Close
 


KULTURA NG IMPUNITY, UNIT-UNTI NA NGA BANG TINUTUGUNAN NG MARCOS JR. ADMIN? (Part 1)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
KULTURA NG IMPUNITY, UNIT-UNTI NA NGA BANG TINUTUGUNAN NG MARCOS JR. ADMIN? (Part 1)
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 26:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi po mga kaibigan.
00:24.0
Ayan po ay araw ng Merkules, ikalabing lima ng Tebrero 2023.
00:30.0
Muli pong sumasa inyo ang programang Lapid Fire ni Ka Percy Lapid,
00:34.0
na inyo pong napapakinggan tuwing lunis hanggang biernes,
00:38.0
kanap na alas-tsi hanggang alas-onsi ng gabi,
00:40.0
dito po sa himpilang DWBL 1242 sa inyo pong talapitan mga kaibigan.
01:00.0
Ito pong muli si Roy Mabasa na humalili po kay Ka Percy upang isulong
01:04.0
ang kanyang palatuntunang Lapid Fire na tumatalakay po sa mga mahalagang isyo ng bayan
01:10.0
na atin pong pag-uusapan sa kabuuan ng ating pagtatanghal sa gabing ito mga kaibigan.
01:16.0
Tayo po ay sabayan ding nadidinig at napapanood dito po sa Facebook Live
01:33.0
sa pamamagitan po ng Percy Lapid Fire Facebook account,
01:37.0
gayon din po ang personal na Facebook account ng inyong lingkod na si Roy Mabasa.
02:07.0
Magandang gabi sa inyong lahat at tayo ay magsisimula sa ating mga pagtalakay sa gabing ito ng inihanda nating paksa.
02:17.0
Sa loob ng 6 na taon ng nakaraang administrasyon,
02:25.0
naghari po yung katagang impunity o ang ibig sabihin nito yung kabiguan na papanagutin ang mga lumalabag sa karapatang pantao
02:39.0
o maging sa mga umiiral na batas, ito man ay domestic, yung dito sa atin o kaya ay international.
02:49.0
Naging napakahalagah o importante itong issue ng impunity na naranasan natin sa Pilipinas,
03:00.0
particular na po yung may kinalaman doon sa extrajudicial killings na kumitil po sa buhay ng libu-libong Pilipino
03:12.0
sa ngalan ng madugong drag war na inilunsad po ni Ginoong Duterte noong 2016 hanggang siya ay lumabas sa kanyang tungkulin.
03:26.0
Sa isang ulat na inilathala po ng Amnesty International noong 2020,
03:35.0
itinataya nito na sa pagitan pa lamang ng July 2016, ito yung kauupo pa lamang ni Duterte,
03:44.0
hanggang January 2017, isipin niyo mga kaibigan,
03:49.0
July, August, September, October, November, December, January, anim na buwan,
03:56.0
ay mayroon na pong pumanong 7,000 katao ang napatay sa utos niya ni Duterte.
04:07.0
So inutusan niya ni Duterte ang Pambansang Pulis na patayin ang sinuman na sa kanilang inaakala o paniniwala ay konektado sa iligal na droga.
04:24.0
Ganoon po ang kalakaran noon. Pag may nagturo sa iyo involved sa droga, maaari ka ng mapas lang.
04:34.0
At sa madaling salita, ang utos niya ay mabangis na sinunod ng mga puwersa ng Estado.
04:48.0
Kasama na dyan maging vigilante o yung tinaguruan noon na DDS yung death squad niya.
04:57.0
Yung ina-attribute sa kanyang death squad nung siya po ay mayor pa sa Dabao.
05:05.0
So ito ay tahasang kinunsunte ni Duterte. Hindi ba nung maging nung siya ay nangangampanya hanggang siya po ay naging presidente na sinasabihan niya yung mga pulis na huwag silang matakot sa kaso at siyaan niya ang bahala sa kanila.
05:27.0
So pinalalakas niya ang loob ng mga pulis, mga kaibigan. So sa kabila po ng mga obligasyon legal ng Pilipinas na imbestigahan at kasuhan ang mga naganap na impunity,
05:46.0
marami pong pagkakataon na ang mga responsable sa mga krimen na ito ay hindi po napaparusahan. Ganyan po ang naging kalakaran noong mga panahon na iyon.
06:02.0
So maaring mangyari ang impunity kapag may kakulangan sa efektibong pagsisiyasat, pagsasakdal o pagpaparusa gaya ng naging obserbasyon po ng international community sa kalagaya ng Pilipinas noong mga panahon na iyon.
06:31.0
Alam niyo, bagamat mayroong ilang imbestigasyon na isinagawa, hindi nangimi ang mga kritiko ni Duterte sa pagsasabi na ang kawalananya ng pananagutan para sa mga responsable ay nag-ambag sa pagbuo ng isang culture of impunity.
07:00.0
O yung tinatawag nilang kultura ng kawalang pananagutan dito sa ating lipunan mga kaibigan.
07:09.0
So kapuna-puna na tila ang lahat ng ito ay unti-unting nagkaroon ng kaliwanagan sa ilalim nitong si Marcos Jr. administration.
07:30.0
Ito ay observation lamang natin mga kaibigan pero hudyat dito ang ginagawang tahimik at dihalatang kooperasyon ng Marcos administration sa pag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng nakalipas na administration.
07:57.0
Kaya nang nauna, ito nauna na natin sinabi dito sa programa ni Kapersi Lapid, ang muling pagbubukas ng International Criminal Court o ICC doon sa mga extrajudicial killings.
08:18.0
Ito ay parang isang nakaambang sword of Damocles o espada dito sa ulunan ng mga taong dapat managot sa mga karumaldumal na nangyari dito sa ating bansa.
08:39.0
Politically, ito ang tamang galaw na ginawa sa party po nitong si Marcos Jr. Alam niyo kung bakit? Para ilagay sa isang tabi o makorner muna kahit pansumandali ang mga nagnanaispabagskin ang kanyang administration.
09:06.0
Yan po ang ating analisis dyan. Nakita ninyo, ang pagbalasa na nangyari po sa hanay ng pambansang pulis ay isa ring magandang senyales na maalis ang mga kontaminadong elemento na namamayagpag at nakikinabang lang sa war on drugs campaign ni Duterte.
09:36.0
Hindi ba isang master sergeant Rodolfo Mayo na naunang pinarangalan ng Duterte administration ang inaresto ng PNP sa ilalim ni Marcos Jr.
10:01.0
Dahil po sa umanoy posesyon ng toneladang siyabuh.
10:31.0
At isang eksperto sa extrajudicial killings mula po sa United Nations. Yung special rapporteur na dumalaw dito, yan po ay isang pagkakataon na imposibleng mangyari sa nakaraang administration.
10:53.0
Pero nangyari yan sa imbitasyon pa ng paamahalaan ni Marcos Jr. Paano niyong ipaliliwanag yan mga kaibigan?
11:06.0
Di ba maganda ng senyales itong ganito para ma-resolve unti-unti itong kaso ng impunity? At least meron kang nakikitang senyales hindi kagaya ng nakaraang 6 taon nada, zero.
11:36.0
Ang mga ekspertong ito kasama pa ang iba. Under the guise na sila magtuturuan niya dito sa mga law enforcement authorities pero sa ating paningin ito ay isang forma na ng kanilang ginagawang pagsisiyasat.
11:57.0
Siyempre makausap na sila ng mga tao sa iba't ibang posisyon sa gobyerno maging ang private sector, ang mga NGOs, nakakakalap na sila unti-unti ng ibidensya.
12:09.0
Pero intindi nyo nalang kung bakit nanggagalaite ito pong mga alipores at kaalyado ni Digong. Gaya nalang halimbawa nitong si Bato at si Enrile na mga lumalabas.
12:30.0
Tignan nyo ang anu ni ito, lumalabas na tila sila mga protektor at tagapagtaguyod ng karahasan sa ginagawa nila sa pananalilta nila.
12:44.0
May takot nila kung pagpupunta rin ang investigador ng ICC dapat arestuhin. Sabi ko nga kung pupunta at kung magpupumilit kasi ang word na ginagamit nitong si Enrile mapanlin lang.
13:01.0
At si Bato, nangungopya lang ito. Sa loob ng classroom nasa row 4 yan. Si Enrile nandoon sa row 1. Sumisilip siya sa sinusulat ni Enrile nakita niya magpupumilit ipa-aresto.
13:15.0
Yan din ang sinabi niya kung anong nakita niya si Enrile. Row 4 nga. So, intindihin nalang natin yan na kaya sila nang gagalaite dahil nakakakita sila ng ibang uri ng liwanag sa ilalim nitong administration na ito.
13:34.0
Dahil po ang issue ay impunity, hinahanapan po ng international community itong si Marcos Jr. o yung kanyang administration.
13:48.0
Hinahanapan siya ng senyales na ang Pilipinas ay mayroong gumugulong na justisya kahit pumabagal upang papanagutin yung mga nagkasala noong nakaraang administration.
14:18.0
On foreign diplomats...
14:25.0
Meron tayong personal knowledge dito. Sabagkat every now and then tayo naman ay nakahalubilo sa foreign diplomats na nakaestasyon sa ating bansa.
14:39.0
... Ilang panahon din natin i-cover bilang isang mamamahayag na nagcover ng diplomacy, nakakausap sila ng personal. So mamami sa foreign diplomats na yan ang kumausap kay Bongbong Marcos mga kaibigan before siya mahalal nung siya nangangampan niya at maging matapos siyang mahalal...
15:07.0
... Hanggang nung namatay si Kapersi ang iba sa kanila ay nakikipag-usap sa atin at sinasabi nila na bit-bit nila ang usapin kapag kausap nila si Marcos Jr. bit-bit nila ang usapin ng human rights at EJ case o extrajudicial killings dito sa ating bansa.
15:30.0
Tahimik pumagagalaw itong administration ni Marcos at tingnan ninyo, pinagtatagni-tagni natin itong sunod-sunod na mga pangyayari kung bakit ko pinatutunayan sa inyo na nagkakaroon ng bahagyang liwanag doon sa kalayuan.
15:51.0
Kinumisyon ng Marcos administration ang paglilingkod nitong si Dr. Raquel Fortun, ang premiadong Pilipinong forensic pathologist upang isagawa ang autopsy sa mga hinihinalang biktima ng EJ case.
16:20.0
Ito ang ginawa niyang examination ang mga kaibigan ay nag-resulta ito sa isang pagsisiwalat na sinasabi ni Dr. Fortun at least 12 umano doon sa mga labih.
16:41.0
Kung hindi ako nagkakamali, ito ang kanyang inunang gawin ay mga 70 na mga cadaver ang muli nilang hinukay at in-examine.
16:53.0
So at least 12 doon na mga biktima ng EJ case na una sinertipikahan ng mga doktor, sinasabi ng mga unang nag-autopsy ito, ay namatay because of natural death.
17:14.0
Pero ayon dito kay Dr. Fortun mga kaibigan, ang mga ito, labindalawa nga po, ay may tamaan niya ng bala.
17:26.0
So anong pinagsasasabi nitong mga doktor na ito mga kaibigan?
17:45.0
Para sa ating po, napakalaking bagay. Napakalaking bagay na nagkakaroon ng ganitong pagpihit sa direksyon ng ating bansa.
17:59.0
Kahit po ito ay may kabagalan ng kaunti. At least nakikita natin, meron tayong inaasahan na merong pararatingan yung kanilang ginagawa.
18:11.0
Unti-unti yan, isipin ninyo malawa ka nitong ginawa noong 2016 sa 6 na taon. Pinigilan, walang investigasyon na matinong nangyari.
18:23.0
Kaya nga yung kaso sa ICC ay pumanig sa desisyon ng pre-trial chamber na hayaan ng tumuloy ang investigasyon dahil wala silang nakikitang malinaw na pagsisiyasat na ginawa ang dating administrasyon.
18:40.0
Pero ngayon tinutugunan ni Pangulong da Jr. itong mga pagkukulang nito kahit alam natin na medyo mabagal, at least merong ginagawa na ang administrasyon.
18:56.0
So mahalaga, naumpisahan yan at para magawa na naman ang ustesya yung pung libong na matay, at least yung kanilang mga naiwan na mahal sa buhay at tuldukan na finally, hopefully, ang impunity dito sa ating bansa.
19:26.0
IMPUNITY
19:44.0
Habang pinag-uusapan natin itong impunity na ito, maraming nangyayari sa ating kapaligiran.
19:54.0
... Natatandaan niyo ba ang dating Presidential Security Group head noong panahon ni Duterte, Brigadier General Jesus Durante III na inakusahang mastermind doon po sa pagpatay sa negosyanteng si Yvonne Chu Ibonet Chua Plaza...
20:23.0
... Doon po sa Dabao City noong 10 December 2022. Hindi ba karumal-dumal itong ginawa na ito? Natatawa lang tayo pero karumal-dumal po yung ginawa nito. Isipin nyo, babae, inutusan umanong ipatay nitong si Durante dahil sa pag-ibig, selos, mga kaibigan, ang hinihinalang dailan.
20:50.0
Isipin nyo, ito'y isang general, ito'y isang militar na inaakala natin tagapagtanggol ng bayan, tagapagtanggol ng mamamayan, subalit sila pa ang nagsagawa ng pagpatay, mga kaibigan.
21:07.0
So, ang kasabwat at sinasabi nitong si Durante, mga kaibigan, sa pagsasagawa ay mga militar din. Hindi ba? So, parang ang nangyari dito, nagtanim ka ng kasamaan at sunod-sunod na kasamaan ang inaanim mo ngayon.
21:28.0
O, ito pa isa, yung tinalakay natin kagabi, yung i-deny-deny nito si Pulong Duterte na hindi niya kakilala. Pero naglabasan nga yung mga ilang litrato na nakita natin na kasama niya sa ilang larawan.
21:49.0
Itong sino ba ito? Si Edward Giocno Ehe. Itong inaakusahan na nanloko ng napakarami dose-dose ng tao ang ginagawa. Ang scheme nito sa pag-uusap natin kagabi, ang scheme na ginawa nito, mga kaibigan, binibenta ang mga posisyon sa gobyerno.
22:12.0
Gayun din, binibenta rin niya ang mga bogus government projects. Isipin ninyo yan? Yan ay isang klase ng pag-aabuso na nakita natin sa mga nakaraang administrasyon.
22:27.0
Yan ay nakipatahi-tahi itong mga problema ang ginawa ng mga ito. Pero sa gitna ng pandemya ano ang ginawa? Yung formally. Buking na buking muna sa investigasyon ng Senado, anong ginawa ng Pangulo? Ang kinampihan yung inaakusahan.
22:48.0
Hindi ba? Pinagtatatakot pa ito si Ladrilon at si Gordon na isisiwalat niya. Baliktad! Samantala ang iniimbestiga ng Senado ay yung tigadabaw na si Christopher Lau, mga kaibigan, at isang Filipino Chinese at isang Bumbayan na nagbilihan ng mga mamahaling sasakyan nung sila ay kumikita doon sa formally.
23:13.0
Isipin ninyo yan mga kaibigan? Ang ipinagtanggol yung inaakusahan. Mabuti nalang wala na sa pwesto itong mga ito dahil kung hindi, hindi gugulong itong ginagawa ni Marcos de Jr.
23:28.0
Mga kaibigan, ano nangyari diyan? Mabuti nalang ngayon sinampahan na pala ng kaso itong si Durante.
23:58.0
Mga kaibigan, ang tataas ng pwesto ng mga ito. General at full Colonel. Isipin nyo sila ang tinataguriang nasa likod ng pagpatay sa isang dilag. Babae pa ang pinatulan mga kaibigan. Dahil lang saan?
24:21.0
Ang sinasabi sa ulat, ito ay selos o mano. Hindi natin alam. Mabuti nalang at gumugulong na rin ang justisya sa kasong ito.
24:34.0
Bakit natin pinag-uusapan ang impunity? Habang pinag-uusapan natin ito, muling binuhay ng Department of Justice ang isang kaso.
24:53.0
Itong kaso na ito, ang biktima rito ay isang Spanish citizen na nanirahan pansamantala sa island ng Siargao.
25:11.0
Mga kaibigan, at bago ko ipagpatuloyan ay babasahin muna natin itong mga pangalan ng mga nakikinig sa atin ngayong gabi.
25:24.0
Along the way, habang kinikwento ko sa inyo ito, marirealize ninyo kung bakit ko ikinikwento. Sa pagkat bakasabihin ng iba dyan, ano ba itong ginagawa nito? Nagkikwento lang ng istorya na nangyari na o nakita na sa mga pahayagan o wala na, iniimbestiga na.
25:44.0
Magandang mapakinggan ninyo itong kwento nito at mapapaisip kayo, o nga, tama nga siya. Dapat ihayag ang mga ganitong klaseng kwento para managot ang dapat managot.