Close
 


May problema ba sa PELIKULA o sa mga PULITIKO natin?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Christian Esguerra
  Mute  
Run time: 12:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Truth bombs po muna tayo. Balikan po natin itong sinabi ng kagalang-galang na senador Robin Hood Padilla.
00:25.0
Itong nakaraang araw, tumundig po siya sa floor ng Senate at tagreklamo sa isang pelikulang pinagbibidahan ni Gerard Butler. Ang title po ng pelikula, Plane.
00:38.0
Hindi ka pa po ito napapanood at hindi pa rin siguro niya napapanood pero binanggit niya napanood daw niya yung trailer.
00:44.0
O na-curious ako, pinanood ko rin yung trailer. Lumalabas ang storya nito, in so many words, pilot siya ng ereplano nag-crash sa Jolo Sulu.
00:58.0
Nag-crash yung ereplano tapos pinamumugaran ng mga bandits at ang storya was how they are supposed to survive in such a situation.
01:10.0
So nagputok po, naiinis si Sen. Robin Hood Padilla. At ang sabi niya, reputation po ng inang bayan na pinag-uusapan dito.
01:22.0
Alam niyo po pagkatao, pinag-uusapan natin ang bayan natin at mga difrensya okay lang yan kasi trabaho natin yan.
01:33.0
Pero pag kaibang bansa po ang mga bandits sa atin, dapat di tayo pumapayag. Sumigunda naman si Sen. Juan Miguel Subiri.
01:43.0
Sabi niya, as a nation, we should send our regrets. This is not the real situation on the ground.
01:48.0
Sabi nila, hindi naman daw po ganoon sa Jolo Sulu. Tapos siyempre, yung MTRCV, Movie and Television Review and Classification Board, sinabi nila, ire-re-evaluate nila yung pelikula. Ang title, Plain.
02:03.0
Titignan nila, ito yung sinabi ng tagapamunan ng MTRCV.
02:07.0
We acknowledge the sentiments expressed by our Honorable Senators concerning the film, Plain. Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light.
02:21.0
Ano po ba tingin nyo dyan? Valid ba yung reklamo ng ating mga kagalang-galang na senador na siyempre, pumasok naman sa eksena yung MTRCV? Alam nyo tatapating ko kayo, hindi po ito bagong issue.
02:39.0
Marami naman tayong mga politiko na talaga nagre-reklamo sa ganyan. Parang pag sinasabi nila, hindi maganda yung portrayal ng siyudad sa Pilipinas o ng Pilipinas.
02:49.0
In particular, naalala ko, college pa ako nito, naging big issue rin ng panahon na yun. Of course, wala pang Facebook, wala pang Twitter, wala pang Instagram, wala pang vlogging.
03:02.0
Alala nyo ba yung artista si Claire Danes? Meron siyang pelikula, Broke Down Palace. Ang kanta ng pelikula niyan, very powerful, very depressing.
03:11.0
Apparently, a big part of that movie was shot in the Philippines. At sa isang panayam sa isang magazine, sinabi niya na yung Manila raw was a ghastly and weird city.
03:27.0
Tapos sa separate interview, nangyari po ito 1998, sinabi niya uli, Manila smelled of cockroaches with rats all over. Yun. So siyempre yung mga politiko natin nasaktan.
03:42.0
So nangyari ko, ginoogle ko yung mga past articles dito, nakita ko yung dating counselor ng Manila, ang pangalan, Kim Atienza, naging principal sponsor ng isang resolution sa siyudad na pinapadeclare na persona non grata si Claire Danes.
04:00.0
All her films will be banned. Yan ang sinasabi sa resolution. I don't know kung natuloy ito, pero nakita ko lang yung background story dito. Si Kuya Kim yan diba? Yung ano ba siya ngayon? Nasa GMA yata siya, dating ABS-CBN.
04:17.0
Pero dati yan baka hindi nyo alam, bago siya naging weatherman, bago siya naging entertainer. Okay? So hindi na po bago yung merong mga politiko na nagre-reklamo pag yung siyudad ay napoportrayed down negatively sa mga pelikula.
04:33.0
So 2013, alam nyo ba, kilala nyo ba si Dan Brown? Yung dating teacher na sumikat sa pagsusulat ng mga potboiler novels. Ang sumikat na una niya I think yung Da Vinci Code.
04:47.0
Entertaining yung novel na yun pero puro kalokohan yung laman nun. Pasensya na binasa ko rin yun pero kalokohan yun. Yung mga kanya-kanya conspiracy theory tungkol sa Roman Catholic Church na matagal na na-debunk. So ginawa niya, pinagsama-sama niya, pumuha pa siya rin sa ano, pero 1980-1981 book, Holy Blood, Holy Grail ang title nun.
05:09.0
Sumikat pa rin yun, matagal na. Pero si Dan Brown, pinatulon pa rin, syempre pagkakitaan niya, sumikat yung libro, naging pelikula, ang artista si Tom Hanks, Da Vinci Code.
05:22.0
Nagkaroon siya ng isa pang pelikula, base sa isa pang niyang novela, ang title Inferno, 2013. Tapos dun daw sa novela na yun, dinescribe ang Manila na Gates of Hell. Aray! So may mga politiko na naman nagreklamo.
05:42.0
Fast forward, 2023, Sen. Robin Padilla tumayo sa Senado, nagreklamo sa pelikulang plane. Dahil hindi daw po yun yung tamang depiksyon ng Hulo-Sulu, tapos kung tayo-tayo lang daw nag-uusap, okay lang, siguro, miski negatively, pero pag tagalabas na, o ba, hindi pwede yun.
06:04.0
Alam niyo po, sa totoo lang, tatapatin ko kayo, ito po yung honest opinion ko, siguro naman may karapatan ako sabihin ang opinion ko rito.
06:13.0
Alam niyo po yung mga ganyang pag-iisip, ganyang reklamo ng mga politiko natin, ano po yan? Reflection po yan ng narrow-mindedness. Narrow-mindedness, siguro small-mindedness disguised as patriotism, kakitira ng utak.
06:35.0
Okay? Minsan kasi parang reflection niya ng inferiority, ng ilang mga Pilipino, ng mga leader natin, at ipong makanti ng konting bansa, masabihin ng negative, oh aray sakit, oh my god, kailangan mag-comment.
06:50.0
Siyempre, tine-take advantage ng iba para maging populist din. Oh tara, reklamo tayo. Ang tanong, honestly tingin ko based sa napanood kong trailer, hindi naman talaga ganung ka-accurate yung portrayal ng hulo-sulu.
07:10.0
Kaya ko, yung mga kagalang-galang nating senador na nagre-reklamo, kaya nyo bumunta sa mga liblib na lugar sa hulo na wala kayong bodyguard, wala kayong kasama kahit sino, pwede kayong magtampis sa napakagandang beaches doon na hindi kayo natatakot.
07:28.0
Kung kaya niyong gawin, dapat buksan natin sa international tourism. Kasi napakaganda ng hulo, napakaganda ng sulu. Very underrated. Pero dahil may issues when it comes to security, hindi talaga nagpupunta yung mga tao. Napaka-kaunti ng tourism.
07:48.0
Unfair din yung portrayal minsan. Pag naglalabas yung mga ibang bansa ng travel advisory sa Pilipinas, sasabihin Mindanao, may nangyaring bombing sa isang lugar. Basilan, hulo.
08:02.0
Lumalabas sa foreign travel advisory buong Mindanao. Huwag naman ganun, nakalaki ng Mindanao. Hindi naman yung kaguluhan na yan talagang bumabalot sa buong Mindanao. Dapat doon sa mismo lugar kung saan nangyari yung insidente.
08:18.0
Pero ito, sa akin napakababaw nito eh. Yung tipong magre-reklamo ka ng big time sa mga ganyang pelikula. Dapat siguro we should take that as a challenge to make things better. Pagandahin yung security situation sa hulo para maiba yung impression ng foreigners.
08:37.0
Pagandahin, take that as a challenge. Siguro i-minimize yung politicking, mag-boost ng resources, bawasan yung corruption, pagandahin yung mga lugar tulad ng hulo, Sulu. I'm speaking in general.
08:54.0
Pagandahin yung sistema, palakasin yung mga institutions, palakasin yung tourism. Para hindi na tayo nagyaganyan. Napaka narrow-minded natin minsan. Naparang lumalabas yung inferiority complex natin sa people by complaining about these things.
09:08.0
We should focus our energy, our resources to much more important things, much bigger problems aside from this. Kasi kung ganyan po yung magiging kalakaran natin, paano yung mga pelikula ni Sen Robin Padilla dati?
09:25.0
Maganda yung portrayal sa mga kanto-kanto sa Pilipinas. Pinalikan ko yung kanyang filmography. Meron pala siyang pelikula na 1998, Alega Gang, Public Enemy No. 1 of Cebu.
09:38.0
Pwede rin bang magreklamo pag pinanood natin ulit yung lumang pelikula na ito? Parang hindi yata maganda yung portrayal ng streets of Cebu dyan. Pwede bang gawin yun? O kaya yung Bad Boy 2 tsaka Bad Boy 1. Tama ba maganda bang portrayal yun ng mga ambay mga kriminal?
10:01.0
Meron pa isang pelikula, Carnap King, Randy Padilla's story. Pwede rin ba tayong magreklamo dahil sa sabihin natin hindi accurate probably na portrayal dun sa kwento na yun?
10:13.0
Syempre, ridiculous diba? Hindi nating gagawin yan kasi that would be ridiculous because that's a movie. Eh bakit nga nagpuputok yung buchi natin sa isang pelikulang ganyan?
10:24.0
O assuming na iban yan sa Pilipinas, eh mapapanood naman yan sa ibang bansa. Eh diba ang market mo ibang bansa? O, di ganun din?
10:34.0
Minsan talaga kailangan mas nag-iisip yung ating mga mambabatas eh. Kaya dapat mas pinipili niyo yung mga binoboto nyo eh. Parang mas napapakinabangan natin yung resources, yung oras na nandyan sa Senado at sa mababang kapulungan.
10:51.0
Diba? Dami-dami pwedeng pagtuunan ng pansin eh. Ito yung pinag-problema natin yung pelikula. MTRCB naman dahil nagsalit tayong mga senador, patol naman ang patol.
11:02.0
Eh kung may magreklamong city, diba dapat ang nagreklamo New York City? Bakit ka nyo? Eh lagi pinapasabog sa mga pelikula eh. Lahat na lang nga yata ng sakuna sa New York nangyayari.
11:13.0
Pag may aliens talagang New York yung sinusugod, eh kawawa naman, diba? O. Dapat yata magreklamo rin yung mga politiko sa New York eh. O bakit yung kami lang? Bakit kami lagi pinapasabog sa mga pelikula?
11:25.0
O. Diba napaka-ridiculous? Iyan lang po yung gusto kong sabihin sa inyo at maraming salamat po sa pakikinig.
11:55.0
Maraming maraming salamat po.