Close
 


TEVES NAGSALITA NA SA PAGPATAY SA GOVERNOR!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE SANGKAY JANJAN DAILY: ✅ https://youtube.com/@sangkayjanjandaily Thank you sa inyo mga Sangkay. LIKE, COMMENT, SHARE, SUBSCRIBE, & CLICK THE BELL 🔔NOTIFICATION. ✅ For Inquiries: solidsangkay@gmail.com ✅ Instagram: @sangkayjanjantv ✅ Facebook Page: Sangkay Janjan FactCheck https://www.facebook.com/SangkayJanjanFactCheck Facebook Music/Vlogs: Sangkay Janjan Music & Vlogs facebook.com/SangkayJanjanTV ✅ Twitter: Sangkay Janjan TV @johnanthony_j Bigkis: Sangkay Janjan TV @SangkayJanjanTV JESUS LOVES YOU!!
Sangkay Janjan TV
  Mute  
Run time: 19:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
So ito na nga po, may pasabog po itong si Congressman Teviz. Ngayong araw mga sangkay at nagsalita na regarding po ito sa pagpaslang ng isang governor na kaalyado po ni PBBM doon po sa Negros.
00:14.0
So may mga agam-agam na may involvement o ano mga sangkay pero ito na nga po, meron po siyang pasabog. Tingnan po natin kung ano po ang kanyang statement dito at kayo na mismo mga sangkay ang magsabi kung ano po sa inyong pakiramdam.
00:29.0
Kung nagsasabi nga ba ng totoo o hindi.
00:39.0
So ito yun mga sangkay, ito po yung video ni Congressman Teviz na meron po siya ditong komento, statement ha. Ngayong araw po ito. Pakinggan po natin, nasa 16 minutes po ito.
00:50.0
And I hope na matapos po natin ang video na ito though medyo matagal.
00:57.0
Sa lahat ng aking mga palangga, sa ating mga kababayan at sa lahat ng mga marites at mga iepal dyan.
01:07.0
Pagpasensya nyo na medyo natagalan itong matagal nyo nang hinihintay. Alam ko ang daming gusto kumingi ng reaction ko tungkol sa pangyayari sa aming probinsya sa Negros Oriental.
01:28.0
Nadelay lang ito ng konti dahil nasa abro din ako dahil overdue ng aking pagpapagamot ng amin, pagpapalagay ng aking stem cell.
01:42.0
Ang doktor ko hindi bumalik so kailangan ko siyang puntahan.
01:49.0
Awa ng Diyos tapos na naman po. Kailangan rin natin ang ating health dahil health is wealth.
01:58.0
Alam nyo ba, ito ang matagal ko nang kinakatakot na mangyari.
02:07.0
Bakit? Expected ko na ako na naman ang pagbibintangan.
02:20.0
Baka wala pang nagsalita openly but uulitin ko sa inyo katulad ng mga sinabi ko dati marami din akong sources of intel.
02:34.0
Ngayon napagalaman ko na merong ibang mga tao dyan na gusto akong idein.
02:48.0
Ang iba nito siguro gusto lang umepal, gusto magpasikat para sa sarili nilang kapakanan.
02:59.0
Wala po akong pinapatamaan pero alam nyo kung sino kayo.
03:06.0
Again, hindi ko kinakalaban ang ating gobyerno. Sino ba naman si Arnie para lumaban sa gobyerno?
03:15.0
Ako ay ordinaryong tao lamang.
03:19.0
Nakakatakot ang mga ganitong pangyayari.
03:30.0
Bago pa yun, ito muna. Napagalaman ko kasi sa aking intel na gusto talaga ako idein ng isa dyan.
03:49.0
Nagkamali siya ng salita dahil hindi niya alam na marami akong kakilala.
03:55.0
Sino kayo tinutukoy niya?
04:00.0
Alam mo kung sino ka.
04:02.0
Huwag nyo naman sana akong gawin na isang instrumento para sa inyong pagsikat.
04:16.0
Ang ganitong pangyayari ay hindi kanais-nais at hindi maganda para sa progreso ng aking distrito at aming probinsya.
04:36.0
Isa pa, kung may balak man ako o may kakayahan na gawin ito, di sana ginawa ko na ito bago pa mag-election.
04:59.0
Anong motibo kung ngayon gagawin?
05:03.0
Hindi rin magiging beneficaryo ako at ang kapatid ko.
05:08.0
Dahil kung mawala ang gobernador, ang uupo naman ang vice governor.
05:14.0
Hindi naman ang kapatid ko na talagang nanalo ng eleksyon pero hindi ko alam anong magic na nangyari na pinababa sa pwesto ang aking kapatid.
05:28.0
Again sa lahat ng krimen ang unang hinahanap ng investigador at pulisya ay motibo.
05:36.0
Kung sino ang pinaka may balak at magkakaroon ng beneficyo sa pangyayaring.
05:48.0
Sa totoo lang wala kaming makukuhang beneficyo dito sa pangyayaring ito.
05:58.0
Nakakatakot ang ganitong mga pangyayari.
06:02.0
Kaya ako nananawagan sa ating magaling at mabait na Presidente, Sir Mr. President DBM, umaapila ako pakisabihan yung tao nyo ipabalik na ang aking lisensya ng mga baril para naman sa aking proteksyon at proteksyon ng aking pamilya.
06:32.0
There was a time na kasabay nung tinanggalan ako ng lisensya ng baril, tinanggalan pa ako ng bodyguard.
06:44.0
Kailan lang nalaman ko na may order na mag-search warrant sa lahat ng may unlicensed firearms.
07:02.0
Pagbalik ko agad-agad, isusurrender ko na ang aking mga baril. Partial lang yung unang nasurrender dahil nung nangyari yun wala ako sa probinsya at hindi mabigay nung aking inutusan ang iba ko pang mga baril.
07:30.0
Isusurrender ko po lahat yun ayon sa batas dahil walang taong above the law.
07:38.0
Nung sinurender ko ang unang mga baril, sa totoo lang wala pang sulat galing sa FEO na kailangan ko isurrender. Walang due process.
08:01.0
Kailangan ko ba kumuha ng permit to transport dahil baka hulihin ako sa daan habang papunta sa pag-surrender ng aking mga baril sa nearest police station as required by law.
08:21.0
Ngayon, mapunta tayo sa video. Nakita nyo na siguro ang video nung pangyayari. Nakita natin kung gaano kagaling at kaprofesyonal ang gumawa nung krimen.
08:45.0
Ang nakakapagtaka doon sa video, bakit nakapasok o pinapasok ng ganoon lamang yung mga tao na sa aking sariling pagaanalisa ay parang magkakilala sila nung nasa gate.
09:08.0
At hindi lang yun, siyempre kakilala siguro nakapasok ng wala man lang kahit konting resistance.
09:21.0
Alam ko naman na marami din gwardiya yung yumaong na gobernador. In fact dati tinanong ko yun kung bakit sobrang dami ang kanyang gwardiya samantalang ang allowed sa amin ay dalawa lang.
09:48.0
Sa isang politiko ay dalawa lang na gwardiya galing sa gobyerno, puwera lang sa ating presidente.
09:58.0
Mga netizens, ito ang pagmasdan nyo at tingnan nyo ng paulit-ulit.
10:07.0
Pati ang aso, kilala ang pumasok. Bakit ko nasabing kilala? Tingnan nyo yung action ng aso doon sa video, hindi man lang kumahol kung hindi kumawag pa ang buntot.
10:25.0
Parang kumakaway-kaway pa yung aso. Isa o dalawang aso basta I'm sure there was one dog na kumawag pa ang buntot, hindi man lang kumahol.
10:56.0
Ang daming mga pangyayari na unsolved pa. Sa amin, ang pagpatay kay Rex Cornelio, ang pagpatay kay Avelex Amor, hanggang ngayon wala man lang isang suspect.
11:24.0
Gamit pa noon, ang isang kotse na nakuha sa video, kotse ng provincial government ng Negros Oriental.
11:39.0
Ngayon, nakapagtaka kung bakit ang ibang kaso napakatagal-tagal ang usad. Sabay ito pagkabilis-bilis na kaagad may mga nahuli daw na mga suspect.
12:04.0
Hindi ako nagdidepensa o nagsasabi na hindi ito yung mga suspect pero sa akin lang parang sobrang gilgaling naman, sobrang bilis.
12:19.0
Sabay pag ibang tao, sobrang tagal. Bakit ganoon? At sa galing nung nakita ko sa video, hindi ako maniniwala na ganoon ganoon lang kabilis mahuli yung ganoon klaseng mga tao. Hayop sa galing, parang pangsini.
12:43.0
Hindi ako maniniwala na ordinary yung mga sibilyan yun sa nakita natin na galaw nila. Alam nyo itong sinasabi ko ay hindi kwento ko lamang kung hindi base lang sa video na nakita ko.
13:05.0
Again, nananawagan ako sa ating mahal na presidente, kailangan ko po ng proteksyon ng aking buhay, kailangan namin ng kapayapaan sa aming probinsya.
13:26.0
At kailangan namin ng tulong para masulba ang lahat ng krimen sa buong bansa.
13:42.0
Again, yung mga gusto lang umepal at sumakay sa isyo para sa inyong mga sariling hangarin, huwag nyo po ako o ang ibang tao gamitin bilang tools o bilang paraan
14:10.0
para sa inyong pangsariling kapakanan.
14:41.0
Kailan lang binaril ang aking pinsan at hanggang ngayon unresolved pa ang issue.
14:56.0
Sa totoo lang, yung pinsan ko na yun, pinsan din yun ng asawa ni Congressman Paolo Duterte.
15:12.0
Pinsan niyo ni January, pinsan ko rin. Hindi pa nare-resolve kung sino talaga ang totoong suspect noon at ewan ko kung may gumalaw na ganito kagrabing galaw para mahuli ang suspect sa pagpatay ng aking pinsan.
15:41.0
Namatayan rin po ako ng anak noong 2015. Masakit po. Kaya inuulit ko po ang mga ganitong pangyayari ng patayan ay hindi ko gusto at hindi ka nais nais.
16:05.0
Alam nyo ba? Gusto kong mabali ang politika sa prowinsya ng Negros Oriental na katulad dati sa panahon ng aking Lolo Lawrence, Sen Lolo Lawrence at Governor at Congressman Herminio Tevez.
16:26.0
Sa mga panahon na iyon, ang mga katunggali namin sa politika nakikita ako sa bahay namin tuwing fiesta November 25 at tuwing birthday ng Lolo ko April 25 at tuwing birthday ng Lola ko na May 14.
16:50.0
Lahat ng eleksyon nasa buwan ng Mayo. Pero kahit sa mga taon ng eleksyon, ang aming mga katunggali noon, ang pamilya nila Macias, pamilya nila Perdices, pamilya nila Arnaiz, magkatunggali man kami sa politika pero sa lahat ng party sa aming bahay, sa bahay ng Lolo ko ang dinatawag namin na big house.
17:19.0
Nakikita ako ang aming mga katunggali sa politika. Sana maibalik natin ang politika na ganoon. Na politika, politika lang. Huwag na umabot sa bayulente ng mga pamamaraan. Maraming salamat po.
17:49.0
Okay. So narinig nyo naman mga sangkay yung buong statement. Ano pa sa tingin nyo? Ano ang sa tingin nyo? Nakita nyo naman siguro yung video. Isa sa pinagtataka ko rin doon, gaya ng sinabi ni Tevis, yung pagpasok po. Walang kahirap-hirap yung pagpasok nila eh.
18:16.0
So, ano ba? Inside job ba? O ano ba yun mga sangkay? Tingin nyo. Pwede nyo i-review mga sangkay. Well, siguro tignan natin kung may time pa, tignan natin i-review yung video.
18:32.0
Lalo na yung part na pagpasok. Kasi yun po yung tinumbok ni Congressman Tevis dito eh. Walang kahirap-hirap na pagpasok. Maging yung aso daw, parang kilala po yung pumasok.
18:49.0
So, anong nangyari mga sangkay? Ito po yung ating aalamin. Pero ano po ang inyong komento tungkol po dito? I-comment nyo po sa iba ba? Anong po ang inyong mga reaksyon? So, ako na po ay magpapaalam. Hanggang sa muli, this is me. Sangkay jan jan palagi nyo pong tatandaan that Jesus loves you. God bless everyone.