Close
 


ROBIN MAS NAHIYA PA SA NASIRANG IMAHEN NG PILIPINAS DULOT NG AMERICAN FILM (Part 2: Feb 17, 2023)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
(Part 2: Feb 17, 2023) Mas nahihiya pa si Robin Padilla sa nasisirang imahen ng Pilipinas dulot ng isang American fiction film kesa sa kahihiyang dulot ng totoong laganap na korapsyon at political dynasty sa bansa. *LAPID FIRE NI ROY MABASA on FB Live: 10pm-11pm
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 34:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
... Kahit naburyong na tayong lahat sa mga katarantaduhan, katangahan na halos araw-araw natutunghaya natin dito sa ating bansa, paminsan-minsan meron pa rin silver lining o bahid man lamang ng liwanag mga kaibigan...
00:26.0
... Kahit pa alam natin na itong isang nakikita natin ito ay isang suntok sa buwan. Pwede din itong ituring na isang entertainment o pang-aliw na lang sa gitna ng halos kawalan na natin ang pag-asa sa paglaban sa korupsyon at kasamaan sa ating paligid.
00:52.0
Alam niyo kamakailan meron pong isang grupo na kinabibilangan ng mga reteradong opisyal ng gobyerno at mga reteradong general ng pulis at militar ang nanawagan. Nanawagan sila sa pagpasa ng batas na magbabawal sa political dynasties.
01:21.0
Itong pag-hiling nila na ito, mga kaibigan, nakabase po ito at nakasandal sa katotohanan na ang dinastiya politikal ang sinasabi sa halos napakaraming pag-aaral na isa sa pinakamalaking punot-dulo ng katiwalian at nagpapalala sa kahirapan at kawalan ng justisya.
01:50.0
Tumpak! Bingo! Exaktamente yung galaw na yan. Ayon dito sa grupo na ito, mga kaibigan, na kinilala sa pangalang Advocates for National Interest or ANI,
02:14.0
dapat niya higpitan ang checks and balance sa gobyerno upang muling buhayin ang ating ekonomya.
02:27.0
Alam niyo ano ba yung sinasabi nilang yan? Ito po yung paulit-ulit na nating sinasabi at pinapaalala kung gaano karaming kwarta ng bayan ang natatapon. Natatapon lamang sa ibat-ibang uri ng korupsyon dito sa ating bayan, mga kaibigan.
02:49.0
Simulan niya diyan sa mga LGUs or sa local government units hanggang sa national agencies, mga kaibigan. Tanong, ilang porsyento ang tumatapon papunta sa mga bulsa ng mga magnanakaw at tiwali?
03:08.0
Doon lamang, ang pag-uusapan pa lang natin yung mga projects ng bayan, ilang porsyento, in-explain ko na yan noong nakaraan, umaabot po sa 45% kapag ubod na ng ganib itong mga namamahala sa LGUs mga kaibigan.
03:26.0
That explains kung bakit nagiging marangya ang buhay ng inyong mga politiko. Mas huwapang at mas magnanakaw, mas marangya ang kanilang buhay. Pag mas dalhin niyo ang buhay ng inyong mga politiko, mga kaibigan.
03:48.0
Pero sa pagmamasid ninyo, mag-ingat din kayo sa mga mapagpanggap. Ang daming magaling magpanggap dyan. Kunyarin, dosing-dosing ng damit. Pero pag sa kawatan, pag sa pagkakawatan mga kaibigan, sobrang laki niyan.
04:03.0
Mahirap bang intindihin niyang sinasabi natin kay mga bobotante? Mahirap ba ipaliwanag yan? Nilalayon sana nitong panukala nito kung sino man nito mga nasa likod na ito, nilalayon sana na ito na maipatupad na o maisabuhay bilang polisya o batas...
04:27.0
... yung nilalaman ng Article 2, Section 26 ng 1987 Constitution na nagsasabing, the state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.
04:56.0
Nandyan sa talata ng saligang batas na yan, mga kaibigan, yung problema. Yung mga huling kataga, yung sinasabing as may be defined by law. Yan yung problema.
05:12.0
Dahil karamihan sa miyembro ng kongreso ay kabilang sa mga naglalakihang political dynasty sa bansa. Masakit sila po yung inaatasan na gumawa ng batas na anti-dynasty law.
05:31.0
Sila yung binabanggit doon na as may be defined by law. Yan ang masakit yan. So sa palagay nyo ba, bibitawan ang mga ito yung kanilang hawak na kapangyarihan na ipinamamana at ipinapasa lamang sa asawa, anak, kapatid, pamangkin, bayaw o kabit.
05:59.0
Ganun lang ang cycle dito. Yan lang yung pinag-iikutikutan kapag lalo na. Isipin ninyo.
06:07.0
Anyway, kabilang doon sa mga nagpipetition, mga kaibigan, ay dalawampung dating opisyal ng gobyerno na lumagda sa petition na yan ang mga pangalan.
06:20.0
Mga kaibigan, kilala na ang mga pangalan. Lalo na itong si former AFP chief na si dating senador Rodolfo Biazon, dating AFP Armed Forces of the Philippines chief of staffs na gaya nila Emmanuel Bautista, Victor Ibrado at Alexander Llano.
06:41.0
Kasama rin dyan mga kaibigan sa nagpipetition, ito pong si Eliseo Rio na dating naglingkod bilang Department of Information and Communications Secretary.
06:55.0
So ang kinakatwira nila mga kaibigan, tama naman sila. Halos apat na dekada nang nakatingga ang mga panukala ukol sa anti-dinastilo pero nabigo ang lahat ng administration.
07:11.0
Magmula po ito ng 1987 mga kaibigan, hanggang kasalukuyan na maisakatuparan ang batas na ganito, ang anti-dinastilo. Isipin ninyo, ito nang marahil, ito kasing napakaraming miyembro ng Kongreso
07:32.0
ang nagmula mismo sa angkan ng politika na hinihinalang pumipigil para gumulong ito.
07:42.0
So sa isang pag-aaral na ginawa ng Ateneo de Manila University mga kaibigan, yung sangay ng School of Government ng Ateneo,
07:54.0
nakita nito na mayroong mataas na antas ng kahirapan sa ating bansa at hindi sa iba't ibang komunidad ng ating bansa.
08:04.0
Nakita rin nila yung hindi pagkakapantay-pantay o yung sinasabing kahirapan, poverty at inequality, hindi pagkakapantay-pantay, kahirapan.
08:17.0
Doon po sa mga lugar na kung saan mayroon daw anyang mga political dynasties, lalo na sa mga probinsya, mga kaibigan.
08:29.0
Doon po sa ginawa nilang pag-aaral, naglagay din sila ng mga ilang datos noong nakaraan, especially noong 2019 elections.
08:38.0
Ganito po ang nilalaman ng mga datos. 80% niya ng mga gobernador belonging to political dynasties.
08:51.0
Samantalang 67% ng mga kinatawan ng House of Representatives ang belonging to political dynasties.
09:02.0
Samantala 53% ng mga alkalde sa buong Pilipinas ay nagmula sa malalaking political dynasties.
09:15.0
Iyan po ang mga numero ng political dynasties rito sa Pilipinas.
09:20.0
Maraming sitwasyon na may ilang membro ng isang pamilya ang umahawak ng mga posisyon sa gobyerno ng sabay-sabay.
09:33.0
Dyan lang sa Pasay mga kaibigan. Pulang na lang dyan sa Pasay pati aso patakbuhin.
09:39.0
Kailangan ang apelido ng aso kalikso rin para makumpleto na ang kanilang pamamahay mga kaibigan.
09:48.0
Merong mga pagkakataon na sabay-sabay isang pamilya ang umahawak ng mga posisyon.
09:54.0
Sabay-sabay maging sa mga mauunlad na lugar gaya ng Metro Manila, Cebu, Davao at iba pa.
10:04.0
Alam nyo naman kung sino-sino yan. Huwag na tayong magtanga-tangahan.
10:08.0
Sa mga lalawigan, dito kasama pa rin ito sa pag-aaral, sa mga lalawigan ang maganda ang may pinakamaraming opisyal na kabilang sa isang dinastyah na kumakain ng humigit-kumulang sa 50% ng mga posisyon sa politika ng lalawigan.
10:34.0
Isipin ninyo yun, 50% sila na nakuupo. Wala pa anyang naghahain ng anti-political dynasty bill sa kamara dito sa kasalukuyan.
10:47.0
Isipin ninyo kung anong-anong mga inuuna. Mamiya pagkwentuhan natin niyang kung anong-anong mga inuuna.
10:54.0
Sa Senado, tanging itong si... Isipin ninyo, ito pa nakaisip na isipin ninyo dating Amerkano ito na naging Pilipino, dating Amerkano naging Pilipino si Sen. Grace po.
11:09.0
Siya lamang yung nakaisip of all people o naghahain ng SB 548 na ito ay naglalayong tukuhin o idefine at ipagbawal ang political dynasty.
11:29.0
Pag sana magagalit sa atin itong si Md. Grace po mga kaibigan. Pero totoo naman dati siyang Amerkano. Ni-renounce niya dahil nanalo siya.
11:39.0
O ni-renounce niya nung tatakbo na siyang sa pagkapangulo.
11:43.0
Mga kaibigan. Sa Senado, meron ang isipin ninyo ito. Ngayon sa kasalukuyan dahil wala rong nagpa-file. Sa Senado, meron na pong anim diyan na malamang sa tiyak, malamang sa sigurado ay hindi susuportahan itong panukala nitong si Grace po.
12:04.0
O ito, sino-sino yan? Yung dalawang magnanay na bilyar. O yung magkapatid na Cayetano. At yung magkapatid na putik na ehers ito, yung si the good one ko. At saka si Estrada alias Mr. Pogi.
12:24.0
Diba? So hindi itong si Matet. Kilalan nyo ba si Matet mga kaibigan? Si Matet po ay si Alan Cayetano. Minsan na nagsabi, ito kasi binibire ito dati sa anti-dynasty mga kaibigan dahil doon sa tagig.
12:41.0
Talagang halos inangkina nila yung tagig mga kaibigan. Iisipin nyo mag-asawa, kumakbusa magkabilang distrito pero ang nilagay na address ay isa. Hindi po ba? O dalawa. Ibig sabihin magkahiwalay na silang namumuhay mag-asawa.
12:57.0
May sinasabi itong si Alan Cayetano mga nakaraang taon. Sinasabi niya na mayroon naman daw good dynasty at para lamang i-justify yung paglago ng kanilang angkan dyan po sa tagig mga kaibigan.
13:16.0
Isipin nyo, naisip niya pa yun. Mayroon pa palang good dynasty. Dynasty, dynasty, dynasty yan. Wala na tayong paghihiwalayan ng good or bad. Kasi bad dyan.
13:28.0
Isipin nyo, sinakup nyo na lahat ng pwesto. Kayo na lang bang marunong dyan sa tagig? Hindi po, baka wawa naman yung mga ibang nakapag-aral, nakapagtapos, nagpunyagi na sa tagig na gusto maglingkod sa bayan.
13:40.0
Nambas-anis kaysa kahit kanino sa inyo dyan. Pero itong bill ni Grace po mga kaibigan ay nakatago na sa baul ng Senado matapos itong dumaan lamang sa first reading at doon pa lang sa committee level.
14:00.0
Doon pa lang sa babayan mga kaibigan. Hindi nasisikata ng araw yan sa plenaryo. Nakakasigurado tayo yan. Dahil yung 6, isipin nyo, 6 na kagad yung ko-contra sa inyo.
14:11.0
O yung mga alipores pa ni Digong dyan. Alangan naman bumoto yan ng pabor sa anti-dynasty sapagkat ang unang tatamaan yung kanilang amo. O, nakakalungkot dito maging itong mga simbahan at ibang-ibang reliyon at sekta dito sa ating bansa ay hati-hati din ang interest
14:37.0
ukol dito sa panukala na yan na anti-dynasty law. Depende kasi yan kung nakikinabang sila.
15:07.0
Come to think of it, sabi ko nga mga kaibigan. Itong politika, trabaho ito ng mga tamad. Tamad at ayaw magpapawis at magbanat ng buto.
15:26.0
Hindi nila kayang gawin yung ginagawa ng mga magsasaka, mangingisda, doktor ng bayan, nurses ng bayan, construction worker, driver at iba pa.
15:43.0
Minsan lang papawisan itong mga politiko na ito kapag nangangampan niya sa ilalim ng init ng araw. Ito yung mga panahon na inuuto kayong mga bobotante.
15:57.0
Yan yung katotohanan mga kaibigan. Dyan lang sila pinapawisan. Trabahong tamad yan yung pagiging politiko. Iisipin ninyo, anong sarap ng buhay ng mga ito mga kaibigan? May driver, may security, may mga staff.
16:15.0
Ang tawag sa kanila sir, honorable. Hindi ba mga kaibigan? So ang sarap ng buhay yan, palaging nasa loob ng aircon yan. Pag pinawisan yan mga kaibigan, yung iba, yung mga ibang staff nila nagkakandara pa.
16:30.0
Pinapawisan sir, paipayan mo o bigyan mo ng malamig na tubig. Ang sarap ng ganoon. Parang hanghari kung sa isang bayan ka, parang hanghari sa iyong lugar kung itrato ka ng mga tao.
16:47.0
Pero ang gagawin lang dyan mga kaibigan, pagupo, magnanakaw lang.
17:02.0
Kaya dahil sa sarap, mga kaibigan, ipapamanan nila yan sa pamilya at angkan hanggang maging monopolya na ang korupsyon sa isang lugar.
17:17.0
At sa buong bansa, kapag minalasmalas ka, kung magiging presidente yung miyembro ng dynasty. Kagaya ng mga paulit-ulit na nangyayari sa ating bayan.
17:32.0
Ang sarap makipagkwentuhan sa inyo mga kaibigan. Lalo itong mga ganitong nakakagalit talaga ng mga kalagayan ng ating bansa.
17:53.0
Pero bago po tayo tumungo dyan mga kaibigan sa susunod nating tatalakay, ito kawing-kawing itong tinatalakay natin. Meron itong kaugnayan sa isa't isa.
18:04.0
Kaya sinadyanan natin ito magkawing-kawing o magduktong-duktong para hindi tayo maligaw sa pinag-uusapan natin sa gabing ito.
18:14.0
Unang-una, yung corruption at issue kay Duterte na hindi matapos-tapos dahil ayaw umamin, babatiin muna natin ito.
18:24.0
Mas mahalaga sa akin ito, nabatiin kayong mga nakikinig dahil kayo po ang nagiging sandigan o nagbibigay sa atin ang lakas ng loob para talakayan natin itong mga ganitong issue.
18:37.0
So, binabati po natin sila. Sino ito? Si Bads Gamalo, si Archie Pila, si Talugtog Manuel, si Cez Cotchon, si Felin Tagreyes, si John Sison, si Klee, si Rier Valente, si Anita Japon,
19:01.0
si Ray Aquino, si Gianni Jose, si Alexis Villanueva, si Willie Gaela, Shirley Benida, si... ano pa ito? Si Cecilia Requillas, si Leticia Gutierrez, si Moon River,
19:20.0
si Keira Biuya Lim, Elsa Tebor, si Mamu Moon, si Cecilia Brown Requillos, si Leticia Gutierrez, nabatiin na natin, si Menardo Remorimano, Alexis Villanueva,
19:40.0
si Sam Micaela Verdejo, si Corex Sata Maria, Bernie Benviaje, Ella Matic, si Alex Diaz, si Minda Gaje, sino pa? Si Alex Diaz nandito, si Jun Jimin Acabayo, si Eli Ella Matic, nabatiin na natin,
20:01.0
si Minda Gaje, sino pa? Si Robert Perez, sino pa ito? Si Buboy Ledama, Yula Asano, sino pa? Si Edwin Abier, Bernie Minda Clarino, sino pa? Si Alicia Alden.
20:22.0
Pamiya, pabatiin tayo ulit. Balik tayo dito sa ating pinag-uusapan. Alam ko maraming nabubwisit sa inyo dito kasi kanina binasa ko yung mga comment doon sa chat groups nitong mga nagko-comment dito sa ginawa nitong si Robin Padila mga kaibigan.
20:41.0
Napag-usapan na rin lang natin yung saligang batas kasi. Papaano uuusad mga kaibigan ang matitinong batas o leislasyon gaya ng anti-dynasty kung ang mismong kagaya ni Robin Padila ay inaaksaya ang sarili nitong oras sa kung ano-anong kabalbalan
21:06.0
na ang bottom line ay sarili lamang para magpapogi. So sa kamalas-malasan, sa di malamang dahilan mga kaibigan, itong si Robin Padila ay chairman pa naman ng Constitutional Amendments and Revision of Codes.
21:31.0
So ano kaya ang mahihita ni Robin sa pagpapatigil ng pagpapalabas ng pelikulang may titulong Plain? Hangu po itong Plain sa isa lamang fiksyon para mabanggit siguro, kaya niya siguro ginagawa ito mga kaibigan para mabanggit ang pangalan niya sa mga balita sa loob at labas ng ating bansa.
22:00.0
Artista kasi itong si Robin. Alam niya yung kasabihan na good or bad publicity ay publicity pa rin. Kaya siguro niya ginagawa ito mga kaibigan.
22:14.0
Wala ka namang mapapalajan. Walang katuturan ang mga pinagsasasabi mo. So nababahalaan niya siya. Isipin ninyo, nababahalaan niya siya kasama ang iba pang mga nababahala ring senador.
22:34.0
Gaya nitong si Bato at itong si Mig Zubiri dahil umanong sa nakatayang reputasyon ng ating bansa. May gana pa kayong magsabi ng reputasyon?
22:52.0
Alam niya tinignan ko kung anong sinopsis nitong pelikulang plane mga kaibigan. Tinatalakay sa nasabing maaksyon na pelikula na isa lamang kathang-isip. Gawa-gawa lang ito, kathang-isip lamang ito.
23:09.0
Ang tinatalakay dito ang kinasapitan ng mga pasahero ng isang aeroplano na nag-crash landing kunwari doon po sa Jolo, dyan po sa Mindanao Anya at napasakamay sila ng mga militant, milisya dyan po sa lugar na yan.
23:32.0
Fiction nga, gawa-gawa. Kunwari dyan bumagsak sa Jolo. Tanungin ko lang itong mga mambabatas na ito, itong mga senador na ito lalo na si Bato, si Padila at si Mig Zubiri na lahat ito galing sa Mindanao.
23:50.0
Sige ito tanong natin sa kanila. Meron pa bang mas sasama sa imahen na idinulot ng true to life story na libu-libong pinatay sa Pilipinas sa ilalim ng drag war? Meron pa bang masasama dyan? Tanungin ko kayong tatlo.
24:10.0
Meron pa bang mas nakakahiya sa imahen na ibinigay sa ating bansa ng mga bilyong-bilyong halaga ng paulit-ulit na nakawan na nagaganap sa Pilipinas sa loob po ng maraming dekada? Hindi ba kayo nahihiya dyan?
24:30.0
Nakukuwan nyo pang magsalita ng mga ganito pero hindi nyo nakikita yung totoong buhay na nagaganap dito sa ating bansa.
24:40.0
So ito pa, hindi ba nakakahiya ang nangyari sa isang grupo ng sindigatong Hapon na nakagawa po ng krimen habang nakapiit sa loob ng detention cell ng Philippine Immigration?
25:03.0
Alam nyo ba kung gano'ng kalaking kahihiyan ang idinulot niyan sa Japan habang nagkataon pa umuwi itong mga, pinauwi itong mga Hapon na ito, Diniport, habang nandun po sa Japan si Pangulong Marcos Jr. at nangungutang sa bansang Hapon.
25:23.0
Hindi ba nakakahiya yan? Ang usapan-usapan nyo doon mga kaibigan maging sa mga pahayagan at telebisyon, hindi sila makapaniwala na sa loob ng detention cell nakakulong yung mga illegal aliens mga kaibigan.
25:40.0
Ay nakakagamit sila ng telepono sa pakikipagsabwatan sa mga immigration officials o mga immigration officers na nakatalaga sa detention cell kapalit ang ilang libong halaga ng kabayaran.
25:59.0
Ano ang mas nakakahiya diyan mga kaibigan? Tanungin ko lang din si Robin, tutal siya naman ang nagsususog nitong resolution na ito, ipatigil daw ang pagpapalabas niyan.
26:11.0
Nakakahiya naman dito kay Robin mga kaibigan. Yun bang pagganap niya sa mga buhay ng mga masasamang loob o mga hoodlum at kriminal sa kanyang mga pelikulang ginagawa, yan ba ay magandang ehemplo na dapat niyang ipagmalaki?
26:32.0
Tanungin ko siya. Hindi ba mga kaibigan, kumita siya riyan. Ine-exploit niya ang buhay ng mga kriminal para siya ay bayaran ng milyon-milyon.
26:43.0
Para siya maloko niya ang mga nanonood ng pelikula at maglabas ng kwarta ito pambayad sa sinihan. Isipinin niyo yan, anong tawag mo doon?
26:52.0
Ine-exploitation yun. Meron pa bang mas nakakahiya dyan mga kaibigan? So bigyan nyo naman sana ang Pilipinas ng mataas na uri ng kalidad na leheslasyon, hindi yung kagaya nitong mga ganitong panukala na basura.
27:53.0
Si Luz Cali, si Cherry Ocampo Cruz, si Jude Bedison, si Alegría Manila, Niel de Leon, Nona Damian, Reggie Regindin, Isagani Cruz, Consuelo Ilagan, Josue Hernandez, Amelia Metin, Jeff Ramos, Edith D. Guzman,
28:10.0
Aren Aberrón, Marieta Umaguing, Tommy Cabael, Carmelo Mayo-Laylo, Carmela Balcos, Enrique Valero, Neil Manansala, John Roy Beleno, Alex Darang, Mona de la Cruz, Romeo Cinco, at si Bads Gamalo.
28:27.0
Pag-abati rin natin sila Hector Punacier, Francia Morales, Maria Luisa Sciotta, Evelyn Mateo Arabe, Erick Herodillas Partosa, si Jer Gab, Jampusa England, si Tracee Splan, si Lisa Cayetano-Stolt, si Liz Guevara, si Jeff Ramos,
28:47.0
Marieta Morata, Maribel Sacuma, Tess Santamaria, Marni Lopez, Rey Aquino, Diogracias Carmona, si Al Nepomuceno, Dennis Cruz, Eli Albau, Janet Te, Jun Di Valencia, Yula Asano, Lourdes De Vera, Perdz Iwamoto,
29:04.0
Paulo John Francisco, Teresita Omali, Ronnie V, si Maric C. Rafael Malixi, Elizabeth Quinto, Cesar Balmaceda, Marisa Cajucom, Josie Aquino, Joey Cely Mendoza, si Ed Silva, si Licel Dairo, Joel Cruz, si Silvino Ramos, si Marisa Son, si Jose Pintapang, at si Phil Santos.
29:32.0
Binabati din natin yung Team Lapid Fire sa Milan, Italy. Sa pangunguna nila, Senyor Joel Diaz at Dina Pili Diaz, si Aimee Bianzon, Aimee Imes Libang, si Mr. and Mrs. Ted Nunez, Teresita Jose Dada Ameliari, Adelaida Manalo, Marisa Calavera, Beth Tiro, Edna Yabut, Adora Javier Belinda Magtanggob,
29:59.0
Simba Perez, Frederic Luciano, Gerardo Ortega, Jen Mortel, Jerry Belen, Baby Hernandez, Leo Dumanico, Marvi Jose, Marisa Lazar, at si Marielle Alegria.
30:11.0
Binabati din natin yung Team Lapid Fire sa Barcelona. Sa pangunguna nila, Maria Jo Quijano, Joseph Quijano, Galo Elevado, Alex Solanday, May Elevado, Marie Teciosa, Aren Averon, Mayla Manila, Antonio J. Montalban, Josie Basalio, Julio Renegado, Lino Marasigan, Mayna Aquino, Paul Almen, Leo Manalo, Gloria Aguilar, Lino Gargallo, Ruchi Diaz, at si Kim Macandili.
30:40.0
Pagbati rin po dyan kay Walden Quijanberry sa kanyang may bahay, si Bioli na nandyan po kumakanta dyan po sa Guam, si Ernie Dries, May Buguan, si Jomar Apulinar, Dolores Torres, Evangeline Flores, si Jam PJ Awiwi, si Ferdinand Jojo de la Plana at yung kanyang mga kasamahan
31:03.0
dyan po sa Filipino community na nandyan po sa loob ng US Naval Facility sa Diego Garcia.
31:12.0
Binabati rin po natin si Agnes dyan po sa Mississauga, Ontario.
31:17.0
Binabati rin natin ang Team Lapid Fire sa Dallas, Texas, si Latito Moy, sino pa ito, si Malvin Lauder, si Jerry Limos, at saka si Jimmy Pineda, mga kaibigan.
31:31.0
Binabati rin natin ang Team Lapid Fire sa Japan, Team Lapid Fire sa Sydney, Team Lapid Fire sa Paris, sa pangunguna po ni Laurence and Bong Hedriana,
31:41.0
at si Mabel Enrico Carubio, SP Motola, Tom Makailan, Feli Puso, Luisa Abad, Miletski Casilihan, Zara Gonzaga, Alice Mana, Anil Salazar, si Amelia Rosanable, Amy Anemelita Aguilion, Lynn Lozano, Lumen Iluminada Acartio, at saka si Larry Marapao.
32:03.0
Binabati rin natin ang Samahang Magdalo dyan po sa Hong Kong. Kasama po ang Team Lapid Fire dyan po sa Hong Kong.
32:13.0
Binabati rin natin si Raul Atneria Lacuna dyan po sa Vancouver, si Romel Ibangilista, si Medhi Posterlosa, Christy Agkawili, Antonia Mendoza, Violet Estrada, Christina Magno, Marge Cruzat, Grace Aileen, si George Atliberti Rondosa, Richard Vargas, at si Nixon at Mary Jane Torres dyan po sa New York.
32:39.0
Pagbati rin kay Aling Marie Dinglasan, si Rosita D.C., si Stoics Adventure, si Paul Gupit, si Bebs Quena, at marami pang iba mga kaibigan.
32:51.0
Binabati rin natin itong mga tiga San Pedro Laguna, si Santiago Jerezano, at saka si Alexander Yabut.
33:03.0
Pagbati rin kay Carmen Charles dyan po sa London, si Anica Bernal dyan po sa Sydney, si Marita Carmona Natividad, Marlene Balete Orteza, si Tisi Cuevas, si Isa Mangon Villaspir, si Joe Loa,
33:25.0
si Noel Divina at Lemuel Luntok Family dyan po sa Santa Ana, si Joby Abenilla, at saka si Aseta Santa Maria mga kaibigan.
33:40.0
At wala na po tayong oras. Tayo po ay magpapaalam. Maraming maraming salamat po sa inyong pakikinig.
33:47.0
Magkabalik sa araw ng lunes at sana po ay patuloy ninyong samahan ng inyong likod. Marami pong salamat. Magandang gabi.
34:17.0
Dito'y wala ang pagkukunwari.