Close
 


UNANG PALIT ULO NG TAO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANO KAYA NAMAN ANG KINALABASAN? ITO KAYA AY NAPAG TAGUMPAYAN? SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 05:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang katawan nating mga tao ay sadyang komplikado.
00:03.3
Simula ng ipinanganak tayo ay hindi na tumitigil ang ating katawan sa paggana.
00:08.7
Kaya naman hindi maiiwasan na katulad ng isang makina,
00:12.4
paminsan-minsan ay may parte ito na pumapalya.
00:15.9
Kaya naman sa tindi ng pagdedika ng mga eksperto,
00:19.1
pagdating sa siyensya ng katawan nating mga tao,
00:22.1
maaari nang mapalitan ang ibang mga palyadong parte nito,
00:25.7
kasama na ang puso, atay, at kung ano-ano pa.
00:28.8
Ngunit sadyang may limitasyon pa,
00:31.3
kasama na sa hindi nasusubukan pa ay ang ulo ay mapalitan.
00:36.1
Dito na pumapasok ang doktor na Italyano na si Sergio Canavero.
00:40.7
Ilang taon na nakararaan nang umugong ang balita na naghahahanda na ito
00:45.6
upang gawin ang kauna-unahang operasyon ng pagpapalit ng ulo sa ating mga tao.
00:51.7
Kinakailangan lamang daw niya na mga tao na handang magpresinta sa gagawin nito na kasaysayan.
00:58.2
Ngunit dahil nga ito ay una, sino naman ang magnanais na dito nga ay magpatiuna?
01:04.3
Dito na pumapasok ang Russo o ang Russian na si Valery Spironudov.
01:09.6
Nang panahon na ito ay kausapin patungkol sa kanyang pagpipresinta,
01:14.0
siya ay 30 taong gulang na at may kalagayan na tinatawag na ang word Nig Hoffman.
01:20.9
Sa kalagayan ito, ang katawan ng pasyente ay sadyang pahina na nang pahina,
01:25.9
kaya naman kalaunan ay sila ay tuluya na na napaparalisa.
01:30.0
Isa ito sa dahilan kaya naman itong si Valery ay nagpatiuna na upang ang operasyon ay gawin na sa kanya.
01:37.3
Ayon sa doktor na si Sergio na ang operasyon ay magaganap sa pamamagitan ng paglipat sa kanyang ulo
01:44.4
sa isang pasyente na idineklara na na brain dead o wala nang naggaganap pa sa utak.
01:50.6
Ngunit maayos naman ang buong pangangatawan. Gagamitan daw ito ng espesyal na matalim na pang-opera
01:58.0
o ang tinatawag nila na scalpel upang agaran at malinis na maputol ang mga ugat.
02:04.2
Sa pag-aalisan ito nagulugod o ang spine. Ito ay upang maiwasan ang kahit na anong punit o matinding pagdurugo.
02:12.5
Saka siselyohan ang katawan na paglilipatan upang ang katawan na iiwanan ay hindi naman na pumanaw.
02:20.2
Sa kapaghanda na ay saka ididikit ng makabagong uri ng pandikit na may kakayahang makatulong ng matindi
02:27.5
upang mapagaling ang mga ugat, baging ang spinal cord. Ito ay hanggang sa ito ay magdugtong.
02:34.4
Ayon sa doktor na si Sergio, tatagal ang operasyon ng 36 na oras at lalahukan ng 153 mga doktor
02:43.8
at ang halaga ay aabot sa 596 na milyong piso. Dagdag ni Sergio na ang tinatawag niya na ang biologikal
02:53.2
na uri ng pandikit ay ang pinakaimportante sa pagtatagumpay ng unang paglilipat ng ulo ng tao sa ibang katawan.
03:01.7
Mga katinagalog ko, makailang beses na nagtagumpay ang mga sentipiko na maglipat ng ulo ng mga hayop sa ibang katawan
03:09.6
ngunit napakaraming komplikasyon ang kanila naman na naranasan, kasama na ang pagkaparalisa.
03:15.9
Kaya naman ang karamihan sa mga sentipiko ay talaga namang ayaw na ayaw ang sinasabing operasyon na ito.
03:22.9
Ayon sa isa pang doktor na dahil hindi pa talagang napag-aaralan, hindi pa nga masyadong naiintindihan
03:29.5
kung papaanong ang utak ng tao ay totoong gumagana at kung ano ang mararamdaman ng isang tao kapag nailipat ang ulo nito.
03:38.7
Dagdag nito na labag ito sa karapatan na pang tao, mahigpit niya na di sinasangayunan ang operasyon na ito.
03:46.7
Kalaunan, itong si Valerie ay nakapag-aasawa at nagkaroon pa ng anak na babae.
03:52.2
Kaya naman ito ay umurong na sa operasyon na nakatakda na sana ng taong 2017 pa.
03:58.7
Ayon sa kanya na hindi na niya maaaring isugal pa ang buhay at ang kanyang bagong buong pamilya.
04:05.0
Dagdag nito na tila ba ang kalagayan niya ay hindi naman daw lumalala pa.
04:09.3
Kaya naman kontento na raw siya sa kung ano ngayon ang kinasasadla kanya.
04:14.0
Ayon ka Sergio na wala naman daw problema sa pag-urong nitong si Valerie sa operasyon
04:19.7
dahil marami pa naman daw ang nagbipresenta sa gagawin niya na kauna-unahan na pag-oopera.
04:26.2
Taong 2019 ay nakapagtulungan ito sa isang Chino na doktor at siyentipiko na si Xiaoping Ren upang gawin ang operasyon sa isang unggoy.
04:36.9
At ayon sa kanilang dalawa na ito daw ay naging matagumpay na.
04:41.3
Ngunit kinakailangan daw nila na tuluyan ang patulugi ng unggoy dahil sa pagbabatikos daw sa kanila ng mga tao
04:48.0
na hindi makatao ang ginawa nila sa kawawang unggoy na pinag-eksperimentuhan nila.
04:53.5
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang doktor na ngayon ay sa tulong na ng China upang maabot ang sinasabing katotohanan ng pagpapalit ng ulo at katawan.
05:04.3
Tila ba mga katinagalog ko, tumahimik na ang doktor na ito at wala na masyadong sa kanya ay balita pa.
05:11.3
Ngunit ayon sa mga doktor naman sa Estados Unidos na imposible daw ito mga katinagalog ko.
05:17.8
Ano sa tingin nyo? Tama ba naarokhin ng mga doktor ang ganitong klase ng operasyon o dapat ay hayaan na lamang natin ang totoong pagdaloy ng buhay?
05:28.3
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay ating basahin.
05:34.8
Mga katinagalog ko maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.