Close
 


TOTOONG KWENTO NG TITANIC
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAS NAKAKALUNGKOT PA ITO SA KWENTO NI JACK AT ROSE SAMA SAMA PO NATIN ITONG ALAMIN MGA KATINAGALOG KO . SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa likod ng barko ng pangarap ay ang masaklap na kwento ng mga nasawing pasahero nito.
00:06.2
Samahan nyo ako sa talakayan natin mga katinagalog ko sa araw na ito.
00:10.9
Kung inaakala na ang kwento lamang ni Jack at Rose ang nakaiiyak sa pelikulang Titanic,
00:16.7
mas nakapanlulumo pa ang totoong kwento ng mga taong totoong dinanas ang kasawiang paglubog ng pangarap na barko.
00:24.9
Ang Pamilya ng Rice
00:26.7
itong si Margaret Norton ay ipinanganak sa bansa ng Ireland.
00:30.8
Nang makipag-isang idib-dib ito kay William Rice ay lumipat sila sa bansa ng Amerika.
00:36.3
Nang masawi sa aksidente sa tren ay nabiudah itong si Margaret ng taong 1911.
00:42.4
Nakakuha man ito ng salapi mula sa insurance ay napagpasyahan naman ito na umuwi na lamang siya sa Ireland.
00:49.3
Ngunit dahil sa kalungkutan ay napagpasyahan ito na sa Amerika na lawang sisimulang muli ang bagong buhay niya
00:56.6
kasama ang limang maliliit pa na suplengnya at ang Titanic ang sasakyan nila na mag-iina.
01:03.2
Ngunit ang inaasam na bagong buhay ay hindi na nila makakamit pa.
01:07.8
Ayon sa mga saksi nakita nila ang mga anak nitong si Margaret na mula sa dalawang taong gulang hanggang sa sampung taong gulang
01:15.2
na nakakapit sa kanyang palda at hindi na makatakbo pa.
01:19.4
Dagdang na isa pa sa mga pasahero, nakita niya ito habang yakap-yakap ni Margaret ang bunsong anak at nilamon sila ng dagat, si Ida at si Isidor.
01:29.7
Sa pelikula na pasama ang kuwento nitong dalawa, sila ay ang dalawang mag-asawa na may edad na pinili na lamang manatiling magkasama sa paglubog ng barko.
01:39.8
Itong si Isidor ay isa sa may-ari ng kinalang pamilihan sa Amerika.
01:44.7
First class na mga pasahero sila, may pagkakataon man itong si Ida na iligtas ang sarili niya, hindi nitong maatin na iwanan ang asawa na pumanaw ng mag-isa.
01:55.4
Kaya naman sa barko ay sabay sila na nagpaiwan.
01:58.6
Ayon sa mga saksi habang papalubog ang barko, isa sa mga kawaninang Titanic ang nagsabi kay ginoong Isidor na maaari siyang sumakay sa isa sa mga lifeboat.
02:08.7
Dahil siya nga ay may edad na at alam nila na siya ay mahina na, ngunit sumagot ang ginoo na hinding-hindi ito sasakay hanggat nakikita nito na may bata at mga babae pa na hindi pa nakakasakay sa lifeboat.
02:22.6
Sa sinabing ito ng mister, si Ida ay humakbang paalis ng lifeboat na kanyang kinalunulanan at siya ay nagsabi,
02:30.8
Naging magkasama tayo sa ating buong buhay. Kung maiiwan ka sa barko at papanaw sa paglubog nito ay sasama na lang ako sa iyo.
02:39.6
Hindi natin iiwanan ang isa't isa. Ang magsing-irog ay kasama sa mga nasawing palad na kinuha ng karagatan.
02:47.4
Ang pamilya ng Sea.
02:49.1
Bing isa ang miyembro ng buong pamilya. Sa Inglaterra ay mga panadero sila at nagmamayari ng isang panaderya.
02:57.0
Naisipan ang buong pamilya na subukan ang swerte nila sa Estado ng Philadelphia sa Bansa ng Amerika.
03:04.1
Ayaw man ang halos karamihan sa miyembro ng pamilya ang ama ng tahanan ang nagkumbinsi sa kanila.
03:10.8
Ayon sa kanya na huwag madanagan at ang lahat ay magiging maayos at masaya.
03:16.4
Hindi naman dapat Titanic ang barko na sasakyan nila, ngunit ng panahong iyon ang karamihan sa barko na papunta sa Amerika
03:24.0
ay naubusan na ng uling dahil nag-i-strike sila. Kaya naman sa Titanic sila ay napilitan na lumipad at paglubog ng barko ng pangarap.
03:33.7
Kasamang naubos ang buong pamilya ng Rice, walang nakaligtas ni isa sa lahat ng labing isa.
03:40.8
Ang buong pamilya ng Goodwin.
03:43.2
Limang araw matapos na lumubog ang Titanic, nakuha sa Dagat Atlantiko ng nagliligtas na barko ng Bennett ang labi ng isa at kalahating taon na batang lalaki.
03:54.5
Dinala na lamang ito sa simenteryo ng Halifax at inilibing na hindi alam ang kanyang pagkakakinanlan.
04:02.0
Nang taong 2007, syemnapu at limang taon matapos ang trahedya ng Titanic, sa wakas ang sanggol na lalaki ay napangalanan na.
04:11.5
Siya ay si Sidney Leslie Goodwin.
04:14.4
Ipinanganak ang sanggol sa Inglaterra.
04:16.8
Ang kanyang mga magulang ay si Frederick at Augusta Goodwin.
04:20.6
Ang buong pamilya ay naglakbay sa Titanic.
04:24.0
Ngunit kinakailangan din nila na ilipat ng barko dahil nga nagkaroon ng kakulangan sa uling.
04:30.1
Katulad din na nangyari sa pamilya Sage.
04:32.6
Lahat ng walong miyembro ng pamilya ay pumanaw sa paglubog ng RMS Titanic.
04:38.8
Kaya naman inabot pa ng syemnapu at limang taon bago pa ang bonsu nila ay napangalanan pa.
04:44.9
Ang ama na si Thomas.
04:46.8
Bago pa sumampan ng barko, tatlong buwan pa lamang itong si Thomas Miller na nabubyudo.
04:53.0
Masakit man sa kaluoban, kinakailangan nitong umalis upang magtrabaho at matustusan ang dalawang naiwang mga anak niya.
05:01.4
Ang labing isang taong gulang na si Thomas Jr. at ang limang taong gulang na si William.
05:06.4
Ayon sa ama na malamang sa Amerika, sisimulan nilang muli mag-aama ang bagong buhay nila.
05:12.9
Kaya naman habang siya ay nag-iipon pa, ay iniwanan niya muna ang dalawang mga anak sa kanyang tiya.
05:19.1
Bago umalis ay iniwanan nito ng tigbenchinko ang mga sopling at sinabing huwag itong uubusin hanggang sa kanyang pagbabalik.
05:27.5
Ngunit sa kasawiang palad, ang ama na si Thomas kahit kailan ay hindi na nakabalik pa.
05:33.2
Nanatili ang mga bata sa pangangalaga ng kanyang tiya.
05:36.6
Ang mga benchinko magpasa hanggang ngayon mga katinagalog ko ay nasa pangangalaga pa ng kanilang pamilya.
05:43.2
Ang nagtana itong si Dennis Lennon at Mary Mullen ay parehong tubong Ireland.
05:50.0
Sa unang pagkikita pa lamang, alam na nila na sila ay para talaga sa isa't isa.
05:55.7
Kaya naman napagpasyahan nila na magpunta sa Amerika.
05:59.6
Ang dalawa ay magtatana na sa galit ng pamilya nitong si Mary ay hinanap nila silang dalawa.
06:05.9
Si Mary pala ay dapat isang madre na.
06:08.9
Dahil nga nag-strike ng panahon na iyon kaya kulang ang mga uling,
06:13.0
kinakailangan ng dalawa na lumipat mula sa orihinal na sinakyan nila na barko na ang Chimerick
06:19.5
matapos naitago nila ang kanilang totoong pagkakakilanla na silang dalawa ay nagbalit ng pangalan.
06:26.8
Ngunit hindi na sila nakarating pa sa pangarap nila na Amerika
06:31.0
dahil kasama silang dalawa sa paglubog ng barko.
06:35.0
Mga Katinagalog ko, alin po para sa inyo ang masaklap na kwento?
06:39.4
Sa totoo lang marami pa talagang mga kwento sa RMS Titanic ang unti-unti na nagkakaroon ng linaw
06:45.8
dahil na rin sa mga saksi at mga dokumento na ngayon lang nila nakuha sa ilalim ng barko.
06:52.3
Mga Katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo
06:56.3
sa isa na namang makabuluhang segment sa araw na ito.
06:59.5
Maraming salamat po sa mga nagsisend ng stars, mga Katinagalog.
07:03.1
Next week, simula nang babanggitin ko mga pangalan ng mga magigiliw kong mga Katinagalog
07:08.6
na nagsisumikapbigyan po ako ng stars.
07:10.9
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa ating channel
07:15.2
at sana po ay hindi kayo magsawa.
07:17.7
Sa inyo po, God bless po.
07:19.5
Keep safe at peace out.