Close
 


WAITING SHED | Kwentong Aswang | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
WAITING SHED | Kwentong Aswang | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 27:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI THERROR
00:17.0
Mapagpalang araw sa inyo, Sir Seth.
00:21.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Christina.
00:24.0
Isa sa mga masugid na taga-pakinig na mga kwentong katatakutan.
00:30.0
Ako po ay tubong Ilocos.
00:33.0
Pero noong siyam na taong gulang ako ay lumipat kami ng Isla ng Panay.
00:38.0
Noong nasa 14 anos naman ako, bumalik kami sa Ilocos.
00:44.0
Pero noong labing walong taong gulang ako, bumalik ulit kami sa Isla ng Panay.
00:49.0
Sa madaling salita, Luzon at Visayas ang tirahan ng aking mga magulang.
00:56.0
Hanggang sa nagdesisyon na rin ako noon na manatili na lamang muna sa may Visayas,
01:01.0
lalo na kapag umaalis sila nanay at tatay.
01:05.0
Hindi ko na po sasabihin ang trabaho nila pero legal po ito, Sir Seth.
01:11.0
Kaya naman ako nagdesisyon noon na doon tumira.
01:14.0
Para sa akin ay mas open ang mga kamag-anak namin naroon.
01:17.0
Mas nakakaliwaliw ako at nakakahinga.
01:21.0
Yung mga kaanak kasi namin sa Ilocos, bawat galaw mo, bantay sarado.
01:27.0
Para bang may CCTV kahit saanda ko.
01:30.0
Uubo ka lang, alam na ng buong barangay yun.
01:34.0
Ganon.
01:37.0
Bali noong mga panahon na mangyari ito ay tapos na ako sa aking pag-aaral.
01:42.0
Hinihintay ko na lamang na makuha sa mga kamag-anak.
01:45.0
Hinihintay ko na lamang na makuha ang mga records ko bago makapag-apply ng trabaho.
01:51.0
At dahil dito, Sir Seth ay binilan ako ng aking mga magulang na motorsiklo na automatic lang.
01:57.0
Bilang regalo.
01:59.0
Wave lamang po yung tatak ng motor na yun.
02:03.0
Yung purpose nito ay para makatulong muna ako kina lolo at lola
02:08.0
at sa mga tita ko sa pag-aatid sundo sa mga nakakabata kong pinsan.
02:12.0
Minsan ay utusan ako na mamili o kaangkas sila lola.
02:19.0
May nobyo na rin po ako noong mga panahon na ito.
02:23.0
Legal kami at siyang nagturo sa aking magmotor.
02:27.0
May trabaho naman ito noon kaya hindi din kami madalas magkita.
02:32.0
Dahil din sa totok ako sa pag-aaral mula nung lumipat ako doon.
02:36.0
Kumute lamang ako palagi nung wala pa akong motor.
02:39.0
Hindi ko masasabi na magalain akong tao.
02:43.0
Kung kagalaman kagaya ng piyesta o mga handaan ng mga kaklase,
02:48.0
lagi akong may kasama.
02:50.0
At minsan ay kung may kaya ang mag-iimita, may sasakyan.
02:57.0
Sobali ayon nga.
03:00.0
Tuwing umaga at hapon,
03:02.0
atid sundo ko ang nakababata kong pinsan na nag-aaral sa kolehyo.
03:06.0
Limang bayan mula sa amin ang paaralan na ito.
03:10.0
Pero dahil sa hindi kami sa main road dumadaan ay mabilis lamang ang biyahe.
03:16.0
Ito yung kalsada na may kalakihan rin naman.
03:20.0
Nadadaanan ang mga inaangkat ng mga produkto,
03:23.0
pero yung mga pampasaherong sasakyan maliban sa tricycle ay hindi dinadaanan ito.
03:31.0
Dito din madalas dumadaan ng bansa.
03:33.0
Dito din madalas dumadaan ang mga habal o kolorum kong tawagin.
03:38.0
Yung mga umiiwas sa mga LTO na humaharang sa pinaka main road.
03:45.0
Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko din noon.
03:49.0
Naisip na siguro ay sa paiba-ibang panahon ng init at ulan, kaya nagkakaganon ako.
03:55.0
Maayos naman yung BP ko, hindi naman ako nilalagnat.
03:59.0
Kaya dinadaan ko na lamang sa pagkain na marami at nawawala naman ito.
04:06.0
Isang particular na hapon noon,
04:09.0
makabandang alas 5 nang umalis na ulit ako para sunduin ang pinsan ko.
04:15.0
Nasa kalahating oras din ang aking babaibayan bago makarating doon.
04:22.0
Sa kalagitnaan ng biyahe, ayon na naman.
04:25.0
Bigla na lamang umitimang ulap at nagbabadya ang ulan.
04:30.0
Del sa kabisado ko naman ng kalsada sabi ko,
04:33.0
huwag sana muna, wala akong dalang kapote.
04:37.0
Kahit umabot lamang ako sa isang waiting shed bago umulan.
04:42.0
Sumakto namang tanaw ko na yung waiting shed noon,
04:45.0
nang biglang bagsak ang malakas at mabigat na ulan.
04:50.0
Dali-dali ko namang dinala ang kapote,
04:52.0
papasok sa waiting shed.
04:55.0
Kasya naman ito doon.
04:58.0
Sa likod ng waiting shed na ito, medyo magubat.
05:02.0
Dikit-dikit ang mga kawayan.
05:05.0
Yung tipong hindi mo tanaw yung nasa loob.
05:09.0
Mga inabot ata ng labing limang minuto bago tumila.
05:14.0
So, talagang padilim na noon.
05:17.0
Pinatila ko pa ng konti,
05:19.0
ang ulan noon, bago ko susungin.
05:23.0
Nang walang ano-ano,
05:26.0
pinagpawisan na lamang ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.
05:32.0
Sobrang naging kakaiba ang pakiramdam ko na yun, Sir Seth.
05:36.0
Gawa ng kani-kanina lang ay napakalamig ng hangin.
05:42.0
Yung waiting shed din naman ay may bintana sa likuran.
05:45.0
Dahil sa hindi na kalakasan ng hangin at ulan,
05:48.0
napansin ko na kalmado na lahat ng puno sa paligid.
05:53.0
Maliban sa iilang kawayan na
05:56.0
yuyuko-yuyuko noon.
05:58.0
Aangat.
06:00.0
Yuyuko.
06:02.0
Na nakaharap sa bubungan ng waiting shed.
06:06.0
Yung parang may kung anong mabigat doon.
06:10.0
Kakalimutan ko na,
06:11.0
kung anong mabigat doon.
06:15.0
Kakaiba talaga ang paglondo ng kawayan.
06:18.0
Andoon na rin yung pakiramdam na akala mo
06:21.0
may nakatingin sa'yo.
06:24.0
Kaya naman noong makakita ako ng isang motor na pasalubong sa'kin,
06:28.0
pinaandar ko na ang motor ko at sumaktong pagkadaan nila sa waiting shed.
06:33.0
Pinatakbo ko na rin yung motor ko na ito,
06:35.0
padiretsya sa bayan kung saan nag-aaral ang pinsan ko.
06:41.0
Hindi ko mabilis na pinatakbo yun kasi madulas ang daan,
06:46.0
tapos hindi din naman kalakihan ang makina ng motor.
06:51.0
Habang papalayo ako doon sa may waiting shed,
06:55.0
bigla na lang akong nakarinig ng napakalakas na ingay.
07:00.0
Paulit-ulit na tunog ng kakak.
07:06.0
Tapos paghampas ng malakas na hangin,
07:09.0
pati na rin ang malakas na pagtunog ng kawayan na nagbabanggaan.
07:13.0
Sabi ko, ano yun?
07:17.0
Pamilyar naman ako sa aswang pero magka ala 6 pa lang yun Sir Seth.
07:22.0
Napakaaga naman kako.
07:24.0
Sa pagkakataon nito ay tuloy-tuloy lamang ako sa biyahe.
07:29.0
Ang kapansin-pansin pa na dumagdag talaga sa takot ko
07:33.0
ay yung biglang pagkawalaan ng mga sasakyan sa paligid.
07:38.0
Wala naman ng ulan at dapat mga ganong oras,
07:42.0
dapat nga ay marami na akong nakakasalubong at nakakasabayan
07:47.0
dahil hindi lamang naman ako ang nag-aaral.
07:50.0
Sa mga eskwelahan na dumadaan sa kalsadang yun.
07:56.0
Dumami na lamang din bigla ang mga tao nang paparating ako sa isang bayan.
08:01.0
Pero pagkalagpas ko, nagsiwalaan na naman.
08:06.0
Madilim na madilim na.
08:09.0
Binagalan ko palalo yung takbo ko para sana ay maabutan ako ng kung sino man.
08:13.0
Miwala akong cellphone para magkabalitaan ang pinsan ko.
08:20.0
Nung wala na masyadong kabahayan,
08:23.0
narinig ko na naman ang tunog ng kakak.
08:27.0
Kabado na ako nun.
08:30.0
Tapos bukod sa pagaspas ay may naririnig pa kong
08:34.0
maihahalin tulad sa tunog ng pagbagsak ng ulan.
08:37.0
Pero walang ulan. Wala pa.
08:43.0
Sinubukan kong tumingin sa may side view mirror ko.
08:47.0
Pero dapat talaga hindi, diba?
08:51.0
Kumaga kung natatakot ka, yun yung rules na dapat ay hindi ka tumingin doon.
08:57.0
Nakirius lamang din ako talaga kung anong meron.
09:00.0
Pero laking gulat at pagtatak ako, Sir Seth.
09:06.0
Wala akong makita sa likod.
09:10.0
May mga streetlights na magkakalayuman ay nakakapagbigay pa rin ng mga liwanag sa daan na yun.
09:17.0
Pero ang hindi ko maintindihan
09:20.0
ay kapag lumalagpas na ako sa streetlights na nalilingon na ako sa streetlights,
09:25.0
ay kapag lumalagpas na ako sa streetlights na nalilingon na ako sa side mirror,
09:31.0
sobrang itim na yung nakikita ko na parabang may nakaharang sa taas nito.
09:39.0
Hindi ko alam kung namamaligno lamang ako noon o ano pero
09:44.0
nagsimula na akong maglasal.
09:47.0
Agad kong kinapkap yung rosario na nakasabit sa handle ng motor.
09:51.0
Makalipas lamang ang ilang minuto,
09:54.0
ay meron na akong nakitang kasalubong ulit na sa sakyan noon.
09:59.0
Medyo gumaan ang pakiramdam ko,
10:02.0
lalo na pagtingin ko sa rearview mirror
10:05.0
ay naaaninag ko na rin ang liwanag na dala ng mga poste.
10:10.0
Pero makalipas lamang ang ilang minuto pa,
10:14.0
pagkalagpas ko na naman sa isang bayan ay bigla na namang umulan.
10:18.0
Napamura na ako noon.
10:21.0
May naalala pa akong isang waiting shed sa bandangunahan pero
10:25.0
siguradong mababasa na ako.
10:29.0
Sabi ko,
10:31.0
bahala na.
10:34.0
Dinaluhong ko na lamang ang lakas ng ulan na yun,
10:37.0
at ang kinaganda naman ng waiting shed na ito ay tanaw na tanaw mo ang susunod na barangay.
10:43.0
Nakapagitan lamang ang waiting shed na ito,
10:45.0
nakapagitan lamang ang waiting shed at barangay sa isang tulay.
10:51.0
Pagkarating ko doon,
10:53.0
wala na namang kung sinong sumilong kaya
10:56.0
dumeretsyo na ako ng motor ko pa loob dito.
11:02.0
Habang nagpapatila,
11:04.0
medyo nawala ang kaba ko noon.
11:07.0
Nakakakita na ako ng mga bahay na may ilaw.
11:10.0
May mga tao sa kabilang tulay na naglalakad.
11:13.0
Mga bata.
11:16.0
Nakatitig lamang ako doon kaya nagulat ako ng
11:20.0
pagharap ko sa kabilang kalsada.
11:23.0
Merong nakatayong matandang babae.
11:27.0
Nakatitig ito sa akin habang
11:30.0
nagpapayong ng malaking dahon ng gabi.
11:34.0
Ang unang pagkakaalala ko ay nakatayo lamang siya sa kabila pero
11:38.0
lumingat lamang ako saglit.
11:40.0
At pagbalik ko ng tingin ko sa kanya.
11:44.0
Nasa tapat ko na ito.
11:47.0
Ilang metro sa labas ng waiting shed.
11:51.0
Gumiti ito at pagkapasok sa waiting shed
11:54.0
ay saka na ibinaba ang dahon ng gabi
11:57.0
at yung bitbit nitong sako.
12:00.0
Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin, Sir Seth.
12:05.0
Nagsalita ito ng
12:06.0
Basang basa ka na, Iha.
12:09.0
Saan ka mapapunta?
12:11.0
Makakasama sa'yo yan.
12:14.0
Gumiti na lamang ako pabalik at sinabi nga
12:17.0
ang susunduin ko ang pinsan ko.
12:21.0
Literal na madilim na madilim na noon.
12:24.0
Bukas ang motor ko para magamit ko yung headlight.
12:28.0
Habang nagpapatila kami doon ay
12:31.0
may napapansin ako sa kanya.
12:33.0
Masilip-silip ito sa labas ng waiting shed na
12:36.0
tila ba may binabantayan.
12:40.0
Akala ko nga ay baka naghihintay lamang din ang sundo pero
12:44.0
yung paulit-ulit niyang pagtingala sa taas
12:48.0
ang medyo nakaagaw talaga ng pansin ko.
12:52.0
Alam ko namang naghahantay rin siya na tunghila ang ulan.
12:55.0
Pero hindi mo naman ata kailangang libutin ang paningin mo sa kanya.
12:59.0
Lalo na sa mga kapunuan, diba?
13:03.0
Walang ano-ano ay lumapit ito sa akin at bumulong.
13:08.0
Ia!
13:10.0
Ayos ka lang ba?
13:12.0
Gusto mo bang sumama muna sa akin?
13:15.0
Basang-basa ka na.
13:17.0
May anak kaming babae na kasing katawan mo rin.
13:20.0
Manghiram ka muna ng damit.
13:22.0
Diyan lang ako nakatira.
13:24.0
Siyempre ako, Sir Seth. Inisip ko naman talagang tumanggi.
13:28.0
Sino ba naman yung oo na lamang bigla, diba?
13:31.0
Tsaka sanayan lang yan.
13:34.0
May pagkakataon talaga na basa tayo sa ulan.
13:39.0
Iha!
13:41.0
Sumama ka muna sa akin.
13:43.0
Diyan lang ako nakatira. Sige na!
13:46.0
Iha!
13:48.0
Sumama ka muna sa akin.
13:50.0
Diyan lang ako nakatira. Sige na! Sasaglit ka lang sa bahay.
13:56.0
Sa pangalawang pagkakataon, tumanggi ako.
14:01.0
Kahit na maulan, tumayo na ang matanda kahit na walang imig.
14:07.0
Yung kaninang mga dala niya na kaya niyang buhatin,
14:11.0
pinaramdam niya sa akin na parang bigat na bigat siya.
14:15.0
Tapos ay nag-a-aplos ng likod na akala mo,
14:17.0
nasasaktan o nananakit.
14:20.0
Binitawan nito ang mga bitbit at muling lumingon sa akin,
14:24.0
sabay-sabing,
14:26.0
magkano ibabayad ko iha kapag hinatid mo ako sa amin?
14:30.0
Mabilisan lang,
14:32.0
kahit ibaba mo lamang ako sa tarangkahan namin at
14:35.0
maibaba ang mga gamit kong mabibigat.
14:40.0
Sa pagkakataon na ito,
14:42.0
ewan ko ba,
14:44.0
siguro,
14:45.0
magkahalong inis o awa.
14:47.0
At nang sinabi niya namang tarangkahan lang ay umuon na lamang ako.
14:52.0
Tatandaan ko na lamang ang mga dadaanan kung sakaling kailangan kong humingi ng tulong.
14:57.0
At mukha namang magkakalapit ang bahay doon sa baranggay na tinuro ng matandang to.
15:06.0
Pagkarating namin doon,
15:08.0
laking gulat ko ng
15:10.0
kaya naman pala niyang bitbitin ang sako.
15:12.0
Malakas niya akong kinapitan sa braso at hinataknon.
15:16.0
Napakalakas ng matanda.
15:19.0
At hindi na rin ako nakapalag nang tuluyan niya akong hatakin papasok ng bahay niya.
15:25.0
Gagawa na sana ako ng eksena nang sabihan ako ng matanda na
15:29.0
huwag maingay.
15:31.0
Hindi ko daw ba alam na may sumusunod sa akin.
15:36.0
Pinaupo niya ako sa kanya at
15:38.0
pagkatapos ay inabutan ng tuwalya at magpunas sumano ako.
15:45.0
Siya si Aling Belen.
15:47.0
Galing umano siya sa gubat sa kabilang kalsada at nangangalkal ng kamote at bunga ng gabi noon.
15:54.0
Sa kalayuan palamang ay napapansin niya na umano ako.
15:58.0
At sa swerte ko, Sir Seth,
16:01.0
si Aling Belen ay nangangalkal ng kamote at bunga ng gabi noon.
16:04.0
At sa swerte ko, Sir Seth, si Aling Belen ay may kakayahang makakita ng mga hindi natural na nilalang.
16:13.0
Pati na ang kanyang anak.
16:15.0
Kakaiba ang kakayahan ni Aling Belen.
16:18.0
Kapag daw may hindi pang karaniwang bagay itong nakikita sa gabi,
16:23.0
ay tila ba maliwanag ang tingin niya sa paligid.
16:28.0
Dahil sa bagal ng takbo ko,
16:29.0
nakita niyang may dalawang malapad na paniki umano,
16:34.0
ang nakalutang sa hangin at nakadipa na sinusunda ng pagtakbo ko.
16:40.0
Hindi ka panipaniwala pero,
16:43.0
nung naaalala ko yung mga anino o dilim na nakaharang sa side mirror ko,
16:49.0
posible.
16:51.0
Ang tanong, bakit nila ako sinusunda?
16:55.0
At hindi daw ba ako nagtataka?
16:59.0
Parang ang bagal ko umanong makarating sa pupuntahan ko.
17:05.0
Nang huminto nga ako sa waiting shed,
17:08.0
ay hindi na niya pinuno ang laman ng sako.
17:11.0
Napansin niya kasing ang dalawang nilalang na ito ay bigla na lamang lumihis sa gilid ng kalsada
17:18.0
at sumampa sa tig-isang puno ng ipil-ipil.
17:21.0
Ang plano pa nga lang sana ni Aling Belen ay bantayan lamang ako.
17:26.0
Pero nang mapansin niyang bumaba ang mga ito sa puno ay bigla-bigla siyang tumawid.
17:32.0
At yun na nga,
17:34.0
pinapalitan ako ng damit ni Aling Belen.
17:37.0
Itim na damit.
17:39.0
Ibalik ko na lamang daw yun kapag nakadaan ulit ako doon.
17:43.0
Bukod pa dito,
17:45.0
pinasuksukan niya ako ng luya sa may bulsa,
17:48.0
tsaka asin.
17:49.0
Nilagyan niya rin ng rosaryo sa leeg ko.
17:53.0
Meron din siyang pinakoskos na langis na amoy esensyal sa bawat parte ng katawan ko na merong pulso,
18:00.0
pati sa singet at kilikili noon.
18:03.0
Doon daw kasi sumisingaw ang samyo ng tao.
18:07.0
Malamang sa malamang,
18:09.0
may samyo silang hinahabol sakin noon.
18:13.0
Wala naman ng ibang samyo ang nakakahalina sa mga aswang.
18:16.0
Kundi samyo ng isang malapit ng mamatay o may sakit.
18:22.0
At samyo ng isang buntis.
18:25.0
Siyempre, napareak ako.
18:28.0
Paano diba?
18:30.0
Paano ako na buntis?
18:32.0
Denial pa kumbaga pero dahil sa takot ay sinunod ko na lamang ito.
18:36.0
Tsaka ang gaan ang pakiramdam ko noon, sir.
18:39.0
Pero siyempre, kabado pa rin ako kung sakaling buntis man ako.
18:42.0
Pinasabay ako ni Aling Belen sa kanyang pamangkin.
18:46.0
Nagpasalamat ako at sinabihan niya ako na mas maiging sa main road na lamang kami dumaan
18:51.0
na daanan ng mga pampasaherong sasakyan kung sakali man.
18:54.0
Pero mas matagal kasi kung dadaan kami doon.
18:59.0
Nang makarating sa bayan kung saan ang paaralan,
19:02.0
ay nagpasalamat ako sa pamangkin ni Aling Belen.
19:06.0
Mag alas 7.
19:07.0
Nakita ko ang pinsan ko na matyagang naghihintay doon sa plaza sa tabi ng school.
19:12.0
Humingi naman ako ng tawad.
19:14.0
Ayos lamang umano.
19:17.0
Ikinwento ko sa kanya ang lahat.
19:20.0
Lalaki itong pinsan ko.
19:22.0
Pero imbis na dumaan nga kami sa kalsada ng mga pampasahero,
19:27.0
bumalik kami doon sir Seth.
19:29.0
Siya na lamang umano ang magmamano.
19:31.0
Tatlong beses kaming namatayan ng makina doon.
19:37.0
Tapos sobrang dilim na talaga pero ang pinagkaiba lang
19:42.0
ay marami-raming dumadaan na mga motor na noon.
19:46.0
Sabi ng pinsan ko ay baka lamang may isyo sa spark plug pero
19:50.0
parang iba yung pakiramdam ko sir Seth.
19:53.0
Mayroon naman ang mga pampasahero.
19:55.0
Sa tatlong beses kasi na namatayan kami ng sasakyan.
20:01.0
May nakikita akong isang malaking itim na aso na patawid-tawid sa kalsada.
20:08.0
Hindi siya lumalapit sa amin pero titingin nito.
20:12.0
Tatawid.
20:14.0
Titingin.
20:16.0
Tsaka malayo din ang pagitan ng pinaghihintuan namin kaya
20:20.0
lumalapit sa amin.
20:21.0
Tsaka malayo din ang pagitan ng pinaghihintuan namin kaya
20:25.0
napaka-imposibling makahabol ito.
20:29.0
Bayan din ang pagitan sir Seth.
20:33.0
Ang panghuling namatayan kami ng makina.
20:36.0
Bago kami umalis ay napansin ko yung aso sa kapilang kalsada.
20:41.0
Lung paangkas na ulit ako sa pinsan ko.
20:45.0
Umupo ito doon.
20:46.0
Napaka-weirdo ng upo niya na para bang hindi upo ng isang aso.
20:53.0
At magamat hindi gaano kamaliwanag at hindi ko naman masasabing malinaw kung nakikita.
21:00.0
Para bang nakangiti ito sakin.
21:07.0
Pagkauwi ay naikwento ko ito sa tita ko.
21:10.0
Pinagalitan pa kami kung bakit hindi na lamang kami sa pampaseherong kalsada dumaan.
21:16.0
Kaso mas mabilis lang talaga doon sa likod sir Seth.
21:20.0
Hindi ko na rin nabanggit sa tiyahin ko na makabuntis ako.
21:24.0
Umuwi na lamang ako sa bahay pagkatapos nun.
21:28.0
Magkatabi lang naman ang bahay namin.
21:32.0
Alam mo sir Seth, mag-aapunan pa sana ako nun.
21:36.0
Sabi ng tita ko ay may ulam daw na babalikan ko na lang sa kanila.
21:42.0
Ang nasa isip ko nun ay magbibihis lamang ako tapos magsasahing na.
21:47.0
Pero pagkatapos kong magbihis at umigal ang saglit, parang napakabigat na ng katawan ko.
21:54.0
Yung hindi ka na makabangon.
21:57.0
Hindi ko na nga napatay yung ibang ilaw noon sir Seth.
22:01.0
Tapos ayun na, bumagsak na ako.
22:04.0
Maya maya pa, nakaramdam na ako na may humahatak sa akin at boses ito ng sumisigaw.
22:13.0
Pero noong mga panahon na yun ay naninigas pa rin ako at hindi makagalaw.
22:18.0
Pero nararamdaman ko na niyuyugyog ako.
22:22.0
Una, boses lamang ng babae.
22:26.0
Pero alam kong boses ng tiyahin ko yun.
22:28.0
Hanggang sa nakarinig na ako ulit ng sigawan ng ibang mga lalaki pagkatapos.
22:34.0
Nagkalabugan sa loob ng bahay.
22:37.0
Narinig ko na may mga nahulog na kaldero sa kusina.
22:42.0
Siguro, mga tatlong minuto pa bago ako nakadilat,
22:47.0
nakita ko si tita na nagtatanong kung okay lamang ba ko.
22:52.0
Pagbangon ko.
22:53.0
Yung likod ko mula bewang hanggang puson.
22:58.0
Sobrang sakit.
23:00.0
Tapos para akong nadudumi na ano.
23:03.0
Pilit akong pinaupo ni tita at inaapoy na rin ako ng lagnat.
23:08.0
Pinainom ako ng tubig at ng gamot.
23:11.0
Ramdam ko din ang init ng katawan ko na
23:14.0
kahit na sobrang lamig ng hangin na dumadaan sa bintana namin bukas
23:18.0
pero hindi ako nakatapos.
23:19.0
Kahit na sobrang lamig ng hangin na dumadaan sa bintana namin bukas pero may rehas.
23:24.0
Pero, parang hindi dumidikit sa balat ko yan.
23:30.0
Ayon kay tita.
23:32.0
Nanonood lamang daw siya ng TV.
23:35.0
Yung TV nila,
23:37.0
kaharap noon yung bintana na tanaw yung bahay namin,
23:40.0
lalo na yung parting pinto ng kusina.
23:42.0
Hindi ko nalak ang kusina noon kasi nga nakatulog ako kaagad.
23:48.0
Tinatanaw-tanaw ako ni tita gawa ng inaalam niya kung kukunin ko na yung ulam o yung kaldero.
23:55.0
Tapos,
23:57.0
meron daw siyang nakitang aso na mahaba yung mga paa.
24:02.0
Medyo may pagka malaki o mano yung ulo na uwirdo yung paglalakad noon.
24:06.0
Noong una ay sumilip ito sa bintana kung saan ako banda.
24:11.0
As in sa laki niya, sir Seth, ay hindi na siya sumampa.
24:15.0
Sumilip lang.
24:17.0
Edy si tita takang taka noon.
24:20.0
Natulala lamang siya doon sa bintana pero,
24:23.0
noong bigla na lamang itong tumigil sa tapat ng pintuan
24:27.0
at nakita ni titang binuksan niya ang pintu na parang may sariling pag-iisip.
24:33.0
Dito na siya tumayo at pinagkakatok ang mga anak at si tito para sundan siya.
24:39.0
Noon ang tumakbo si tita.
24:41.0
Dala lamang yung pangharang niya sa pintuan.
24:46.0
Nang pasukin niya ako,
24:48.0
nakita niya ang nilalang na ito na nakatayo lamang sa harap ko habang nakatitig.
24:55.0
Hindi na ito tayong aso kundi tayong tao na.
25:00.0
Marayla hindi siya makalapit gawa ng nahubad ko man ng itim na damit na bigay ni Aling Belen.
25:07.0
Hindi ko naman inalis ang rosario sa may leeg ko.
25:12.0
Sinubukan itong hambalusin ni tita at tinamaan niya ito.
25:16.0
Umatras ito at siya namang hatak ni tita sa akin noon.
25:20.0
Yun ang parte na ginigising niya ako.
25:23.0
At nang sumigaw si tita na aswang,
25:25.0
sumunod na sila tito at mga pinsan kong lalakay na may dalang pamalo at itak.
25:31.0
At kitang kita nila tita at ng kanyang pamangkin
25:35.0
kung paano ito tumalun sa may espasyo ng kusina na may lagayan na mga pinggan at kaldero.
25:44.0
Nasira niya yung pader na gawa sa manipis na kawayan doon.
25:48.0
Nagpagulong-gulong umanom,
25:50.0
at umikot sa gilid ng bahay nila tita na hinabol naman ng mga kaanap niya.
25:56.0
Tapos ay tumalun ito sa kanal at mabilis na gumapang hanggang sa makatalon naman sa kabilang parte ng irigasyon.
26:06.0
Hindi na po nagdalawang isip sila na pagamot ako.
26:09.0
Sinabihan lamang na dapat ay may kasama ako sa bahay at laging nakaitim.
26:13.0
Magpausok ng goma sa gabi kahit yung konti lamang nausok.
26:19.0
At igit sa lahat, magpatingin umano ako sa doktor na siyong ginawa ko.
26:26.0
At ay nga sir, nakabuo ang paglalandi ko sa nobyo ko.
26:31.0
Pinanindingan naman niya ako siyempre,
26:34.0
pero hindi agad pumayag ang mga magulang ko ng magulang ko.
26:37.0
Inaway pa siya ni tatay at sabi kapag hindi kami nagpakasalagad agad,
26:43.0
hindi daw makikita ng nobyo ko yung magiging anak namin.
26:47.0
E di ayun, instant kasal.
26:51.0
Sa mga panahong wala ang mga magulang ko at ang nuoy-asawa ko na dahil sa trabaho,
26:57.0
doon ako kila tita na tutulog.
27:00.0
At mayroon,
27:01.0
madalas din naming pausokan ang bahay hanggang sa manganak nga ako ng maayos noon.
27:07.0
At alam niyo sir Seth,
27:09.0
ang kinuha kong ninang ay ang anak ni Aling Belen.
27:17.0
Hanggang dito na lamang sir Seth,
27:20.0
at maraming maraming salamat kung sakaling mabasa mo,
27:24.0
ang kwentong nito.