Close
 


China Handa Nang Makipag Digmaan? | Edca Sites Para Ba Talaga Sa Pilipinas O Para Sa Taiwan?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#china #westphilippinesea #militaryexercises
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 07:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News China, nagsimula ng magsagawa ng military drill exercises sa South China Sea.
00:12.5
Mga bagong kagamitan tulad ng suicide drone, sinubukan ng China.
00:17.0
Abangan ang buong detalye mamaya.
00:19.5
At ang itatayong mga EDCA facilities na gagamitin ng mga sundalong Amerikano at Pilipino,
00:25.5
binusisi sa Senado dapat daw itayo ang mga ito sa West Philippine Sea.
00:31.0
Yan ang mga bagong balitang aalamin natin ngayon pero bago natin simulan ay pindutin muna natin ang like button
00:38.5
at makinig ng mabuti para wala kang mamiss na mga informasyon.
00:43.0
At simulan na natin.
00:44.5
Sa patuloy na tensyon sa agawa ng teritoryo at sa mga nangyaring insidente sa West Philippine Sea,
00:55.5
ang Japan, United States, Australia at Pilipinas ay nagkasundo na magsagawa ng joint military drill exercises sa bansa.
01:04.5
At dahil sa kalat-kalat na ang balitang yan sa televisyon at iba pang mga social media platform,
01:10.5
ang China ay nakaramdam siguro ng konting kabah kaya naman agad na nagsagawa ito ng military drill exercises sa Himpapawid,
01:21.5
sa Kalupaan
01:28.0
at Karagatan.
01:31.5
Sa isang military drill na ito ng China ay sinubukan ang kanilang galing at kakayahan sa pag-atake
01:38.5
gamit ang iba't ibang kagamitan tulad ng underwater drone, destroyer warship, fighter jets, mga tanke at ang pinakabago nilang armas, ang suicide drone.
01:50.5
Isinagawa ito sa bahagi ng South China Sea na malapit sa isang bansang gusto nilang sakupin, ang Taiwan.
01:57.5
Pinag-aralan ng China ang mga posisyon sa lugar at kung paano umatake at dumepensa sa kalaban nito sa oras na mangyari man ang digmaan.
02:07.5
Isang maliit na isla ang ginawang target point ng mga Chinese Air Force.
02:16.5
Ang mga tanke naman ay ginawang target point ang mga kabundukan.
02:20.5
Ang suicide drone ay mga sirang sasakyan ang pinasabog at ang underwater drone naman ay maghahanap ng mga underwater mines at pasasabugin.
02:49.5
Bukod kasi sa mga torpedoes ng US ay gumagamit din sila ng mga patibong sa ilalim ng dagat para pasabugin ang mga dumadaang submarine ng kalaban.
03:00.5
Ibinabagsak ang mga ito ng isang P-8 Poseidon sa karagatan na posibling daanan ng kalaban.
03:09.5
Ang mga submarine naman ng China ay kasama din sa military exercises na ito.
03:14.5
Umahon ng mga ito sa South China Sea na may kasamang mga sigawan ng crew.
03:19.5
Ang mga ipinakitang yan ng China Air Force at Navy ay ikinatuwa naman ni Xi Jinping dahil sa husay umano ng mga ito at malaki ang tiwalan niyang matalo ang mga kalabang bansa.
03:32.5
Ayon sa China ay ginagawa nila ang pagsasanay na ito para protektahan ang kanilang bansa at dahil na din sa posibling pag-atake ng US sa kanila dahil protektado umano ng US ang Taiwan.
03:47.5
Sinabi rin nito na dapat ay huwag umano makialam ang US sa hindi nila pagkakaunawaan ng kalapit na bansa dahil lalo lang itong makakasama sa pagitan ng dalawa.
03:58.5
At ayon naman sa US, ang mga ginagawa umano ng China ay isang paglabag sa international law at hindi dapat hinahayaan lang na sakupin ito o patuloy nabubulihin ang mga kalapit na bansa.
04:12.5
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang military drill exercises ng China at bukod ba dyan ay malapit na rin matapos ang ginagawang military drill exercises ng Russia, China at South Africa.
04:26.5
Binusisi naman sa Senado ang planong pagtatayo ng karagdagang base militar ng US at Pilipinas sa Hilagang Luzon para sa ekspansyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
04:56.5
Yan ang paulit-ulit na tanong ni Sen. Aimee Marcos sa isang pagdinig sa Senado tungkol sa dagdag na pasilidad na itatayo sa Hilagang Luzon para sa pagpapalawig ng EDCA.
05:12.5
Sa nakuha kasing impormasyon ni Sen. Aimee Marcos, apat ang idadagdag na EDCA facilities sa bansa, dalawa sa Cagayan at tagiisa sa Isabela at Zambales. Sa ngayon ay may lima nang inaitayo sa iba't ibang mga kampong ng militar sa Pilipinas,
05:28.5
kabilang dyan ang nasa Nueva Ecija, Pampanga, Palawan, Cebu at Cagayan de Oro City. Ginagamit ang mga pasilidad na yan para sa training at military exercises ng sundalong Amerikano at Pilipino.
05:45.5
Pero hinala ni Sen. Aimee Marcos ay hindi gagamitin ang sites sa pagdepensa ng pinag-aagawang teritoryo kundi isang suporta ng US sa pagprotekta nila sa Taiwan sa patuloyan na tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.
06:01.5
At anya kung totoong para sa pagdepensa sa Pilipinas ang mga EDCA sites, bakit halos lahat ay nasa Hilagang Luzon ilalagay kung ito ay pwede namang ilagay sa Palawan o sa mga lugar na malapit sa West Philippine Sea?
06:16.5
Nakakabahala umano ito dahil unang tinatarget ng China kapag umatake na ito ay ang mga military facilities. Baka madamay daw kasi ang Pilipinas sa sigalot ng Amerika at mga kalaban nitong bansa.
06:31.5
Sa paglilinaw naman ni Defense Sekretary Carlito Galvez Jr., under negotiation pa at pwede pa daw mabago ang mga lugar na pagtatayuan ng EDCA facilities.
06:42.5
Mas tinitingnan daw kasi nila kung saan mas kainakailangan ng disaster response. Hindi rin daw ito gagawing base para umatake ang US sa China. Ito daw ay para depensahan ang Pilipinas laban sa China.
06:56.5
Ayon naman kay Senador Migs Zubiri, dapat ay itayo ang mga EDCA facilities sa Sabina Shoal o sa Ayungin Shoal para matakot naman ang China pag nakita na ang mga lalaking barko ng US.
07:10.5
Our soldiers in Ayungin Shoals, which is only a pump boat right away from Palawan, at pag nakita na po nila yung sasalubong sa kanilang malaking barko ng bullying ito, sa tingin ko baka iba na po yung sasabihin nila dito sa inyo.
07:26.5
At mga kapatid, bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo? E-commento lamang po ang inyong mga sagot sa ibaba at huwag kalimutang pinutin ang like at magsubscribe. Maraming salamat po!