Close
 


JEEPNEY MODERNIZATION: Ano ba ang problema?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
bakit kailangan na imodernize ang jeepney? at may punto ba ang mga driver sa pag welga nila? at ano ang pwedeng solusyon?
Chris Tan
  Mute  
Run time: 07:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kailangan na ba natin i-modernize ang ating mga jeepney?
00:03.0
At ano ba yung pinaglalaban ng mga jeepney driver natin?
00:06.0
At ano din na ang solusyon para magkasundo
00:09.0
ang lahat ng mga apektadong partido
00:12.0
including yung ating mga bumabiyahing publiko?
00:15.0
Okay, unang-unang pag-usapan natin ay
00:17.0
ano ba yung mga problema ng ating kasalukuyang sistema sa mga jeepneys?
00:22.0
Ang unang-unang problema sa ating sistema ngayon ay
00:25.0
fragmented po yung sistema natin.
00:27.0
Ibig sabihin po niyan, lahat po ng mga jeepney drivers
00:30.0
at saka mga operators ay kanya-kanya talaga.
00:33.0
Wala silang pinag-uusapang sistema
00:36.0
kung paano makakapagbigay ng mas maayos na serbisyo
00:39.0
sa ating mga bumabiyahing publiko.
00:41.0
Okay, isipin mo kung gano'n ito ka-inefficient
00:44.0
o kaya hindi mahusaya.
00:46.0
Dahil kanya-kanya sila,
00:47.0
nag-uunahan sila kumuha ng pasahero,
00:49.0
pumapara lang sila kung saan-saan,
00:51.0
wala ang proper na loading or unloading zone sila na sinusundan,
00:55.0
at paminsan-minsan, hindi pa nga pumapara ng maayos.
00:58.0
At dahil dito, nagiging inconvenient po yan
01:00.0
hindi lang sa ating bumabiyahing publiko,
01:02.0
pati na sa lahat ng mga tao na gumagamit ng mga kalsada.
01:06.0
Kasi karamihan sa ating mga jeepney drivers
01:09.0
ay basta pumapara ng hindi umaayos na gumigilid,
01:12.0
pumapara lang sa gitna ng kalsada.
01:14.0
Tapos isipin mo ito,
01:16.0
pag isa ka sa mga bumabiyahing na sumasakyan ng jeepney,
01:19.0
papasok ka sa loob ng jeepney,
01:20.0
ang sikip-sikip niya,
01:21.0
pasisikipin pa na pinipilit
01:23.0
idagdag pa ng mga pasahero kahit hindi na talaga kayang dagdagen.
01:26.0
Tapos, mainit pa, walang aircon,
01:29.0
tapos pwede ka pang ma-hold up,
01:30.0
at hindi lang yun, pwede ka pang ma-aksidente.
01:33.0
Yan po ang problema ng isang fragmented system.
01:36.0
Ang pangalawa problema ay yung lack of discipline
01:39.0
and driver education ng ating mga drivers.
01:43.0
At dahil dito,
01:44.0
nagiging mapanganib ang mga biyahing ng ating mga publiko.
01:47.0
Isipin mo yung lack of education nila sa pagmamaneho.
01:51.0
Hindi nila naiintindihan yung mga traffic rules and regulation
01:54.0
o kaya naiintindihan nila pero hindi nila sinusundan.
01:57.0
Yan din po ang isa sa mga sanhi ng ating malalang traffic.
02:01.0
Traffic na nga, tapos lumalala pa dahil walang disiplina po
02:04.0
ang karamihan ng ating mga jeepney drivers.
02:06.0
At ang isa pang problema ng ating mga jeepneys ngayon
02:09.0
ay poorly maintained po itong mga sasakyan na to.
02:11.0
At sa tingin ko kaya poorly maintained ang mga jeepneys na to
02:15.0
ay dahil nagtitipid ang karamihan ng mga drivers
02:20.0
Hindi nila naiintindihan siguro na kailangan talagang regular ng maintenance.
02:24.0
Kaya imbis na palitan ng isang pyesa,
02:26.0
susubukan nilang ayusin o pagtsasagaan kahit na medyo alanganin na.
02:30.0
Ang nagiging mas malalang problema dito
02:32.0
ay nagkakaroon po tayo ng mga malalang polusyon sa Metro Manila
02:37.0
dahil hindi po properly maintained itong mga jeepney na to.
02:41.0
At dahil po sa malalang polusyon natin,
02:43.0
karamihan po sa mga bumabiyahing publiko,
02:46.0
nagkakaroon po sila ng mga sakit sa baga dahil dito.
02:49.0
At pag nagkakasakit po ang ating mga bumabiyahing publiko,
02:52.0
hindi po sila makakapagtrabaho at napapagaso sila sa pagpapagamot
02:55.0
para umayos ang kanilang kalusugan.
02:57.0
So malaki po yung problema ng hindi pagmay maintain ng mga jeepney natin ngayon.
03:02.0
At hindi lang yun,
03:03.0
nakakapanganib po ito sa buhay ng lahat ng mga tao
03:06.0
dahil po pag hindi po properly maintained ang mga jeep
03:09.0
pwede po masiran,
03:10.0
pwedeng sumabog yung mga gulong,
03:12.0
pwede pong maaksidente dahil wala ng preno,
03:16.0
ang daming pwede mangyari pag hindi proper yung pagaalaga ng kanilang mga sasakyan.
03:21.0
At dahil dito sa mga problema ang binanggit ko,
03:24.0
importante na ma-modernize na natin yung ating mga jeepneys.
03:28.0
So may punto ba itong mga jeepney drivers natin
03:30.0
at ano ba yung kanilang pinaglalaban?
03:32.0
Actually may punto naman sila eh.
03:34.0
At tama naman yung pinaglalaban nila.
03:36.0
Ang problema ng ginagawang modernization natin
03:39.0
ay hindi sila kinukonsulta
03:42.0
at hindi sila sinasama sa usapan
03:45.0
para naman hindi sila maiwan
03:47.0
dito sa pagma-modernize ng ating mga jeepneys.
03:50.0
Tingin ko naman sa mga naririnig ko
03:52.0
ay karamihan sa kanila ay gusto naman magkumplay
03:55.0
at naintindihan din naman nila yung pangangailangan
03:57.0
ng pagma-modernize ng ating mga jeepneys.
04:00.0
Naihirapan lang talaga sila magkumplay
04:02.0
kasi pinaihirapan sila ng gobyerno
04:04.0
o hindi sila binibigyan ng tamang paraan
04:07.0
na tulong ng gobyerno para makapagkumplay.
04:10.0
So ano ba ang solusyon dito
04:11.0
at ano ba ang kailangan gawin ng ating gobyerno
04:13.0
para magkasundo lahat ng mga apektadong partido
04:16.0
at matuloy itong modernization ng ating mga jeepneys?
04:20.0
Unang-unang tingin ko kailangan nila gawin
04:22.0
ay kailangan talaga ng ating gobyerno
04:24.0
i-subsidize itong mga bagong jeepneys na to.
04:27.0
At ang mga nabalitaan kong presyo na itong mga bagong jeepneys
04:30.0
ay mga 2.5 to 3 milyon pesos each.
04:33.0
Malaki laki yun, hindi biro yun.
04:35.0
Sa akin po, importante na ma-subsidize ng gobyerno
04:38.0
ang ating public transit system.
04:40.0
Kung gusto nila ma-modernize ang mga jeepney natin,
04:42.0
kailangan sila gumawa ng budget
04:44.0
para dito sa modernization plan.
04:46.0
Para hindi lang ang mga jeepney drivers at operators
04:49.0
ang sasalo ng itong malaking gastos
04:51.0
para ma-modernize ang ating jeepneys.
04:54.0
At kaya ba ng ating gobyerno
04:55.0
i-subsidize ang modernization plan nila para sa mga jeepneys?
04:58.0
Tingin ko kaya nila.
04:59.0
Bakit ko naisip yun?
05:01.0
Dahil pag tinignan mo yung pinasa nilang budget noong 2023,
05:04.0
sa mga dami ng mga kalukohan
05:06.0
na nilalagyan nila ng budget
05:09.0
including mga confidential fund,
05:11.0
mga intelligence fund,
05:12.0
mga maharlika fund,
05:13.0
umaabot na mga ilang bilyon yan.
05:16.0
Yung maharlika fund pa lang,
05:18.0
gusto nila kumuha ng mga at least 75 billion.
05:21.0
Tapos hindi nila ma-subsidize
05:23.0
itong jeepney modernization plan nila?
05:26.0
Dapat ito ang i-prioritize nila
05:28.0
dahil pag ma-modernize ang mga jeepney,
05:30.0
lalo makakatulong ito sa ating publiko
05:32.0
para maging mas productive sila.
05:34.0
Lalong tataas ang ating GDP
05:37.0
pag ma-modernize itong mga jeepney.
05:39.0
Kaya importante na ma-subsidize ito.
05:41.0
May mga ibang bansa nga,
05:43.0
libre ang public transit eh.
05:44.0
Sa atin, ginagawang negosyo itong public transit na ito.
05:48.0
Dapat talaga subsidize ito.
05:50.0
Hindi lang yung mga pagbili ng sasakyan
05:52.0
ang kailangan i-subsidize.
05:53.0
Kailangan din talaga ma-subsidize yung mga fares
05:56.0
para hindi din siya masyadong tumaas.
05:58.0
Pangalawa, kailangan gumawa ng retirement plan
06:00.0
o kaya parang displacement plan
06:02.0
ng ating gobyerno sa mga mawawala ng trabaho na drivers
06:06.0
o yung mga drivers na gusto kumopt out
06:09.0
o kaya gusto nalang mag-retire at ayaw nalang magmaneho.
06:12.0
O kaya baka gusto nalang maghanap ng ibang trabaho
06:15.0
pero bigyan sila ng pagkakataon at ng plano
06:18.0
para naman masalo sila habang wala pa silang bagong trabaho
06:21.0
o kaya pag magre-retire na sila.
06:23.0
O isa pang idea,
06:24.0
pwede din ang gobyerno i-incentivize
06:26.0
ang ating mga jeepney operators or owners
06:29.0
na i-benta ang mga jeepney nila.
06:31.0
Ang gobyerno ang bumili ng mga jeepney,
06:33.0
magbigay ng incentive that way
06:35.0
tapos i-benta yung mga jeepney for scrap.
06:37.0
Imbis na ipilit nila ito sa ating mga jeepney driver,
06:40.0
kailangan nila i-incentivize sila.
06:42.0
Pang-apat,
06:43.0
importante na may proper implementation and coordination
06:46.0
ang paggagawa ng itong bagong sistema nito.
06:49.0
Kasi yung nagiging problema natin,
06:51.0
ay wala silang coordination with the LGUs
06:54.0
o kaya yung mga LGU
06:55.0
hindi din nagko-cooperate yung mga iba sa kanila.
06:58.0
At ang naninig ko nga sa isang Senate hearing,
07:00.0
parang may sindikato daw sa mga ibang LGU
07:02.0
kaya ayaw nila ma-modernize yung mga jeepney
07:05.0
kasi parang may siguro pinagkakakitaan sila
07:08.0
sa kasalukuyang sistema ng ating mga jeepneys ngayon.
07:11.0
Honestly, ako sangayon talaga
07:13.0
kung na-i-face out yung mga jeepney.
07:15.0
Pero dapat naman bigyan sila ng tamang panahon
07:17.0
at timeline para makapag-ayos sila
07:19.0
at makapaghanda sa pag-face out
07:21.0
ng mga lumang jeepney.
07:22.0
At alam ko po na mahira po talagang
07:24.0
pagbabago at karamihan ng mga jeepney driver
07:27.0
na sanay na sa ating lumang sistema
07:30.0
na bulok na talaga.
07:31.0
Importante ang pagbabago at kailangan siya
07:34.0
para lalo gumanda ang buhay nating lahat.
07:36.0
Kaya sana po mag-usap-usap lahat
07:38.0
ng mga partidong apektado
07:40.0
at sana po ang ating gobyerno
07:41.0
ay magbigay pa ng mas malaking tulong
07:43.0
para po matuloy na natin
07:45.0
itong jeepney modernization program na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.