Close
 


Mga eksperto, idiniin ang kahalagahan ng pagsiwalat sa karahasan ng China | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Dapat mag-ingay ang Pilipinas sa pambu-bully ng China sa loob ng teritoryo. Ito umano ang pinakaepektibong paraan sa ngayon para labanan ang tinatawag ng mga ekspertong "grey zone activities" ng China. Ayon naman sa Philippine Coast Guard, ginagawa na rin anila ito para mapilitang magpaliwanag ang China hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. #News5 | via Bryan Castillo Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dapat mag-ingay ang Pilipinas sa pambubuli ng China sa loob ng ating teretoryo.
00:05.3
Yan daw ang pinaka-epektibong paraansa ngayon para labanan ang tinatawag ng mga eksperto na grey zone activities ng China.
00:13.5
Ayon naman sa Philippine Coast Guard, ginagawa na rin daw nila ito para mapilitang magpaliwanag ang China,
00:19.3
hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
00:22.7
Nasa front line ng malitang yan, si Brian Castillo.
00:25.8
Hindi dapat magdalawang isip ang Pilipinas na isiwalat ang pasimpleng paninindak ng China kamakailan sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:34.8
Ito ang payo ng mga eksperto kaugnay ng binansagan nilang grey zone operations ng China,
00:40.8
kasama na riyan ang pagtutok ng military grade laser ng China Coast Guard sa BRP Malapascua,
00:45.8
ang pang-aagaw ng rocket debris na na-recover sa dagat na sakop ng Pilipinas,
00:50.8
at ang paglaki ng pwersa ng hinihinalang Chinese militia malapit sa Pag-asa Island.
00:55.8
Ayon sa maritime experts, totoong agresibo naman at nakakabahala kasi ang mga kilos ng China.
01:01.8
Pero hindi pa sapat ang mga ito para ituring na pag-atake laban sa ating bansa.
01:06.8
As a matter of fact, it's a form of warfare without the use of force and just like any form of warfare,
01:11.8
the goal is of course to alter the status quo.
01:15.8
Paliwalag ng Philippine Coast Guard, ito raw mismo ang dahilan kung bakit sunod-sunod
01:19.8
ang mga impormasyong inilalabas nila tungkol sa mga aktividad ng China.
01:23.8
The Philippine Coast Guard's role now of becoming a mouthpiece of the National Task Force West Philippine Sea
01:29.8
allows the like-minded states to express condemnation and reproach,
01:34.8
which puts Beijing into spotlight.
01:37.8
Chinese actions in the shadows are now checked,
01:40.8
which also forced them to come out in the open to explain or to publicly lie.
01:45.8
In the very near future, it is almost impossible that the Philippines can get close to China's military and economic power.
01:53.8
However, it does not mean that we cannot do anything to change their bully behavior
01:58.8
or to compel them to obey the international law.
02:04.8
Nanawaga naman ang PCG sa gobyerno na insulong din ang modernization sa kanilang hanay
02:08.8
para mapalakas pa ang kanilang kakayahang mabantayan ang grey zone activities ng China.
02:13.8
Bahagi rin kasi ng sinasagawang pag-iingat upang hindi na mapalala pa ang tensyon sa West Philippine Sea
02:18.8
ay ang pag-deploy ng white ships ng PCG sa halip na grey ships ng Philippine Navy
02:23.8
para pangunahan ang pagpapatrolya.
02:25.8
Nanggapit ng mga mga pangangesda sa patuloy na pag-alagid ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.
02:30.8
Apektado na raw ang kanilang hanap buhay dahil hindi sila makapangesda ng malaya.
02:35.8
Wala raw kasi mekanismo kung kanyano sila lalapit para mag-report ng insidente ng panghaharas ng China sa kanila.
02:42.8
Ang panawagan ko po sa atin pang pamahalaan ay bigyan po sana kami ng matibay na kung na ano,
02:49.8
na maaring pag-sumbungan po namin sa mga ganitong insidente
02:54.8
sapagkat kung ganitong uri ng mga bagay na sinasabi po ng ating kapolisang dagat na hindi po pala ito matatawag na sinasabi nila na isang marine protest.
03:05.8
At kung barko sa barko lamang daw po yung mga nagbanggaan o di kaya barko sa bangka, barko sa tao ang naaksidente, yun lang lamang daw po yung matatawag na marine protest."
03:19.8
Kahit si Pangulong Bongbong Marcos, idiniin ang halaga ng pagkuha ng modernong kagamitaan para patibahin ang kakayahan ng bansa na bantayan ang teritoryo nito.
03:28.8
"...And we saw some of the capabilities that were demonstrated to me during the flight and we can see how important this increase in our capabilities is going to be especially in the defense of our maritime territory."
03:48.8
Nagbabalita mula sa Frontline, Bryan Castillo, Boost Family.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.