Close
 


LAPID FIRE NI ROY MABASA: SINO ANG NAGSAYAW NG MALA-LAMBADA SA JAPAN? (First Part) Feb. 10, 2023
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
LAPID FIRE NI ROY MABASA: SINO ANG NAGSAYAW NG MALA-LAMBADA SA JAPAN? (First Part) Feb. 10, 2023 *LAPID FIRE NI ROY MABASA on FB Live: 10pm-11pm
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 36:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi po mga kaibigan. Ngayon po ay araw ng biyernes, ikasampu ng Pebrero 2023.
00:16.0
Muling sumasa inyo ang programang Lapid Fire ni Kapersi Lapid na inyong napapakinggan tuwing lunes hanggang biyernes,
00:23.0
ganap na alas 10 hanggang alas 11 ng gabi dito po sa himpilang DWBL 1242 sa inyo pong talapihin.
00:32.0
Ito po si Roy Mabasa na humalili kay Kapersi at upang isulong ang kanyang palatuntunan at programang Lapid Fire na tumatalakay po sa mga mahalagang isyo ng bayan na ating pag-uulog.
01:01.0
Natin pong pag-uusapan sa kabuuan ng ating pagtatanghal.
01:31.0
Ito po si Roy Mabasa.
01:33.0
Magandang gabi po mga kaibigan, tayo po ay nagbabalik sa ating programang Lapid Fire.
02:02.0
At ngayong gabi po ay tatalakay tayo muli ng mga mahalagang isyo na inaakala natin na makapagbibigay information o informasyon sa inyo.
02:13.0
At bago po tayo tumuloy dyan mga kaibigan, natatandaan niyo po ba iyong sayaw na lambada?
02:23.0
So kung kayo ay nabuhay noong siguro mga 80s ito, late 80s mga kaibigan, ay alam niyo iyong sayaw na lambada. Medyo sexy yan.
02:37.0
Pero mamaya na natin pag-uusapan yan sapagkat yan iyong pangalawang paksain natin natatalakayin sa gabing ito.
02:47.0
Pupunta muna tayo dito sa medyo mas seryoso ng kaunti. Kasi kaninang hapon lang ito nabasa natin sa balita na nagtalaga na pala itong si Pangulong Bongbong Marcos,
03:04.0
ng bagong komisyoner sa Bureau of Customs. Ang pangalan ng tao na kanyang in-appoint ay isang nag-angalang Bienvenido Rubio.
03:19.0
So pinalitan nitong si Rubio itong si Yogi Ruiz. Ang nangyayari kasi dito, isa-isa na pong sinusuyod at winawalis nitong si The Junior,
03:36.0
yung mga opisyales ng pamahalaan na naunang iniluklok nung kanyang dating Executive Secretary. Natatandaan niyo ba yan? Yung kalauna sinibak niya yung nuknukan ng yabang na si Vic Rodriguez.
03:52.0
So ito kasing si Vic Rodriguez ay nag-iwan ng napakalaking problema kay Marcos The Junior. Alam niyo marami siyang in-appoint. Marami umanong in-appoint dito.
04:08.0
Ang in-appoint dito sa pagkakadinig ko mayigit isang libo. Ang in-appoint dito na karamihan doon mga kaibigan ay hindi umanong kwalifikado, tispalinghado o kaya may mga dungis sa pagkatao.
04:25.0
Nakuha niyo mga kaibigan. So ang nangyayari, hindi pa nakaupo itong si BBM nung natatandaan ko mga June last year. Hindi pa ito nakaupo.
04:38.0
Sinalubong na kagad ito ng mga alingas-ngas, katakot-takot na alingas-ngas tungkol sa umano'y bilihan ng pwesto mga kaibigan o bentahan ng pwesto. May sinisil ng umano'y P30M, may sa LTO sumingaw yan.
04:59.0
Hindi naman nila nasagot ng tuwiran yan na may umanong nangihingi ng P100M kapalit ng posisyon sa LTO.
05:09.0
Kaya nga hindi rin nagtagal itong si Vic Rodriguez mga kaibigan. Tinanggal nga ni BBM. Pero dito tayo sa pinag-uusapan natin. Tingnan nyo kung nung sinibak si Rodriguez, naglaho bigla ang mga kwento ng bentahan sa pwesto. Kasabay niyang naglaho. Anong ibig sabihin noon?
05:32.0
E di kung titignan mo face value, sila ang may daladala noon. Anyway, hindi pa natin gaano nakikilatis itong bagong Customs Commissioner. Pero magbibigay na tayo ng red flag agad dito kay Pangulong de Jr. sa pagkakahirang niya dito kay Rubio.
05:59.0
So sasabihin nyo ibang aga-aga mo. Bakit nga ba? Bakit natin nire-red flag ito?
06:29.0
So diyan po sa Bureau of Customs yan. 2021 yan ang sinasabi sa ulat. Naging bahagi rin ito ng Manila International Container Port Customs Intelligence and Investigation Service.
06:52.0
Ito yung tinatawag sa Bureau of Customs na C-I-I-S. So siya ay naupuron noong 2012. So dahil pamilyar naman pala siya dyan sa Customs mga kaibigan, naganap tayo ng mapapagtanungan.
07:08.0
Ito naman nag-urirat lang tayo sapagkat masyadong manipis yung background. Isa lang ang pinatutunayan nito na ito ay isang customs insider. So nagtanong-tanong tayo kanina hanggang may inakausap tayo na dati rin nagtrabaho dyan na nilbihan sa Bureau of Customs.
07:27.0
Tinanong ko, kilala mo ba ito? Alam mo ang sinagot sa akin mga kaibigan sa isang mensahe. Sabi niya, magmumukhang santo si Ruiz. Yun po yung pinalitan. Magmumukhang santo si Ruiz dyan sa appointment ni Rubio Nayan.
07:47.0
Yun po ang sinagot noong tinex ko. Di natin alam kung gaano silang magkakilala, balit itong pinagtanungan natin ay galing din po doon sa Bureau of Customs 4.
08:00.0
So kung totoo itong sinasabi sa atin, ngayon pa lang ang sinisisi ko na kagad. Biro mo, kauuupo pa lang nito, uuupo pa lang siguro bukas ito o sa lunes dahil magkakaroon ng formal turnover ceremony.
08:18.0
Ang sinisisi ko sa mga ganitong pagkakataon mga kaibigan ay yun pong proseso ng pagpili na ginagamit ng malakanyang. Ang tawag po dyan ay vetting system o vetting process na ginagawa ng kada-administrasyon sa mga itinatalaga nila sa gobyerno.
08:39.0
Meron po dapat isang panel na nagbe-vet o nagche-check kung ano ang background ng mga taong ito bago nila iluklok o i-appoint.
08:49.0
So sa vetting kasi mga kaibigan, importante dyan na masala ang background ng mga aplikante at nominado upang matiyak na di mapapasok ng mga hinduropot ang gobyerno gaya ng nangyari sa nakaraang administrasyon ni Duterte.
09:11.0
Nagkalat ang mga hinduropot mga kaibigan. Nung nakaraan kung sino-sinong mga reteradong sundalo ang ipinaglalagay dyan sa Bureau of Customs, ang panamang mga pangalan na sumikat dahil sa pakikipaglaban kuno sa korupsyon noong panahon ni Aling Gloria.
09:37.0
May mga kudeta noon, sino mga nagkukudeta noon? Si Pael doon, si Danny Lim, hindi po ba? Yan po mga yan, pawang mga naupo sa Bureau of Customs ang mga yan.
09:51.0
Yan ang nasabi na lang natin pagkatapos, pakuku pa sila noon, ay mga korup din pala. Hindi po ba? So di ba sumabit din itong mga ito, yung ilan dyan, sumabit din doon sa kung ano-anong anomalya? Kabilang na po ang pagpupuslit ng droga kung natatandaan nyo.
10:14.0
Itong kinikwento natin hindi pa naman katagalan nito mga itong mga kaibigan. Ang pinag-uusapan lang natin, ilang taon pa lang ang nakakalipas. Kaya't sigurado kung natatandaan nyo yan.
10:25.0
May kasabihan nga dyan sa Bureau of Customs kung kayo ay mapupuntar yan. May mga kasabihan sila dyan. Kahit Anya Angel ang italaga dyan sa Bureau of Customs, kalaunan po ay nagiging demonyo din.
10:48.0
Yan ang kasabihan dyan sa loob ng Bureau of Customs. Talagang ako nagmamasid lang tayo sa labas pero tingin ko nga ganun ang kalagayan ng bureau na yan. Parang ang hirap nang linisin. Siguro kailangan yan itaktak mo from the top.
11:07.0
Itataktak mo siyang ganun para mawala lahat at papalitan, bubuwin mo na ng panibago. Yun lang ang nakikita kong solusyon dyan. Kahit nga pogi o magandang lalaki ang nilagay mo dyan, paglabas nito magmumukang demonyo mga kaibigan.
11:24.0
Dahil bakit siya magmumukang demonyo? Nasobrahan sa kaswapangan sa salapi. Alam niyo, minsan naniniwala ako sa ganyan. Yung ganyang klase ng pag-iisip na kapag tinitignan mo yung isang tao at gumagawa ng masama, nagre-reflect po sa kanyang muka.
11:46.0
Yung budhi ng tao nagre-reflect sa muka. Kaya kung walang nga yung tao, ang unang titignan mo yung pagmumuka, tignan mo yung mata. Tignan mo na diretso sa mata mga kaibigan. Dahil yun po ang pintuan ng kanyang taluluwa.
12:02.0
So nung panahon ni Aling Gloria, nagtalaga ito ng isang Customs Commissioner na matino. Of all presidents, si Aling Gloria ay minsang nagtalaga ng matinong Bureau of Customs Commissioner.
12:27.0
Hindi ko nababanggitin ang pangalan, kayo nang mag-research sa pagkat itong ikikwento ko ay medyo sensitibo ng konti sa aming dalawa sa pagkat kakilala ko itong mabuti.
12:39.0
Hindi ko nababanggitin ang pangalan pero ito ay kilala talaga na isang marangal sa kanyang profesyon bilang isang magaling na corporate lawyer.
12:57.0
Napakarelayyoso at higit sa lahat mga kaibigan, mapagkawang gawa itong kaisa-isang in-appoint na ito na matino noong panahon po ni Aling Gloria.
13:12.0
Alam nyo ito, kwento lang ito. By the way, bago ko ikwento ng buo ito, itong tao nga pala na ito ay isa rin bar top natcher mga kaibigan. Kaya hindi nating kayang minusin, hindi lamang yung kanyang kakayahan kung hindi yung kanyang pagkatao bilang isang napakatinong tao maayos, malumanay magsalta, magalang.
13:34.0
Alam nyo, bibihira na ang mga ganong klaseng tao sa lipunan natin ngayon. So minsan po, tinawagan ako nito, itong abogado na ito. Siya po ay na-appoint na, tinawagan ako.
13:50.0
Sabi niya sa akin, iniimbitahan sana kita na magpasyal dito sa aking tanggapan sabi niya. Kung ano dahil hindi niya nasinabi sa telepono, basta ako pumunta sa kanyang tanggapan dyan po sa port area.
14:04.0
Dumiretso ako sa opisina ng kumisyoner, nandun siya nag-aantay. Alam nyo ito ang mga panahon na laganap ang issue ng smuggling dyan po sa Bureau of Customs.
14:22.0
Pagpasok ko sa opisina niya, sinabihan niya ako na samahan mo ko kanya at kakausapin ko itong mga district collectors ko.
14:36.0
Sabi niya at sa isang pulong sasabihan ko sila, pakiusap ko lang sa iyo, sabi niya, maupo ka lang sa likod ko, mag-observe ka lang, hindi ka magsasalita, hindi kita ipakikilala, sasabihin ko lang na bisita kita.
14:52.0
Pumasok kami sabay sa conference room. Mahaba ang lamesa at alam nyo ilang district ba meron sa buong Pilipinas. Lahat ng distrito sa buong Pilipinas ng ports ay represented sa meeting na yun na ang kumisyoner na binabanggit ko ang nagpe-preside.
15:12.0
So ang problema nga nila ay laganap ang smuggling sa buong Pilipinas na inireklamo po ng iba't ibang business groups at mga foreign chambers.
15:26.0
So sinabihan ako ni kumisyoner na maupo ka sa likod ko, sabi niya. So doon sa meeting, albay nagulat ako mga kaibigan, derechahan sinabihan ni kumisyoner yung kanyang mga port collectors na sabi niya kung pwede, pwede bang unahin muna natin ang pangungulekta ng buwis na papasok directly sa kaban ng gobyerno?
15:55.0
Bago ninyo unahin kung ano-ano mang pansariling aktibidad ang gusto ninyo? Sabi niya, unahin muna natin ang bayan. Alam nyo nag-hitla ako. Sabi ko, holy cow!
16:12.0
Sabi ko, totoo bang nasa loob ako ng Bureau of Customs? Hindi po ako makapaniwala na nadidinig ko yung gano'ng pananilta. Parang tinitignan ko, sabi niya, observahan ko.
16:27.0
So inobserbahan ko ang mga pagmumukha ng district collectors mga kaibigan. Parang mga maamong tupa. Isa-isa naman silang nanghako na pagbubutihin nila ang pangungulekta ng buwis, parang mga maamong tupa yung itsura ng mga mukha mga kaibigan habang isa-isa silang hinihingan ng commitment ng kumisyoner.
16:56.0
So ang hindi nila alam mga kaibigan, bago pa man sila nakipag-meeting ay palihim na nagtalaga si kumisyoner ng mga intelligence agents.
17:12.0
Naglagay siya ng mga tik-tik sa lahat ng ports sa buong bansa para po-obserbahan kung ano ang magiging kaganapan matapos yung meeting. Isipin ninyo mga kaibigan, gano'n ka-strategic mag-isip yung kumisyoner.
17:30.0
Dahil meron siya, sinasabi niya sa akin na wala siyang tiwala doon sa kanyang environment sa Bureau of Customs. Kaya gano'n ang ginawa niya. Eto talagang itong sasabihin ko sa inyo, one for the book ito at only in the Philippines mga kaibigan.
17:49.0
Pagkatapos po ng meeting, dinala ako ni kumisyoner doon sa loob ng kanyang tanggapan. Sabi niya sa akin, wag ka muna umalis Roy sabi niya kasi samahan mo ko at imu-monitor natin ang gagawin nitong mga ito pag labas nila dyan sa pintuan ko.
18:11.0
Titignan natin kung may effect yung sinabi ko o wala mga kaibigan. Sabi niya maghantay ka lang kahit mga 30 minutes magkape muna tayo dito.
18:22.0
So habang umihigo kami ng napakainit na kape mga kaibigan, alam niyo, habang umihigo ko dyan, siguro wala pang mga 15 minutos o 20 minutos mga kaibigan, may tumawag na sa kanya. Meron na siyang natanggap na ulat kagad na meron na umanong mga kargamento na lumalabas sa ilang mga puerto.
18:49.0
Ito po, ilan dito ay mga palusot at di anya nagbabayad ng buwis. Ganoon po kabilis mga kaibigan dyan sa Bureau of Customs.
19:01.0
Ito, abogado, matino, diretsahan makipag-usap, paglabas, inulit na naman ang kanilang ginagawang baluktot, mga kaibigan, yung mga nakawan. So parang bumagsak ang muka ng Commissioner.
19:19.0
Sabi niya sa akin, ang hirap dito sa posisyon na ito Roy, parang hindi ko kaya magtagal dito. Pag ganito ang klase ng mga tao, nakahlubilo mo araw-araw.
19:34.0
So makalipas po ang ilang linggo, muli na naman tumabag si Commissioner sa akin sa telepono at nagsabi sa akin, ang boses niya medyo malungkot.
19:49.0
Sabi niya, Roy, nagbabalak na niya akong mag-resign sana kasi hindi ko na makayanan ang bulok na sistema at pressure na aking natatanggap araw-araw.
20:05.0
Halos ganyan ang dialogue na sinabi niya sa akin nung kami magkausap sa telepono. So alam niyo kung ano ang dahilan o isa sa mga dahilan.
20:19.0
Tinawagan daw siya ng Pangulo at pagalit siyang inutusan na hulihin ang mga parating na kargamento may kinalaman sa isang naghangalang Vicky the Finger o Vicky dahil lalaki.
20:43.0
So mga kaibigan, itong si Vicky at ang kanyang kapatid kasi ang mga kaibigan ay ilang beses na din na dawit ang mga pangalan nila sa mga smuggling activities noong panahon ni Aling Gloria.
21:03.0
So ang sagot ni Commissioner, yes ma'am sabi niya. Parang sagot ng isang pagpapakita na siya isang mabuting sundalo. Sabi niya yes ma'am.
21:16.0
Ayan ang sagot niya nung kinausap siya. Sabi niya nga, we have to be a good soldier sabi niya. Eto na po. Matapos niyang ipahuli yung mga kargamento ni Vicky the Finger o the Toe, muling nag-ring ng sunod-sunod yung kanyang telepono mga kaibigan.
21:41.0
Palagay ko yung ibang nakikinig dito ay nahuhulaan na kung saan patungo yung kwento ko. Hindi po ba? Pero sa mga hindi, hayaan ninyo at ikikwento ko sa inyo ng buong buo.
22:12.0
So nandoon na nga tayo mga kaibigan. Pinapahuli yung ng Pangulo yung si Vicky the Finger o Vicky the Toe. So sabi nung Commissioner, opo ma'am sabi niya.
22:27.0
Nung hinuli niya na, eto na nag-ring ng nag-ring yung telepono niya. Medyo may idea na siya kung sino ang nasa kabilang kawad ng telepono mga kaibigan. Pero medyo atubili pa siya na sagutin.
22:43.0
Kasi may pakiramdam siya na may kinalaman nito dun sa kanyang hinuli. Eto ngayon, napilitan siya saguti dahil nahihiya siya. Sinagot niya, good afternoon po sabi niya ganoon.
23:00.0
Yung nasa kabilang kawad sabi, Commissioner baka naman pwedeng pakawalan mo na ang kargamento ni Vicky. Sagot ko na yan. Yan daw sabi nung nasa kabilang kawad ng telepono mga kaibigan.
23:20.0
Yung tumatawag tinanong ko, na-curious ako sa kwento niya. Sabi ko, Commissioner sino ba yung tumatawag sa iyo? Sabi niya, itatago nalang din natin sa pangalang taba sabi niya.
23:37.0
Ah sabi ko, alam ko na. Anyway, sabi niya ganoon. Nahilo talaga si Commissioner mga kaibigan. Biro ninyo, tumawag yung Pangulo, sabi hulihin. Dung hinuli niya, tumawag naman si Taba.
23:51.0
Sabi niya Taba, pakawalan mo. Talagang nahilo si Commissioner mga kaibigan. Kulang nalang uminom ng bonamin.
24:16.0
So derechahan, dahil prangka ito si Commissioner at wala naman siyang stake dyan. Niligay ninyo ako rito, akala ko lilinisin natin. So nililinis natin.
24:29.0
Sabi niya, prangka niya si Taba. Sabi niya, ito po kasi inutos ng Pangulo. Ipinahuli po niya yung kargamento niya ni Vicky. So ang nangyari parang naipit si Commissioner sa pagitan ng isang kama.
24:47.0
Mga kaibigan, di po ba? So yan nga sinabi niya, ginawa niya at tinapat niya. Ipinahuli po niya ni Presidente.
25:01.0
Niiisip ngayon ni Commissioner, parang hindi ko na kaya yata ito. Sinabi niya, ito sa Pangulo, ang pag-uusap nila ni Taba. At sinabi na rin niya sa Pangulo na gusto niya nang magbitiw sa kanyang tungkulin dahil hindi niya raw kaya yung ganitong klaseng pressure.
25:24.0
Yung ganitong klaseng kalakaran, di po ba mga kaibigan? Doon nyo malalaman kung gano'ng katino itong tao na ito. Kung ibang Commissioner yan ng Constance kagaya ng mga sunod-sunod na naupo dyan, susunggaban lahat ang pagkakataon ng ganyang mga opportunity.
25:44.0
Anong Presidente? Tumawag na nga si Taba. Di po ba maraming nagsiyaman dyan dahil sa ganyan mga kaibigan? Kumakapit sa politika. Yan ang kalakaran sa Bureau of Customs.
25:59.0
Yung paglalagay dyan ay napakahirap na desisyon. Gaya nung sinasabi ko sa inyo itong nakarang administrasyon. Biru nyo ang mga pangalanong inaakala na ito ang magigiting na mga sundalo ay nababoy lamang dahil sa sistema dyan.
26:19.0
Hindi nila mahindian ang kaway ng tukso, ang kaway ng mga salapi. Bilyon-bilyon, milyon-milyon mga kaibigan ang dumadaan dyan sa lahat ng puwerto para lang payagan na makapag-smuggling ang kung sino-sino.
26:36.0
So liliwanagin lang natin na nag-resign itong si Commissioner dahil po sa prinsipyo at hindi kagaya ng iba na tinanggal o kunwari ay nag-resign dahil dahil lang sa sumabog ang issue ng korupsyo.
27:06.0
Ginagarantian ko sa inyo na malinis na tao itong Commissioner na nag-resign. Kaya taas na ito kahit saan natin makita, bumalik na lang sa private sector at matapos ang maikling pagseserbisyo sa gobyerno.
27:35.0
Kahit pa nung ito nasa gobyerno, ilang beses tayo na imbitahan nito. Hindi lang sa kanyang tanggapan kung hindi sa iba-ibang mga aktividad. In fact wala naman akong interest sa mga ganito, ang kanyang ginagawa.
27:50.0
Inimbitahan niya ako na lumahok sa mga social services na kanyang palihim na ginagawa gaya ng pagpapagawa ng mga bahay para po sa mahihirap nating mga kababayan.
28:05.0
Mariosep mga kaibigan, ako ang nahihiya sa sarili ko. Pag tinatawagan niya ako sinasabi niyang, Roy sumama ka dito para makita mo kung sino itong mga tinutulong namin. Sabi niya namin.
28:20.0
At may mga kasama rin siyang ibang mga pribadong tao na gumagawa ng ganun. Sinama niya ako doon mismo sa mga construction sites. Naghahanap sila ng relocation at pag nakakita sila ay nagpapagawa sila ng daan-daang bahay doon pa bahay.
28:36.0
Maliliit lang ito, kudrado, parang kahon. Pero ito ay malaking kaluwagan sa mga mahihirap nating kababayan. Isipin ninyo iyon. So nakakalungkot na sa mga panahon na ito parang wala na tayong ganyan.
28:52.0
Ganyang uri ng mga tagapaglingkod o mga nilalang sa hanay po ng mga public servants dito sa ating bahay.
29:22.0
Anyway, kanina'y nabanggit natin iyong lambada. Anong year ba yan? Nakalimutan ko kung anong year yan na usa mga kaibigan.
29:36.0
Giliw na giliw ako dyan kapag napapanood ko. Speaking of Aling Gloria, nasan ba si Aling Gloria ngayon? Ito ay sa aking pagkakalam ito ay kasalukuyang nasa Tokyo.
29:58.0
Siya po ay bahagi yata ng delegasyon o yung working visit ni President de Junior dyan po sa Japan. So hindi nyo ba napunan na ito si Aling Gloria ay kasama na ata ito sa lahat na ginagawang gallivanting o pamamasyan ni de Junior at mga kasama nila?
30:25.0
Ito na lang muna tayo kay Aling Gloria. Pasan-pasan ng gastos ni Juan de la Cruz sa tuwing sumasama ito. Hindi po ba? Alam naman siya magbayad sa sarili niya.
30:40.0
E siya ay deputy speaker ba ito ng House of Congress? Yung lower house? Akala ko ba may tama sa leeg ito? Hindi po ba? Bakit panayampasyal nito?
31:01.0
Siguro nakakita ito ng gamot. Ang ang tawa dun sa gamot nito mga kaibigan ay anti-yelo. Nawala na daw kasi sa puder ang mga dilawan kaya gumanda na ang kanyang pakiramdam.
31:31.0
Di ba yung iniinda niyang sakit sa nakaraang mga taon lalo na nung bakasuan ito ng graft and corruption sa panahon po ni Noy Noy Aquino? Di ba doon nagsimula yung may iniinda siya?
31:47.0
Pero teka ha mga kaibigan, ito magugulat kayo. Ano itong nakarating sa inyong lingkod mula po sa isa nating marites na nandyan sa Japan ngayon?
32:07.0
Sabi nito ayon dun sa nakakita mga kaibigan ng kanyang medyo, itong ilalarawan ko lang itong nakakita ng kaibigan natin para baka sabihin nyo ito iniimbento ko lang eh.
32:22.0
Hindi naman ho tayo mahilig mag-imbento. Ayon sa nakita ng kanyang medyo singkit na dalawang mata, sabi nitong ating marites, tila sabi niya, tila magaling na magaling na umano itong si aling Gloria.
32:39.0
Magaling na magaling na daw. Sabi ko, magaling saan? Sabi niya, magaling pala itong magsayaw. Ha? Sabi ko, ano ibig mo sabihin?
32:52.0
Alam nyo mga kaibigan, naispatan daw umano ng ating marites itong si aling Gloria habang ito ay sumasayaw sa salyo ng tugtuging malalambada.
33:10.0
Nagyuyugyugan sa isang five-star hotel diyan po sa Tokyo kagabi.
33:35.0
Ayon sa nakakita mga kaibigan, aliw na aliw umano si aling Gloria sa pagsasayaw nang siya ay hataki ng isa pang umano'y party rin ng delegasyon ni The Junior para sumayaw sa gitna ng dance floor.
33:55.0
O, sabi ko, akala ko ba talaga may sakit diyan? Sabi nung kausap natin, baka naman naturo ka ng pangpamanhid, sabi sa akin ganun.
34:06.0
Sabi ko, oo nga no, pangpamanhid para wala nang maramdaman sa kabila ng mga problemang katakot-takot na kinakaharap po ng ating bansa.
34:21.0
Lalong-lalo na sa kahirapan, kakulangan ng sapat na pagkain sa hapagkainan, kawalan ng maayos na programang pangkalusugan at edukasyon, at ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
34:36.0
Pero, hayon po si Aling Gloria, na dating Pangulo, na ngayon ay dating Speaker, at ngayon ay Deputy Speaker, pasayaw-sayaw ng Lambada.
35:06.0
Well, okay na rin sana eh. Alam nyo, okay na rin sana na magparty-party ito pong si Aling Gloria.
35:20.0
Pero sana, kung dito na lang sana sa Pilipinas, huwag na dyan sa Japan, alam nyo kung bakit?
35:27.0
Eh nakakahiyana po ang Pilipinas sa Japan. Kinunyento ko na nga sa inyo kagabi, yun po ay isa lang sa mga kahihiyan na dinudulot ng Pilipinas sa Japan.
35:37.0
Eh alam na alam naman po ng mga Japon na naghihikahus ang ating bansa.
35:44.0
Hindi ba meron naman silang embahada dito, nandito ang kanilang jayka, nandito ang kanilang ginagawang mga projects para paunlarin o pataasin ang kalidad ng buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
36:03.0
Pero ayun si Aling Gloria, palamba-lambada pa. Nagagawa niya pang maglambada mga kaibigan.
36:10.0
So, hindi ba kaya nandoon sa Japan itong ating pangulong da-junior ay para mangutang tapos mababalitaan ng mga Japon na maglalambada lang pala yung kanyang part ng delegation na si Aling Gloria.
36:40.0
Thank you for watching!