Close
 


MAGKAPATID NA ASWANG (Patak Ng Kalamansi 1) | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAGKAPATID NA ASWANG (Patak Ng Kalamansi 1) | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 29:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI THERROR
00:17.0
Mapagpalang araw sa inyo Sir Seth
00:20.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Milo
00:23.0
Meron akong tatlong kwento tungkol sa epekto ng kalamansi
00:30.0
Pangontra sa mga aswang
00:33.0
Sana magustuhan nyo
00:38.0
Una, isa ito sa mga kwentong hindi ko makakalimutan na karanasan ng aking nakakatandang kapatid
00:47.0
Dekada noventa ito nangyari, early nineties
00:53.0
Mga taong hindi pa ako nagawa ng aking mga magulang
00:58.0
Sa madaling salita ay malaki ang agwat ng edad namin ng kuya ko
01:04.0
Unexpected baby kasi ako Sir Seth
01:07.0
Hindi nila alam na makakabuo pa sila
01:11.0
Sinubukan lang tapos ayon, bali na buo ako
01:14.0
Nakatira sila noon sa isang lugar sa Negros
01:18.0
Ang aking kuya Tony ay isa sa mga mensajero o delivery guys sa lugar namin
01:25.0
Hindi siya literal na nagtatrabaho sa post office pero tatlong beses siya sa isang linggo bumabiyahi
01:32.0
Sabit sa mga sasakyan at barko o bangka
01:36.0
At nakakarating sa kabilang mga isla
01:38.0
Yung mga isla na ito, Guimaras, Iloilo at kung saan saan pa
01:45.0
Bali yung mga may papabili, mga papadalang sulat o papasuyo para makarating sa kanilang mga kaanak sa kabilang ibayo
01:53.0
Yun yung trabaho niya
01:56.0
Kilala si kuya kaya sa kanya pinapasuyo at syempre may bayad ito
02:01.0
Mga sinuunang lalamob o pasabay kumbaga
02:08.0
Isang araw umanunon, habang nasa Bacolod si kuya
02:14.0
May isang matanda na lumapit sa kanya
02:17.0
Meron itong daladalang papel na sa tingin ni kuya, sulat
02:23.0
Lagdunan siya sa isang mga mga isla
02:26.0
Nagpakilala naman ito sa kanya at sinabi nga ng matanda na naghahanap siya ng pwedeng magdala ng sulat niya sa kanyang anak sa kabilang isla
02:36.0
Tinanong niya rin si kuya kung kailan niya ito muling makikita sa lugar na yon
02:42.0
Dahil hihintayin niya ito kung sakali mang may reply o may sagot ang kanyang anak na tatlong buwan na umanong hindi umuwi
02:50.0
Nangako naman ang aking kuya na ipapadala niya ito
02:55.0
At siguro, nasa dalawang linggo siya bago ulit bumalik dun sa may isang bayan na yon sa Bacolod, kung nasaan ang matanda
03:05.0
Ayun na, lumayag na ang aking kuya
03:10.0
Madagdag ko lamang sir, na sumasabay po si kuya sa mga kakilala niyang trabaho
03:15.0
na mga nag-aangkat. Tumutulong si kuya sa kanila pero at the same time ay bumaba-baba din sa mga lugar na pagdadalahan niya ng mga sulat
03:25.0
o kahit anong ipapadala. At humahabol na lamang siya sa sasakyan kung minsan, hinahantay naman siya
03:34.0
Kumikita din siya dun kasi parang trabaho na ekstra din kumbaga
03:38.0
Pati mga kasama niya sa pag-aangkat ay may kanya-kanya ding sideline o side hassle kung tawagin
03:47.0
Noong mga panahon na yon, hinuli ni kuya ang sulat na ibinigay ng matanda sa kadahilan ng unang-una
03:56.0
Hindi ito sa bayan o sa mga barangay na dinadaanan sa bayan na ka-adress
04:00.0
Hindi niya rin suki ang matanda at sa pagkakaalam niya sa adress na yon, na nasa hiwalay na isla, ay medyo luba nito
04:11.0
Hinuli niya yon, bali noong pabalik na sila ng negros ay nagpaiwan siya doon sa isla na yon
04:18.0
Hindi na rin siya inantay pa ng mga kasama kasi hindi na rin siya mag-aantay
04:23.0
kasi gagastos pa sila kung bababa silang lahat
04:30.0
Meron naman umanong sa sakyan ng tricycle pero hanggang main road lamang yon
04:36.0
Ibinaba si kuya sa mismong labas ng baryo at ang sabi pa ng tricycle driver
04:43.0
dumeretsyo umanong siya sa unang pangalawang bahay pagkapasok niya sa baryo na yon
04:48.0
Kilala niya umanong yung tao doon, dun siya magtanong, huwag sa iba
04:56.0
Agad naman itong sinunod ng kuya ko
05:00.0
Taupok! Taupok!
05:05.0
Tawag ni kuya na siyang rason kung bakit lumabas ang isang nasa 40 anyos na lalaki
05:11.0
Maamoy itong tingnan, maayos naman siyang sinalubong ng lalaki kasama yung dalawa niyang mababait na aso
05:20.0
Maya maya pa, lumabas ang isa pang lalaki na tingin ni kuya, kapatid nito
05:29.0
Nagtanong naman si kuya kung saan nga ba nakatira ang hinahanap niya sa sulat na yon
05:34.0
Tinuro naman ito ng lalaki nung nagnangalang mani
05:41.0
Nagpasalamat si kuya at humayo na ito sa paglalakad
05:46.0
Tipikal ang mga bahay dito, isang bahay, tapos dadaan ka sa kalsadang bakante ang lote at mapuno, tapos bahay ulit
05:56.0
Malalakad ang isang bahay, tapos dadaan ka sa kalsadang bakante ang lote at mapuno, tapos bahay ulit
06:02.0
Malalaman mo nalaman kung magkakamag-anak kapag magkakadikit ang tirahan
06:09.0
Binilang naman ni kuya ang mga kabayan at kung anong puno ang palatandaan na yon na ang bahay nang pagdadala niya ng sulat
06:18.0
Pagkatapos ay binigay na niya ang sulat na yon
06:22.0
Nagpasalamat ang lalaki, na bigla siya at wala siyang maiaabot sa kanyang ina na nagpadala
06:29.0
Kaya ang sabi ni Toy ay sabihin na lamang sa kanyang ina na pasensya na at bibisita siya sa unang linggo sa susunod na buwan
06:40.0
Bago umalis, nakiinom muna si kuya ng tubig non
06:46.0
Ah, Toy, alam mo ba kung paano makakalabas dito sa amin?
06:52.0
Tanong daw sa kanya ng lalaki na nanggangalang inggo
06:55.0
Umuo naman si kuya
06:59.0
Dederechayin ko lang naman yung daan, di ba nong? Wala naman akong nilikuan eh
07:05.0
Sagot ni kuya
07:07.0
Tumungo naman yung lalaking nito
07:10.0
Pagkatapos ang sabi nito, dere-derecho lamang siya
07:15.0
Tatandaan niya omano na wala siyang dapat nalikuan
07:19.0
Matapos non ay umalis na si kuya
07:23.0
Nagmumuni-muni pa omano si kuya habang naglalaka dahil maganda ang tanawin
07:29.0
Hindi kagaya ng pwesto ng bahay nila sa Negros na may nakatayo na daw non na isang pwestuhan ng mga sasakyan
07:38.0
Hanggang sa walang ano-ano, nakaamoy siya ng nilulutong pagkain
07:43.0
Napakabango omano yun, ayon kay kuya, na parabang pinaalala sa kanya na hindi pa siya kumakain
07:52.0
Hinuhula-hulaan pa ni kuya kung ano kaya ang lutong yun
07:56.0
Kasi yung bango nito, mahipag kaminudo, mitsyado, adobo, kaldereta
08:05.0
Na kahit anumang isiping ulam ng kuya
08:08.0
Parang swak na swak yung amoy sa bango nito
08:14.0
Nung mapatanong na siya sa sarili niya kung saang bahay kaya yun
08:18.0
Hindi naman siya nahirapang tanawin ang nag-iisang bahay na napapalibutan ng mga sari-saring puno na
08:27.0
Umuusok talagang halata mong may niluluto non
08:31.0
Hindi din alam ni Kuya kung ano kaya yun
08:34.0
Pero talagang napahinto siya noon, Sir Seth
08:39.0
Napatayo lamang siya sa tapat ng kubo na yun
08:43.0
At ayun na nga, lumabas sa pintuan ang dalawang matandang nanginyitingiti pa
08:50.0
Hindi sila tulad ng sa ibang kwento nyo na mahinahon tingnan
08:56.0
Sa dyang kakaiba daw silang nakabuka kang maglakad
08:59.0
Parang komang ubali ang mga payat na kamay
09:04.0
Puting-puti ang buhok at syempre, may pagka-morena ang kulay nila
09:11.0
Wala daw katinag-tinag si Kuya
09:14.0
At ni hindi man lamang siya pumalag nang bigla siyang hinawakan ng dalawang babaeng matanda na yun
09:21.0
At hindi lang papasok sa buhay
09:24.0
Hanggang sa tuluyan ng makapasok sa bahay
09:30.0
Namamanhid daw yung mga paa ni Kuya noon na parang siyang lasing at
09:35.0
Tila ba hindi siya makabitaw sa dalawang matanda na humihila sa kanya
09:41.0
Napaupo naman si Kuya sa mesa nila noon
09:46.0
Pagkatapos noon ay hinanguan ang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
09:51.0
Pagkatapos noon ay hinanguan agad siya ng pagkain
09:56.0
Sobrang bilis umano ng pangyayari na yun Sir Seth
10:01.0
Kasi hindi talaga alam ni Kuya kung paano siya sumunod doon sa may loob
10:07.0
Medyo nahimasmasan daw si Kuya matapos siyang tapikin ng isa sa mga yun
10:13.0
Tapos ay hawak-hawak na niya ang kutsyara
10:16.0
Unang tinikman ni Kuya yung sabaw dahil mainit-init pa yung nakikita niyang laman na kung hindi siya nagkakamali
10:26.0
Kaparehas ng karne ng baka
10:29.0
Tapos ay may malaking laki pang mga buto yun
10:33.0
Naka ilang higop si Kuya noon
10:36.0
Natanong niya pa kung wala itong bayad
10:40.0
Umiling naman ang dalawang matanda, sisinglin daw siya kapag hindi niya naubos yun
10:49.0
Ayon kay Kuya, yung sarap umano ng luto ay nanonoot at lasang lasa niya pa rin
10:57.0
Habang ikinikwento niya yung karanasan niya na yun
11:01.0
Hindi ito mamantika sa pagkakaalala niya
11:05.0
Gustong gusto niya umano talagang tikman ng karninuan
11:08.0
Kasi habang kinakalis niya dun sa buto ay napakalambot
11:13.0
Ang hindi niya maintindihan kung bakit nauna pang lumamig ng konti yung sabaw nito
11:22.0
Hinigop niya yung sabaw kasama ng kanin
11:27.0
Pero laking pasasalamat niya rin dahil bago pa man niya simulang kagatin ang parte ng putahin na yun
11:33.0
Ay bigla siyang nakarinig ng malakas na katok at kalabugan sa may pinto
11:40.0
Mula sa pagngiti ay biglang nagiba naman ang mood ng dalawang matandang babae na yun
11:47.0
Na para bang may umastorbo sa kanila
11:51.0
At galit na galit ang mga ito na nagtanong
11:55.0
Sino ba yan? May bisita kami
11:59.0
Hindi! Sinagot naman ito nang kumakatok
12:04.0
Yun bang bisita niyo? Binata na nagdala ng sulat dyan ka na ingo
12:10.0
Manang Stella! Tanong ng boses nun
12:14.0
Siguro nabusesan ng mga matanda ang nagsasalita
12:19.0
Sumagot pa sila na
12:22.0
Hindi! Hindi!
12:24.0
Pagkasabi daw noon ng matanda ay bigla na lamang may sumipa ng pintuan nila sa likuran
12:30.0
Nagulat sila nang pumasok doon ang kapatid ni Manny
12:34.0
Yung nakatira sa ikalawang bahay mula sa bukana
12:39.0
Walang hiya talaga kayong magkapatid no
12:42.0
Ang tatanda nyo na
12:44.0
Kaya maraming natatakot sa lugar natin eh
12:48.0
Wala na daw nagawa ang dalawang matanda kundi nangyari na nga
12:52.0
Magmura na lamang at dinuduro-duro ang kapatid ni Manny noon
12:57.0
Agad daw kinuha nito kay Kuya ang kutsara
13:00.0
Tapos ay pinagbuksan si Manny sa may tapat na pintuan
13:05.0
Pagbukas nito
13:07.0
Kasama nito si Ingo
13:09.0
Yung anak ng matanda ang pinagdalhan ng sulat ni Kuya
13:14.0
Hinatak nila si Kuya patayo
13:17.0
Sigaw pa ng sigaw ang isang matanda
13:19.0
na pinakain lang namin
13:22.0
Kayo nga, hindi nyo pinakain eh
13:25.0
Dumaan na sa inyo
13:27.0
Alatang nagugutom na yung tao
13:32.0
Dito na umano itinutok ni Manny ang kamay niya sa pagkain ni Kuya Tony
13:38.0
Pagkatapos ay may piniga siya dito
13:42.0
Pagkapatak pa lamang ng katas ng kalamansina yan
13:45.0
Yung usok at amoy ng pagkain ay bigla na lamang hindi naging kaaya-aya
13:52.0
Ayon pa kay Kuya
13:54.0
Ay hindi nga maabsorb ng ilong niya ang amoy na iyon
13:58.0
Ibang-iba sa kaninang amoy habang kinakain niya ito
14:04.0
Hindi kalaunan ay bigla na lamang itong nagsimulang magbula
14:09.0
At umabas ng isang isang isang isa
14:12.0
Itong nagsimulang magbula
14:15.0
At umapaw ang mamantikang kulay sa pagkain
14:19.0
At doon na rin unti-unting naramdaman ni Kuya
14:22.0
Na yung mga nahigop niyang sabaw
14:25.0
Ay bigla na lamang nagsebo sa lalamunan at bibig niya
14:30.0
Dahilan para hindi na niya malunok ng diretsyo ang laway nito
14:34.0
At kahit paggawin ni Kuya ay ayaw niya sa sobrang pandidiri noon
14:41.0
Nagwala noon si Manny sa loob
14:44.0
Tinapon niya lahat ng pagkain
14:47.0
Pati na yung nasa kaldero na mainit-init pa
14:50.0
Inaawat naman siya ng kapatid niya
14:54.0
Kadiri kayong magkapatid!
14:57.0
Pati yung sarili nyong kamag-anak at mga asawa nyo
15:01.0
Inulam nyo!
15:02.0
Sigaw ni Manny noon
15:06.0
Pag may nangyaring hindi maganda dito sa binatang to
15:10.0
Babalikan ko kayo
15:12.0
Hindi pa tayo tapos ah
15:15.0
Haanapin ko yung pinaglibingan nyo sa anak nyo
15:19.0
Tingnan natin kung buo pa yung katawan niya
15:22.0
Kakamatay lang na wala na kaagad yung katawan
15:25.0
Marami pa sanang sasabihin si Manny noon pero
15:29.0
Pinigilan na ito ng kapatid niya at Ningo
15:32.0
Kinuha na lamang nila si Kuya
15:35.0
Habang naglalakad nga ang mga ito
15:38.0
Ay paulit-ulit na tinatanong ni Manny si Kuya
15:41.0
Kung kaya niya bang isuka yun
15:44.0
Pinipilit naman ito ni Kuya hanggang siya
15:47.0
Wala nang nagawa si Manny kundi
15:50.0
Suksukin ang dalawang ito
15:52.0
Sa lalamunan ni Kuya Tony
15:55.0
Na siyang dahilan para talagang
15:58.0
Malabas niya ang lahat na iyon
16:01.0
Ultimong yung tubig na ininom niya kinaingo
16:04.0
Na ilabas niya umano
16:08.0
Sumama ang pakiramdam ni Kuya
16:11.0
Hindi niya alam kung dahil ba sa kinain niya
16:14.0
O talagang diring-diri siya sa mga nakita sa nangyari sa pagkain na iyon
16:18.0
Hindi na naiiba ang mga ganitong kwento
16:22.0
At karanasan na niririnig ni Kuya na paikot-ikot lamang sa lugar ng samar
16:27.0
Negros, Gimaras sa Tiloilo
16:30.0
Pero ang hindi niya akalain ay ang maranasan mismo ang bagay na iyon
16:37.0
Dinala si Kuya sa bahay ni Manny noon
16:40.0
At doon ay pinainom siya sa bahay ni Manny
16:43.0
Sa bahay ni Manny,
16:44.0
Dinala si Kuya sa bahay ni Manny noon
16:48.0
At doon ay pinainom siya ng suka na maanghang
16:52.0
Isang tungga lamang noon at pinainom ulit siya ng tubig hanggang sa magsuka ulit ito
16:59.0
Ang ipinagtataka ni Kuya
17:02.0
Sabaw pa lamang naman ang natitikman niya doon sa bahay ng dalawang matanda na iyon
17:08.0
Pagkatapos ay yung mga kinain niya naman noong mga nakaraang araw
17:11.0
O bago pumunta doon sa isla
17:14.0
Eh, mga isda
17:17.0
Pero bakit ang kalat na nailabas niya
17:21.0
Daig niya pa ang kumain ng corned beef na may mga taba-taba noon
17:28.0
Si Nguna ang nagsabi na siya na daw ang susundo sa magagamot
17:33.0
Medyo okay-okay na si Kuya noon
17:36.0
At habang hinihintay nila ang magagamot ay
17:38.0
Nagsimula ng magkwento si Manny
17:45.0
Humingi ito ng pasensya pero ayun nga
17:49.0
Hindi naman talaga maiiwasan na sa isang barrio ulugar
17:53.0
Ay may mga kilalang aswang
17:56.0
Ang dalawang iyon ay magkapatid
17:59.0
Dalawang matandang bagamat tahimik ay may tinatagong lihim
18:03.0
Kung mapapansin daw ni Kuya Tony
18:07.0
Kapag papasok ka palaob ng barrio nila hanggang sa dulo
18:11.0
Hindi mo kaagad mapapansin na merong isang palikong kalsada na
18:16.0
Nakapagitan lamang sa mga puno at halaman
18:19.0
At may ayabong na damo
18:22.0
Dahil na rin sa pagkakagawa ng maliit na daan na iyon
18:26.0
Pero kapag pabalik ka na
18:28.0
Ay kapansin-pansin na ito at ang mas malalapas ersa
18:33.0
Mas tuwid ang daan na iyon
18:36.0
At dahil tuwid din ang dinaanan mo papasok
18:39.0
Ay iisipin mo na ito din ang tuwid na daan mo palabas
18:44.0
Kahit na ang totoo
18:46.0
Kung ililihis mo lamang ng konti ang tingin mo sa kaliwang bahay nun
18:51.0
Ay nandoon ang tunay na kalsada
18:54.0
At doon nga sa palikunan niya
18:56.0
Sa kadulo-duluhan ay ang nag-iisang bahay ng magkapatid na ito
19:03.0
Kumpermadong aswang ang mga ito
19:06.0
Literal na mga aswang na noong kapanahunan ay walang takot na ipakita ang kanilang pagkatao at kanyuan
19:14.0
Sila mismo ay pinakikitaan na mga yan na lumilipad
19:18.0
Nagpapalitan nyo o kung ano pa
19:21.0
Pero tahil nga,
19:23.0
Iniiwasan pa rin kasi kung hindi nanlalason o namimigay ng sakit ang magkapatid sa mga dayo
19:30.0
Katulad ng paraan na ginawa nila kay kuya
19:34.0
Hindi sila nanyayang gowsers
19:37.0
Pero papatayin o mano talaga nila kapag nagkataon ang biktima
19:42.0
Para gawin nilang karne
19:45.0
Napatunayan na ito dahil
19:47.0
Ang hindi nila maintindihan ay kung bakit bumalik pa rin ang magkapatid dyan sa lugar nila
19:53.0
Kasi, ang nangyari o mano nun
19:57.0
Medyo bata-bata pa o mano si Manny
20:00.0
Takang-taka sila kasi yung tatay ni Manny nun
20:05.0
Kumparin ang mga asawa ng dalawang matandang babae na iyon
20:09.0
Ngunit hindi nila maintindihan
20:11.0
Nung isang araw lamang o mano ay napakalakas pa
20:17.0
Tapos wala po talagang mga sakit yun Sir Seth
20:20.0
Pero noong sumunod na araw ay bigla na lamang nakaratay sa sakit yung isa
20:26.0
Tapos makalipas naman ang ilang araw ay sumunod na sumama ang pakiramdam ng isa pa
20:33.0
Dinalaw nila ito
20:35.0
Namamanhid lamang o mano
20:37.0
Ang mga kamay at paa nila
20:41.0
Pero sa tuwing nagluluto naman ng mga herbal o sopa sa mga asawa nga nila
20:46.0
Nagiging okay sila
20:49.0
Pero sa maiksing panahon lang
20:52.0
Kasi kapag bumabalik ang sakit nila ay parabang unti-unting lumalala
20:58.0
Paakyat ng paakyat ang manhid na nararamdaman nila
21:01.0
Hanggang sa iyon, nauna lang ng dalawang araw na namatay ang isa sa kumparin ng tatay ni Manny
21:08.0
At sumunod naman ang isa
21:12.0
Hinanap nila yung bangkay ng naunang namatay Sir Seth
21:16.0
Pero ang sinabi ng magkapatid
21:19.0
Kinuha daw ito ng pamilya at noong tinanong naman sila kung bakit wala sila dun
21:25.0
Kung bakit wala sila dun
21:27.0
Kung tinanong naman sila kung bakit wala sila dun
21:31.0
Kung bakit hindi sila bumisita sa lamay uburol
21:35.0
Ayaw daw silang tanggapin ng kamag-anak
21:39.0
Dun pala nga
21:41.0
Nagduda na yung ibang makakabaranggay gawa ng
21:45.0
Wala namang nakakita sa dalawang babae na
21:48.0
Naglipat ng kung anong katawan papunta sa ibang isla
21:53.0
Dahil kailangan nilang dumaan ng dagat para lamang
21:57.0
Maipadala o madala ito sa pamilya ng asawa niya
22:03.0
Kaya may naglakas loob na pumalaot para puntahan ng kamag-anak ng unang namatay na iyon
22:09.0
Ito naman ay saktong kakamatay lamang din ang asawa ng isa pa sa magkapatid na iyon
22:16.0
Dun
22:17.0
Napag-alaman ng pumalaot na wala sa kamag-anak ng lalaki ang bangkay
22:23.0
Iyan naman na pasugod ang mga kaanak nito
22:26.0
At hindi nila alam na namatay na pala iyon
22:31.0
Hinanap nila iyon
22:33.0
May lakas pa ng loob na magtawag ng mga otoridad na magkapatid na babae pero
22:38.0
Hindi nila magawang mapaliwanag kung nasaan ang katawan
22:41.0
Tinuturo din nila ang kaanak ng lalaki at pilit sinasabing nasa kanila iyon
22:47.0
At sana ay galangin muna nila yung magkapatid gawa ng kakamatay lamang din ang asawa ng isa sa kanila
22:57.0
Natapos ang gulo noong araw na iyon
23:00.0
Pero may nagmamanman na pala sa magkapatid na ito
23:05.0
Hanggang sa nagkagulo na naman ng isang gabi
23:08.0
Dahil hulig-huli sa akto ang dalawang matanda
23:13.0
Sinilip sila ng isa sa mga nagmamanman at yung katawan o mano ng huling namatay na lalaki
23:20.0
Ay binabali-bali nila
23:23.0
At pilit pinagkakasya sa malaking tapayan o jarnon
23:28.0
Dahil sa kailangan pa ng mga tao na pumunta ng bayan para magtawag ng mga otoridad
23:33.0
Sa hindi managpapatid na iyon
23:35.0
Sa hindi malamang dahilan ay nakatakas at nawala bigla ang magkapatid na iyon
23:40.0
Naiwan ang nag-iisang anak ng isa sa kanila
23:44.0
Na noon ay bata pa
23:46.0
At napag-alaman ng mga tao noon na saksi pala ito sa kababuyan ng magkapatid na aswanga
23:54.0
Matapos ang imbestigasyon
23:57.0
At maritrib ang bali-baling bangkay na iyon
24:00.0
Ay may nahalukay pa sila na bumalik sa isa
24:03.0
Ay may nahalukay pa sila na buto ng tao sa likod ng bahay
24:08.0
At ang bata
24:10.0
Pinakuha doon sa kaanak ng tatay
24:14.0
Pero ayun nga Sir Seth
24:17.0
Makalipas ang mahigit 20 taon ay bumalik ang magkapatid na ito doon
24:22.0
Nagulat na lamang din sila sa pagsulpot ng mga ito
24:26.0
At ang ipinagtataka nila
24:28.0
Ay kung bakit kasama na ng isa yung anak niyang inabandunan nila noon
24:34.0
Doon na rin ulit dumami ang mga kaso ng lasunan
24:38.0
Pero nangyayari naman ito sa ibang barrio kaya doon din na uso yung mga kalamansi
24:44.0
Pampiga
24:46.0
Bago kumain
24:48.0
May nangyari na rin daw ng katulad kay Kuya ng mga dayo
24:52.0
Lalo na kapag piyesta pero
24:55.0
Napipigilan ito ni Manny
24:56.0
At ito ngang nakaraang ilang araw bago dumayo si Kuya doon
25:01.0
Nabalitaan nga nilang namatay ang anak ng isa sa magkapatid na ito
25:07.0
Kahit nawala itong sakit
25:10.0
At malakas pa
25:12.0
At kung minalas-malas daw Sir Seth ay baka niluto nila ito
25:17.0
At natikman ni Kuya yung sabaw noon
25:20.0
Ewe
25:21.0
Tinanong naman ni Kuya kung bakit hindi nila isuplong sa otoridad
25:27.0
Sinubukan daw nila pero yung kaso ay mahigit na 20 taon na ang nakalipas
25:34.0
Para bang wala sa record
25:36.0
Lalo na at nagbago na mga politiko
25:39.0
At namamahala doon sa bayan na iyon
25:42.0
Ayon sa mga gamot ay
25:45.0
Muntikan na daw maging biktima si Kuya ng mga iyon
25:47.0
Baka nangangati na naman sa pagtikim ng laman ng tao
25:52.0
Matapos mabigyan ng lunas
25:55.0
Ay may pinauwi lamang itong mga gamot kay Kuya
25:59.0
At sinabihan ito na pagkagising sa umaga at bago matulog
26:03.0
Uminom ng hilaw na itlog at kapag nakakaramdam ng pagsuka
26:07.0
Isuka
26:09.0
At kapag sa isang linggo ay hindi na siya nagsuka ng kakaiba ay pwede na niyang tigilan iyon
26:14.0
Bagay na ginawa naman ni Kuya
26:17.0
Isang araw lamang daw siyang nagsuka ng maitim pagkatapos nun ay wala na
26:22.0
Hinatid nila si Kuya sa pantalan
26:25.0
At talagang matapos nun ay hindi na tumanggap si Kuya ng mga servisyo doon sa isla na iyon
26:31.0
Wala na rin siyang balita sa nangyari doon sa barrio o kung anong aksyon ang ginawa ng otoridad
26:37.0
Dahil ultimo ang matandang nagbigay sa kanya ng sulat para
26:40.0
ipadala kay Ingo ay hindi na sumipot doon sa tinatambayan ni Kuya
26:47.0
Pero magmula nun
26:49.0
ay may daladala na sa bulsa si Kuya ng kalamansi
26:52.0
Nagtanim din ito ng tatlong puno ng kalamansi na palaging hitik sa bunga
26:59.0
Hanggang dito na lamang Sir Seth
27:01.0
At isa pa lamang yan sa tatlong kwentong
27:04.0
Iba bahagin ni Kuya
27:06.0
Hanggang dito na lamang Sir Seth At isa pa lamang yan sa tatlong kwentong
27:09.0
Iba bahagi ko sa inyo
27:39.0
Masan natin yung shoutout request sa comment section dahil hindi po natin siya ina-acknowledge
27:44.0
Shoutout sa mga bago at nag-renew ng kanilang membership sa YouTube
27:49.0
Sa mga magtatanong kung anong membership yun, click nyo lang yung join button
27:53.0
Sa mga Android, diretsyo po kayo sa app
27:56.0
At sa mga Apple naman, kailangan nyo mag-login sa YouTube nyo
28:00.0
Gamit yung browser, it's either Safari or Google
28:03.0
Tapos click nyo yung join button at kapag nagustuhan nyo yung perks, join na kayo
28:06.0
Maraming salamat sa dalawang bago
28:09.0
Jane Pagubo and TheGazerFam
28:12.0
Happy 1 month Donna Mae Nortado
28:15.0
Happy 2, TJ Salazar and Flores Yadze Labdo
28:20.0
Happy 3rd, Lizelle Calumpit
28:22.0
Happy 4th, Piljoy Yagaya
28:24.0
Happy 9th, Queen Alfaro
28:26.0
Happy 10th, Elsie Diacosta
28:28.0
Happy 14th, Sun Love
28:30.0
Happy 15th, Annalyn Cabunilas
28:31.0
Happy 17th, Marie Antoinette Motay
28:36.0
Happy 19th, Luza Claro
28:38.0
Happy 21st, Mervyn Teopes
28:40.0
Happy 27th, Ligaya Punay
28:42.0
And Happy 29th, Sha Moreno
28:44.0
Thank you
28:46.0
Sa mga nag-message naman, shoutout kay Leia Padilla Junio
28:49.0
Sir Seth, good evening
28:51.0
Ask ko lang sana kung, ah yun, hindi pala
28:53.0
Sir, pabatiin ang birthday ko February 11
28:54.0
At sa Yumaokong mama na si Elizabeth Mendoza Maravilla sa February 13
29:01.0
Thank you sir, ingat po from Deo Maravilla
29:04.0
Good day sir Seth, ako ulit dito si April Jane
29:06.0
Pa-shoutout po sa mga ati ko na lagi na ikinig sa inyo
29:09.0
Pati pamangkin ko na adik na sa inyo
29:11.0
At sana po, magbahagi ulit ng karanasan gaya nung bakod ni Lola
29:15.0
Kahit dito lang ako kinikilig
29:17.0
Thank you sir, sana nasa maayos kang palagi
29:19.0
Aylo mga kagiliw, maraming maraming salamat sa inyo
29:21.0
Bukas ulit