Close
 


GANITO PALA ANG EPEKTO SA KATAWAN NG OREGANO, ANG TINDI! PANOORIN MO!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GANITO PALA ANG EPEKTO SA KATAWAN NG OREGANO, ANG TINDI! #oregano #oreganobenefits =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professi
Tey Telly
  Mute  
Run time: 09:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang oregano ay isang traditional medicine dito sa atin.
00:03.5
Madalas itong pinapainom sa mga may ubo at may sakit.
00:06.8
Di gaya ng Italian oregano na ginagamit sa mga Italian dishes.
00:10.9
Ang common na oregano dito sa Pilipinas ay ang tinatawag na Cuban o Mexican oregano.
00:16.6
Compared sa Italian oregano na may pagkasavory, medyo mapait ang lasa nito.
00:21.6
At ayon sa mga scientists,
00:23.3
nagtatagla ito ng iba't ibang uri ng nutrients at minerals gaya ng calcium, potassium, proteins, at iron.
00:30.6
Mayroon din itong certain amounts ng alpha and beta carotene at xanthophyll gaya ng lutein.
00:36.6
Kung kaya hindi nakakapagtaka na mayroon itong iba't ibang kakayahan at benefits sa kalusugan
00:42.6
gaya ng number one, mainam na antibacterial.
00:45.9
May antibacterial properties ang Cuban oregano.
00:49.1
Ang essential oil mula dito ay kayang kontrolin ang pagdami ng mga bakteriya
00:53.8
gaya ng streptococcus at staphylococcus na maaaring magdulot ng iba't ibang sakit.
00:59.4
At napagalaman na ang mga dahon nitong ibinabad sa maligamgam na tubig
01:03.9
ay pwedeng magpaginhawa sa baradong ilong, sipon, ubo, asthma, at bronchitis.
01:10.3
Number two, tumutulong magpagaling ng sugat.
01:13.3
Kaya rin ng oregano na mapabilis ang paghilom ng mga sugat.
01:17.5
Maaari kasing lumala ang sugat dahil sa pagdami ng mikrobyo
01:21.5
na siyang pwedeng maging dahilan sa pagbagal ng paggaling nito.
01:25.0
Dahil sa taglay na antimicrobial properties at phytochemicals ng oregano
01:30.1
napapabagal nito ang pagdami ng mga mikrobyo.
01:33.3
Ang katas o paste ng dahon nito ay maganda rin ilagay sa sugat o paso.
01:38.3
Ang mainit na katas naman ng dahon nito ay nakitaan na isang mabisang panlaban
01:43.5
sa pagdami ng mga pathogens gaya ng e.coli at salmonella sa katawan.
01:48.6
Dahil sa polyphenols na taglay nito, nasisira ang cellular content ng mikrobyo
01:54.1
na siyang ikinamamatay nito.
01:56.1
Number three, anti-inflammatory.
01:58.8
Ang hexane extract ng Cuban oregano ay may kakayahang bawasan
02:03.3
ang paglala ng mga pamamagang dulot ng infection
02:06.5
dahil muli ito sa polyphenols content nito.
02:09.8
Ayon sa mga pag-aaral, ang methanolic extract naman nito
02:13.9
ay nagtataglay din ng anti-inflammatory properties.
02:17.5
Number four, tulong laban sa diabetes.
02:20.7
May ilang pag-aaral na nagsasabi na kaya ng Cuban oregano
02:24.7
na magpababa ng blood sugar levels gamit ang taglay nitong mga phytochemicals
02:29.6
na maaaring makatulong sa mga may diabetes.
02:32.4
Nakita rin sa ilang experiments na merong hypoglycemic
02:36.3
and anti-hyperlipidemic effect ang extracts nito.
02:39.8
In addition, dahil na rin sa antiseptic
02:42.7
at antibacterial trait ng extracts nito,
02:45.5
may kakayahan din itong magpromote
02:47.3
ng mas mabilis na paggaling ng mga sugat dulot ng diabetes.
02:51.4
Number five, gamot sa skin infections.
02:54.6
Dahil ang essential oils ng oregano ay may medicinal traits,
02:58.9
ginagamit din ito para i-treat ang iba't-ibang skin infections.
03:03.3
Gaya na lamang sa Brazil,
03:05.1
ang oregano ay pinagagamot sa skin ulcerations
03:08.8
na naidudulot ng Leishmania braziliensis.
03:12.0
Sa iba naman, ang essential oil ng Cuban oregano
03:15.7
ay pinipigilan din ang pagtubo ng fungus na Malazizia furfur
03:20.7
na maaaring magdulot ng balakubak.
03:23.3
May katangihan din anti-fungal ang leaf extract o essential oils nito
03:28.0
laban sa iba't-ibang uri ng mga fungi toxic properties
03:31.6
gaya ng mga aspergillus at fusarium.
03:34.7
Number six, antioxidant-rich na herbal medicine.
03:38.8
Sagana rin sa antioxidants ang leaf extracts ng oregano.
03:43.1
Ang mga bioactive compounds nito
03:45.4
gaya ng rosmarinic acid, thymol at carvacrol
03:48.9
ay kayang i-delay ang cell damage
03:51.0
na dulot ng stress or bad lifestyle sa katawan.
03:54.2
Nakita rin na isang effective antioxidant
03:57.2
ang boiled water extracts ng Cuban oregano.
04:00.0
Number seven, anti-cancer at anti-tumor activities.
04:04.5
Meron ding biological activities ang oregano
04:08.0
na kayang labanan ang growth ng tumor at cancer cells.
04:11.8
Sa isang report, ang essential oil ng leaves nito
04:15.4
ay nakitaan ng capability ng anti-proliferative activity
04:19.8
at cytotoxicity sa melanoma cancer cells ng tao.
04:24.5
Meron itong anti-tumor properties
04:27.0
dahil sa bioactive compound nito na carvacrol.
04:30.5
Number eight, alternative mouthwash.
04:33.3
Ang essential oil ng Cuban oregano
04:35.9
ay nakitaan din ng antagonistic effect
04:38.5
laban sa pagdami ng bakteriya sa bibig
04:41.0
dahil na rin ito sa pagiging antibacterial
04:43.8
at antimicrobial nito.
04:45.6
Effective rin daw itong treatment
04:47.3
laban sa dental cavities.
04:49.1
Pinaniwalaang dahil din ito sa carvacrol,
04:52.0
isa sa active nitong mga compounds.
04:54.5
Number nine, pampahid sa kagat ng insekto.
04:58.3
Dahil sa anti-inflammatory properties ng oregano,
05:02.1
maganda itong pamahid sa kagat ng insekto
05:05.1
upang hindi ito lumala.
05:07.2
Ngunit paalala lang na ang essential oils
05:10.1
lamang ng oregano ang may mataas na chance
05:13.0
na magpalayo ng mga insekto gaya ng lamok.
05:16.1
Mas maganda pa din na tuloy ang puksain
05:18.8
ang mga pinamamahayan ng mga lamok
05:21.3
upang maiwasan ang sakit na gaya ng dengue at malaria.
05:25.1
Number ten, diuretic properties.
05:28.0
Nakitaan din na may diuretic properties
05:31.1
ang Cuban oregano.
05:32.6
Ang pagiging diuretic ay isang substance
05:35.4
na kayang manghatak ng additional na sodium o asin
05:39.3
at iba pang mineral upang sumama sa pag-ihi.
05:42.6
Ayon sa ilang experiments,
05:44.6
may kakayahan ang oregano na magsama ng ions
05:48.0
gaya ng sodium, potassium at chlorine sa ihi.
05:51.8
Number eleven, dagdag pampalasa at sustansya.
05:55.9
Ginagawa rin herb ang oregano
05:58.2
dahil sa lasa at amoy na idinadagdag nito sa mga pagkain.
06:02.8
Sa katunayan, ibinubudbod ko ang oregano dried leaves
06:06.8
kapag ako ay nagbibake ng homemade pizza.
06:09.8
Sa mga bansang gaya ng Cuba, India at Indonesia,
06:13.8
kinagamit din nila ito as added flavor
06:16.8
kasama ng iba't ibang spices at herbs
06:19.6
sa kanilang iba't ibang lutuin.
06:22.0
May nutritional value rin ang pagkain ng oregano.
06:25.2
Ayon sa isang pag-aaral, nagtataglay ito ng mga minerals
06:29.6
gaya ng calcium at potassium.
06:31.8
Mayroon din itong iron na mainam para sa maayos na pagdaloy ng dugo.
06:36.7
Kasama pa ang iilang traces ng magnesium, sodium at phosphorus.
06:41.6
Number twelve, pampurga ng bulati sa chan.
06:45.1
According naman sa ilang research,
06:47.4
may anthelmintic activity rin ang oregano.
06:50.4
Dahil sa mga bioactive compounds nito
06:53.1
gaya ng tannins, flavonoids at glycosides,
06:56.6
may capability ang leaf extracts nito
06:59.5
na magpurga ng parasitic worms sa chan at intestines.
07:03.3
Ano-ano ang mga side effects ng oregano?
07:06.1
Gaya ng ibang mga alternative medicines at mga gamot,
07:09.8
kailangan pa na maigting at mabusising pag-aaral
07:13.6
upang lubusang maunawaan ang kakayahan ng Cuban oregano.
07:17.8
Sa ngayon, wala pa namang natatagpo ang masamang efekto
07:21.7
ang pagkonsumo at paggamit nito.
07:24.4
Patuloy pa rin ang mga scientist,
07:26.8
lalo na sa India at Indonesia,
07:29.4
upang mas malaman ang maaari pa nitong beneficyo,
07:32.8
gamit at efekto sa katawan ng mga tao.
07:35.9
Karamihan din sa mga posibli pang beneficyo at kakayahan nito
07:40.3
ay kailangan pang sumailalim sa proseso
07:43.3
gaya ng paggawa ng mga extracts at essential oils.
07:46.8
Kung kaya isa ngayon,
07:48.3
ito pa lamang ang kasalukuyang iilang side effects ng paggamit nito.
07:52.9
1. Burning sensation kapag ininom
07:56.9
Dahil sa potent o aktibong chemical properties
08:00.4
na taglay ng oregano,
08:01.9
maaari itong magdulot ng mainit na pakiramdam sa bibig,
08:05.9
dila o lalamunan sa ibang tao kapag iniinom ito.
08:10.0
2. Allergy
08:12.1
Marahil, dahil sa ibat-ibang nilalaman nitong bioactive properties,
08:16.9
may ilan na sensitivo sa halamang ito.
08:19.8
Kung ito man ay iinomin o ipapahid,
08:22.7
subukan muna ng paunti-unti
08:25.0
para matingnan kung paano magrereact ang iyong katawan.
08:28.7
Muli, wala pa namang natatagpo ang severe side effects
08:32.2
ang pagkain ng Cuban oregano.
08:34.5
3. Diarrhea
08:36.5
Ang pagkonsumo naman nito
08:38.3
ay pwedeng magdulot ng diarrhea sa mga sensitive individuals.
08:42.5
Pwede rin itong magdulot ng diarrhea kapag nasobrahan.
08:46.1
Muli, this is Tay Telly,
08:48.1
ang iyong number one resources
08:49.9
ng makabaluhang kaalaman every week.
08:52.3
Kaya subscribe ka na para lagi kang updated.
08:55.5
Ingat!