Close
 


Bumuhos Ang Luha Ng Lalaki Nang Tanungin Ng Judge
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bumuhos ang luha ng lalaki nang tanungin siya ng Judge. Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #court #inspiration
Moobly TV
  Mute  
Run time: 06:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Miami, June 2015. May hearing na naman na gagaganapin sa isang Florida courtroom.
00:05.6
Naghahanda na ang judge at ang mga presong naghihintay ng hatol sa kanila mga kaso.
00:11.2
At isa sa mga presong ito ay si Arthur Booth. Ilang araw lang ang nakalipas, hinuli ng mga polisi Arthur bilang primary suspect sa theft na naganap sa isang bahay sa Miami.
00:22.8
Hindi ito ang unang beses nahaharap sa korte si Arthur. Nakulong na siya dati at hindi na siya natatakot na humarap sa judge, habang ang ibang mga preso ay kinakabahan at pinagpapawisan. Kalmado lang si Arthur.
00:37.2
Noong oras na niya, tumindig siya sa harap ng judge nang walang anumang kaba sa katawan. Tila isang ordinaryong araw na lang ito para sa kanya.
00:45.5
Maya-maya pa, biglang napahinto ang judge. Tumingin siya ng maigi kay Arthur at may itinanong. Nagulad si Arthur. Tinignan niya rin ng maigi ang judge at matapos ang ilang segundo, bigla na lang umiyak si Arthur.
01:00.2
Biglang napalitan ng walang takot na suspect ng tila isang batang umiiyak. Anong nangyari? Anong itinanong ng judge kay Arthur?
01:09.2
Bago ko sagutin iyan, pag-usapan muna natin kung paano nalagay sa ganitong sitwasyon si Arthur.
01:15.5
Si Arthur Booth ay ang panganay sa tatlong anak ng isang mahirap na pamilya. Bata pa lang ay nagpakita na ng kakaibang talino at habilidad si Arthur.
01:24.4
Mahilig siyang magbasa ng libro at gustong matuto ng mga bagong bagay. Sa katunayan, natuto si Arthur ng Spanish nang walang nagtuturo sa kanya.
01:33.8
Noong nasa elementary si Arthur, nag-aral siya sa William Brent Middle School. Doon ay ipinamalas ni Arthur ang kanyang talino at nakakuha ng matataas na grades sa math at science.
01:45.0
Dahil sa kanyang performance, nakapasok si Arthur sa Nautilus Middle School, isa sa pinaka-prestigious na paaralan sa Miami sa mga panahon yun.
01:54.0
Ang mga pinakamatalinong middle school students lang ang nakakapasok sa Nautilus at isa na si Arthur dito.
02:01.0
Dahil malayo ang bahay ni Arthur sa Nautilus, sumasakay siya ng bus at isang oras bumabiyahe papuntang paaralan araw-araw.
02:09.0
Gayunpaman, mas ginalingan pa ni Arthur at nagsipag pa siyang mag-aral. Dahil dito, nag-top si Arthur sa kanyang klase.
02:16.8
Nagkaroon din ng mga kaibigan si Arthur na katulad niyang matalino at mas sipag mag-aral.
02:21.6
Isa na dito si Mindy na isang kaklase niya. Matalino din si Mindy at idol niya ang kaibigan si Arthur dahil siya ang pinakamagaling sa klase.
02:31.0
Madalas naglalaro si Arthur at si Mindy noon ng futbol sa eskwela.
02:35.4
Pinangarap ni Arthur na maging neurosurgeon habang si Mindy naman ay gustong maging veterinarian paglaki.
02:42.0
Sa galing nilang dalawa sa eskwela, madaling isipin na magkakatutuwa ang kanila mga pangarap. Pero iba ang nangyari.
02:49.6
Sa edad na labing pito, nahilig si Arthur sa pagsusugal. Noong una ay tila isang pangkaraniwang hobby lang ito.
02:56.8
Pastime lang upang makapagrelax mula sa pag-aaral. Cards lang ang nilalaro ni Arthur noong una.
03:03.8
Para sa maliit na bariya, pero dinagtagal, mas lumala pa ang sitwasyon ni Arthur.
03:08.8
Naging addicted siya sa pagsusugal at mas naging importante sa kanya ang makakita ng pera para sa kanyang bisyo.
03:16.4
Dahil dito, nagkaroon ng maraming utang si Arthur at dumaan sa depresyon.
03:21.4
Imbis na bumawi, natagpuan ni Arthur ang paggamit ng droga at dito na siya nagsimulang magnakaw para may pambili.
03:29.0
Isang gabi, may pinasok na ba si Arthur sa Miami at ninakawan niya ito.
03:34.0
Namataan si Arthur na lumabas mula sa bahay na pinasok niya at doon nalaman ng mga polis na siya ang salarin.
03:41.6
Sinubukang umiwas ni Arthur sa mga otoridad at nagmaneho papalayo sa kanila.
03:47.0
Subalit nang nabangga ang kanyang sasakyan, naabutan siya ng mga polis.
03:51.8
Agad na tumakbo si Arthur paglabas ng sasakyan pero nahabol pa rin siya ng mga polis.
03:57.8
At ito ang naghatid sa kanya sa sitwasyong pinag-usapan natin sa simula ng video.
04:03.8
Miami, June 2015. Humarap na si Arthur sa judge ng isang Florida courtroom. Habang may binabasa,
04:11.8
bigla nalang huminto ang judge at tinanong si Arthur,
04:14.8
nag-aral ka ba sa Nautilus noong middle school?
04:17.8
Nagulat si Arthur sa tanong at nang tinignan niya nang maigi ang judge,
04:22.8
doon lang niya na-realize na ang kaharap niya ay ang dati pala niyang classmate at kaibigan na si Mindy.
04:29.8
Isa na siyang circuit judge ngayon. Dito na nagsimulang umiyak si Arthur.
04:33.8
Dito niya na-realize kung gaano na magkaiba ang buhay nilang magkaibigan.
04:38.8
Hindi makapaniwala si Mindy sa nakikita niya na ang dati niyang matalino at mabait na kaibigan
04:44.8
sa middle school ay isa na ngayong magnanakaw.
04:48.8
Patuloy lang ang pag-iyak ni Arthur. Tinatakpan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha
04:53.8
dahil nahihiya siya sa dati niyang kaibigan.
04:56.8
Sinabihan ni Mindy ang mga tao sa courtroom kung gaano kabait at katalino si Arthur noong middle school.
05:02.8
Pero sa huli, dahil guilty si Arthur, pinatawan siya ni Mindy ng bail bond na $43,000 o 2.5 million pesos.
05:12.8
Kung hindi ito mababayarin ni Arthur, makukulong siya ng isang taon at ito nga ang nangyari.
05:18.8
Natauhan si Arthur sa nangyari. Kaya naman, sa kulungan, nagsimula ulit si Arthur sa pagbabasa.
05:25.8
Naging interesado siya sa business. Dahil naging matino si Arthur sa kulungan,
05:30.8
10 months lang siyang nakulong at nakalabas ng maaga para sa kanyang good behavior.
05:35.8
Pagkalabas niya, sinalubong si Arthur ng kanyang pamilya at isang kaibigan.
05:40.8
Ang kaibigan iyon ay ang judge na nakaharap niya sa korte ilang buwan na ang nakalipas.
05:47.8
Tuwang-tuwa si Arthur nang makita niya si Mindy.
05:50.8
Niyakap niya ang kanyang kaibigan at pinangakuan na magiging matino na siya sa kanyang buhay.
05:56.8
Sinuportahan naman siya ni Mindy at sinabihang huwag nang babalik sa buhay kriminal.
06:01.8
At pinanindigan ni Arthur ang kanyang promise.
06:04.8
Matapos ang ilang taon ay matino nang namumuhay si Arthur.
06:08.8
Hindi na siya gumagamit ng illegal na drugs at isa na siyang manager ng isang pharmacy.
06:13.8
Isang patunay na kahit gaano man kababa ang kinahantungan mo sa buhay,
06:18.8
kaya mo paring bumangon at magsimulang muli.
06:21.8
Anong masasabi niyo sa kwento ni Arthur at ni Mindy?
06:24.8
May natutunan ba kayo sa pagbangon ni Arthur?
06:26.8
May kakilala ba kayong pareho ng experience ni Arthur?