Close
 


Constitutional convention Bill, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong ng constitutional convention (con-con) para amyendahan ang Saligang Batas. Pero tanong ng isang mambabatas, bakit hinihimay na sa Kamara ang mga detalye ng con-con, gayong wala pang aksyon ang Senado sa resolusyon nito? #News5 | via Marianne Enriquez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Lusot na sa second reading sa camera ang panukalang batas na nagsusulong ng Constitutional Convention para amyendan ang saligang batas. Pero tanong ng isang mambabatas, bakit hinihimay na sa camera ang mga detalye ng KonKon gayong wala pong aksyon ng Senado sa Resolusyon para naman sa KonKon?
00:30.0
... Resolution 7352 is approved on second reading as amended."
01:00.0
Pero bago nito, sinubukan pa ni Albay Rep. Edsa Lagman na ipatigil ang deliberasyon ng panukala. Iginiit ni Lagman bakit pinag-uusapan na ang detalye ng KonKon gayong wala pong aksyon ng Senado sa Resolusyon. Paano raw kung wala namang mapalalalot ang counterpart committee sa Senado na pinangungunahan ni Sen. Robin Padilla, hindi KonKon kundi Constituent Assembly ang gustong tahakin?
01:30.0
Pag-asume na ang Resolusyon para naman sa Resolusyon 6 ay maapagpatuloy sa Senado at maapagpatuloy. Mayroon naman tayo maapagpatuloy sa mga mababati dito.
01:47.0
I move to suspend consideration of House Bill No. 7352 for being premature and an exercise in futility.
02:00.0
I object to the motion of the Honorable Distinguished Gentleman from Albay.
02:07.0
Nang pagbutuhan via viva voce o palakasa ng boses na naig ang supermajority na ituloy ang deliberasyon.
02:19.0
Nagkainitan pa si Lagman at Kagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na chairman ng Constitutional Amendments at nagsponsor ng panukala.
02:29.0
I was overruled by the majority and I respect the majority. So I will continue with my interpellation.
02:45.0
How can you continue? You don't believe in the power of this particular House in hearing this bill?
02:51.0
Natanong din ang tungkol sa dagdag na P3.8B na hinihiling na budget ng Komilec para sa pagsasabay ng paghalal ng mga delegado sa barangay at sangguni ang kabataan elections sa Oktubre at maging ang P10,000 na per diem o daily allowance ng Konkon delegates.
03:08.0
Siniguro naman ang isa pang sponsor ng panukala na si Rep. Lawrence Defensor mayroong sapat na pondo ayon sa Department of Budget and Management.
03:18.0
Sa ipinasangang campaigning bill, 63 delegado ang appointed habang 253 naman ang pagbobotohan sa buong bansa o isa kada congressional district.
03:29.0
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng appointed delegates, tinanong ni Gabriela Partiles Rep. Arlene Brosas, bakit Speaker at Senate President ang magtatalaga at hindi Presidente o Vice Presidente?
03:42.0
Sagot naman ni Congressman Rufus Rodriguez.
04:11.0
Ilang pa sa mga inamyendahan sa panukala ay mag-uumpisa na sa December 1, 2023 ang sesyon ng konvensyon imbis na November 20. Tatagal ito ng 7 buwan hanggang June 30, 2024.
04:25.0
Posible rao na ang Philippine International Convention Center o PICC ang pagdadausan ng konvensyon.
04:32.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Marian Enriquez, News 5.