Close
 


Germany, Bakit P50 Lamang Ang Renta Ng Bahay Sa Loob Ng Isang Taon?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa isang lugar sa Germany, sa halagang P50 ay meron ka ng bahay na marerentahan sa loob ng isang taon . Kahit nagtaasan na ang presyo ng mga bilihin, ang renta ng bahay dito ay hindi tumaas simula nung naitatag ito noong 1520. Bakit kaya napakamura ng renta ng bahay sa lugar na ito? Alamin sa vidyong ito Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyrig
Awe Republic
  Mute  
Run time: 04:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome to Fuggerei, isang housing complex sa Germany, at mamama nga ka sa sobrang mura ng renta ng mga bahay dito.
00:09.0
0.88 Euros lamang sa isang taon.
00:12.5
Isipin mo, sa halagang humigit kumulang 51 pesos ay meron ka ng bubong na masisilungan sa isang buong taon.
00:20.5
Mahigit 500 years na itong nakatayo at alam mo ba,
00:24.5
kahit nagtaasan na ang mga presyo ng mga bilihin, ang renta ng bahay sa Fuggerei ay ganun pa rin.
00:31.0
Hindi ito tumaas simula nung naitatag ito noong 1520.
00:35.5
Bakit kaya napakamura ng renta ng bahay dito?
00:39.0
At ano kaya ang mga requirements para makapagrenta at tumira sa Fuggerei?
00:44.5
Iyan ang ating alamin ngayon.
00:49.5
Ang Fuggerei ay matatakpuan sa Augsburg, Germany.
00:53.5
Kilala ito bilang pinakamatandang social housing project sa buong mundo.
00:58.5
Ito ay maitituring na parang maliit na walled city.
01:02.0
Binubuo ito ng magkakamukhang two-story na 67 buildings na may 147 apartments.
01:09.5
Ang mga apartment ay may lawak na 46 to 65 square meters.
01:14.5
Ang bawat apartment ay may bedroom, living room, kitchen, at bathroom.
01:19.5
Ang mga apartment sa ground floor ay may sariling garden.
01:23.0
Habang ang nasa second floor naman ay may access sa attic.
01:26.5
Ang housing complex na ito ay meron ding sariling paralan, ospital, simbahan, at beer garden.
01:33.0
Meron pang bunker na itinayo noong World War II para magsilbing taguan ng mga residente.
01:38.5
Pero ngayon ay ginawa na itong museum.
01:41.5
Sa kasalukuyan, ang Fuggerei ay merong 150 na mga masasayang residente.
01:47.5
Sino ba naman kasi ang hindi sasaya? Iwala pang 1 euro ang kanilang binabayaran na renta sa kanilang tinitirahan.
01:55.0
Isipin nyo, sa ating pera ngayon ay nagkakahalaga lamang ito ng humikit kumulang 51 pesos.
02:02.0
At take note, ito ay renta sa isang buong taon na.
02:06.0
Ikaw ka awesome!
02:07.0
Gusto mo bang maranasang tumira sa Fuggerei?
02:09.5
Kung oo, ay pakicomment po ng yes.
02:12.5
Ang Fuggerei ay pinangalan sa founder nitong si Jakob Fugger.
02:16.5
Si Jakob ay nagmula sa mayamang pamilya.
02:19.5
Sinasabing kung susumahin ang kayamanan ni Jakob noong siya ay nabubuhay,
02:24.5
ang katumbas nito sa kasalukuyang panangon ay nagkakahalaga ng 250 to 400 billion dollars.
02:31.5
Mas mayaman pa siya kay Elon Musk na siyang pinakamayamang tao sa mundo noong 2022.
02:38.5
Kaya bagay talaga ang bansag kay Jakob na Jakob the Rich.
02:43.5
Taong 1516 nang magkaideya si Jakob na magtayo ng isang pabahay para sa mga mamamayan ng Augsburg.
02:50.5
Layunin niyang tulungan ang mga mahihirap para hindi na nila poproblemahin ang mahal na upas sa bahay.
02:57.5
At sa taong 1516 din nagsimula ang pagtatayo ng unang bahay sa Fuggerei.
03:02.5
Ngayon, ang ikanengti na henerasyon ng Fugger family ang namamahala dito.
03:06.5
Ang pabahay ay pinarentahan ni Jakob noon ng one reinesher golden o katumbas nang nasa 0.88 euro ngayon.
03:14.5
At ang rental fee na ito ay hindi talaga nagbago o tumaas sa lumipas na mahigit 500 years.
03:21.5
Ano naman kaya ang mga requirements para makapagrenta at tumira sa Fuggerei?
03:32.5
Well, hindi naman kahit sino lang ang pinapayagan nilang makapagrenta ng bahay sa Fuggerei.
03:37.5
May mga requirements din ito.
03:39.5
Una, dapat ay naninirahan ka sa siyudad ng Augsburg nang hindi bababa sa dalawang taon.
03:45.5
Pangalawa, dapat ay mahirap ka, ngunit dapat ay wala ka rin utang.
03:51.5
Pangatlo, hinihiling din na magtrabaho ka para sa Fuggerei.
03:54.5
Mga simpleng trabaho gaya ng pagiging receptionist, tour guide, cashier, at iba pa.
04:00.5
At pangapat, dapat isa kang katoliko.
04:03.5
Ang mga residente ay kailangang magdasal ng tatlong beses araw-araw.
04:07.5
Magdadasal sila ng The Lord's Prayer, Hail Mary, at Nicene Creed.
04:12.5
Maraming residente ang nagsasabing napakaswerte nila dahil sa Fuggerei ay meron daw silang peace of mind.
04:19.5
Hindi na kasi sila nai-stress sa mahal na upa at nabibili na nila ang gusto nilang bilhin.
04:26.5
€0.88 na taonang renta at tatlong dasal araw-araw.
04:31.5
Maliit na kabayaran para sa maayos na pabahay at oportunidad na mabuhay ng marangal, mapayapa, at walang alinlangan.
04:39.5
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!