Close
 


NASAWI ANG HARI NG COBRA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANO ANG KINAHINATNAN NG MGA HARIN NG COBRA SAMA SAMA NATING ALAMIN MGA AKTINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 04:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isa siya na italang pinakamakamandag na aha sa buong mundo ay matatagpuan dito sa atin sa Pilipinas.
00:06.5
Ito ay ang Naha filifilmesis o mas kilal naman sa katawagan na ang Philippine Spitting Cobra.
00:13.7
Madalas na matatagpuan ito sa kahilagaang bahagi ng Pilipinas.
00:18.0
Di tulad ng normal na cobra na kinakailangang malapitan na matuklaw,
00:23.0
ang uri na matatagpuan dito sa atin ay kayang mandura ng kamandag sa layong halos sampung talampakan.
00:31.3
Ayon sa pag-aaral na 30 minuto lamang ang kinakailangan ng kamandag ng kobrang ito upang kumitil na ng buhay ng isang tao.
00:41.5
Ngunit ganun pa man, may mga tao na hindi alintana ang mga nasabing panganib na ito.
00:47.2
Isa na dito ay ang tinagurian na ang hari ng kobra na si Elise Lentorio.
00:52.9
Siya ay tubong sorsugon, 15 taong gulang pa lamang itong si Elise.
00:57.8
Ay sinasabing nahilig na ito sa pagkaalaga ng mga makamandag na mga ahas,
01:03.2
lalong lalo na ang Philippine Spitting Cobra.
01:06.2
Kaya naman sa tuwing may mga ahas na mapapadpad sa bahay ng kanyang mga kapitbahay,
01:12.0
ay itong si Elise agad ang kanilang tinatakbuhan.
01:15.7
Kaya naman kalaunan nakuha nito ang bansag na ang hari ng kobra at maging ang Snake Whisperer.
01:23.3
Isang araw ayon sa mga saksi ay inilagay nitong si Elise ang isa sa kanyang kobrang ahas sa lalagyanan ng kanyang motor.
01:32.3
Nang makarating ito sa pupuntahan ay agad nitong binuksan ang kanyang u-box.
01:37.8
Doon bigla na lamang siyang natinuklaw ng kanyang mismong alagang ahas.
01:43.0
Sa galit nito ay ginilitan niya ang kobra at saka ininom ang dugo ng sariling alaga.
01:50.0
Hindi na ito humingi pa ng tulong sa mga kamag-anaka niya.
01:53.8
Sa halip, nahihiloman ay bumalik at natulog na lamang ito sa kanilang tahanan.
01:59.6
Ngunit hindi pa man nagtatagal sa pagkakahimbing,
02:03.1
napansin agad ng mga anak nito na bumubula na ang bibig ng kanilang padre de familia.
02:09.4
At ang katawan nito ay tila ba naninigas na?
02:12.8
Dalian itong dinalah ng kanyang mga kamag-anakan sa ospital.
02:16.9
Ngunit huli na ang lahat at hindi na ito maisasalba pa.
02:21.0
Lumaba sa embestigasyon na ang buntot ng kobra ay naipit
02:25.2
nang buksan nitong si Elise ang u-box ng motor niya.
02:28.7
Kaya lamang siya ay natuklaw ng mismong ahas na inaalagaan niya.
02:34.0
Ayon naman sa mga naiwang kamag-anak ng Cobra King
02:37.3
na mahirap na paniwalaan ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay.
02:41.8
Ito ay dahil makailang beses na daw na ito ay natuklaw
02:45.8
ngunit wala namang masamang nangyari dito.
02:48.7
Dagdag nila na marahil napuruhan daw ito sa pag-inom ng dugo ng kanyang alagang kobra.
02:55.7
Buhay din ang naging kabayaran ng isa pang Cobra King
02:58.8
ayon mismo kay Bernardo Alvarez na 62 taong gulang at tubong pangkasinan.
03:05.9
Siya raw ay hindi tinatablan ng kamandag ng Philippine Cobra.
03:10.9
July 9 ng taong 2021 napagpasyahan itong si Bernardo
03:15.9
na magpakitang gilas sa mga natatakot niya na manunood
03:19.9
habang nakapalibot ito sa kanya at minamasdan ang pakikipaglaro sa alaga nito na cobra.
03:27.1
Nang akmang hahalikan niya na ito ay bigla na lamang siyang tinuklaw sa kanyang dila.
03:32.3
Sa gulat ni Bernardo ay bumagsak itong agad at naghihihiyaw sa sakit.
03:37.6
Agad itong dinala sa paggamutan ngunit dahil sa kamandag ay wala na itong malay
03:43.1
at nanigas na ang buong katawan niya.
03:45.9
Hindi na nakayanan pang isalba ng mga espesyalista na gagamot sana sa kanya.
03:51.6
Mga katinagalag ko, sana po ay nagsilbing aral ito sa lahat
03:55.8
na kahit na anong klase ng pag-aalaga pa ang gawin sa isang hayop na lagalag
04:01.3
o yung tinatawag nila na mga wild ay hindi po ito basta basta mapapaamo.
04:06.6
Dahil po, likas na sa mga ito na maging agresibo.
04:10.2
Kasama po ito sa natural nila na depensa sa sarili nila.
04:14.1
Hindi po dapat sila na itinatago bilang mga alaga.
04:18.2
Mga katinagalag ko, anong hayop ba ang kinatatakutan nyo at bakit?
04:22.4
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim
04:25.8
upang sama-sama na ito ay ating basahin.
04:28.8
Mga katinagalag ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.