Close
 


Bakit Ibinigay Ng China Ang Hong Kong Sa United Kingdom?x
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bakit kaya ibinigay ng China ang Hong Kong sa United Kingdom noon? At ano ang connection nito sa nangyayaring protesta at kaguluhan sa Hong Kong? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #awerepublic Bakit Ibinigay Ng China Ang
Awe Republic
  Mute  
Run time: 08:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Taong 1842 nung ibigay ng China ang Hong Kong sa Britannia.
00:05.0
Magalipas ang 155 years, taong 1997, ibinalik itong muli ng Britannia sa China.
00:22.5
Pero may kalakip itong kasunduan na magiging malaya ang Hong Kong mula sa kabuoang kontrol ng China.
00:29.8
Sila ay nagkaroon ng otonomiya at ang mamamayan ay may kalayaan tulad ng freedom of speech.
00:36.8
Pero ang kalayaan ito ay meron palang expiration date.
00:41.5
Magiging malaya lamang sila sa loob ng 50 years o hanggang taong 2047 lamang.
00:48.3
Pero kahit matagal pa ito, ngayon palang tila ba kinokontrol na ng China ang Hong Kong?
00:54.6
Kaya naman napakaraming pagpoprotesta ang nagaganap sa rehyon.
00:59.2
Ayaw kasi ng mga Hongkongers na magpasakop muli sa komunistang China.
01:04.3
Kaya ang tanong, ano kaya ang mangyayari sa Hong Kong pagkatapos ng 2047?
01:10.6
Ito na kaya ang katapusan nila?
01:12.8
At alam mo ba, ang lahat ng ito ay nagugat lamang sa isang produkto ng China, ang tsaa.
01:19.7
Ano ba ang kinalaman ng produktong ito sa naging kapalaran ng Hong Kong?
01:24.6
Iyan ang ating alamin ngayon.
01:33.9
Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region ng People's Republic of China.
01:39.7
Technically, party siya ng China.
01:42.1
Pero meron silang sariling rules and regulations,
01:45.3
maliba na lang pagdating sa defense at foreign affairs,
01:48.6
dahil ang China ang may kontrol nito.
01:51.0
Ang mga Hongkongers ay malayang na ipapahayag ang kanilang saluubin at nakakapagprotesta sila.
01:57.5
Pero ang kalayaang ito ay nanganganib na mawala sa mga Hongkongers,
02:02.2
dahil may expiration date pala ang kanilang kalayaan.
02:06.1
Hanggang taong 2047 lamang nila makakamtan ang kalayaang ito,
02:11.1
dahil sa isang kasunduan.
02:13.1
At para mas maintindihan natin kung bakit ganito ang nangyayari sa Hong Kong,
02:18.0
ay bumalik tayo sa nakaraan.
02:23.3
Ang China ay pangunahing producer ng iba't ibang produkto na gusto ng Britain,
02:28.7
tulad ng porselana at silk.
02:30.9
Pero may isang bagay na talagang kinahumalingan ng mga Breton,
02:35.0
at ito ay ang tsaa.
02:37.0
Sobrang nabaliw talaga ang mga Breton noon sa tsaa,
02:40.5
kaya naman nakipag-trade sila sa China.
02:43.2
Pero ang China ay tumatanggap lamang ng silver bilang kabayaran,
02:47.5
kaya dahil dito ay nanganib na maubos ang silver reserves ng Britannia
02:52.5
sa kakabili nila ng tsaa.
02:54.5
At hindi rin naman bumibili ang China sa mga produkto ng Britannia,
02:58.5
kaya walang bumabalik na silver sa kanila.
03:01.5
Kaya naman naisipan ng Britannia na gamitin ang opium para balansihin ang kalakalan.
03:07.5
Ang opium ay isang narcotic drug.
03:10.0
Iligal na nagsuply ng opium ang Britannia sa China.
03:14.0
Ang Chinese silver naman na ipinambabayad sa kanila,
03:17.5
ang siyang ipinambibili nila ng tsaa.
03:20.0
Noong panahon kasing iyon,
03:21.5
ay hindi pa nakikita ng Britannia ang panganib na dulot ng opium,
03:26.0
dahil para sa kanila ay isa itong medisina.
03:29.5
Ngunit ang kanilang ginawa ay nagdulot ng adiksyon sa maraming Chinese.
03:34.5
Kaya naman pinatigil ng China ang supply nito.
03:38.0
Sinira at tinapo nila sa dagat ang lahat ng opium.
03:42.0
Pero hindi nasiyahan ang Britannia sa ginawa ng China.
03:46.0
Kaya nagdeklara ito ng digmaan laban sa China.
03:49.5
At naganap ang First Opium War mula 1839 hanggang 1842.
03:55.5
Sa digmaan ito ay natalo ang China.
03:58.0
At bilang kabayaran ay isinuko nito ang Hong Kong sa Britannia.
04:02.5
Ito ay nakasaad sa nilagdaang kasunduan ng dalawa sa Treaty of Nanjing.
04:07.5
Sa taong 1860 naman nung ibinigay ng China sa Britannia ang Kowloon Peninsula.
04:13.0
At taong 1898 ay pinaupahan ng China sa Britannia ang New Territories sa loob ng 99 years.
04:21.0
At take note, ito ay upan na walang bayad.
04:24.5
Nilagdaan ng dalawa ang kasunduan ito sa Convention for the Extension of Hong Kong Territory.
04:30.5
Ibig sabihin, ibabalik ng Britannia ang lahat ng lupa pagdating ng July 1, 1997.
04:37.0
Dahil sa uhaw ng Britannia sa tsaan ng China, ay nagkaroon ito ng bagong kolonya dito sa Asia.
04:44.0
Sa sumunod na 155 years, ang Britannia ang nagpatakbo at may kontrol sa Hong Kong.
04:50.0
Sa ilalim ng pamamahala ng Britannia ay naging maunlad ang Hong Kong.
04:54.5
Salungat ito sa naging kapalara ng mainland China na naging komunistang bansa noong 1949.
05:01.5
Fast forward tayo sa taong 1984. Malapit nang dumating ang 99-year deadline.
05:07.5
Kaya nagkaroon na naman ang Britannia at China ng bagong kasunduan na tinawag na Sino-British Joint Declaration.
05:15.0
December 19, 1984, noong lagdaan ito ni British Prime Minister Margaret Thatcher at China's Premier Zhao Ziyang.
05:24.0
Na pagkasunduan nilang ibabalik ng Britannia ang Hong Kong sa China, ngunit magkakaroon ito ng atonomiya sa pamamagitan ng
05:32.0
One Country, Two Systems policy sa loob ng 50 years mula 1997.
05:38.0
Ibig sabihin, hanggang 2047 silang malayang pamunuan ang kanilang gobyerno.
05:44.5
Ngunit maraming Hongkongers ang nagprotesta sa kasunduan ito dahil ayaw nilang pagkatapos ng 2047
05:51.5
ay ibabalik sila sa komunistang China.
05:54.5
Nais nilang sila ang magpatakbo sa sarili nilang bansa at buhay.
05:59.0
Pero ganun pa man, walang nagawa ang mga Hongkongers tungkol dito.
06:03.0
Bago tayo magpatuloy, nagustuhan nyo po ba ang content natin ngayon?
06:07.0
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
06:10.0
Pagdating ng 1997 ay ibinaba na ang flag ng Britannia at itinaas naman ang sa Hongkong at China.
06:18.0
Naging Special Administrative Region ng China ang Hongkong
06:22.0
at sila ay nagkaroon ng sariling mini-constitution na tinatawag na Basic Law.
06:28.0
Ang Basic Law ay pumuprotekta sa karapatan ng mga Hongkongers,
06:32.0
tulad na lang ng kalayaan sa pagprotesta at kalayaan sa pagsasalita.
06:37.0
Ngunit sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansin ang paghigpit ng China sa Hongkong.
06:43.0
Malayo pa ang 2047, pero ayon sa mga Hongkongers ay kinu-control na sila ng China.
06:50.0
Tila ba hindi makapaghintay ang China na maging parte na ang Hongkong sa kanila?
06:56.0
May proyektong ginagawa ang China sa Greater Bay Area
07:00.0
na naglalayong maikonekta ang Hongkong sa mainland.
07:03.5
Tulad na lang ng napakahabang tulay na ito na nagkakahalaga ng $20 billion.
07:10.0
Noong 2014 naman,
07:12.0
ang eleksyon sa Hongkong ay ginawa gamit ang listahang aprobado ng Beijing.
07:18.0
Samantala, noong 2019 ay ipinatupad ng China ang Extradition Bill
07:23.0
na nagbibigay kapangyarihan sa China na usigin ang sinumang makikibahagi sa mga protesta.
07:30.0
Ang bill na ito ay nagdulot ng malawakang protesta.
07:34.5
Dahil dito, noong 2020 ay ipinasan ng China ang National Security Law
07:40.0
na naglalayong gawing krimen ang anumang kilos ng pagtiwalag,
07:44.0
pagpapabagsak, terorismo, at pakikipagsabutan sa mga banyagang puwersa.
07:49.5
Ayon sa China, kailangan nila itong gawin para magkaroon ng kaayusan sa siyudad.
07:55.0
Pero maraming Hongkongers ang naniniwala sa ito.
07:58.5
Maraming Hongkongers ang naniniwala na nilalabag na ng China
08:02.5
ang pulisiya ng One Country, Two Systems.
08:06.0
Tila ba nakakalimutan na daw ng China ang pangakong otonomiya,
08:11.0
nawawala na ang kanilang kalayaan?
08:14.0
Kaya ang tanong ng nakararami,
08:16.0
ano kaya ang mangyayari sa Hongkong pagkatapos ng 2047?
08:21.0
Ayon sa presidente ng China na si Xi Jinping,
08:24.0
One Country, Two Systems ay mananatili pa rin daw pagkatapos ng 2047.
08:30.0
Nakakalungkot isipin na makalipas ang mahabang panahong pagkakasakop ng Britanya,
08:36.0
ang bansang Hongkong ay nanganganib na muling mawalan ng kalayaan,
08:40.5
hindi na sa kamay ng banyaga,
08:42.5
kundi sa kamay ng bansang una nilang kinabilangan.
08:47.0
This is your Ate O from our Republic.
08:49.5
Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.