Close
 


Ang Lalaking Dalawang Beses Binitay
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #law #crime #justice
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Parang nakikiliti. Ganyan kung ilarawan ni Willie Francis ang naging karanasan sa electrocution chair.
00:06.3
Nakakatawa mang pakinggan. May madilim na istorya sa likod ng paliwanag na ito.
00:11.6
Si Willie Francis lang naman ang tinaguriang Boy Who Was Executed Twice.
00:17.1
Paano ito nangyari? Samahan ninyo akong balikan ang kanyang kwento.
00:21.8
Gabi ng November 1944, binaril sa kanyang bahay sa St. Martinville, Louisiana ang sikat na pharmacist
00:29.6
na si Andrew Thomas.
00:31.4
Ayon sa mga testigo, may nakita silang sasakyan na pumarada sa labas ng bahay ni Thomas
00:36.8
at may narinig silang putok ng baril.
00:39.2
Nang in-examine ang bangkay ni Thomas, sinabi na ang pumatay sa kanya ay eksperto sa paggamit ng baril.
00:45.9
Ngunit lumipas ang dalawang buwan, wala pa ring suspect na nahuhuli.
00:50.8
Dito na papasok sa kwento si Willie.
00:53.5
Bunso sa labing tatlong magkakapatid at nagmula sa mahirap na African-American na pamilya sa Louisiana si Willie Francis.
01:01.3
Balak niya sana ang bisitahin ng kanyang kapatid na babae sa Port Arthur
01:05.8
nang biglang arestuhin dahil di umano kasama siya ng isang drug dealer.
01:10.6
Nang mapatunayan na wala siyang koneksyon sa droga,
01:13.4
ay sinimula naman siyang kwestyonin tungkol sa pagkamatay ni Thomas kung saan siya minsang nagtrabaho.
01:20.2
Maliwanag na desperado na ang mga pulis na isarado ang kaso.
01:24.3
Ang nakakalungkot lang ay naging biktima nito ang inusenteng bata na si Willie.
01:29.8
Nagkaroon ng interrogation at ayon sa mga pulis, umamin di umano ang bata sa ginawang krimen.
01:36.3
Natagpuan din sa kanya ang wallet at ID ni Thomas.
01:39.6
Tatlong linggo ang makalipas, humarap sa trial si Francis.
01:43.7
Dalawang araw lang ang itinagal ng kanyang trial
01:46.4
at labing limang minuto lang ang ginugol para mapagdesisyonan ng all-white jury na siya ay guilty.
01:53.5
Halos hindi rin siya dinipensahan ng kanyang mga abogado,
01:56.9
kahit na nag-plea ng not guilty si Francis.
01:59.9
Nireverse di umano ito ng kanyang mga abogado at ginawang guilty ng hindi pinapaalam kay Willie.
02:06.4
Hindi na cross-examine ang mga abogado niya ang mga witness laban sa kanya.
02:10.9
Hindi nagbigay ng kahit anong objections at walang witness na kinuha na magpapatunay na inusente si Willie.
02:17.9
Walang kalaban-laban si Willie.
02:19.9
Ang murder weapon na ginamit daw niya ay hindi rin inimbestigahan.
02:23.9
Ang ginamit na baril sa pagpatay kay Thomas ay dalawang buwan nang missing bago mangyari ang krimen.
02:29.9
Ninakaumano ito ni Francis.
02:31.9
Wala namang magpapatunay nito dahil hindi na-examine ang posibleng fingerprint na nasa baril.
02:37.7
Hindi rin nagmatch ang bala mula sa crime scene sa baril na ginamit.
02:41.9
Habang binabiahe ang mga bala papunta sa FBI upang ma-analyze, misteryoso itong nawala.
02:48.4
Ang baril na tinutukoy dito ay pagmamayari ng isang deputy na minsan nang tinangkang patayin si Andrew Thomas
02:55.4
dahil sa pagkakaroon-umanon ito ng relasyon sa kanyang asawa.
02:59.4
May sasakyan rin na pumarada sa harap ng bahay ni Thomas noong gabing pinatay ito.
03:03.9
Noong nangyari ang krimen, labing limang taong gulang lamang si Willie.
03:07.9
Mahirap at higit sa lahat, hindi niya alam kung paano magmaneho.
03:11.9
Patunay na hindi si Willie ang may sala.
03:14.9
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, noong May 3, 1946, sa edad ng labing pito,
03:20.4
ay nakaskedul na para sa kanyang unang execution si Willie Francis.
03:24.9
Pero hindi dito nagtatapos ang kanyang kwento.
03:27.9
May ibang plano ang tadhana.
03:29.9
Nang magapos na si Willie sa gruesome gertie, ang tawag sa electric chair ng Louisiana,
03:35.4
tinanong siya kung may huling salita pa siya.
03:37.9
Ngunit hindi na nakapagsalita si Willie dahil sa kaba.
03:41.4
Nang i-on na ang switch ng electrocution chair, isang himalah ang nangyari.
03:46.9
Ayon kay Willie, tila tinusok siya ng milyong karayom
03:50.9
at ang kanyang kaliwang paa ay tila hinihiwan ng razor blade.
03:54.9
Naramdaman niyang tila tatalon ang buo niyang katawan mula sa upuan.
03:59.4
Ayon sa kanya, para itong nakakakiliti.
04:02.9
Akala niya ay namatay na siya, ngunit narinig pa niya ang mga tao sa palikit.
04:07.9
Sumigaw siya na tanggalin ang takip sa mukha dahil hindi siya makahinga.
04:12.9
Sumigaw naman ang isa sa mga official na hindi ka dapat makahinga.
04:16.9
Sumigaw siya pabalik na hindi siya mamamatay at tama nga
04:21.4
dahil sa araw na iyon ay nakaligtas si Willie sa hatol na kamatayan.
04:26.9
Ang mga taong nanunood sa kanyang execution ay nahimatay at nasuka
04:31.4
dahil sa nasaksihang pangyayari.
04:33.9
Hindi nila masikmura kung paano nilabanan ng bata
04:37.4
ang sakit ng pagkuryente sa kanya na hindi naman umabot sa kanyang kamatayan.
04:42.4
Bago umalis sa electrocution chair, ay sinabihan pa siya ni Captain Effie Foster
04:47.4
ang nagsasagawa ng execution na hindi man niya napatay si Willie ngayon.
04:51.9
Sisiguraduhin niya na sa susunod na linggo ay mapapatay ang bata kahit napukpukin niya pa ito ng bato sa ulo.
04:58.9
Sinabi ni Willie na kamay ng Diyos ang pumigil sa electrocution chair noong araw na iyon.
05:04.9
Ngunit ang totoo niyan ay lasing si Captain Effie Foster at ang kanyang assistant na si Vincent Veneza
05:11.4
isa ring inmate noong inaayos ang electrocution chair
05:14.4
kung kaya't mali-mali ang pagkakamit dito na rason upang hindi gumana.
05:19.4
Pero marahil nga, ito ay himala ng Diyos sa pagka naging laman ng headlines si Willie
05:25.4
na The Boy Who Survived Death Row.
05:28.4
Naging sikat siya dahilan upang maimbestigahan muli ang kanyang kaso.
05:32.4
Nagkaroon ng pagkakataon ng kanyang ama na si Frederick Francis na makakuha ng abogado.
05:37.9
Ito ay si Bertrand de Blanc, kaibigan ni Andrew Thomas.
05:41.9
Hindi binalik si Willie sa electrocution chair ng sumunod na linggo
05:45.9
dahil tumagal pa ng isang taon ang pag-aapila sa kanyang kaso.
05:49.9
Ayon kay de Blanc, kahit malapit siya sa biktima,
05:53.4
ay hindi kaya ng konsensya niya na panuuring patayin muli ang bata.
05:57.4
Inapila niya ang kaso ni Willie na ayon sa kanya ay labag sa konstitusyon
06:01.9
dahil ang paglalagay muli sa bata sa kamatayan ay nangangahulugang double jeopardy.
06:06.9
Unang hinarap ni de Blanc ang Louisiana Pardons Board noong May 31, 1946.
06:12.4
Ngunit nabigo siya. Naka-schedule na muling ma-execute si Willie sa June 7, 1946.
06:18.9
Sa tulong ng isang maritime lawyer ay dinala ni de Blanc sa Supreme Court ang kaso.
06:23.4
Ngunit muli siyang nabigo. 5 to 4 ang ruling contra kay Willie.
06:28.4
Hindi sumuko si de Blanc at muli pa sanang ilalaban ang kaso ni Willie.
06:32.4
Ngunit ang bata na mismo ang nagsabi sa kanya na,
06:35.4
handa na akong mamatay.
06:37.9
May 9, 1947. Isang araw matapos ng kanyang 18th birthday,
06:42.9
muling pinaupo sa electric chair si Willie.
06:45.4
Ngayon ay determinado na silang patayin siya.
06:47.9
Noong tinanong siya kung may huli siyang salita,
06:50.9
ang sabi niya ay,
06:52.4
wala na.
06:53.4
Alas 12.05 ng tanghali, nang i-on ang switch ng electric cushion chair.
06:58.9
Makalipas ang limang minuto, dineklara na ang patay si Willie.
07:03.9
Isa lamang si Willie sa mga batang African-American na naging biktima ng hindi patas na sistema.
07:09.9
Sa kabila ng pagiging labing limang taong gulang pa lamang noong mangyari ang krimen,
07:14.9
hindi pag kakaroon ng maayos na abogado,
07:17.9
pagkaligtas sa tiyak na kamatayan,
07:19.9
ay hindi na nabago ang hatol sa kanyang kaso.
07:22.9
Hindi siya hinatulan ng kamatayan, kundi pinatay siya ng mga abogado.
07:27.9
Katulad ni Willie, ito rin ang nangyari kay George Stinney Jr.,
07:31.9
ang pinakabatang hinatulan ng kamatayan sa kasaysayan ng Amerika.
07:36.9
Panuori ng aming video tungkol sa kanya,
07:38.9
at sana ay magsilbi itong aral sa ating lahat,
07:41.9
na kahit anumang kulay ng balat,
07:43.9
lahat tayo ay pantay-pantay sa ilalim ng batas.
07:47.9
Para tuluy-tuluy ang saya at kwentuhan,
07:49.9
huwag kalimutang mag-subscribe sa Bubly Youtube Channel
07:52.9
at pindutin ang notification bell.