Close
 


Dear MOR Presents: "Inaruga" Kwento Ni Gina
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hanggang saan mo ilalaban ang isang relasyon na tinututulan ng iba? Alamin ang sagot dito lang sa #DearMORPresents #KwentongKaMORkada For MORe videos subscribe now: http://bit.ly/MORForLife Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MOREntManila Follow us on Twitter: http://twitter.com/MORentPH Check out our livestreaming at all MOR Philippines Facebook Pages! #DearMOR #DearMORPresents #Inaruga #KwentongKaMORkada
MOREntertainment
  Mute  
Run time: 32:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, nakakainlove, Dear MOR!
00:31.0
Dear MOR!
00:33.0
Hello sa inyo, Popoy at Bea, at sa lahat ng listeners ng Dear MOR.
00:39.0
My name is Gina, and I am an office worker dito sa Makati.
00:45.0
Matagal na akong nakikinig sa inyo, and gusto ko sanang malaman niyo na naitawid niyo ako sa madilim na parte ng buhay ko.
00:55.0
Kayo, ang escape ko kapag nalulunod na ako sa hirap ng buhay.
01:01.0
Ang totoo niyan, Popoy at Bea, kaya din ako napamessage sa inyo, e gusto ko sanang ibahagi ang kwento ng buhay ko sa inyo.
01:11.0
Matagal na tong tinata- o matagal ko na tong tinatago, kasi nahihiya ako na may makaalam ng totoong mga nangyari.
01:20.0
Popoy at Bea, hayaan niyong simulan ko ang kwento ko noong nagkakilala kami ni Bryan.
01:28.0
Bata pa lang ako ay kilala ko na tong si Bryan. Masasabi nating family friend namin siya.
01:36.0
Naalala ko pa yung mga panahon na lagi kaming naglalaro nitong si Bryan.
01:41.0
Mabait kasi siya sa akin, kaya hindi naging mahirap ang mapalapit ang loob ko sa kanya.
01:49.0
Sa tuwin dadalaw si Bryan sa bahay namin ay lagi kami ang magkakasama.
01:55.0
Habang busy ang mga matatanda ay eto kami ni Bryan, nagkukulitan, nagtatawanan, at nagkakasiyahan.
02:05.0
Grabe, naalala ko pa yung mga panahon na naiiyak ako kapag aalis na si Bryan kasi nawawalan na ako ng kalaro.
02:15.0
Popoy at Bea, habang umuusad nga ang panahon, mas naging matibay ang samahan namin ni Bryan.
02:23.0
Kapag may problema ako sa school ay siya ang laging tinatakbuhan ko.
02:28.0
Kapag nabibigatan ako sa mga problema sa bahay ay si Bryan lagi ang hinahanap ko.
02:35.0
Talagang maaasahan ko itong si Bryan.
02:39.0
Kaya hindi na rin ako nagtaka na hindi nagtagale, naging boyfriend ko rin itong si Bryan.
02:46.0
Noong araw na tinanong ako ni Bryan kung okay lang daw ba maging boyfriend ko siya, eh hindi ko na siya pinigilan.
02:54.0
Palagay na kasi ang loob ko sa kanya noon paman.
02:58.0
Sa panangin ko kasi, wala nang mas perfect na maging boyfriend.
03:03.0
Kundi si Bryan lang talaga.
03:06.0
Popoy at Bea, tutol ang parents ko noon nung sinabi ko na kami na ni Bryan.
03:13.0
Hindi daw kami nababagay.
03:16.0
Hindi ko pa daw kayang i-appreciate yung mga bagay tungkol sa pag-ibig.
03:21.0
Makailang beses akong pinagsabihan ng parents ko na iwanan na si Bryan.
03:26.0
Hindi ako nakinig sa kanila.
03:29.0
Tinuloy ko lang ang relationship namin.
03:32.0
Nilaban ko talaga.
03:34.0
Masyado na kaming matagal na magkakilala ni Bryan para basta na lang akong bumitaw.
03:40.0
Magalit na akong magalit ang parents ko.
03:43.0
Hindi kami maghihiwalay ng taong mahal ko.
03:48.0
Popoy at Bea, dito na nga mag-uumpisa ang pinakamadilim na parte ng buhay ko.
03:56.0
Dito ko na matututunan na wala pa talagang tunay na kaligayahan.
04:03.0
Na nagtatagal.
04:34.0
Kawa naman yung mga bata.
04:36.0
Bakit naman kayo ganyan mga magulang?
04:39.0
Baka kasi bata pa.
04:41.0
Sobrang bata pa.
04:43.0
Sobrang bata pa.
04:45.0
O kaya baka nagugulo na yung pag-aaral.
04:49.0
O powede rin na bawal muna hanggat hindi ka pa nagtatrabaho na type.
04:56.0
Di ba may mga ganoong magulang nag-i-impose talaga ng strict law na sa bahay.
05:03.0
Lalo na sa mga kababaihang dyan na kaya na hindi ka muna pwede mag-boyfriend hanggat hindi ka pa graduate ng college.
05:10.0
At Popoy mind you meron akong friend na rin noon na hindi siya papayagang mag-jawabels hanggat wala pa siyang trabaho at hindi pa siya parang nakaka-contribute dun sa family.
05:22.0
Ganoon ang chika ng pudrakels niya. Oo, hindi lang basta-basta pagka-graduate.
05:27.0
Dapat ano, alam mo yung staple ka na sa kakapag-humanap ng karelasyon.
05:34.0
Dahil ang chika ng pudrakels niya, kailangan sulitin mo yung, in fairness naman, kailangan sulitin mo yung kabataan mo at yung pagiging single mo.
05:45.0
Bago ka, alam mo yun, pumunta sa isang relationship. Kailangan magawa mo muna lahat ng gusto mong gawin.
05:52.0
Para, by the time na pumasok, tandang-tanda ko talaga po po yung chika niya.
05:57.0
Naiyak kasi siya talaga. Para daw, pag pumasok siya sa isang relationship, alam niya kung paano siya dapat ratuhin.
06:05.0
Dahil siya na mismo ang gumawa ng mga bagay na, alam mo yun, magpapa-aruga sa kanya.
06:15.0
Gawin muna niya yung magpapasaya sa kanya para meron na siyang standards kung ano ba talaga yung saya.
06:21.0
At hindi yung ibabasin niya yung standard yung saya dun sa magiging karelasyon niya.
06:26.0
In fairness naman, may point naman yung pudrakels niya. Hindi na rin talaga po umalma dun sa pudrakels niya.
06:33.0
Kasi alam mo, maganda nga yung sabi niya Gayle Enriquez sa FG, baka pinapaaral pa kasi siya ng mga parents niya kaya bawal pa.
06:44.0
Alam niyo para sa akin, sa mga nakikinig ngayon lalo sa mga kabataan, wala namang problema.
06:50.0
Sige makipagrelasyon basta yung relationship na yan ay nanatiling inspirasyon.
06:57.0
Pero kapag mas marami ka ng oras na inuukol, ginugugol sa pakikipagrelasyon, yan ang hindi maganda.
07:07.0
Doon na nga palagang kampi ako sa mga magulang, pasukin nyo na yan.
07:11.0
Pumasok na kayo sa eksena, teka lang napapabayaan na yung pag-aaral.
07:16.0
Lagi nalang ginagabi, hindi na nakakapagpahinga ng maayos.
07:21.0
Hindi rin natin alam kung ano na yung nangyayari behind doon sa mga oras na magkasama sila ng jowa niya.
07:29.0
Hindi na rin kasi healthy yun. Kahit pamahal na mahal na mahal mo yung tao, I'm sorry.
07:36.0
Pero hindi lang namang pakikipagrelasyon ang meron sa buhay.
07:39.0
Ayokong basagi ng trip ninyo sa mga kabataan. Ayokong basagi ng trip ninyo.
07:45.0
Pero napagdaanan na rin namin yan. Ilang beses na medyo nagkatrabaho na nga ako noon.
07:52.0
Tapos ganyan pa rin akong umasta. Dari naman.
07:57.0
At yung feeling ko, Popoy, dito pa lang kasi sa first part, pwede na talagang mag-alala yung parents.
08:05.0
Kasi sinabi ni Gina na kapag may problema siya, kapag stress na stress siya, ganyan-ganyan.
08:12.0
Ang hinahanap si Bryan hindi yung parents, Popoy.
08:15.0
So alam mo yun, naghahanap ng comfort yung babaita dun sa jowa, hindi sa pamilya.
08:23.0
Which is, well, case to case basis, baka kasi nakaka-stress naman talaga yung pamilya at walang maitutulong.
08:31.0
Sige, bibigyan natin ang consideration yun.
08:35.0
Pero kung mukha namang matinoy yung parents niya, wala naman siyang chinika na reklama niya sa parents niya.
08:42.0
Kundi sa pag-aaral, sa life in general, pag nasa-stress siya, si jowa ang pinupuntahan niya.
08:49.0
Kaya feeling ko napapansin niyo ng mga magulang na parang hindi yata lumalapit sa atin yung dunanakay natin.
08:56.0
Ba't parang mukha siyang problemado pero walang pinasabi sa atin.
08:59.0
Baka doon nag-alala.
09:01.0
Isa pa yan Bea, hindi din maganda kapag may karelasyon ka na nakakalimutan mo na may mga kasama ka pala sa bahay.
09:08.0
At yung bahay pala na kasama mo, pamilya mo nga pala yun.
09:14.0
Nanay mo, tatay mo, mga kapatid mo, hindi mo na napapansin.
09:17.0
Nandun pala, dito pala sila, kasama pala ako.
09:20.0
Yung iba kasi ganyan na rin umasta.
09:22.0
At hindi yan magandang pakiramdam para sa mga magulang din naman na parang nilalampas-lampasan na lang, parang may border.
09:31.0
Pero hindi naman nagbabayad yung border, alam mo yun? Kasi anak mo eh.
09:35.0
Oo, may ganyan tendency talaga yung mga kabataan kay Popoy na nag-jowa lang feeling nila may sarili na silang buhay na hindi pwede yung pakialaman.
09:45.0
Pero kung saan ka nakatira? Sino nagpapaaral sa'yo? May pera ka ba?
09:50.0
Ito pa matinde Bea. Di bali na yung paaral eh. Sige baka kayang i-provide mo yun para sa sarili mo, working student ka.
09:57.0
Eh sino ba nagpapalamon sa'yo? Yan pa yung sasabihin ng mga magulang.
10:02.0
Teka, Iha, Ineg ano nga uling pangalan mo?
10:06.0
Kasi nakikita kita, papasok ka dito tapos lalabas ka rin sa bahay na ito. Medyo kahawid ka namin.
10:11.0
Hindi ka na namin kilala. Anong pangalan mo? Yung iba gano'n kasing umasta na eh.
10:15.0
Kung magpapakasarkastic lang yung magulang talaga medyo marami talagang isusumban sa'yo.
10:22.0
Alam mo ako rin tawag dun po po, yun yung mga kabataan na sobrang feeling entitled.
10:27.0
I think meron talagang mga responsibilidad ang mga magulang natin sa atin na kailangang i-provide.
10:33.0
Pero it's also a responsibility para to appreciate naman ng maayos yung ginagawa ng parents natin.
10:41.0
Kasi hindi rin naman madaling ginagawa ng parents natin. Huwag tayong masyadong entitled sa mundo.
10:46.0
Dodong at gagagay, ha?
10:48.0
Na hindi porke throughare nag-diyowa ka lang. Oh my God, I'm a strong, independent person na.
10:53.0
And my love life is mine only. And my parents cannot interfere. That's like, you know, invasion of privacy.
11:00.0
Ay, Diyos ko, hali ka dito, kakatukang kita. Dahil, alam mo yun, ang daming ganyan.
11:06.0
Ay, nakapukoy talaga. Ang daming ganyan.
11:08.0
Ang mga mapagmataas na. Akala mo, ang daming nang alam sa buhay.
11:11.0
Akala mo, ang daming nahirapan at lahat-lahat na, alam mo yun, marami ng knowledge at mature na talaga kung magsakita.
11:17.0
Eh, hello? Diyos ko, hihahanapin pa rin naman yung parents in the end.
11:22.0
Pero hindi naman natin sinasabing gano'n si Gina.
11:28.0
Feeling ko, nandun sa face si Gina Popoy na alam mo yun, nainlababo eh.
11:36.0
Nainlababo ng bonggam-bonggam sa isang lalakay. Kaya, alam mo yun, laban kong laban.
11:41.0
Eh, Diyos pa tayo.
11:43.0
Ang sinasabi lang din natin dito kasi, Bea, no, palagay lang to eh. Diba?
11:48.0
Kuro-kuro lang natin. Actually, wala namang sinabing ano, si Gina na...
11:55.0
Wala naman din yun.
11:57.0
Pero yun yung mga pwedeng dahilan kung bakit magiging kontra, diba, ang mga parents mo.
12:04.0
Diba? Kapag hindi nga naidudulot sa'yo maganda yung relationship.
12:08.0
Diba? Pero yung mga sinabi ba natin, yung sobrang oras na binibigay mo sa karelasyon mo, napapabayaan yung pag-aaral, napapabayaan mo rin yung mga kasama sa bahay mo.
12:17.0
Yun nga kaya, alin kaya doon ang mga naging problema?
12:22.0
Yan po ang magandang malaman natin sa second part ng ating puwento sa oras nating 21 minutes.
12:28.0
Makalipas ang alauna ng hapon, kaya samaan niyo lamang po kami. Ako po si DJ P, DJ Popoy, that's my guapopoy.
12:36.0
And of course, Gorgeous V, Bea Pose.
12:58.0
Popoy at Bea, dahil nga tutol ang parents ko sa relasyon namin ni Bryan, ay lagi akong tumatakas para lamang makita si Bryan.
13:08.0
Minsan nga, mas pinipili ko pang magpagabi kesa umuwi agad ng bahay galing sa school.
13:15.0
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw na ayaw nila kay Bryan, eh matagal na rin nilang kilala si Bryan.
13:23.0
Nagpatuloy kami sa ganitong set up for a while.
13:28.0
At Popoy at Bea, lagi pa nga akong sinasabihan na huwag ko daw intindihan ang sinasabi ng parents ko.
13:35.0
Basta ang importante ay okay kami, nagmamahalan kami.
13:41.0
Basta magkasama kami, e sabay daw naming ipapakita sa lahat na seryoso kami.
13:48.0
Popoy at Bea, dapat pala dito palang ay nakita ko na agad.
13:56.0
Dapat pala pinansin ko na ang lahat ng signs na binibigay sakin ng pagkakataon.
14:03.0
Sana naiwasan ko ang mga susunod na pangyayari.
14:08.0
Popoy at Bea, lumala ng lumala ang away namin ng parents ko.
14:15.0
Isang araw kasi ay nagkasigawang kami ng sobrang lala.
14:20.0
Galit na galit talaga ako kaya nilayasan ko sila.
14:24.0
At nakita kami ni Bryan.
14:27.0
At sinabi niya sa akin na doon muna ako sa apartment niya tumuloy.
14:34.0
Popoy at Bea, mind you na estudyante pa lang ako.
14:39.0
At wala akong sariling pera kaya kay Bryan ako lumapit.
14:44.0
Pagdating ko sa apartment ni Bryan ay todo talaga ang naging iyak ko.
14:50.0
Pagod na pagod ang puso ko.
14:53.0
Dito na nga ako unti-unting tinakalma ni Bryan.
14:57.0
Nung una, payakap-yakap lang siya hanggang sa dahan-dahan na niya tinatanggal ang damit ko.
15:08.0
Nakut-off guard talaga ako, Popoy at Bea. Hindi ko mapigilan si Bryan.
15:14.0
Pero sahanan niya akong pinahiga sa kama niya.
15:18.0
At matakot talaga ako.
15:21.0
Popoy at Bea, siguro oras na para malaman niyo na mas matanda si Bryan sa akin ng maraming taon.
15:31.0
Senior pa lang ako sa high school noon ay matagal na nagtatrabaho si Bryan.
15:37.0
All this time pala, Popoy at Bea, I was being groomed.
15:42.0
Napakahayap talaga ni Bryan.
15:45.0
Kahit anong pigil ko ay gusto niya talaga akong galawin.
15:51.0
Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas.
15:55.0
Kaya pala ayaw ng parents ko kay Bryan.
15:58.0
May nakikita silang hindi ko nakikita.
16:02.0
Akala ko talaga hindi na akong makakatakas noon sa kapit ni Bryan.
16:08.0
Naluluha na talaga ako ng mga oras na iyon.
16:11.0
I didn't know who I can turn for help.
16:15.0
Popoy at Bea, sa awa ng Diyos ay dumating ang Papa ko sa bahay ni Bryan bago siya may tuluyang nagawa sa akin.
16:24.0
Kinabahan daw kasi si Papa noong umalis ako ng bahay kaya agad niya akong sinundan.
16:30.0
At sobrang iyako na makita ko ang Papa ko.
16:34.0
Tapos na ang kalbaryo ko.
16:37.0
Agad pinapulis ng parents ko si Bryan at simula nga noon ay hindi na kami nagkita pa.
16:44.0
Maswerte ako Popoy at Bea.
16:47.0
Maswerte ako dahil may mga magulang akong iniintindi ako kahit sobrang tigas na ulo ko.
16:54.0
Dapat noon palang nakita ko na na minamanipula na pala ako ni Bryan noong bata palang ako.
17:01.0
Inaalagaan niya ako para mapalapit ang loob ko sa kanya.
17:06.0
Pinuno niya ang bata kong kaisipan ng magagandang bagay para pagdating ng panahon ay tiwala ako sa kanya
17:14.0
hanggang sa ready na siyang gawin ang kahit anong gusto niya sa akin.
17:20.0
Buti na lang talaga at nakawala ako.
17:23.0
Buti na lang andyan na mga magulang ko.
17:27.0
I managed to escape what could have been a sexually abusive relationship.
17:34.0
Hanggang dito na lang muna ang kwento ko, Popoy at Bea.
17:38.0
Taon na rin ang lumipas simula nung insidente nyon.
17:42.0
Unti-unti ay nakarecover na rin ako.
17:46.0
May mga youth groups akong nakilala na malaki ang naging tulong sa recovery ko.
17:52.0
Popoy at Bea, gusto ko sanang maging babala ang kwento kong ito.
17:57.0
Babala na huwag na huwag basta magtitiwala sa mga taong maganda ang tinapakita sa atin.
18:05.0
Muli, maraming salamat. Sana ay dumami pa ang listeners ninyo.
18:12.0
Lobos na gumagalang, Gina.
18:42.0
10 minutes makalipas ang launa ng hapon. Wala doon sa mga inisip natin basta Bea.
18:51.0
Not exactly nandun pero meron pala nag-feed sa kanya na mga gagawin niya para suwayin ang mga magulang.
19:00.0
Dahil ibang aruga pala, hindi pala pag-aaruga mula sa mga magulang yung nakuha niya, pag-aaruga mula sa ibang tao na ginugroom siya para maging jowa niya in the future.
19:16.0
Napagsamantalahan ang murang isipan nitong ating letter center na tinago sa pangalang Gina ng isang mas nakatatanda sa kanya.
19:33.0
Meron palang pananamantala na. Noon pa kaya ayaw na ayaw ng mga magulang, Bea. Kasi yung pananamantala, it doesn't have to be sexual agad.
19:46.0
Meron yung pananamantala na dahil sa murang edad nauuto-uto ang isang tao o kahinaan niya ay nasasamantala. May ganyan po yan, not necessarily nasasaktan, not necessarily inaabuso agad yung pagsasamantala.
20:08.0
Lalo na yan pero inyong studyante pa lamang. Minor pa lamang itong si Gina, inaalagaan na pala siya ni Bryan para sa kanyang maitim na plano. Nabuti na lang ay hindi na isakatuparan itong si Bryan.
20:26.0
More, definitely more. Mga 10 years ang feeling ko ang pagitan nila. Kasi senior, high school pa lang daw siya, matagal nang nagtatrabaho.
20:39.0
Mga nasa 20s na itong siya nung high school pa lang. Ang dami natin pwede mawawang warning dito sa storya na ito. Una sa lahat, warning for the parents, warning sa mga taong pinapapasok sa loob ng inyong tahanan kung saan in-entertain ang mga anak ninyo, kinakausap ang mga anak ninyo.
21:06.0
Lalo na kung bata pa ang anak ninyo, huwag niyo masyadong pagkatiwalaan. Lalo na kung family-family friend na mga ganyan, yan actually kahit mga kamag-anak.
21:21.0
Ang masyadong matatanda ang mga nato-tropa, ang mga ganyan. Pinabantayan mo ang anak mo tapos ganyan pala ang mangyayari. Huwag masyadong magtiwala ang mga magulang kahit masabihin nating taon niyo ng kilala yan dahil wala yan sa taon.
21:45.0
Pwede natin matawag na pinto e diba?
22:15.0
Pero hindi yung bata pa lamang ay minamanipula mo na. Minamanipula mo na ang kanyang decision-making, naku-corrupt mo na ang corruption of minor. Kinu-corrupt mo na ang kanyang paniniwala, yung sasabihin mo huwag kang sumunod sa mga magulang mo, sige akong bahala sa iyo dito ka nalang tumira sa bahay, magiging mas maganda buhay mo rito basta pagbigyan mo ko.
22:43.0
Pero walang problema meron akong pera. Corruption yan. Corruption of minor. Kinu-corrupt mo ang utak ng bata. Pananaman tala yan. Kaya iba yan doon sa May-December love affair na pwede naman talaga. Lalo na kasi na-reach na nung mas batang karelasyon yung age of maturity niya.
23:06.0
At kaya niya na talaga mag-decision para sa sarili niya. Adult na rin siya. Nung pumasok siya mas maganda yung karelasyon niya. Siya na nag-decision noon. Walang nagmanipula sa kanya. Walang nagtulak. Yan yung pinagkaiba nito.
23:36.0
Pagmamahalan tayo na dapat ako ako ito mo, that's a red flag. Kasi ini-encourage ka niya na sirain mo yung relasyon mo sa magulang mo, sa pamilya mo. Kapag may taong mahal ka ba, gusto mo bang masira siya doon sa pamilya niya? Gusto mo bang mawalan siya at malayo siya doon sa pamilya niya?
23:55.0
Kapag katotoong mahal ka ng isang tao, hindi siya papayag na ganoon. Mas magustuhin pa niya isakripisyo yung relationship niyo basta ba okay ka doon sa pamilya mo. Kasi pamilya mo yun. Pero pag hinihila ka niya, papunta sa kanya, that's a no-no. That's a red flag. Hindi yan.
24:11.0
Let's say oo mahal ka niya but that's a toxic kind of relationship dahil selfish siya at gusto niya eh doon ka lang sa kanya. At wala siyang pakialam doon sa welfare mo, doon sa parents mo or as a family. Diba? So tingnan niya yung mga ganyan mga bagay. It's not all about you and me against the world.
24:30.0
Well, Diyos ko, hindi ganyan yan. Masarap yun. Masarap pang hindi eh. You and me against the world. Parang ipaglalaban natin ano mamangyari, may kumontra man tao, sitwasyon, laban tayo. Eh yung problema kapag ikaw inuuto-uto, labang ka pa rin. Diba, huwag naman.
24:51.0
Well, case to case basis, no? Pero dito sa story ni Gina, wala pang karapatan si Gina magkaganyan. Oo kasi bata pa siya, diba? Wala pa siyang alam sa mundo ng pag-ibig at talagang victima lang siya nitong siya, no?
25:08.0
Hindi pa. Diba? Kaya Gina, maraming salamat sa pagbabahagi nitong kwentong ito. Buti nakalusot ka. Diba? Pero sana, sana yung iba dyan. Mahalataan nyo naman kung concerned nga ba sa inyo ang isang tao o baka ginugroom na kayo.
25:26.0
Kasi hindi lahat na nakangiti sa harapan mo ay kaibigan nyo. Tandaan nyo po yan. Hindi lahat na nag-e-extend ng tulong ay bukas palad na nag-e-extend ng tulong.
25:39.0
Mayroong iba dyan ay nag-e-expect ng something in return na tinulungan kita. Iha, tulungan kita sa pag-aaral pero ganito ha. Yan. O iho, halika paaaralin kita pero alam mo na meron tayong konting obligasyon para maging masaya tayo parehas.
25:59.0
Nakupag ganoon ang mga salita at merong mga hinihingi sa inyo mga pabor na hindi ninyo malulunok at pinipilit kayo at alam nyo na kinukurap kayo, alam nyo hindi naman kailangan maging kasintalino nyo si Albert Einstein o si Ernie Barron para maintindihan, para maunawaan yan.
26:22.0
Hindi, hindi ninyo kailangan yun. Konting katalinuhan lamang po ang requirement dyan. Alam mo kapag ikaw ay napagsasamantalahan na, yung kahinaan mo, yung kahirapan nyo, yung sitwasyon at lalo na yung kabataan mo. Alam mo kapag ikaw ay napagsasamantalahan na.
26:41.0
Kaya naman maganda yung sinabi sa YouTube ni Life with Stella in Germany. Respect, love and honor your parents. Lalo na kung mababait ang mga magulang mo. Di ba hindi naman kailangan sila ay mayayaman, hindi kailangan ang mga magulang natin ay laging nasa loob ng simbahan.
27:01.0
Kailangan naramdaman ninyo na totoong mahal kayo ng mga magulang ninyo. Ano man ang kanilang sabihin, kontra ito o in support of you, dapat pakinggan ninyo. Di ba pakinggan ninyo. Kahit pang bulag-bulag kayo sa pag-ibig ka tulad ni Gina, bulag-bulag siya kasi love ko si Brian.
27:21.0
Di na nakinig sa magulang, maayos pala ang kanya mga magulang, totoo siyang minamahal. Di ba? Pero wala nilang pasa nyon. Pero tsaka nila nakita nung muntik na siyang mahulog doon sa bitag nitong siya Brian. Buti na palakpakan natin mga magulang na ganyan.
27:39.0
Thank you. Thank you talaga sa tatay at sinundan siya. Hindi talaga siya hinayaan na lang. That's the love of a parent. Lalo pat babae itong Gina. Ay naku, madaling pagsamantalahan.
27:53.0
May kilalaki, beya. May lalaki na abuso na pagsasamantalahan din. Kaya mag-iingat din.
28:23.0
100% healing from the trauma na naranasan ko.
28:54.0
Nakakalungkot, masakit. Lalo na kapag bata ka pa lang nung nawalang ka ng magulang.
29:00.0
Si Gail Enriquez sabi niya awareness ang letter ni Gina kaya makinig ang mga kabataan. Dodogtongan ko yan.
29:11.0
Ito ang pinakamatinom sa lahat ng hihirit ni Rennie Boy. Lesson learned. Huwag pala desisyon sa buhay. Follow your parents because they know what's better or what's best for us.
29:39.0
Kaso ako kasi pasaway eh. Eh bagay lang kayo. Gagawin lang kayo.
29:44.0
At saka ang mga bata. Di ba kung nag-aaral pa kayo, ang focus dapat na sa pag-aaral.
29:50.0
Deba? Inspiration na nga lang kung sakaling merong dumating na pag-ibig sa eskwelahan o kung saan man.
29:58.0
Pero kapag merong bumubulong sa inyo o sumisigaw ng magulang na tigilan mo na yan, merong mali. Merong mali. Makinig muna kayo sa mga magulang nyo.
30:09.0
Hindi dahil sa palamon pa kayo, hindi dahil sa pa-aral pa kayo. Bilang respeto ito. Bilang respeto ito na minamahal tayo ng ating mga magulang.
30:22.0
Hayaan muna natin. May pakialam pa rin sila sa atin kasi sa totoo lang kahapon lang kayo pinanganak.
30:28.0
Mas maraming alam yung mga magulang natin kaya sana huwag masayang yung mga pagod nila, yung mga paalaala na dahil sa kakulitan mo.
30:36.0
Isang oras lang na magkamali ka, 30 minutes, 10 minutes na magkamali ka, bumigay ka sa tukso, life-changing yan. Mabuntis ka o paano ngayon?
30:52.0
Makabuntis ka o paano? Magtatago ka, damay mo pa ang magulang mo? Mga ganoong eksena. Kaya makinig, magpapigil, lalo na dapat nag-aaral muna ang mga bata.
31:10.0
Mga kapamilya 142, yan ang ating tamang oras. Maraming salamat sa inyong napakagandang mga komento at magandang araw din sa iyo Gina. Sana mas nakasmile ka na.
31:23.0
Maraming salamat sa awareness na story na ibinahagi mo sa amin. Mapaitman ang iyong naging karanasan na waay malayo ang marating nito at malalim ang maging tanim. Lalo na sa maraming mga kabataan na nakakapakinig dito sa ating programang Gear MOR.
31:53.0
At ang lagi naming paalaala ay stay safe, stay healthy, at kahit anong mangyari mga kapamilya, stay in love and stay happy!