Close
 


KWENTO NG SUNDALONG OSO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
PAPAANONG TUMAAS ANG KANYANG RANGO? SAMA SAMA NATING ALAMIN MGA KATINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 05:40
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga katinagalog ko, hindi na bago ang kuwento ng mga hayop na nagliligtas ng mga tao, at isa dito ay ang kuwento natin sa araw na ito.
00:08.7
Nang taong 1941, habang nagdaraan ang mga sundalo ng Poland sa teritoryo ng Bansang Iran, ang kanilang hanay naman ay nadagdagan.
00:18.1
Wala naman sanang kakaiba sa kaganapang ito, madalas namang yari na may mga kalalakihan sa kanilang madaraanan ang nagprepresinta upang sa digmaan ay sumama.
00:28.2
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi tao ang naging bago nila na miyembro, kundi isang ulilang batang oso.
00:35.8
Ayon sa mga saksin na ang ina nito ay pinaslang ng isang mga ngaso, kaya naman ulila na ang batang oso.
00:42.7
Nagpagalagala ito ng ilang araw sa disyerto, kaya naman ito ay kinupkop ng mga sundalo ng 22nd Artillery Supply Company.
00:53.0
Sa piling ng mga magigiting na kawal, siya ay pinangalanan na si Wojtek, na ang ibig sabihin naman ay ang masayang banderigma.
01:01.2
Ayon sa kanila na tila ba itong si Wojtek ay isang tunay na bata.
01:05.3
Binibigyan nila ito ng gatas mula sa bote na pangsanggol.
01:09.1
Nagsasalitan sila upang hindi nila makaligtaan na ito ay ipagtimpla ng gatas niya.
01:15.0
Walang mintis ito araw man o gabi, kaya naman sa katagalan ang mga sundalo ay labis na napamahal na at tila ba naging magulang na sa noon ay ang sanggol pa na oso.
01:25.9
Habang lumalaki, kasama lang nakuha ni Wojtek ang mga kaugalian mula sa nagpapalaking sundalo na mga magulang.
01:33.2
Paborito nito, nahit-hiti ng sigarilyo at kumain na ng mga tabako.
01:38.0
Madalas din itong uminom ng serbesa kahit pa ito ay nasa bote pa. Kasama rin ito sa pag-aaliw at pagsasayaw, maging sa pagbaboksing.
01:47.2
Madalas ito na nakikitang nakaupo malapit sa siga at tuwang-tuwa na kasama ng mga kawan na sa kanya ay nagpapalaki at nag-aalaga.
01:56.7
Kung wala ito sa karamihan, makikita naman ito na natutulog sa tabi ng mga nagpapahingang mga sundalo matapos na sila ay mag-duty sa kanilang trabaho.
02:06.6
Nang kinakailangan na nama-deploy ng tropa na sinamahan niya, ay kasama si Wojtek sa mga nag-marchang sundalo na kumakalinga sa kanya.
02:16.1
Nang taong 1942, nag-marcha ang kanyang hukbo kasama ng 8th Army ng Briton.
02:22.2
Ngunit ang problema ay hindi pinapayagan ng mga matataas na opisyal ng hukbo ng mga Briton ang pagdadala ng hayop sa kanilang mga kampo.
02:31.1
Kaya naman upang makasama pa rin nila ang kanilang pinakamamahal na si Wojtek, ay opisyal nila itong binigyan ng kapantay nila na ranggo.
02:39.7
Kaya naman opisyal na na ang oso ay kinilala bilang si Private Wojtek.
02:44.8
Kasama rin ito sa tala na mga sinusweldohang kawan ng kanilang bayan.
02:49.4
At dumating na nga ang panahon na sumasabak na ang mga hukbo ng Poland sa isang makasaysayan at napakamadugong labanan.
02:57.6
Ito ay ang naitala sa kasaysayan na ang laban sa Monte Casino, sa labang ito ay kasama rin nila si Private Wojtek.
03:05.9
Minsan naipit ang tropa ng mga Briton sa isang lugar at wala sa hukbo mismo nila ang naglakas na loob na suungin ang kanilang delikadong kinalalagyan.
03:16.0
Maliban kay Private Wojtek, naladala nito ang kahong-kahong supply at bala at dinala ito sa kasama niya ng mga tropa.
03:23.5
Ayon sa tala na ang iba sa mga kahong-bit-bit nito ay may timbang na 50 kilo ang kadaisa at nagtagumpay ang hukbo nila.
03:32.7
Matapos ng madugong sagopaan, ofisyal na inilagay ng 22nd Artillery ang logo ng oso bilang ang kanilang katak at bansag.
03:42.5
Kasabay nito na napromote din si Wojtek mula sa pagiging Private pataas sa pagiging Corporal.
03:49.2
Matapos na mabuwag ang kinabibilangan nitong hukbo pagkatapos ng digmaan, inilipat si Wojtek sa isang su sa Edinburgh,
03:57.4
kung saan halos araw-araw naman ay binibisita ito ng dati niyang mga kasamahan na sundalo.
04:03.6
Nang taong 1963, sa edad na dalawampu at dalawa ay pumanaw ang bayaning oso.
04:09.6
Ngunit hindi pa rin nakalilimutan ng mga taga Poland at Britanya ang malaking ambag nito sa kanilang hukbo.
04:16.4
Siya ay ginawa nila ng estatwa.
04:18.8
Ayon sa isang mga dating kasamahan ng sundalong na si Wojciech Niebrewski,
04:24.0
hindi nila makalilimutan ang panahon na kasama nila ang Corporal.
04:28.8
Tinuring nila ito na isa nilang nakatatanda na kapatid.
04:32.7
Mga katinagalog ko, isa lamang po ito sa patunay na kung gaano mapagmahal ang isang hayo,
04:38.8
wala itong takot na itataya ang buhay niya halang-alang sa mga taong nag-alaga at nagmahal sa kanya.
04:45.9
Kaya po mga katinagalog ko, kung ayaw natin natulungan ang mga hayop,
04:50.0
sila po ay huwag na lamang po nating saktan o pahirapan.
04:53.6
Dahil maski hayop po, sa ating paningin mga katinagalog ko,
04:57.5
sila po ay may pakiramdam, marunong po silang magmahal, mas lalo na po ang masaktan.
05:03.2
Mga katinagalog ko, ano pong paboritong hayop ang alaga ninyo?
05:07.0
Ako po ay may dalawang aso, isang pusa at dalawang rabbit.
05:11.1
Isulat po kin yung salobin sa comment section sa ilalim at excited na po ako nabasahin.
05:16.1
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.