Close
 


Pagtukoy ng political hotpots, ipinag-utos ni PBBM | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Ipinag-utos ni Pres. Bongbong Marcos na tukuyin ang mga itinuturong political hotspot kung saan matindi ang tunggalian ng mga pulitiko. Kumbinsido aniya ang Pangulo na pulitika ang dahilan sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. #News5 | via Maricel Halili Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:56
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na tukuyin ang mga tinuturing na political hotspots kung saan matindi ang mga tunggalian ng mga politiko.
00:08.0
Kumbinsido daw kasi ang Pangulo na politika ang dahilan sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
00:15.0
Nasa front line ng balitan niyan si Maricel Halili.
00:18.0
Matapos ang sunod-sunod na pagpatay sa mga lokal na opisyal, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbuwag sa mga private army.
00:31.0
Armadong grupo ito sa labas ng militar at polis na ginagamit para sa krimen o para sa pansariling interes ng isang tao, grupo o pamilya.
00:41.0
Para raw mabuwag ang mga ito at matigil ang patayan, kailangan daw kumpiskahin ang mga illegal firearms.
00:51.0
Ang usual naman talaga na dapat gawin diyan ay hanapin ang illegal firearms.
00:59.0
Basta kakaunti ang illegal firearms kakaunti ang ganyang klaseng krimen.
01:04.0
Yan ang mga private army na ganyan, kailangan talagang i-dismantle lahat yan.
01:10.0
Ipinagutos na rin ni Pangulong Marcos ang pagtukoy sa mga hotspot tulad ng ginagawa tuwing eleksyon.
01:17.0
Actually ang sinabi ko sa ating Secretary Abalos and the PNP is to now make an examination kagaya ang ating ginagawa kapag darating ang eleksyon kung saan ang hotspot.
01:32.0
Sabi ko gawin niyo ulit ngayon, don't think of the election first, but think kung ano ang mga hotspot na mainit na lugar at tignan natin."
01:42.0
Kahindik-hindik at hindi katanggap-tanggap para kay Pangulong Marcos ang ginawang pagpatay kay Negros Oriental Governor Ruel Degamo na maituturing na political ally ni Marcos.
01:54.0
Siya kasi ang inendorso ni Degamo sa pagkapangulo noong 2022 elections.
02:00.0
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang oath-taking ni Degamo sa palasyo noong Oktubre matapos siyang manalo sa kanyang electoral protest bilang gobernador.
02:09.0
It was shocking. I couldn't believe that this would still happen.
02:14.0
Pinasok ba naman yung sarili niyang bahay. At saka when you see the video, talagang lahat.
02:20.0
Basit nahaharap sa kanila, mabarili nila. Ilan ang pinatay nila, walang ginalama dun sa kanilang gulo, kanilang away."
02:28.0
Tingin din ang Pangulo, politika ang dahilan sa pagpaslang kay Degamo.
02:33.0
Dahil dito, ipinag-utos na niya ang pagkuhan ng magagaling na intelligence sources para malaman kung sino-sino ang nasa likod ng krimen na ito.
02:42.0
This one is particularly terrifying and really, I don't know, this does not belong in our society. Hindi na pwede yung mga ganyan kaya't hindi natin papababayaan."
02:59.0
Nauna ng itinanggi ni House Deputy Speaker Arnulfo Tevez na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo.
03:06.0
Kapatid ni Tevez ang nakalaban ni Degamo sa pagkagubernador noong 2022 na si Pride Henry Tevez.
03:14.0
Humiling si Congressman Tevez ng proteksyon para matiyak ang kanilang kaligtasan. Bagay na sinagot naman ni Pangulong Marcos.
03:21.0
"... I think right now everybody talagang binibigyan namin ng proteksyon. We don't know, we don't have details yet. Baka meron kung sino man who feels aggrieved or whatever. Siyempre mainit ngayon yan, mainit ang emotions are running high.
03:51.0
I think it's best to keep your presence known, felt, para hindi magkagulo."
03:59.0
Sa ngayon, mayroon na raw lead ang mga polis sa mastermind sa likod ng pagpatay sa gobernador.
04:05.0
Tinukoy raw ang mastermind ng mga inarestong suspect pero hindi pa raw nila pwedeng isa publiko ito.
04:12.0
"... We have good leads in the conduct of our investigation and since we are conducting at first operations, we cannot divulge information right now. This is a part of a big group na we are trying to dismantle through subsequent police operations."
04:31.0
Naon ang sinabi ng Department of Justice na dalawa sa mga inarestong suspect ang handa raw makipagtulungan. Pinag-aaralan na nilang ilagay sila sa Witness Protection Program.
04:42.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Maricel Halili, News 5.