Close
 


GRABE PALA ANG EPEKTO SA KATAWAN NG PECHAY KAYA MARAMI ANG NAGTATANIM NITO KAHIT SA PASO LANG!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GRABE PALA ANG EPEKTO SA KATAWAN NG PECHAY KAYA MARAMI ANG NAGTATANIM NITO KAHIT SA PASO LANG! #pechay #pechaybenefits #halamanggulay #halamangmasustansya =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational purposes only. You should not re
Tey Telly
  Mute  
Run time: 06:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hindi pwedeng mawala ang pechay sa mga masabaw na recipe natin
00:04.0
gaya ng nilagang manok, baboy o baka, pochero at iba pa.
00:08.5
Pero maliban sa pagiging masarap na sahog nito sa mga ulam,
00:12.5
siksik na siksik din pala ito sa vitamins and minerals
00:16.5
na kailangan natin para maging healthy.
00:19.0
Ang ilan sa mga ito ay,
00:20.5
Number 1. Pampalinaw ng mata
00:23.0
Akala mo ba na carrots lang ang kayang makatulong sa eye health mo?
00:27.0
Ang pechay rin ay kayang kaya yan.
00:29.5
Mayaman ang pechay sa vitamin A
00:32.0
na kilalang-kilala na panlaban sa macular degeneration
00:35.5
at oxidative stress sa mga retina natin
00:38.5
na siyang nagiging sanhinang paglabo nito
00:41.0
habang tumatanda at nai-stress tayo.
00:44.0
Number 2. Pampaganda ng kutis
00:46.5
Sa mga mahilig naman sa skincare dyan, good news!
00:50.0
Ang pechay ay mayaman din sa vitamin C
00:52.5
na kilala bilang all-arounder pagdating sa pagtulong
00:56.0
sa pagre-rejuvenate ng balat natin
00:58.5
dahil kaya nitong makatulong sa pagpuproduce ng collagen
01:02.5
na ginagamit ng katawan, particular na ang balat,
01:06.0
sa healing at recovery.
01:08.0
Number 3. Pampabus ng blood circulation
01:11.0
Maliban sa kakayahan nito na pagandahin ang kutis natin,
01:15.0
ang pechay ay nagtataglay din ng iron
01:17.5
na kailangan na kailangan sa production ng ating red blood cells.
01:21.5
Kapag nagkukulangan ka kasi nito,
01:24.0
maaari kang maging anemic
01:25.5
at lubhang maaapektuhan ang operasyon ng mga organs
01:29.0
at extremities gaya ng braso at paa.
01:32.0
Number 4. Pampababa ng blood pressure
01:35.0
Speaking of blood circulation,
01:37.0
ang pechay ay nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure,
01:41.5
lalo na para sa mga may problema sa puso.
01:44.5
Meron itong mataas na level ng potassium
01:47.0
na nagsisilbi bilang isang vasodilator
01:50.0
o nagpapabuka ng mga blood vessels
01:52.5
at nagri-relieve ng tensyon dito.
01:54.5
Dahil dyan, nababawasan ang strain sa ating cardiovascular system
01:59.5
at natutulungan na makontrol ang ating blood pressure.
02:03.0
Mabuti ito lalo na sa mga tumatandana
02:05.5
o kaya ay sa mga may pre-existing na condition sa puso
02:09.5
na kinakailangan na mas maging maalaga sa ating blood pressure.
02:13.5
Number 5. Pampaganda ng digestion
02:16.5
Ang pechay ay kilalang kilala para sa taglay nitong fiber.
02:20.5
Ang 2 cup lang ng pechay ay mayroon na agad ng 2 grams ng fiber
02:24.5
na nakakatulong sa pagpapanatiling healthy ng ating digestive system
02:29.5
sa pamamagitan ng pag-promote ng healthy blood sugar at kolesterol
02:34.0
at sa pagpapanatili na maayos ang blood pressure.
02:37.5
Number 6. Immune system booster
02:40.0
Kailangan ang katawan natin ng sapat na proteksyon at alaga
02:44.0
para maiwasan ng sakit.
02:45.5
Ang vitamin C na matatagpuan sa pechay
02:48.5
ay nakakatulong din sa pagproduce ng mga white blood cells sa ating katawan.
02:53.0
Ito ay nagsisilbing depensa natin sa mga infections
02:56.5
o kaya naman ay iba't ibang klase ng sakit.
02:59.5
Ang vitamin C din ay makakatulong sa pagprevent ng oxidative stress
03:04.0
at mga chronic diseases para mapanatili tayong healthy.
03:08.0
Number 7. Nakakatulong sa paggaling
03:11.0
Ang pechay ay may vitamin K din
03:13.5
na importante lalo na pagdating sa bone strength,
03:16.5
heart health at sa pagpiprevent ng labis-labis na pagdurugo.
03:20.5
Kung kakarecover mo palang sa mga injury
03:23.5
o di kaya naman ay sobra-sobra ka magdugo pag nasusugatan,
03:27.5
magandang kumain ka ng pechay
03:29.5
para makatulong sa pagboost ng vitamin K sa iyong katawan.
03:33.5
Number 8. Pampatibay ng buto
03:35.5
Ang pechay din ay may calcium na kilalang-kilala
03:38.5
sa pagpapatibay ng ating mga buto.
03:41.0
Katulong nito ang vitamin D sa pagpuproduce
03:44.0
at pagmimentin ng mga bagong buto
03:46.5
at sa pagre-regulate ng mga lumana.
03:49.0
Kaya naman recommended na kumain
03:51.0
ng mga pagkain na mayaman sa calcium
03:53.5
lalo na kung lagi kang atris sa mga fracture
03:56.0
o injury sa buto.
03:57.5
Buti na lang at ang pechay ay nagtataglay na agad
04:01.0
ng 10% ng ating daily recommended intake ng calcium.
04:05.0
Number 9. Nakakatulong sa pagbubuntis
04:08.0
Ang folate na matatagpuan sa pechay
04:10.5
ay napaka-importante lalo na kapag ikaw ay nagbubuntis.
04:14.5
Ang folate ay isang type ng B vitamin
04:17.5
na tumutulong sa katawan natin
04:19.5
na mag-convert into energy
04:21.5
ang mga carbohydrates na nakukuha natin sa pagkain.
04:25.0
Kailangan din ito ng katawan natin
04:27.0
sa pagpuproduce ng DNA
04:29.0
kaya naman ito ay ideal para sa mga soon-to-be mommies
04:32.5
at nagdadalang tao.
04:34.0
Sa pagbubuntis kasi,
04:35.5
importante ang importante
04:37.5
ang pagdodoble ng intake mo ng folate sa iyong diet
04:41.0
para maiwasan ang mga sakit o komplikasyon
04:44.0
kagaya na lang ng spina bifida.
04:46.0
Ang pagkain ng sapat na gulay gaya ng pechay
04:49.0
ay makakatulong para ma-prevent ang mga ito.
04:52.0
Number 10. Panlaban sa heart disease
04:54.5
Kayang-kaya rin natulungan tayo ng pechay
04:57.0
sa paglaban sa heart disease.
04:58.5
Maliban sa marami na nga itong folate,
05:01.0
ito rin ay mayaman sa vitamin B6
05:03.5
na nakakatulong sa pagtanggal ng homocysteine sa dugo.
05:07.0
Ang sobra-sobra kasing homocysteine sa dugo
05:09.5
ay nakakapinsala sa ating mga blood vessels
05:12.5
at dahil doon,
05:13.5
mas tumataas ang risk ng heart disease.
05:16.5
Napakita na ng mga pag-aaral
05:18.5
na ang pagkain ng sapat na gulay
05:20.5
gaya nga ng pechay
05:22.0
ay sobrang makakatulong sa pagpapababa ng risk na ito.
05:25.5
Number 11. Cancer prevention
05:28.0
Isa pa sa mga kayang maitulong ng pechay sa ating katawan
05:31.5
ay ang pagtulong sa pagpapababa ng risk
05:34.0
na mag-develop ng cancer.
05:36.0
Ang pechay kasi ay puno ng cancer-fighting compounds
05:39.5
gaya ng vitamin C at E,
05:41.5
beta-carotene,
05:42.5
folate,
05:43.0
at selenium
05:44.0
na lahat ay matatapang na antioxidants
05:46.5
na tinutulungan ang katawan natin na pigilan
05:49.5
o bawasan ang cell damage
05:51.5
galing sa mga free radicals.
05:53.5
Ang labis-labis kasi na damage mula dito
05:56.5
ay maaaring magdulot pa ng growth ng cancer cells.
05:59.5
And speaking of,
06:00.5
ang selenium din na matatagpuan dito
06:03.5
ay nakita na may kakayahan
06:05.0
na pabagalan ang growth rate
06:07.0
ng mga tumors sa katawan.
06:08.5
O diba?
06:09.5
Napakarami palang benefits
06:11.0
na hatid ng pechay sa atin.
06:13.0
Maliban sa pagiging staple nito
06:15.0
sa mga sinabawan na pagkain natin,
06:17.5
nakakatulong din talaga ito
06:19.5
sa pagpapatibay ng ating mga katawan.
06:22.5
Kaya naman sa susunod mong luto,
06:24.5
huwag mong kakalimutan
06:26.5
na isama ang wonder gulay na ito.
06:29.0
Muli, this is Tei Telly,
06:31.0
ang iyong number one resources
06:33.0
ng makabalohang kaalaman every week.
06:35.5
Kaya subscribe ka na
06:37.0
para lagi kang updated.
06:38.5
Ingat!