Close
 


Problema ng bansa sa katiwalian, balakid sa pagpasok ng FDIs | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Katiwalian at red tape — Ito aniya ang kailangan resolbahin ng gobyerno para makahikayat ng mga foreign direct investments (FDIs) sa Pilipinas sa halip na baguhin ang economic provisions ng Saligang Batas. #News5 | via Camille Samonte Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Katiwalian at red tape. Ito raw ang kailangang resolbahin ng gobyerno para makahikayat ng mga foreign investors sa Pilipinas
00:08.8
imbis na baguhin ang economic provisions ng saligang batas.
00:13.2
Ayon nito sa ilang resource person na humarap sa public consultation ng Senado tungkol sa charter change.
00:20.1
Nasa frontline ng balitan niyan, si Camil Samonte.
00:23.6
Sinasabi nila yan ang 1987 constitution ang magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino.
00:32.1
At yan ang sinasabi nilang magbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino
00:37.6
at kayo ay makakaroon ng magandang trabaho, magandang sweldo, magandang buhay, sariling bahay.
00:43.6
Nangyari ba?
00:45.1
Yan ang iginiit ni Sen. Robin Hood Padilla kung bakit napapanahon ng amyendahan ang economic provisions ng 1987 constitution.
00:54.6
Sinabi yan ni Padilla sa ikalawang public consultation ng Senado tungkol sa charter change na isinagawa sa Baguio City.
01:02.1
Sa ilalim ng kasalukuyang constitution, hanggang 40% lang ang pwedeng maging pag-aaring negosyo ng mga foreigners sa bansa.
01:10.1
May mga piling klase rin ng negosyo na ipinagbabawal ang foreign ownership.
01:15.1
Dahil daw sa mga provision ito, nalampasan na ng Vietnam at Cambodia ang Pilipinas pagdating sa foreign direct investments.
01:23.6
Bakit po kaya ang Pilipinas sa ngayon, sa ngayon po ah, sa 80 plus na economy na merong restrictive sa FDI, number 3 po tayo.
01:39.1
Pagdating naman po sa foreign direct investment sa buong Asia Pacific, sa 14, number 13 po tayo.
01:52.1
So yung mga usapin po na yun, yun po yung nagbibigay sa kanya ng ah, sa amin ng hudya, ng push sa mababang kapulungan at sa mataas na kapulungan.
02:11.1
Pero para sa isang law professor, hindi ang economic provisions sa ating saligang batas ang dahilan kung bakit mababa ang foreign direct investments sa Pilipinas.
02:21.1
Mas tinitignan ang mga dayuhang negosyante kung gaano kalala ang problema sa korupsyon ng isang bansa.
02:28.1
Importante sa mga foreign investors, ang policies, public policy, Vietnam and Cambodia, it might be noted, are military governments.
02:43.1
They do not operate under the same democratic principles that the Philippines does.
02:51.1
So yun lang po yung aking conclusion kung bakit nangunguna palagi recently ang Vietnam at Cambodia sa Pilipinas pagdating sa usapin ng foreign investments.
03:04.1
Sinangayunan niya ni Greco Belgica, na dating chairman ng Anti-Presidential Anti-Corruption Commission, malaking balakid daw ang red tape na pinagdadaanan ng mga negosyante, Pilipino man o dayuhan.
03:17.1
Sa totoo lang kung anong gusto niyong gawin, con us or con con? Dahil pag hindi po natin pinag-usapan, yung buryokrasya, yung korupsyon, yung red tape na aharapin ng mga investors at namumuhunan, Pilipino or banyaga, dito sa Pilipinas.
03:37.1
Pagpunta po ng mga investor na yan, maglalayasan din dahil bago pa sila makapagsimula, taon ang bibilangin bago pa sila mabiga ng mga permit.
03:48.1
Napag-usapan din na baka magdulot lang ng hidwaan ng taong bayan ng charter change, lalot isinusulong pa na isabay ang pagpili ng mga delegado sa Constitutional Convention sa barangay at SK elections sa Oktubre.
04:03.1
Sa proseso, mahalaga ang timing. Hindi po, sa ting paningin ko po, hindi ito ang klase ng usapin na minamadali. Kasi malalim ang ganitong usapin, hindi lang po ang present generation pero future generations of Filipinos would be affected.
04:23.1
Nagbabalita mo lang sa Frontline, Camille Samonte, News 5.