Close
 


Ano ang motibo sa likod ng charter change? #TruthBombs
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Christian Esguerra
  Mute  
Run time: 08:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
... Again I'd like to put things in perspective. Marami naman dapat ayusin sa ating Constitution pero ang tanong dyan dapat ba at kailan gagawin?
00:22.6
... So pag pinausap natin ang mga advocates ng charter change, sabihin nila kung hindi ngayon kailan pa. Kasi meron talagang grupo ng mga tao na nag-advocate, may iba-iba mga grupo, nag-advocate talaga ng charter change. Iba gusto ng federalism, parliamentary, okay sa kanila yan. At even myself I'm open to those kinds of shifts.
00:43.6
... So pag tinitingnan natin ang reality natin dito ngayon sa Pilipinas baka mas makikinabang ang mga political clans. Lagi naman tanong ng mga politiko, what's in it for us? Paano kami makikinabang dyan?
00:54.6
... Kaya napapagusapan, ililift ang term limits. Technically talaga maikli naman ang 3-year term sa ating mga local officials. Kunwari kongresista ka tapos mayor, vice mayor, councillor, 3 years kakapanala mo pa lang nagpa-plano ka na paano katatakbo. So 3 years.
01:13.6
... Sa akin naisip ko dapat talaga habaan yan. Pero pag hinabaan yan tapos ang ibang proposals kasi dapat wala ng term limit. Kunwari mga senador, hanggat binoboto sila ng mga tao pwede silang tumakbo.
01:26.6
... Ang problema, medyo hahaba-haba ng konti ang usapan natin dito. Alam niyo naman ang ating politika, meron tayong tinatawad ng money politics. Nating sa election ang pinakaming malaking chance ang manalo ay pinakamalaking pera. Alam natin na itong elite democracy na meron tayo, higit na marami dihamak na mas magagaling sa mga kasalagay na nakaupong senador o mga kongresista...
01:49.6
... Pero wala silang equal chances to actually win a seat in our bicameral congress kasi ang sistema ng politika natin ang hinahanap ang kasikatan, popularity at connection. So kahit mas magaling tayo sa isang senador, hindi ko sinasabing ako, kayo ay malaking chance ang hindi kayo mananalo.
02:10.6
So pinag-uusapan ang charter change na yan, ang hirap kasi pagkatiwalaan. Alam niyo po big part of this has to do with trust. Ang hirap pagkatiwalaan natin ang mga politiko na talagang isusulong lang nila ang ating kapakanan pag binuksan ang ating Constitution.
02:26.6
Kasi totoo po yan, kinakalagay niya sa resolution of both houses no. 6 na inaprubahan sobrang bilis ng ating kamara, the representantes. Sabihin nila diyan hindi, pag-uusapan lang sa Constitutional Convention ang economic provisions.
02:44.6
Kung sangaling mabuo ang Constitutional Convention, ang CONCON, wala na po kayong magagawa pag sinasabi nila, we're not bound by what was written on the resolution.
02:55.6
Kasi meron po silang tinatawag na plenary powers. Binuksan ang Constitution, nakatanggol silang gawin, pwede lang gawin. Pagbobotohan na yan. So wala na kayong magagawa roon.
03:05.6
Sabi ng mga CONCON delegates, mas maganda siguro na i-lift term limits. Ibig sabihin yung kongresista hanggat binoboto ng tao, walang problema. Okay. Okay naman talaga yung pagtinanggal term limits.
03:25.6
Sobrang yaman na talagang kontrola doon yung politika sa atin for generations. So lalo lang tatagal sila sa posisyon. Mas mabafirm up yung control nila sa mga posisyon na meron na sila.
03:37.6
Sobrang sila o tayo. Obvious naman sila. Okay number two, pag sinabi dyan, total gusto nyo naman pamparitan ang ating Constitution o i-revise o i-amend, baka pwede na po tayo magpasok ng enabling law na mag-co-operationalize sa constitutional provision against political dynasties.
03:57.6
Sabihin ng mga yan, teka parang mali yata yun. Di naman problema yung mga dynasties kasi binoboto naman. So ano yun, that would go against their interest so why would they push for that? Parang yung pwede mangyari.
04:11.6
Tapos ito pa isa, yung napaka-importante po kasi ng role ng mga mga humayan dito, baka iba sa inyo nasusuya. Ako mismo may time na nasusuya ako dito sa discussion sa Charter Change pero kailangan pag-usapan.
04:27.6
Ito yung isa sa mga tinutukan kong issues as a reporter and as an anchor was the push for federalism by President Rodrigo Duterte. Alam natin yung nangyari doon, naha-hijack din yun at nasayang lang yung effort ng Constitutional Committee na itinanigaw ni President Duterte noong panahon na yun.
04:46.6
So ngayon pinag-uusapan na naman siya. Pero nagbago na ba ang ating kaalaman dito? Mas involved na ba tayo? Mas naintindihan na ba natin yung Constitution o marami pa rin sa atin yung hindi talaga naaintindihan pa yung proseso?
04:58.6
Kasi doon tayo magugulat. Kung gusto talaga natin magkaroon ng honest to goodness discussion sa mga issue na ito, dapat mas palawakin natin yung pangunawa ng mas nakararami sa atin tungkol sa sistema ng ating politika. Kaya ako I hope nakakatulong itong mga ganito discussions.
05:17.6
For instance, kung sa pagboto pa lang hindi naman maliwanag sa atin kung ano yung mga trabaho ng mga public officials na inahalal natin, what more if you talk about the more complicated issues sa Constitution?
05:32.6
Aminin man natin o hindi, marami sa ating mga votante hindi naman alam talaga kung ano ba trabaho ng congressman comparado sa trabaho ng mayor. Ako observation ko dyan, ang tingin ng marami sa atin, lahat ng politiko ibo-voto parang mayor ang trabaho, malalapitan pag nangangailangan.
05:51.6
Hindi naman nila inisip na hindi ang kongresista gumagawa ng batas yan. So hindi naman kailangan ganoon kabilis at ganoon kay direct effect ng gagawin nila kasi process of legislation yan.
06:22.6
Makikita nyo na maraming personal interest na isinusulong. At saka dapat intindihin nyo, wala pong ganyang kabilis na pag-a-approve sa resolution of both houses na yan, ilan ba yung boto? 301 tapos 60 yung hindi sumangayon.
06:42.6
Wala pong basbas ng Presidente yan. Kasi ang kalakaran sa politika natin, yung pagpili sa Speaker of the House at Senate President, lagi may basbas yan ng nakaupong Presidente. Kahit sino pa yan, malabo maging Speaker ka ng House kung hindi ka supportado ng Presidente.
07:00.6
Ngayon ang ating Senado mas may semblance of independence yan kasi bino-boto natin yung mga Senador nationwide kung meron national constituency. Yung mga kongresista natin, yung mga member na mababang kapulungan, mas madali silang pasunod rin ng kahit sino nakaupong Presidente kasi very parukil ang concern niya.
07:19.6
Tsaka may kasabihan niya, mas malapit sa kusina mas masarap ang buhay kung politiko ka. Pag hindi ka malapit sa Presidente, pag hindi ka sangayon, hindi ka mapapaboran.
07:32.6
So hindi mabibigyan ng proyekto yung distrito, hindi mabibigyan ng mga projects or programs and projects ang tawag po na PAPs sa national budget, mas malaking chance ang matalo ka sa susunod na eleksyon. Kasi sabihin ng mga tao, hindi naman nakapagpatayo ng school building o nakapagpasemento ng kalsada si congressman so anong mukha ihaharap niya sa inyo sa susunod na eleksyon.
07:58.6
So mas madaling maging tuta pag kongresista sa totoo lang. Kaya kung napapansin nyo, mas madaling mapasunod ng kahit sino Presidente yung mga nasa mababang kapulungan.
08:09.6
Ang tanong lang diyan, gagawin ba ng mga senador yung kanilang trabaho? Kasi sila nagche-check at nagbabalance.
08:15.6
Kaya dalawa ang kapulungan natin, Senado at House of Representatives. Ang expectation natin mas magiging independent ang ating senador. Ititingnan natin kasi sa ngayon parang mas maraming sip-sip na senador kesa sa narinindigan.