* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Iyan, tingnan naman, pwede siya agad sa pisa, siya ikadit hindi eh.
00:14.0
Kung iyong titignan, tila ba natatabunan ng fog ang siyudad na ito sa India?
00:19.0
Ngunit ang totoo, ito ay puno ng smog o ulap-usok at ito'y napaka-rumi.
00:25.0
Taon-taon ay milyon-milyong tao ang namamatay sa India dahil lamang sa air pollution.
00:40.0
Ang siyudad ng New Delhi ay isa sa may pinaka-polluted na hangin sa buong mundo.
00:46.0
Dahil sa sobrang kapal ng smog sa siyudad, maraming sasakyan ang nagsasalpukan dahil hindi na nakikita ang daan.
00:54.0
Maraming tao rin ang nahihilo, inuubo at nagkakaasma.
00:58.0
Ayon sa mga eksperto, kapag na malagi ka sa labas ng isang buong araw, ay para ka daw humithit ng 50 na sigarilyo.
01:06.0
Ganito kadelikado ang hangin sa New Delhi.
01:09.0
Bukod sa masamang epekto sa katawan ng tao, malaki rin ang epekto ng air pollution pagdating sa ekonomiya ng India.
01:17.0
Noong 2000, 3.2% ng GDP ng bansa ang nawala dahil sa pollution.
01:24.0
Ano ba ang dahilan at napakaruminang hangin sa New Delhi?
01:28.0
At ano kaya ang ginagawa ng India para solusyonan ang napakalaking problemang ito?
01:34.0
Yan ang ating pag-uusapan ngayon.
01:37.0
Ang India ay isa sa mga bansang may pinaka-polluted na mga siyudad sa buong mundo.
01:43.0
Ayon sa pag-aaral, umabot sa humikit kumulang 1.6 milyon ang namatay sa India noong taong 2019 dahil lamang sa air pollution.
01:53.0
Ang New Delhi, ang capital ng India, ay isa sa napabilang sa listahan ng pinaka-polluted na siyudad.
02:00.0
Sa kasalukuyan, ito ang pangalawa sa pinaka-mataong siyudad sa buong mundo na may populasyon na humikit kumulang 32 milyon.
02:08.0
At dahil napakaraming tao sa siyudad, ibig sabihin marami rin ang gumagamit ng sasakyan na naglalabas ng usok.
02:15.0
Dagdag pa dito ang mga industriya, power generation, at alikabok mula sa mga konstruksyon.
02:21.0
Ang lahat ng ito ang sinhi sa hindi-malinis ang bansa.
02:25.0
Sa katunayan, 20 times na mas mataas ang level ng pollution dito kumpara sa itinuturing ng World Health Organization o WHO na liktas para sa mga tao.
02:35.0
Pero, alam mo ba, may isa pang dahilan na siyang nagpapalala sa pollution sa New Delhi.
02:40.0
Taon-taon, pagsapit ng October at November, ay nagiging mas marami ang hangin sa New Delhi.
02:46.0
Kung iyong titignan, tila ba natatabunan ng fog ang siyudad?
02:50.0
Ngunit ang totoo, ito ay puno ng smog o ulap-usok at ito'y napakarami.
02:56.0
Sa sobrang kapal ng smog sa siyudad, ay halos di na makita ang mga daan.
03:01.0
Kaya naman, sa mga panahon ito, ay maraming sasakyan ang naaaksidente.
03:06.0
Maraming tao rin ang naaaksidente.
03:09.0
Maraming tao rin ang nao-ospital dahil nagkaka-asthma. Ano nga ba ang nagpapalala sa pollution sa New Delhi?
03:16.0
Bago natin iyan alamin, nagustuhan nyo po ba ang content natin so far?
03:21.0
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng HITS!
03:28.0
Ang smog ay hindi talaga galing sa New Delhi, kundi sa mga kapital na mga kapital.
03:34.0
Ang smog ay hindi talaga galing sa New Delhi, kundi sa mga kapitbahay nitong mga estado, ang Punjab at Haryana.
03:42.0
Ang mga estadong ito ay kilala bilang India's Bread Basket.
03:47.0
Malaking porsyento ng produktong agrikultural ng bansa ay nagmumula sa kanila.
03:53.0
Ngunit taon-taon, pagsapit ng October at November,
03:56.0
ginagawa nila ang tinatawag na stubble burning o pagsusunog ng mga pinaggapasan para mas mabilis nalinisin ang sakahan at makapagtanim ng panibago.
04:07.0
Dahil dito, ay nagbubuo ito ng napakalaking ulap ng usok na siya namang nagpupunta sa New Delhi.
04:15.0
Pinapalala pa ng winter ang problema sa pollution dahil bumababa ang temperatura sa panahong ito at bumabagal ang bilis ng hangin.
04:24.0
Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ito ng temperature inversion kung saan naiipit ang mga particles ng pollution sa layer ng mainit na hangin.
04:35.0
Dahil dito, naiiwan ng smog sa mga mababang lugar na siya namang nagpapalobo ng level ng pollution sa iba't ibang lugar.
04:43.0
Kapag dumarating sa New Delhi ang usok na nagmula sa pagsusunog, ay humahalo ito sa urban pollution.
04:50.0
At kapag naghalo na ito, ay bubuo ito ng toxic smog na sobrang delikado sa katawan ng tao.
04:57.0
Sa sobrang peligroso ng kondisyon ng hangin sa New Delhi, nagpapasara na rin sila ng mga paaralan,
05:04.0
nagpapatigil ng mga konstruksyon at nagbabawas ng bilang ng mga operating coal-based power plant para lamang mapabagal ang paglobo ng pollution sa India.
05:15.0
At bukod sa masamang epekto sa kalusugan, malaki na rin ang naging epekto nito sa ekonomiya ng India.
05:22.0
Noong 2000, naiulat na abot sa 3.2% ng GDP ng India ang nawala dahil sa pollution.
05:31.0
Nabawasan kasi ang produksyon sa mga nekosyo dahil maraming tao ang nagkakasakit o di kaya ay namamatay.
05:38.0
Dahil sa sakon ng dulot ito sa kalusugan at ekonomiya, kumagawa ng India ng paraan para labanan ang napakalaking problemang ito.
05:50.0
Ilan sa mga ginagawa ng India ay ang tinatawag na Smog Towers at Pusa Decomposers.
05:56.0
Paano ba ito kumagana?
05:58.0
May dalawang smog towers na ipinatayo sa New Delhi matapos ang utos ng Indian Supreme Court.
06:04.0
Ang mga ito ay may taas na 25 meters na may 40 fans na siyang nagfifilter ng hangin.
06:10.0
Kaya nito maglinis ng 1,000 cubic meters per second na hangin sa loob ng 1 kilometer radius.
06:18.0
Ang target nito ay mapababa ang PM2.5 levels sa hangin ng kalahating porsyento.
06:25.0
Ang PM2.5 ay ang pollutant particles na matatagpuan sa hangin na may kakayahang magbara sa ating mga baga.
06:34.0
Ang Pusa Decomposer naman ay binubuo ng 7 ibat-ibang species ng fungus na matatagpuan sa lupa.
06:42.0
Matapos ang ilang pag-aaral, napag-alamang efektivo ito sa pag-decompose ng mga pinaggapasan sa mga sakahan.
06:51.0
Sa tulong ng decomposer na ito, mabilis na magde-decompose ang naiwang pananim at nagiging compost o abono para sa susunod na taniman.
07:01.0
Kung mapalawak ang aplikasyon nito, hindi nakakailanganin pang mag-stubble burning ng mga magsasaka
07:08.0
at mababawasan ang smog na nagpapalala sa polusyon ng mga syudad sa India.
07:14.0
This is your Ate Moc from AllRepublic. Hanggang sa muli and stay awesome!