Close
 


Batang Binitay, Inosente Pala
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang kwento ni George Stinney, ang batang binitay at nalamang inosente Matapos ang 70 taon. Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #justice #law #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Yakap ang Biblia ay nanginginig na lumakad papasok sa execution chamber ang batang si George Stinney Jr.
00:07.0
Sa edad na labing apat na taong gulang, si George ang pinakabatang nahatulan ng kamatayan sa kasaysayan ng Estados Unidos.
00:14.5
Ngunit paano nga ba napasok sa ganitong sitwasyon ang batang ito?
00:19.0
Ilang buwan bago mangyari ang lahat ay tahimik na namumuhay sa Alcolu, South Carolina ang pamilyang Stinney.
00:25.5
Ang ama na si George Stinney Sr. ay nagtatrabaho sa isang lumber company na siya ring nagpapaupa sa kanila ng tatlong kwartong tirahan.
00:34.0
Kasama ang asawang si Aimee at limang anak.
00:37.0
Si George Jr. ang panganay sa magkakapatid.
00:40.0
Maliit na bata kung ilarawan si George Jr. ng kanyang mga kakilala bagamat nasa grade 7 na siya noon.
00:46.5
Isa sa mga gawain niya ay ang pagpapastol ng kanilang alagang baka sa kalapit na bakanting lote.
00:52.0
Katapat lamang ng riles na naghihiwalay sa tahanan ng mga White American at African American.
00:58.0
Kasagsagan nito ng Jem Crew era kung saan mainit ang diskriminasyon laban sa mga Afro-American katulad ng mga Stinney.
01:06.0
Hapon ng March 24, 1944.
01:09.0
Pagkatapos ng klase ay niyaya ni George Jr. ang nakababatang kapatid na si Aimee upang ipastol sa bakanting lote ang alagan nilang baka na si Lizzie.
01:18.5
Sa oras ding iyon, ay napagdesisyonan ng magkaibigang Betty June Bineker, 11 years old, at Mary Emma Thames, 7 years old,
01:27.5
na maghanap ng May Pop, na bunga ng bulaklak na passion flower.
01:32.0
Dahilan upang mapadpad sila sa kabilang bahagi ng alkolo kung saan nagpapastol ang magkapatid na Stinney.
01:39.0
Nagtanong ang dalawang bata sa magkapatid na Stinney kung alam nila kung saan makakahanap ng May Pop.
01:44.5
Subalit hindi rin ito alam ng magkapatid, kaya tumalis rin ang magkaibigan sakay ng kanilang bisikleta.
01:50.5
Ito na ang huling pagkakataon na nakita silang buhay.
01:54.5
Walang kamalay-malay na umuwi si na Aimee at George, ayon kay Charles, isa rin sa magkakapatid na Stinney, na noon ay labing dalawang taong gulang.
02:03.5
Umuwi ang dalawang suot ang damit na suot din nila noong umalis. Walang bahid ng dugo o dahas.
02:09.5
Ginawa ng dalawang bata ang taktang aralin at noong gabing iyon ay dumalupa sa isang salo-salo sa kanilang kapitbahay.
02:16.5
Dito na nalaman ng pamilya Stinney ang pagkawala ni na Betty, June at Mary Emma.
02:21.5
Naging malaking usapin sa alkolo ang nangyari. Halos lahat ay tumulong sa pagkahanap, kabilang na dito si George Stinney Sr.
02:29.5
Umaga na noong March 25, 1944, nang matagpuan ang mga katawan ni na Betty at Emma sa isang bangin.
02:37.5
Nakadapa ang mga ito, duguan at wala ng buhay. Natagpuan sa tabi nila ay ang sirasirang bisikleta.
02:44.5
Noong araw ding iyon ay inaresto si George Stinney Jr. kasama ang kapatid na si John.
02:50.5
Ngunit kalaunan ay napalaya rin si John at natuunang lahat ng akusasyon sa 14 anos na si Stinney dahil siya ang huling nakitang kausap ng mga bata.
03:00.5
Ayon sa kanyang kapatid na babae, wala ang mga magulang nila noong inaresto si George. Ito na rin ang huling pagkakataon na nakita niyang buhay ang kanyang kapatid.
03:09.5
Naging sunod-sunod ang dagok sa pamilya Stinney, sapagkat matapos maaresto ang kanyang anak ay tinanggal din sa trabaho si George Sr.
03:18.5
at pinalayas ora mismo ang kanyang pamilya sa kanilang tinitirhan.
03:22.5
Nagtungo sila sa Pinewood kung saan nakatira ang lola ni George Jr. at kailanman ay hindi na bumalik sa alkolo.
03:30.5
Nagtagal lamang ng 83 araw ang paglilitis kay George Jr. at sa loob nito ay isang beses niya lang nasilayan ang mga magulang, noong araw lang mismo ng paghatol sa kanya.
03:42.5
Ayon sa mga otoridad ay inamin ni Stinney na siya ang pumatay sa mga batang babae gamit ang isang bakal. Dagdag pa nila, ginahasa rin daw ni Stinney ang nakatatandang bata, si Betty, bago ito pinatay.
03:54.5
Sinubukan niya ulit daw itong gahasain pagkatapos ng pagpatay ngunit malamig na ang bankay nito.
04:00.5
Pinabulaanan ito ng post-mortem, ang examination na ginawa sa katawan ng mga bata. Walang ebidensya ng panggagahasa, bagamat may galos sa maselang parte ng katawan.
04:11.5
Sa kabila nito ay hinatulan ng kamatayan si Stinney matapos lamang ng 83 araw mula sa kanyang pagkakaaresto at 10 minuto ng deliberasyon ng mga jury na lahat ay white Americans.
04:25.5
Sumailalim sa Celia Electrica si George Stinney noong July 16, 1944.
04:30.5
Idinitalian ang mga witness sa execution ni George ang nakakapanindigbalahibong pangyayari bago, habang, at pagkatapos siyang kuryentehin.
04:39.5
Yakap-yakap ng bata ang isang biblia habang naglalakad papunta sa execution chamber. Noong pinaupo na ito, kinailangan pang paupuin sa libro si George Jr.
04:50.5
dahil sa maliit ang kanyang pangangatawan na noon ay nasa 95 pounds lang o 43 kilograms. Noong sinimulan na ang electrocution, ay natanggal ang takip na itinapal sa kanyang mukha.
05:02.5
Dahilan upang malantad sa mga nanunood ang nakatirik niya pang mga mata na puno ng luha at ang laway na tumutulong mula sa kanyang bibig.
05:11.5
Dalawa pang round ng 2,400 volts ng kuryente bago idineklarang patay si George Stinney.
05:19.5
Pitungpong taon ang nakalipas, isang historian na tubong alkulo ang nakadiskubre sa kaso ni George. Ginawan niya ito ng pananaliksik na siyang nakakuha sa atensyon ng dalawang Carolina lawyers na sina Steve McKenzie at Matt Burgess.
05:34.5
Noong 2014 ay formal na muling nabuksan ang kaso ni Stinney sa tulong ng iba't ibang organization, abogado, at testimonya ng natitirang membro ng kanyang pamilya.
05:45.5
Inilaban ng mga abogado ang kawalan ng pagkilala sa karapatan ni Stinney sa isang patas na paglilitis. Hinuli at kinuwestiyon si George nang wala ang presensya ng kanyang mga magulang.
05:56.5
Wala ring tumistigo mula sa kanyang kampo, ito ay kahit nga ang testimonya ni Naomi at Charles ay maaaring magamit sa korte.
06:04.5
Bagamat may abogado, hindi nito dinepensahan ng maayos si Stinney. Walang apilang nangyari at hindi rin na cross-examine ang mga tumistigo laban sa bata.
06:14.5
Isa pa ay ang kawalan ng sapat na ebidensya laban kay Stinney. Ang tanging pinanghahawakan lang ng mga otoridad ay ang confession o mano na hindi naisulat o nai-record man lang.
06:25.5
Dagdag pa na pinabulaanan din ito ng kasamahan niya sa kulungan na si Johnny kung saan inamin ni George na pinilit lamang siyang umamin ng mga polis.
06:34.5
Sa panahon ring ito ay mainit ang mga mata ng mga white Americans sa mga Afro-Americans. Imposibling walang nakapansin kay George Stinney habang sinasaktan ang dalawang batang babae.
06:45.5
Ayon rin sa investigasyon, sa ibang lugar pinatay ang mga bata at inilipat lamang ang mga ito sa bangin kung saan sila natagpuan.
06:53.5
Ibig sabihin, kinailangan kargahin ni George ang dalawang batang babae nang walang nakakakita.
06:59.5
Bukod sa malabo itong mangyari, maliit na bata si Stinney, halos parehas lang sila ng pangangatawan ni Betty.
07:06.5
Papaano niya kinarga o binuhat ang mga bata kung ganoon?
07:10.5
Panghuli ay ang racial bias na naganap. Kapansin-pansin na halos white Americans ang nag-de-in sa bata.
07:17.5
Pawang mga white Americans rin ang nag-imbestiga sa kaso at ang humatol.
07:22.5
Sa wakas, taong 2014, magkalipas ang 70 taon, ay napatunayan na inusente si George Jr.
07:29.5
Tatlo na lamang sa mga kapatid ni George ang buhay noong muling inilaban sa korte ang kaniyang kaso.
07:35.5
Ayon sa kanyang mga kapatid, ay masaya sila na buhay pa sila upang masaksihan ang yugtong ito.
07:41.5
Na itaman na rin sa wakas ang maling akusasyon sa kanilang kapatid.
07:45.5
Subalit ang tanong, kung hindi si George ang pumatay kina Betty at Emma, sino kaya ang gumawa nito?
07:51.5
Ayon sa imbestigasyon ni Sonya Eddie Williamson, tubong alkolo na ang lolo ay nagsilbiring jury noong nililitis si George.
07:58.5
Alam at kilala na mga taga-alkolo ang gumawa ng krimen noon pa man, ngunit na natili silang tahimik sapagkat makapangyarihan ito.
08:06.5
Ayon sa kanila, ang totoong pumatay ay si George Burke Jr.
08:10.5
Ang kanyang ama ang nagmamayari ng Lumber Company kung saan nagtatrabaho si George Stinney Sr.
08:16.5
Sa kanyang ari-arian rin natagbuan ang bangkay ng dalawang batang babae, at higit sa lahat, kasama siya sa mga jury na naghatol ng kamatayan kay George Stinney Jr.
08:26.5
Ngunit pinabulaan na naman ito ng pamilya Burke. Hanggang ngayon ay nananatiling misteryo kung sino ang totoong pumatay sa magkaibigan na Betty at Emma.
08:36.5
Sa kabilang banda, ang kwento ni George Stinney ay representasyon ng paghihirap at diskriminasyon sa mga Afro-American noong panahong iyon.
08:44.5
Pagamat nakamitman ang hustisya, ay tumagal naman ito ng 70 taon.
08:49.5
Ayon nga kay Martin Luther King Jr.,
08:52.5
Justice delayed is justice denied.
08:55.5
Parehong naging biktima ng sirang sistema ng hustisya si na Betty, Emma at George.
09:01.5
Naway ang kwento nila ang magsilbing aral na ang lahat ay may karapatan sa pantay na proteksyon sa ilalim ng batas.