay ang naghahati sa lupa na ibinigay ng Panginoon para kay Abraham.
01:30.9
Ito rin ang ilog kung saan itinatag ni Nimrod ang paniniwala ng mga taga-Babylonian
01:37.3
kung saan hinamon nila ang Panginoong Ama na ito ay papantayan nila.
01:42.1
Kaya naman itinayo nila ang Torre Nimabel.
01:45.0
Ito naman ang ilog ng taong 2020 at ito na ang ilog ngayong 2021.
01:50.5
Ayon sa propesya sa banal na kasulatan,
01:53.3
higit dalawang libong taon na ang nakararaan na sa pagkatuyo ng ilog na ito
01:58.8
ay magmamartsya ang dalawang daang milyong sundalo mula sa silangan.
02:04.1
Sa panahon na isinulat ito ng apostol na si John ay wala pa naman sa dalawang daang milyon ang tao sa buong mundo.
02:12.4
Ngunit ganoon pa man ay isinulat pa rin niya ang propesyang ito.
02:16.6
Ayon sa Revelation 16 v. 12,
02:20.5
At ibinuhos ng ikaanim ang kanyang mangkok sa malaking ilog na Euphrates
02:26.8
at natuyo ang tubig nito upang maghanda ng daanan ng mga hari mula sa sikatan ng araw.
02:34.9
Sa dami ng bansa, malamang may hinala na kayo kung anong bansa ang tinutukoy sa kasulatan ito.
02:41.2
Aling bansa sa silangan ba ang may kakayahan na magkaroon ng dalawang daang milyon na hukbo?
02:47.5
Kung sa tingin ninyo ay nakakatakot na ang propesyang ito,
02:51.0
ay mas may lalala pa sa sasabihin ng sunod na Biblia.
02:55.3
Sa oras na matuyo ang ilog na ito ay makakawala ang apat sa mga nagtaksil na anghel na doon ay nakakadena.
03:03.7
Ang mga anghel na ito ay naghanda sa oras, araw at maging libulibong mga taon
03:10.3
para sa sandaling sila ay makalaya at makalabas na sa kanikanilang mga tanikala.
03:16.9
Papaslangin nila ang one-third ng mga tao sa buong mundo.
03:21.7
Kung napapaisip kayo kung sinong mga anghel ang tinutukoy sa revelation na ito,
03:27.1
ay malamang maaalala nyo ang kwento na ibinahagi ko.
03:30.8
Nang makita ng mga anghel ang ganda ng mga mortal na tao, ay nakipagniiga sila dito.
03:37.6
Kaya naman isinilang ang mga higanting lahi, o tinatawag nila na mga Nephilim.
03:43.4
Sa galit ng Panginoon ay pinabahan ito sa kalupaan ng apatnapung araw at apatnapung mga gabi.
03:50.9
Nang malinis na ang kalupaan sa lahi ng mga makakasala ng mga anghel,
03:55.7
ay pinarosahan ito ang mga suwail at sila ay nilagyan ng tanikala.
04:00.7
At sa kailaliman ng ilog ng Euphrates ay nagsilbi na tila ba ang kulunga nila at ngayon nanatoyo ito.
04:09.5
Saka naman naririnig na ang mga kakaibang ingay na ibabahagi ko naman sa inyo mga katinagalog ko.
04:39.5
Tila ba pareho ito sa mga kakaibang ingay na naririnig na rin sa ibang panig ng mundo?
04:59.5
Mga katinagalog ko, ang simbolo ng ilog na ito ay ang mga mga mga panig.
05:05.8
Mga katinagalog ko, ang simbolo ng ilog na ito ay tila ba parang harang para sa sangkatauhan?
05:12.8
Ano po ba sa tingin ninyo ang usaping ito mga katinagalog ko?
05:16.8
Naniniwala po ba kayo sa propesya na nakasaada sa banal na Biblia?
05:21.8
Isulat po ang inyong saluubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito naman po ay ating basahi.
05:28.8
Mga katinagalog ko maraming salamat po sa magsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.