Close
 


Transportation groups at Palasyo, nagkasundong wala munang jeepney phaseout | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Wala munang jeepney phaseout. Ito ang naging dahilan kaya pumreno na ang ilang transport groups sa dapat sana'y isang linggo nilang tigil-pasada. Ang sinasabi ng Department of Transportation (DOTr), walang manyayaring biglaang phaseout. Puwede pang bumiyahe ang mga traditional jeep basta ligtas itong sakyan at hindi kakarag-karag. #News5 | via Ian Suyu Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Wala munang jeepney phase-out. Yan pong dahilan kaya pumreno na ang ilang transport groups
00:06.0
na dapat sanay isang linggo nilang tigil pasada.
00:09.0
Ang sasabihin ng Department of Transportation, walang mangyayaring bigla ang phase-out.
00:14.0
Pwede pang bumiyahin mga traditional na jeep, basta tigtas itong sakyan at hindi kakarag-karag.
00:19.0
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, bibigyan ng sapat na parahon para makapag-usap ang mga driver at ang gobyerno.
00:26.0
Nag-postpone tayo hanggang December.
00:29.0
Sa palagay ko, sapat na napanahon yan upang magawa na natin lahat ng kailangan gawin
00:35.0
para ayusin ang sistema ng pag-inspeksyon at pagpalit ng ating mga jeepney, ating mga transport workers.
00:44.0
Hindi po tayo tutol doon sa modernisasyon.
00:48.0
Hindi po tayo tutol doon sa magandang pagbabago.
00:53.0
Ang atin lang panawagan, dapat ito ay makatao, makatuwiran, at walang maiiwanan.
01:04.0
Bukod pa riyan, nangako ang Pangulo na walang masasagasaang driver sa pagsusulong ng PUV modernisasyon.
01:11.0
Babusisi itong pag-aaralan muli ng gobyerno.
01:13.0
Nasa frontline na malita niyan, Ian Suyong.
01:16.0
Pinakinggan ang busina ng grupong manibela at piston na tutol sa jeepney face-out.
01:22.0
Dahil dyan, balikpasada na ulit ang mga nag-strike ng dalawang araw.
01:26.0
Iniatras nila ang dapat sanay isang linggong tigilpasada dahil sa naging resulta
01:31.0
ng pulong ng mga leader ng manibela at piston sa Presidential Communications Office.
01:35.0
So ngayon, malinaw na, nainilatag po nila na hindi ito face-out pagdating ang December 31.
01:43.0
Hindi ka na pupwersahin na bumili ng modernize na mga minibus at payag si BBM sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng ating public transport.
01:58.0
Hindi na required ang pagsali sa mga kooperatiba para magkaprankisa, particular sa mga may single franchise.
02:04.0
Ang dapat nalang gawin ng mga operator at choper, i-upgrade ang kanilang mga jeep.
02:08.0
Matapos ang pulong ng mga leader ng transport groups sa Malacanang, patuloy pa rin papasada ang mga tinagurayang hari ng lansangan na bahagi na ng kulturang Pinoy.
02:17.0
Pero ang tanong, hanggang kailan?
02:19.0
Hindi naman indefinite. Hanggang mapalitan sila.
02:24.0
Nauna na rin sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na papayagang bumiyahi ang mga traditional jeep basta nasa maayos na kondisyon.
02:31.0
Sinegundahan niya ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
02:34.0
Actually, we never recommended the immediate phase-out of the jeepney.
02:41.0
As long as the units are roadworthy and comply with the Philippine national standards, we will allow the use of these units.
02:53.0
Pinangahawakan po natin yung salita po ng ating presidente na kapag maayos pa ang ating mga sasakyan, ito po ay makakabiyahi pa rin.
03:05.0
Sa panibagong pahayag ng Pangulo, tiniyak niyang hindi masasagasaan ng PUV modernization ang mga driver.
03:11.0
Ang problema na kanilang sinasabi ay baka hindi sila mapautang para makapagbili ng bagong sasakyan.
03:19.0
Kaya't yan ang tinitignan namin ngayon, natiyakin na walang mawawala ng trabaho dahil hindi nakapagbili ng electric vehicle pagdating ng panahon."
03:29.0
Muling pag-aaralan ng gobyerno ang PUV modernization program.
03:33.0
Kabilang na riyan ang Omnibus Franchising Guideline noong 2017 na nagtatakda ng pagmamodernize ng mga jeepney at iba pang sasakyan.
03:41.0
Sabi ng Piston, ibasura na dapat ang guideline na yan.
03:44.0
Sagot naman ng Department of Transportation,
03:46.0
Re-reviewhin natin ulit ang Omnibus Franchising Guideline. We call it OFG.
03:53.0
So yan, ayan nga sabi ko importante yung dialogue dahil mapag-uusapan lahat yan eh."
03:59.0
Batid din ang DOTR na nabibigatan ng ilang operator at driver sa halaga ng modern jeep.
04:04.0
Kaya naman, suportado rin daw nila mga lokal at original na gumagawa ng Pinoy modernized jeep.
04:09.0
Sa ngayon, tuloy ang pasada pero hindi pa tapos ang dialogo.
04:13.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Ian Suyu, News 5.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.