Close
 


AKALA KO DALAGA (Patak Ng Kalamansi 2) | Kwentong Aswang | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
AKALA KO DALAGA (Patak Ng Kalamansi 2) | Kwentong Aswang | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 27:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWETO NI THERROR
00:17.0
Mabagbalang araw sa inyo Sir Seth.
00:20.0
Ako po ulit si Milo.
00:23.0
Ito ang ikalawang karanasang ibabahagi ko.
00:26.0
Patungkol sa karanasan ng mga kakilala ko sa Kalamansi.
00:34.0
Kung noong una ay karanasan ng aking kuya Tony sa kamay ng magkapatid na aswang.
00:40.0
Itong ikalawang bahagi naman ay karanasan ng pinsan ng aming ina.
00:46.0
Natawagin na lamang nating Uncle Bobet.
00:52.0
Si Uncle Bobet ay laking Maynila.
00:54.0
Mas matanda ito kay nanay pero kababata ito ng aking ama.
01:00.0
Naging tulay din si Uncle Bobet para makaporma ang aking tatay kay nanay nun.
01:06.0
Kaya medyo close silang tatlo.
01:10.0
Subalito na.
01:12.0
Gawangan ng si Uncle Bobet ay labing dalawang taong gulang pa lamang nasa Maynila na dinala at pinalaki.
01:19.0
Pabaka bakasyon na lamang siya sa may lugar namin nun.
01:24.0
Noong mga panahon na ito ay hindi pa mag-asawa o magkasintahan na mga magulang ko.
01:31.0
Isang bakasyon ay umuwi si Uncle Bobet kasama ang kanyang ama.
01:36.0
Syempre unang una na sumalubong sa kanya ay ang kababata niyang si tatay.
01:42.0
Nagiging tour guide niya kasi ito kapag umuwi ito.
01:46.0
Kadalasan din, isa sa mga rason kung bakit gustong gusto na umuwi ni Uncle Bobet
01:53.0
ay dahil sa sunod-sunod na kapistahan na nangyayari sa mga baryo.
01:58.0
Partikular na ang mga lugar na meron silang kamag-anak.
02:02.0
At syempre, merong kaanak din ang kanyang kababatang si tatay nun.
02:07.0
Araw-araw halos busog.
02:10.0
Araw-araw halos may kainan.
02:12.0
May tunggaan.
02:13.0
May tunggaan.
02:16.0
Nagbibisikleta lamang daw ang dalawa para makarating dun.
02:20.0
At swerte na lamang kapag sumasabay sila sa ama ni Uncle Bobet
02:24.0
kapag may kumpare ito na nagdadala ng oto
02:27.0
o hindi kaya yung owner-type jeep lang.
02:31.0
Isang araw nun,
02:33.0
sa isang piyestahan ay nakita ni Uncle Bobet
02:37.0
ang isa sa mga kakilala niya sa Maynila,
02:40.0
si Mark.
02:41.0
Nagbabakasyon pala ito doon gawa ng
02:43.0
yung kapatid niya ay nakapangasawa ng Taganegros.
02:48.0
Nagkausap sila at matapos mag-inuman,
02:51.0
niyaya nito si Uncle na
02:53.0
sa susunod naman daw na araw
02:55.0
ay may pupunta nitong piyestahan sa isa pang barangay.
02:59.0
At kung gusto ngang sumama ng aking Uncle Bobet para kumain dun
03:04.0
at makipagsayawan.
03:07.0
Balita daw kasi nito ni Mark na
03:09.0
maraming magagandang babae sa barangay na iyon.
03:13.0
Baka daw swerte na makapangasawa din siya ng Tagaroan
03:17.0
para na rin na hindi siya gano'n kamalayo sa kapatid niya.
03:22.0
Hindi naman din nagdalawang isip na sumama si Uncle Bobet pero
03:26.0
sa pagkakataon na ito ay
03:28.0
hindi na kasama ang aking ama.
03:32.0
Ito naman kasing kadikit ng piyesta na ito
03:34.0
ay kapyestahan na din mismo ng lugar kung saan ang lolo at lola ni tatay.
03:40.0
Sabali pagkatapos ng piyestahan na ito
03:42.0
kung saan nagkita sila Uncle Bobet at ang kaibigan niya
03:46.0
ay dederecho na ang aking ama doon sa kanyang lolo at lola
03:49.0
para naman tumulong sa handaan.
03:53.0
Bagamat imbitado si Kuya Bobet doon
03:56.0
ay naisipan niyang unahin muna ang kapyestahan
03:59.0
na yayan ang kanyang kaibigan.
04:01.0
Dahil sa minsanan lamang dito
04:03.0
mangyari at sa ulo niya naman ang papunta sa lolo at lola nila tatay
04:07.0
kung sakaling hahabol ito.
04:10.0
Kumbaga yung araw kasi sarsat ng kapyestahan
04:13.0
doon sa pupuntahan nila ng kaibigan niya
04:16.0
ay bisperas naman doon sa lugar ng lolo at lola ni tatay.
04:22.0
Nagpaalam naman ito kay tatay.
04:25.0
Tinanong ni tatay kung saan ang barangay
04:27.0
yun lamang ay hindi alam ni Uncle Bobet.
04:31.0
Hindi nabanggit ng kaibigan kasi susunduin naman siya umano.
04:36.0
Wala naman din naggawa ang aking ama noong mga panahon na yun kasi
04:40.0
nag-i-enjoy naman si Uncle.
04:44.0
Araw ng piyesta ng lugar na ito
04:47.0
maaga pa lamang ay sinundo na si Uncle Bobet
04:50.0
ng kanyang kaibigan sakay ng motorsiklo.
04:53.0
Meron itong kasama ng mga kaanak ng asawa ng kanyang kapatid.
04:59.0
Dumating sila doon at agad namang nakapagpalagay ang loob ni Uncle Bobet ang mga tao.
05:05.0
Kumain sila ng tanghalian at pagkatapos ay saglit na nanonood ng mga palaro.
05:11.0
Pagkatapos manood ay nagperya pa si Uncle Bobet
05:15.0
tapos ay bumalik na rin sa kaibigan niya at nag-inuman na muna sila noon.
05:19.0
Makalipas ang ilang oras ay bumalik ang kaibigan ni Uncle na si Mark
05:24.0
at pagkatapos ay agad itong nilapitan.
05:27.0
Tinitigan muna ang mga kasama nila bago hinatak si Uncle at sinabing
05:33.0
Pre, huwag mong sabihin sa mga kasama natin ha.
05:38.0
May nakilala akong cheeks.
05:40.0
Upunta daw ako sa kanila mamaya.
05:43.0
Dun sa kabilang tulay.
05:45.0
Makikikain na.
05:46.0
Marami daw siyang luto.
05:48.0
Siya daw magsiserve.
05:52.0
Dagdag pa ni Mark.
05:54.0
Single umano yung dalaga at kakalabing walong taong gulang palamang umano nito.
06:01.0
E di si Uncle medyo sinabihan itong si Mark na magdahan-dahan kasi
06:07.0
magti 30 anyas na siya nun.
06:10.0
Baka mamaya mabubug siya dun ng kaana kasi.
06:13.0
Alam mo na silang dalawa lamang ng kapatid niya yung dayo dun.
06:18.0
Ang sabi naman itong kaibigan niya.
06:21.0
Hindi daw.
06:23.0
Mabait umano yung tatay.
06:25.0
Relihiyoso.
06:27.0
Ganun.
06:29.0
Tumangon na lamang si Uncle noon dahil sa hindi naman siya niyaya ni Mark
06:34.0
ay hindi na siya nag atubalipang sumama.
06:37.0
Lalo na nung sinabi ni Mark na bantayan na lamang umano ang mga kasama.
06:41.0
At magliwaliw na lamang doon ang Uncle ko.
06:45.0
Which is yun naman yung ginawa niya.
06:49.0
Mga bandang alas 4 nga nang bigla na lamang nawala si Mark noon.
06:54.0
Si Uncle naman ay patuloy pa rin sa pag-inom.
06:57.0
Dahil talagang hindi nauubos ang alak sa dami noon.
07:01.0
Ang kagandahan lamang ay hindi talaga ito basta-basta nalalasing.
07:06.0
Konting ihi lamang huwag.
07:08.0
Wala na agad ang amats niya.
07:13.0
Maya-maya pa umano.
07:15.0
Pasado alas 6 nang simulan ng hanapin kay Uncle Bobet.
07:20.0
Itong kaibigan niya.
07:22.0
Napansin nga din ni Uncle na dalawang oras na pala itong hindi bumabalik.
07:28.0
Magayos na daw kasi ang lahat noon sa bahay kung saan sila Uncle para magpunta ng plaza.
07:32.0
At manood ng mga patimpalak na nangyayari sa gabi.
07:38.0
At syempre sasayaw-sayaw na rin.
07:41.0
Dahil sa ayaw namang magsinungaling ni Uncle Bobet ay sinabi nito kung nasaan nga si Mark noon.
07:49.0
Nang marinig nila ang sinabi ni Uncle na nasa kabilang tulay.
07:54.0
Dali-dali umano siyang hinatak ng mga kaanak.
07:58.0
Nang asawa ng kapatid ni Mark.
08:02.0
Bale, wala noon yung kapatid ni Mark.
08:05.0
Tsaka itong asawa niya gawa ng meron atang pinuntahan.
08:10.0
Pumasok sila sa loob at paulit-ulit pa na tinanong si Uncle kung totoo ba.
08:15.0
At bakit?
08:17.0
Ikinwento naman ni Uncle Bobet ang nakilalang babae ni Mark noon.
08:22.0
At siyang ang tunay sir Seth.
08:24.0
Naniwala sila kay Uncle at sabay-sabay pa silang nagbulungan.
08:29.0
Habang sinasabi ang pangalang...
08:32.0
Dina.
08:34.0
Dali-daling nagsukbit ang apat na kalalakihan ng kanika nilang mga itak.
08:39.0
Na para bang may pupuntahang gyera.
08:42.0
At yung isa dito na kaidaran nila Uncle Bobet ay
08:46.0
inakba yun daw si Uncle at nakangiti pang sinabing...
08:50.0
Gusto mo makakita?
08:52.0
Gusto mo makakita ng aswang pre?
08:55.0
Sama ka.
08:58.0
Dala na rin siguro ng may amats ay hindi na din naisip ni Uncle yung tungkol sa aswang-aswang na yan.
09:05.0
Bagkos ay mas naisip niya pa ang kalagayan ng kanyang kaibigan.
09:11.0
Iba o mano ang tulay na na-imagine ni Uncle Bobet noon.
09:15.0
Akala niya hanging bridge o di kaya ay malapad tapos may mga kabahayan sa kabila.
09:22.0
Yun pala.
09:24.0
Tulay lamang ito na gawa lamang ata sa tatlong kawayan.
09:29.0
Isang tao lamang ang kasha tapos hindi pa pwede yung magkasalubong.
09:35.0
Binaybay nila yun hanggang sa makarating sa kabilang tulay.
09:40.0
At pagkarating doon Sir Seth,
09:42.0
pinayoko si Uncle.
09:45.0
Nasa likuran lamang umano siya,
09:48.0
hanggang sa makarating sila sa nag-iisang bahay na nasa gitna ng gubat.
09:56.0
Dahan-dahan nilang pinalibutan ang lugar.
10:00.0
Walang mas kisinong bisita ang naroroon.
10:03.0
Bagamat alam mong may tao sa loob,
10:07.0
may tunog ng kutsyara at may usok na may nagluluto.
10:10.0
Nung marinig nila ang boses ni Mark na tumatawa pa at sinasabing,
10:16.0
ang sarap naman ito di na.
10:19.0
Tuloy-tuloy na naglakad ang pinakamatanda sa pangkat.
10:23.0
Sinenyasa ng ibang kasama na manatili na lamang muna kung nasaan sila.
10:29.0
Ayon dito sa kaanak ni Mark.
10:32.0
Pumatok daw siya
10:34.0
at saglit na nagkaroon ng katahimikan ng loob ng bahay.
10:37.0
Nung walang sumagot,
10:40.0
bigla itong nagsalita ng
10:44.0
Dina!
10:46.0
Ako ito si Wanong Romulo.
10:48.0
Kinuha mo ata yung bisita ko nang hindi ko alam ha.
10:54.0
Dun na daw binuksan ni Dina ang pintuan.
10:57.0
At Sir Seth,
10:59.0
gulat na gulat si Uncle Bobet nang makita niyang si Dina.
11:03.0
Ay hindi isang dalaga,
11:07.0
kundi matandang babae na kulubot na ang balat
11:11.0
at puti na ang buhok.
11:14.0
Bata-bata lamang kunti doon sa Wanong Romulo.
11:18.0
Napabulong na naman ang kasama niya na kaidara nito at sinabing,
11:23.0
Kita mo na?
11:25.0
Nakita ni Manong Mark eh iba sa totong itsura ng matalaga.
11:29.0
Bulong pa lamang yun Sir Seth,
11:33.0
pero bigla na lamang umanong lumingon ang matanda sa kanila
11:38.0
mula sa kinatatayuan nito sa pintuan.
11:42.0
Patingin doon sa pwesto nila sa malayo.
11:46.0
Nagalit ito at pasigaw-sigaw ito ng
11:50.0
Aswang,
11:52.0
dahan-dahanin mo yung mga kasama niya.
11:55.0
Aswang, dahan-dahanin mo yung mga sinasabi mo.
12:00.0
Magpasalamat kayong magkakamag-anak at kilala kayo sa barangay.
12:05.0
Galit na pasigaw ni Dina.
12:09.0
Huwag mo nang ibay ng usapan Dina.
12:12.0
Ilabas mo yung samin.
12:15.0
Kukuha-kuha ka ng dayo o hindi ka nanginilala.
12:19.0
Baka pugutan kita ng ulo dito.
12:21.0
Nanggigigil si Dina noon na sumagot na,
12:25.0
pinakain ko lang yan Rumulo.
12:28.0
Inimbita ko lang ito kasi wala akong bisita.
12:33.0
Papasok na sana si Rumulo nang hinarangan ito ni Dina.
12:37.0
Sa laking tao ng lalaki ay nagawa siyang pigilan ng matanda
12:42.0
na siya namang dahilan kung bakit tumayo pang iba at pumunta na doon.
12:46.0
Nagsisisigaw na ang matanda na galit na galit at dahil nga
12:51.0
sa hindi sila makadaan sa may harapang pintuan,
12:54.0
binuksan nila ang bintana.
12:57.0
At doon ay nakita nila si Mark na tulalanon.
13:01.0
Nakatingin na parabang inosente at walang alam na may nangyayari ng gulo.
13:08.0
Abang nakaupo ito sa may lamesa at kumakain ng inihaing handa ni Dina,
13:12.0
napamura na noon ang isa sa kanila.
13:16.0
Pumasok ang dalawa pa nilang kasama at nang akmang kukunin na nila si Mark Sir Seth.
13:21.0
Bigla na lamang umanong may bumagsak sa may mismong taas ng lamesang iyon.
13:27.0
Nakadapa ito na animoy gagamba
13:31.0
at yun ay walang iba, kundi si Dina.
13:36.0
Samantabang ito,
13:38.0
nagulat naman si Romulo kung paano itong nakapunta doon,
13:42.0
nang ganun kabilis.
13:45.0
Samantabang ilang segundo lamang ang nakalipas ay nakikipagbuno silang dalawa.
13:52.0
Sa pagkakataon na ito ay ginapos nila si Dina
13:56.0
at nagawa nilang hatakin si Mark palayo.
13:59.0
Yung isa sa kanila ay inilipat ang pagkain kinakain ni Mark sa may supot
14:03.0
bago sila umalis doon.
14:08.0
Sigaw ng sigaw si Dina nang...
14:11.0
Nasaan ba ang langis ko?
14:13.0
Mga pakialamero kayo!
14:15.0
Humanda kayo sa akin!
14:19.0
Dali-dali naman silang tumakbo.
14:22.0
Dahan-dahan silang tumawid sa tulay.
14:25.0
Pinauna si Uncle Bobet,
14:28.0
kasunod ang isang kaidaran nila habang akay-akay nilang dalawa sa iyo.
14:31.0
At ang iba ay sumunod pa.
14:35.0
Nasa kalagitnaan na sila ng tulay,
14:38.0
nang bigla na lamang umano itong yumugyog nang walang dahilan.
14:44.0
Kumapit sila ng mahigpit nun.
14:47.0
Hanggang sa ang dulo ng tulay kung saan sila galing,
14:51.0
ay biglang may sumulpot na lamang na isang malaking baboy ramo
14:56.0
na nilalakad din ang maliit na tulay na iyon.
15:01.0
At tila ba sinasadya nito
15:04.0
ang paugain yung tulay?
15:07.0
Gayon pa man ay hindi natinag ang mga kalalakihan na ito.
15:12.0
Nilabas na ni Rumolo ang itak niya
15:15.0
at tinutok sa baboy na iyon.
15:18.0
Binalaan na niya ito na tatapyasin o iitaki niya kung sakaling lalapit.
15:23.0
At bawat hakbang nila
15:26.0
ay hinahataw ni Rumolo
15:29.0
ang kanyang itak sa kawayan na parang
15:32.0
inaabot ang baboy na siyang dahilan
15:35.0
kung bakit hindi ito makalapit.
15:39.0
Hanggang sa walang ano-ano,
15:42.0
bigla na lamang umanong na wala ang baboy sa kalagitnaan ng tulay.
15:47.0
At pagkatapos nun,
15:49.0
narinig nila ito sa may ilalim ng tulay sa may ilog na
15:53.0
tumatawid ito dun
15:56.0
ng napakabilis.
15:58.0
Dali-dali silang tumakbo para makarating sa may kabilang pangpang.
16:03.0
Halos patalon na umano ang takbo ni Uncle Boyet nun
16:07.0
at tila lasing si Mark na kahit anong hatak nila o bangga sa kawayan
16:12.0
ay wala itong pakialam.
16:14.0
Senwerte namang nauna sila sa kabilang pangpang
16:19.0
at sa inis ni Rumolo ay hindi ito nagdalawang isip na bumaba ng saglit
16:24.0
sa ilalim ng tulay para habulin at pagtatagain ang baboy
16:28.0
pero dali-dali naman itong huminto.
16:33.0
Nagdalawang isip at tumakbo ang baboy Ramo sa kabilang pangpang
16:38.0
at tumitig na lamang sa kanila habang papalayo ang mga ito.
16:41.0
Manong! Si Mark! Namumutla!
16:45.0
Nakita o manon nila yung itsura ni Mark noong nasa may poste na sila ng ilaw.
16:51.0
Sinabi ng kanilang manong Rumolo na ideretso nila sa isang lalaking
16:56.0
nagnangalang Itay Basion.
16:59.0
Manggagamot ito.
17:01.0
Dumaan sila sa mga shortcut noon para na rin hindi mapansin
17:05.0
ng maraming tao ang nangyayari.
17:07.0
Mahirap na. Gawa ng kapag magkagulo ay masisira talaga ang kapyestahan.
17:14.0
Binaybay nila ang papunta doon sa bahay ng manggagamot na nakatira lamang sa likod ng simbahan.
17:21.0
May mga ibang tao silang nakakasalubong
17:25.0
pero sinasabi na lamang nilang lasing si Mark noon.
17:31.0
Nang makarating sila sa madamong bahay,
17:34.0
Aba, wala ito Sir Seth.
17:38.0
Mara ila ay nakiosyoso sa may baylihan o sayawan.
17:42.0
Nagiinom din kasi ito kaya baka sumayaw.
17:46.0
At ay nga, sayaw ito ng sayaw doon na sinundo ni Rumolo.
17:51.0
Dalsa hindi sila magkaintindihan ay kailangan pang hatakin ni Rumolo ang matanda sa tabi
17:57.0
at nang malayo na sa ingay ay sinabi ni Tom.
18:00.0
Nalidali namang tumakbo ang matandang manggagamot sa bahay nito
18:04.0
at inutusan si Rumolo na humanap ng kalamansi na siyang sinunod naman ng lalaki.
18:11.0
Dumating ang matanda doon sa bahay
18:14.0
at pagkakita kay Mark, agad nitong binanggit ang pangalan ni Dina.
18:20.0
Si Dina na naman to,
18:22.0
hindi na nagbago sa bahay.
18:25.0
Pakiramdam niya ata, makakabingbit siya ng binata eh.
18:31.0
Pinaigahan nila si Mark sa loob ng bahay
18:34.0
samantalang si Mark naman ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Dina.
18:40.0
Aray po,
18:42.0
iyo yung itsura ng Dina na nakikita nito.
18:46.0
Malayong malalaman, malayong malalaman.
18:49.0
Iyo, iyo yung itsura ng Dina na nakikita nito.
18:55.0
Malayong malayo sa tutong itsura ng matanda.
18:59.0
Diyos ko po, kakainin ka nun kung hindi ka pa nakuha.
19:06.0
Matapos masayihin o hilutin ang kamay, paa at ulo ni Mark,
19:11.0
ay saka naman nito minasay ang sekmura na siyang dahilan para magsuka ng magsukang lalaki.
19:17.0
Pero hindi pa rin nagbabago ang muka nito na putlang-putla at nulalah.
19:25.0
Nang makarating si Romulo, kasama na nito yung kapatid ni Mark.
19:30.0
May dalang kalamansi at hiniwa ito ni Itay Basion.
19:34.0
Piniga at kiniski sa dila ni Mark.
19:39.0
Nang malunok ito ni Mark, ay dito na niya nailabas ang lahat
19:43.0
na sa pagkakapaliwanag ni Uncle Bobetay,
19:47.0
kagayang kagaya sa mga pagkakapaliwanag sa ibang may karanasan na tungkol sa ganito.
19:54.0
Yung suka na iyon, mabaho o maitim, may laman-laman at nanlilimahid na inilabas ni Mark
20:05.0
na para siyang kumain ng bulok na pusit ng iluanya ito.
20:09.0
Ayon dito ay sisirain ito ang pangbulag at dasal na nilagay ng dina sa kinain ni Mark
20:15.0
para malabas ang tunay na anyo ng kinain niya.
20:20.0
Dagli-dagli naman tinignan ng isa pa sa kanila ang ibinalot sa supot na ulam na kinuha nila doon
20:27.0
at kung ano ang itsura ng kulay ng inilabas ni Mark sa tiyan,
20:32.0
ay ganoon na din ang itsura ng karnina ito.
20:34.0
Bumubula-bula pa at tila may kung anong buong likido sa may taas ng bagay na iyon.
20:43.0
Nagpalipas sila ng gabi sa may bahay ni Itay Basion
20:47.0
samantalang ang iba ay umuwi muna para ipaalam sa mga kaanak ang nangyari.
20:53.0
Pinayuhan naman sila ni Itay Basion na huwag nang papuntahin ang ibang kaanak
20:58.0
at uuwi naman daw si Mark sa kanila.
21:00.0
Maayos siyang uuwi sa susunod na araw.
21:05.0
Habang si Mark, Itay Basion, Uncle Bobet at ang kapatid nito ni Mark ang naroon.
21:12.0
Naririnig daw nila yung tik-tik.
21:15.0
Mga bandang alas 11 noon.
21:18.0
At tapos na ang kasayaan sa plaza.
21:22.0
Sinabi naman ng matanda na hindi ito makakalapit.
21:25.0
Magamat ay hindi pa rin nawawala ang pagkatakam nitong si Dina kay Mark nun.
21:31.0
Parang kumbaga, ang dating niyan Sir Seth,
21:35.0
maihahambing mo na bumili o nagluto ka ng paborito mong pagkain.
21:40.0
Tapos nasa harap mo na pero naudlot pa kasi tinangay ng iba.
21:46.0
Gusto mong bawiin kumbaga, kasi halos abot kamay mo na eh,
21:50.0
ang kaso, hindi mo magawa.
21:55.0
Nagsalita pa lamang umano si Itay Basion na,
21:58.0
Teka, lalabas muna ako at kakausapin ko ah.
22:03.0
At pagkatayo nito, isang pagaspas umano yung narinig niya
22:09.0
at isang malakas na mura habang papalayo ang paglipad nun.
22:14.0
Dinig na dinig daw talaga,
22:16.0
ni Uncle Bobet ang malutong na mura ng isang babae mula sa labas
22:22.0
bago niya marinig ang pagaspasan at bigla na lamang ito nawala.
22:29.0
Tawang tawa sila.
22:31.0
Buong magdamag silang gising at nakikipag-usap lamang kay Itay Basion.
22:36.0
Ikiniit ni Itay Basion ang halaga ng mga pangontra sa aswanga,
22:41.0
katulad na mga buntutpapang.
22:43.0
Lalong lalo na umano ang mga bawang at tuya
22:47.0
at kalamansi na siyang nakakasira ng mga pambulag ng mga aswanga.
22:53.0
Magtutuos daw sila ni Dina.
22:56.0
Pupuntahan niya ito at yayayain umanong magkape.
23:03.0
Pandang alas 5 nang magising si Mark.
23:06.0
Humingi ito ng kape at takot na takot nun.
23:08.0
Napanaginipan niya umano ang isang matandang huklo ba na hinahabol siya
23:13.0
at ipiniliwanag naman ni Itay Basion na yun yung Dina.
23:18.0
Yun yung gusto niyang angkinin at gusto din siyang angkinin.
23:23.0
Sa pagsikat ng araw ay umalis na rin si Uncle Bobet
23:26.0
at hindi nagpaiwan si Mark doon sa barangay na yon.
23:30.0
Bagamat nahiwalay man sa kapatid ay doon panaginipan siya
23:33.0
na tulog si Mark sa bahay nila Uncle Bobet hanggang sa umalis ito.
23:39.0
Natakot na ito.
23:41.0
Yung mga natirang piyesta na pinuntahan pa nila Uncle Bobet matapos yun kasama si Tatay.
23:47.0
Hindi na sumama si Mark pero
23:50.0
ang ikinatuwa nila ay nagpahiram ito ng motor na
23:53.0
hiniram lang din naman ni Bobet doon sa kapatid niya.
23:57.0
Muli ngayon,
23:58.0
hiniram lang din naman ni Bobet doon sa kapatid niya.
24:03.0
Muling nagkita si Uncle at si Mark sa Maynila
24:06.0
makalipas ang ilang buwan.
24:08.0
Nagkamustahan.
24:10.0
Okay na si Mark noon
24:12.0
pero ang nakakatawa
24:14.0
parehas na silang palaging
24:16.0
may dalang kalamansi.
24:46.0
Mayroon yung shout-out request sa comment section dahil hindi po natin ina-acknowledge okay?
24:51.0
So shout-out sa mga nag-renew
24:54.0
sa mga bago na ano natin
24:56.0
na mga member sa YouTube channel.
24:59.0
Maraming salamat Richard Diogenes Cipriano
25:03.0
isa sa mga bagong member natin. Thank you po.
25:05.0
Happy 1 month Em and Rodel Alzona.
25:08.0
Happy 2nd Lawrence Albios.
25:10.0
Happy 7th Aishel Aninyon.
25:12.0
Happy 8th Zombijow125.
25:14.0
Happy 9th Gracie.
25:16.0
Gracie.
25:17.0
Happy 10th Maria Angelica Romano
25:20.0
and Jean Sugaan.
25:21.0
Happy 11th Hanilee Loyola
25:23.0
and Ballest Hype Mooks TV.
25:25.0
Happy 12th Jillian Sibayan.
25:27.0
Happy 13th Jeff Cordetta
25:29.0
and E.G. Puzon.
25:31.0
Happy 14th Snazzy Cookie.
25:32.0
Happy 23rd Regan Simon.
25:34.0
Happy 28th Ruth Tagat.
25:36.0
Happy 30th Mishika Ko
25:38.0
and Happy 31st Catherine Abellinoso.
25:41.0
Maraming salamat sa mga nag-message naman.
25:42.0
Isa sa mga animator natin,
25:45.0
gumawa ng YouTube channel niya.
25:47.0
Gumawa din siya ng mga animation niya.
25:49.0
Search niyo lang po.
25:51.0
Hukbo ni Kaloy.
25:53.0
Hukbo ni Kaloy. Siyong Kaloy niya.
25:55.0
Yan. Yan.
25:57.0
Yung supportahan po natin yung mga Filipino animators natin.
25:59.0
Okay.
26:00.0
Search that.
26:01.0
Lagi po ako nakikinig sa mga upload niyo araw-araw sa work.
26:03.0
Pag hindi ako nakakapanig, inaantok ako sa trabaho.
26:06.0
Pampagising ko kayo.
26:08.0
Late na ako nakapagsabi, pashoutout ko lang sa
26:10.0
sarili ko. Birthday ko po ngayon February 15.
26:13.0
Sa kayong asawa ko na si Grisel Gallardo na naiyayanggo
26:16.0
ko na din para makinig sa iyo.
26:18.0
Pati yung ka-work ko dito sa Makati.
26:20.0
More subscriber po sir and more upload.
26:22.0
Nabibitin ako sa one or two.
26:24.0
Thank you, Nilbert Capistrano Lalata.
26:26.0
Thank you.
26:27.0
Shoutout kay Kim Loreto Cahimtong.
26:29.0
Hello po sir.
26:31.0
It's me again, May Gabriel from Muscat, Oman.
26:33.0
Pashoutout po sa mga kaibigan ko na nakikinig na din sa inyo.
26:36.0
Tersioner ko sa kanila yung channel nyo na
26:37.0
dito po nag-work sa Oman. God bless sir.
26:40.0
And keep up the good work.
26:42.0
More uploads to come po. Thank you po.
26:44.0
And last but not the least.
26:46.0
Good day sir Seth.
26:48.0
Pashoutout po ako sa sarili ko po.
26:50.0
At pashoutout din po sa mga walang kadate sa
26:52.0
Valentine's Day. Maraming salamat po.
26:54.0
Lagi po ako nag-aantay ng mga bagong upload mo.
26:56.0
Nakasubscribe din po ko sa lahat ng channel mo.
26:59.0
Thank you po sir Seth. God bless.
27:01.0
Ronel Zamora.
27:03.0
Ayun mga kagiling maraming maraming salamat sa inyo.
27:04.0
Bukas ulit!