Close
 


SA ATIK NAKATIRA ANG KALUKADIDANG NYA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SA LOOB NG MAHIGIT 1 DEKADA DI NYA ALAM ANG KALUKADIDANG NG KANYANG ASAWA YA KSAMA NYANG NAKATIRA SA SARILING BAHAY NYA- SAMA SAMA NATIN ITONG TUKLASIN MGA KATINAGALOG KO, SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 08:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hanggang saan kaya mong panindigahan ang iyong pagmamahal?
00:03.9
Ito ay ang kwento ng dinaanan ng dalawang magsing-irog sa ngalan daw ng pagmamahal.
00:10.2
Ito ay ang kwento ni Dali at ni Oto.
00:13.0
Ang magsing-irog na si Dali at Oto ay masayang nagsasama sa mahabang panahon.
00:18.3
Hanggang sa mapagtanto ng asawa nitong si Dali na si Oto ay nakikitira pala sa atik ng bahay nila na mag-asawa.
00:27.4
Kilala bilang si Walburga o Sjetrek o si Dali, isang may bahay sa edad nito na 30 taong gulang.
00:36.2
Masayahin daw ito at pala kaibigan.
00:39.1
Palagian itong naiiwan sa tahanan ngunit kontento ito sa kanya raw na kilalagyan.
00:44.8
Samantalang ang kanyang mister naman na si Fred o Sjetrich ay isang negosyante na may-ari ng pagawaan ng apron sa kanilang bayan na tinitirahan.
00:54.6
Masaya ang pagsasama ng mag-asawa hanggang sa taong 1913 nang masira ang makinang panahi ng ginang.
01:02.4
Sa pagnanais ng mister na huwag mawalan ng paglilibangan ang may bahay,
01:07.0
agad itong nagpadala ng isang trabahador na binata sa kanilang tahanan upang ang problema ng makina ng ginang ay agad niya na masolusyonan.
01:17.4
Ang binata namang ito ay nagnangalan na Otto Sanhuber na nang panahong iyon ay 20 taong gulang lamang.
01:24.9
Sa pagdating nitong si Otto ay sinalubong ito ng ginang,
01:28.2
ngunit tila ba kakaiba ang kasuotan nito kaysa sa normal na pang-araw-araw na damit nito.
01:34.3
Itong si Dolly ay nakapantulog lamang at nakamanipis na stockings pa.
01:39.5
Ang marupok na si Otto ay nahulog naman sa pang-aakit ng mas nakatatanda sa kanyang ginang.
01:45.8
Ang dalawa ay naging magkarelasyona.
01:48.2
Sa una ay patago-tago lamang na nagkikita ang dalawa,
01:51.9
paminsan ay sa hotel, minsan naman ay sa mismong bahay nila na mag-asawa habang ang kanya namang mister ay nasa trabaho pa.
01:60.0
Ngunit kahit noon pa ay may mga marites na.
02:03.3
Nagsimula ang mga kapit-bahay na magtanong kung sino ang ginoo na sa bahay ng mag-asawang Westrich ay palagian daw na pumupunta.
02:12.6
Agad namang sinagot ng ginang na ang lalaking ito ay half-brother naman daw niya.
02:17.6
Ngunit dahil nga iba ang kinikilos ng dalawa, ay mas naghinala pa ang mga kapit-bahay na palagian na nakatingin sa kanila.
02:26.1
Kaya naman agad na nakaisip ng plano ang ginang na si Dolly.
02:30.2
Dapat ay magpatuloy ang palihim nila na ipinagbabawal na relasyon ng walang nakahalata.
02:36.8
Kaya naman itong si Otto ay napagdesisyonan na manirahan sa mismong bahay nila na mag-asawa.
02:43.0
At sa atik ng bahay, siya ay itinago niya.
02:46.6
Sa factory na pinagtatrabahuan ni Otto, nagpaalam ito sa kanyang amo.
02:50.7
Ayon sa kanya na kinakailangan niya na umuwi sa kanila dahil sasamahan daw niya ang may sakit na na magulang niya.
02:58.2
Matapos na payagan, palihim na ito na lumipat sa bahay ng mismo na amo niya, ang bahay ng dalawang mag-asawa.
03:05.9
Ang dating dalawa sa bahay, hindi nalaman ni Fred na tatlo na ngayon sila.
03:10.6
Sa atik itong si Otto ay hindi lumalabas, hindi nag-iingay.
03:14.2
Doon umikot ang kanyang buong mundo.
03:16.7
Sumusulat ito ng libro na ang pop fiction na nangangarap na balang araw ay mailalathala ang libro na kanyang ginawa.
03:24.7
Naging maayos ang lahat mga katinagalog, walang naghihinala at wala rin namang nakakikita.
03:30.3
Hanggang sa nang umabot ng ikalimang mga taon.
03:33.7
Migla na lamang nagsabi itong si Fred kay Dolly na sila ay lilipat na ng ibang estado sa bansang Amerika.
03:40.6
Sila ay doon daw maninirahan ng pangmatagalan.
03:43.9
Sa Los Angeles naman ang kanyang napupusuan.
03:47.4
Kung inaakala na ito na ang katapusan ng relasyon ng kanyang pinakakatagong kalukadidang ay nagkamali po tayo.
03:54.9
Mismong si Dolly ang naghanap ng bahay na kanyang lilipatan doon nakahanap ito ng iba pang tahanan na may attic na naman.
04:03.8
Isasama nito si Otto sa pagbabagong buhay nila, dalawa na mag-asawa.
04:08.4
Wala pa rin nakaalam sa tinatago nitong kabulastugan.
04:11.7
Doon ay apat na taon pa ang lumibas at walang kaalam-alam ang mister nito sa misteryong tenant nila sa attic sa bahay mismo niya.
04:20.7
Nang taong 1922, nang mag-away ng matindi, itong si Fred at si Dolly na siya namang narinig nitong si Otto mula sa attic na kanyang matagal na natinitirahan.
04:31.3
Sa kainitan ng kanilang pagtatalong mag-asawa, bumaba itong si Otto, dala ang dalawang may bala na sandata.
04:38.4
At doon mismo sa kinatatayuan ng mister na si Fred, siya ay pinaslang ng kalukadidang na si Otto.
04:45.4
Sa taranta ay nagkagulatan pa sila.
04:48.2
Agad naman nag-isip ng paraan itong si Dolly, hindi nito kayang mawalay si Otto sa kanyang buhay.
04:53.9
Inisip nito na pagmukaing ninakawan ang bahay nila, at sa proseso ay napas lang ang kanyang mister na si Fred.
05:01.6
Sa pagdating ng otoridad, inilahad ng misis ang naganap daw na pagnanakaw.
05:06.6
Hindi naman kumbensido ang mga otoridad sa kwento ng ginang, ngunit napilitan sila na ito ay pakawalan.
05:13.5
Ito ay dahil naghihinalaman, kulang na kulang naman ang kanilang nakalap na ebidensya.
05:19.8
Hindi pa nagtatagal itong si Dolly, ay lumipat naman ng tahanan at doon pa rin siya ay sinundan ng kanyang kalukadidang.
05:27.2
Sa atik pa rin si Otto ay pinalipat at doon pa rin siya nanirahan.
05:32.4
Ngunit kay Otto, si Dolly pa rin ay hindi naging tapat.
05:36.7
Dahil ito ay biyuda na, ay mas marami na din ang nagiging mga lalaki niya.
05:41.6
Isa dito ay ang naging kaseryosohan niya.
05:44.2
Ito ay ang abogado na si Herman S. Shapiro.
05:47.8
At dahil abogado, palagian din ito na abala, habang abala rin naman ang kanyang nobya sa isa pa nitong karelasyon bukod pa sa kanya.
05:56.4
Ito naman ay si Roy Klumd.
05:58.4
Hiniling nito kay Roy na iwanan daw nito ang isa sa kanyang sandata na debala, upang ito raw ay maging proteksyon niya.
06:05.3
Ngunit ang kakaiba ay hiniling nito sa isang malapit din na kapitbahay niya na ilibing ang mga sandata na debala sa mismong bakura niya.
06:14.1
Matapos na hindi magkasundo ang dalawa, sinabi nito ni Klumd sa mga otoridad ang tungkol sa armas na naiwan ito sa dating nobya niya.
06:22.4
At ang dalawa sa armas ay nahukay sa bakura niya at kinumpiska naman ng otoridad mula sa kanya.
06:29.5
Ngunit ayon sa pag-iimbestiga, hindi ito ang debalang sandata na iniwan ni Klumd sa kanya.
06:36.5
Ngunit kulang na naman ang ebedensya na mag-uugnay sa ginang, kaya naman nakapagpiansa ito at muli na naman nakalaya.
06:44.8
Matapos ang 7 taon, nakipaghiwalay naman ang abogado ni si Shapiro sa kanyang matagal nakasintahan na si Jolly.
06:52.0
Doon nito isiniwalat ang krimen na kanyang nalaman tungkol sa ginawa noon ng ginang.
06:58.0
Ito ay sa kanyang dating yumaong asawa na si Fred.
07:01.1
Nalaman ito ng abogado nang minsan ay magkita sila ng naghihinagpis at nagsiselos na si Otto.
07:08.1
Na siya namang nagsiwalat sa kanya ng katotohanan tungkol sa krimeng kanilang dalawang kinasasangkutan.
07:14.4
Inilaglag nito ang matagal na matagal na niya na sariling kalukadidang.
07:18.8
At dahil nga matagal na nanaganap ang krimen at saksi pa itong si Otto, ito ay hindi nakasuhan at nakalaya din naman.
07:26.6
Samantalang dahil sa mga armas na dibala ay nakasuhan itong si Jolly ng pakikipag-sabuhatan.
07:33.2
Ngunit nakapagpiansa din naman ito at kalaunan ay napawalang sala din naman.
07:38.4
Opesyal na na nawala ang kaso ng taong 1936.
07:42.6
Matapos na kumalat ang kwento at balita, doon nila na pagtagmi-tagmi ang kwento na itong si Otto ay ang ginooh na nagmahal, nagpakamartir
07:52.3
at sa dulo ay sa kanyag rin ginawa ang matinding panluloko.
07:56.5
Mga katinagalog ko, gaano nyo kayang tiisin ang mga nangyayari sa inyo sa ngalan ng pagmamahal?
08:02.8
Ano po sa inyo ang salitang sukdula na at tama na?
08:06.2
Isulat po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay atin namang basahin.
08:12.5
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa nakaiintrigang segment natin sa araw na ito.