Close
 


Bibigyan Ng ¥500,000 Upang Gumawa Ng Baby
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa Japan, bibigyan ka ng gobyerno ng ¥500,000 sa bawat sanggol na isisilang mo. Bakit kaya binabayaran ng Japan ang kanilang mamamayan para lamang magka-anak? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #AweRepublic
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kung sa Pilipinas ay may programa tayo para pigilan ang paglaki ng populasyon,
00:05.5
sa Japan naman ay kabaliktaran.
00:07.8
May programa sila na humilikayat sa mamamayan na mag-anak ng marami.
00:13.2
Bawat sanggol na ipapanganak sa bansa ay babayaran ng gobyerno.
00:18.0
420,000 yen o humigit kumulang 174,000 pesos.
00:23.7
At magiging 500,000 yen o humigit kumulang 207,000 pesos pa daw ito ngayong 2023.
00:31.4
Ito ang allowance na ibibigay ng gobyerno sa sino mang magbubuntis doon.
00:36.6
May mga kababayang Pinay na nga tayong naka-avail sa programang ito sa Japan.
00:41.5
Magbibigay sila ng 42 lapad para assistance sa inyong panganganak.
00:48.9
Pag twins pa yung anak mo, dalawang 42 lapad. So amazing dito sa Japan, no?
00:54.0
Bakit kaya binabayaran ng Japan ang kanilang mamamayan para lamang magka-anak?
00:59.0
Yan ang ating pag-uusapan ngayon.
01:07.4
Humayo kayo at magparami.
01:09.8
Ito ang naging utos sa sangkatauhan.
01:12.4
Pero sa panahong ito, kaya pa ba itong sundin nang nakararami?
01:16.5
Sa katunayan, nang tanungin ang mga kababaihang Pilipino tungkol sa plano nilang magka-anak, marami ang ayaw na.
01:23.8
Base sa pag-aaral na isinagawa ng National Demographic and Health Survey,
01:28.8
halos kalahati sa mga may edad 15 to 49 na kababaihang may asawa ay ayaw ng magka-anak.
01:35.8
Mahirap na nga naman kasi ang maraming anak dahil sa kamahalan ng mga bilihin.
01:41.0
Pero paano kung sa bawat pagbubuntis mo ay babayaran ka?
01:45.5
Aayaw ka pa ba?
01:46.8
Ito ang programa ng gobyerno ng Japan.
01:49.6
Babayaran ng gobyerno ang bawat sanggol na ipapanganak.
01:53.4
Ang programang ito ay nagawa na ng Japan sa Bayan ng Nagi mula pa noong 2004.
01:59.4
At mukhang efektiv naman ito.
02:01.4
Ayon sa CNN, nadoble ang fertility rate sa Bayan ng Nagi sa pagitan ng mga taong 2005 at 2014.
02:09.9
Mula sa 1.4 ay tumaas ito sa 2.8.
02:14.0
Noong 2019, para mainganyo ang mga mag-asawang magka-anak,
02:18.4
binibigyan sila ng 100,000 yen para sa unang anak,
02:22.4
150,000 yen sa ikalawa,
02:24.9
at aabot ng 400,000 yen para sa ikalimang anak.
02:29.1
Pero bukod dito, meron ding subsidized na pabahay,
02:32.8
libreng bakuna, alawan sa paralan, at pinababang gastos sa nursery.
02:38.1
Kaya karamihan sa bayang ito ay may tatlo o higit pang anak,
02:42.2
dahil gusto nila at kaya na nila.
02:44.8
Ang programang ito ng Japan ay isa sa mga solusyon sa patuloy na pagbaba ng birthrate sa bansa.
02:51.4
Ibig sabihin, konti lamang ang ipinapanganak na sanggol sa Japan at mas marami ang namamatay.
02:57.9
Noong 2020, nasa 1.5 milyon na mga sanggol ang naisilang sa Pilipinas,
03:04.4
habang sa Japan ay nasa 840,000 na sanggol lamang.
03:09.1
At inasahang mas mababa pa sa 800,000 ang maisisilang na mga sanggol sa 2022.
03:16.2
Ang sitwasyong ito ay itinuturing na kritikal at napakalaking problema na kinakaharap ngayon ng Japan.
03:23.7
Bakit?
03:24.4
Kung gusto nyo pong malaman at mas maintindihan pa ang problema ng Japan sa mababang populasyon
03:30.0
at kung ano ang epekto nito, may ginawa na po kaming video para dito.
03:34.4
Maari nyo po itong panuorin.
03:36.3
Ilalagay namin ang link sa description at comment section.
03:40.1
Bago tayo magpatuloy, kung ikaw ang tatanungin ka o Sam,
03:43.6
anong gusto mo?
03:44.5
Konti lamang na anak o madami?
03:46.7
Pakilagay ang inyong opinion sa comment section.
03:53.6
Hindi ibibigay bilang cash ang ayuda.
03:56.5
Ito ay maaari lamang makuha sa pamamagitan ng pag-redeem sa isang website ng mga child care products at services.
04:04.3
Direkta itong ibabayad sa ospital kung saan mangananak ang ina.
04:08.6
Kung sa Nagi ay naging efektive ang programa,
04:11.6
sa ibang lugar sa Japan kaya ay sasapat na ang 100,000 yen para matustusan ang pangananak?
04:18.1
Ayon sa Japan Today, marami ang hindi natuwa sa programa kung pagbabasehan ang mga reaksyon at komento
04:25.2
gaya ng,
04:26.0
Hindi sapat ang 100,000 yen, bigyan nyo kami ng 500,000 yen. Mga kuripot, bakit hindi kami bigyan ng 1,000,000 yen?
04:35.2
Pero ang naging pinakamahalagang komento ay gusto lang ba ng gobyerno na tulungan ang mga tao na gumawa ng bata
04:42.4
o tulungan silang palakihin ang mga sanggol?
04:45.0
Kaya siguro itinaas na ng gobyerno ang tinatawag nilang Child Birth and Child Care Lump Sum Grant.
04:51.5
Sa ngayon, ang mga magulang ay nakakatanggap ng 420,000 yen bawat sanggol.
04:57.8
Prinopose naman ang Ministry of Health, Labor and Welfare sa Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida
05:04.6
na dagdagaan ang allowance at gawing 500,000 yen.
05:08.5
Inaasahang ang halagang ito ay magsisimula sa darating na April 1, 2023.
05:14.4
Ngunit ang 500,000 yen ay hindi pa rin daw sa sapat.
05:18.7
Ang average cost kasi ng panganak sa Japan ay nasa 473,000 yen.
05:24.7
So kung iisipin, nasa 27,000 yen na lang ang matitira sa allowance matapos isilang ang sanggol.
05:32.5
So hindi talaga ito sa sapat na gamitin para sa gastusin sa pagpapalaki ng bata,
05:38.0
lalo na ngayon na nagsitaasa na ang presyo ng mga bilihin.
05:42.0
Pero ganun pa man, mapalad pa rin maituturing ang mga Hapon dahil may gobyerno silang umaalalay
05:48.3
sa pagbuo nila ng pamilya.
05:50.4
May mga kababayan nga tayong nakapag-asawa ng Hapon at nakatanggap ng birth allowance mula sa gobyerno.
05:57.0
At malaking tulong na rin ito para mabawasan ang gastos.
06:00.6
Ang pagkakaroon ng anak ay maituturing na isang biyaya,
06:04.4
kaya malungkot isipin na marami ang hindi handang magkaanak dahil sa hirap ng buhay.
06:10.4
Sana ay dumating ang panahon na di nakakailanganin ang kabayaran
06:14.8
para ang mga biyayang sanggol ay ipanganak ng walang alinlangan.
06:19.6
This is your Ate O from Our Republic.
06:22.0
Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.