Close
 


Unemployment rises to 4.8 pct in Jan, 2.37-M jobless | TeleRadyo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
The Philippines' unemployment rate climbed to 4.8 percent in January this year from 4.3 percent in December last year, the state statistics bureau said on Thursday. For more TeleRadyo videos, click the link below: https://bit.ly/TeleRadyo2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL7amYNiWriCxDMQr0qW4Q_QS25yEr6PCT For more TeleRadyo full episodes, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgJC37ssz2eLnr18Tn7Plid Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TeleRadyo #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 27:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
... Asama po natin si Department of Labor and Employment Secretary Benvenido Benny Leguesma, isa ito sa mga paborito ko partner at hardworking Cabinet Secretary ng Administrasyon. Secretary magandang gabi po sa inyo."
00:30.0
Q1. Ano ang gagawin ng gobyerno sa pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho nung inero at sumabay pa ang pagdami ng mga empleyadong naghahanap ng dagdag na trabaho?
00:54.0
Q2. Mataas ang unemployment at tumaas ang underemployment?
01:25.0
... At mayroon din pong quarter to quarter na comparison. Totoo ang nabanggit mo Alvin, kung ang comparison na gagawin natin ay October at January, mayroong pagtaas ang bilang ng unemployment, mayroon din pong pagtaas ng bahagya ang underemployment at medyo bumaba ang employment rate.
01:50.0
Kung titignan mo yan January to January, significantly may increase sa employment level. Medyo malaking bahagi yan kung titignan natin.
01:59.0
At ang napansin ko dito sa report ng ating PSA, mayroon pong pagdagdag ng bilang ng mga pumasok sa ating labor force humigit kumulang. From October to January, nadagdagan ang bilang noong October ng humigit kumulang 3M.
02:20.0
Medyo hindi nakasasapat ang mga nalikang trabaho sa pagpasok ng bagong naghahanap ng karagdagan trabaho at mga walang trabaho na dati hindi naghahanap.
02:33.0
So balit maaaring nabuhayan ng loob nung medyo nagluwag ang mga restrictions at nagsimulang bumangon ng ating ekonomiya. Ganoon pa man, ito ang aming ginagawang batayan kung paano pa namin palalakasin ang aming ugnayan sa pribadong sektor sa ganoon makalikha tayo ng mas maraming hanap buhay dito sa ating bansa.
02:57.0
Ang aking tinitignan kasi Alvin at Doris, tinignan ko ang January 2022 compared to January 2023, may significant increase sa ating employment level."
03:10.0
Q1. Ang sinasabi mo year-on-year kung tinitignan mo tumaas pa ay bumaba ang unemployment? Anong figure mo? A. Sana parehasan ang figure. Doon sa January 2022 ang unemployment rate compared sa ating labor force ay 6.4. Dito sa January 2023 ay 4.8.
03:39.0
Mahirap kasi kung ulitin ko ang aking concern, in isolation mo tinignan makaka-raise ka ng concern. Kaya ngayon October to January, October ang unemployment rate 4.5, naging 4.8.
04:05.0
Pero nagkaroon kasi ng karagdagang humigit-kumulang. At kung ito ibabangga mo dito sa naging unemployed nitong October hanggang January, humigit-kumulang 300,000 ang nadagdag sa ating labor force na siyempre di naman siguro kara-kara ka nagkaroon ng paglikha ng hanap buhay at siguro ang mataas na bilang ng Oktobre kasi nagsisimula tayong maghanda para sa Christmas.
04:34.0
Para sa Christmas holiday season, medyo nagsimula ang mga hiring ng ating mga manggagawa na pagdating ng Enero, mga bandang Desembre pa lang siguro nung umintuna ang mga activities na pagpuproduce ng mga goods at services,
04:50.0
Alvin at Doris, medyo nagsimulang mawala ng hanap buhay. So balit ang employment level mo medyo may pagtaas at hindi nga lang nakasabay sa bilang ng nadagdag sa ating labor force."
05:06.0
Q1. So depending sa perspektibo mo, nabawasan pa ang unemployment? Pati ang underemployment? O unemployment lang?
05:36.0
Epto sa January 2022, 93.6 naging 95.2 nitong January 2023. So balit talagang sa habang dumadami ang bilang ng ating populasyon at tumataas ang bilang ng mga nasa edad na 15 years old and over, nadadagdagan ang mga nakahanap ng trabaho at kinakailangan makalikha ng maraming hanap buhay na makatugon.
06:04.0
... Ang dating tinatarget kasi year in year out, Alvin and Doris 1M job. Pero kung 1M jobs lang tayo, meron na tayong nakaumang na mahigit na 2M, meron mga mag-CC graduate magkit kumulang mga 1M, hindi talaga natin matutugunan yan.
06:23.8
... Kaya kailangan talaga lampasan natin ang bilang ng mga bagong entrants sa ating labor force at makabawas tayo doon sa bilang na nanatiling unemployed o kaya under-employed."
06:38.6
So ang target ngayon kailangan maka-2M tayo kada taong trabaho para makapagtrabaho lahat ng nagsipagtapos?
06:56.4
... Kanya kasi hinihikayat ang kanyang nakakausap ng negosyante na sana maglagak ng bagong puhunan at ang may nakalagak sa ating bansa, dagdagan ang kanilang investment.
07:10.2
So ito ang challenge talaga. Hindi naman natin makikita agad ang epekto ng kanyang mga nalagdaan na mga memorandum of understanding kasi it takes a while na makapag-set up ka ng iyong negosyo.
07:26.2
Merong gestation period na tinatawag. Kaya ang kanyang direktiba sa mga Cabinet members na bahagi ng investment team kagaya ng DTI, DOTA, DPWH,
07:41.0
pabilisin ang daloy ng proseso. Sa ganon sana makita natin within the very foreseeable future, di na matatapos ang termino ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., makakakita tayo ng mga paglalagak ng puhunan sa ating sariling bansa.
07:58.8
Q. Importante ang klase ng trabaho at ng klase ng sweldo? O may trabaho ka nga pero kulang ang kinikita mo. So hindi sapat tumigil tayo na may trabaho ka?
08:17.6
Tama ka yan Alvin at Doris. Kasi ang ating pinagsisikapan na mailatag, meron kasing sa amin sa Department of Labor and Employment especially on the aspect of employment and human resource development...
08:35.4
... Meron kami pinagpupukusan ng pansin ang tinatawag natin na not simply school to work transition kundi work to work transition. Doon papasok Alvin at Doris ang sinasabi ni Alvin na kailangan mas dekalidad, mas licente, mas remunerative at mas pangmatagalan.
08:56.2
Kaya nga ang dapat mahikayat natin ng mga mamumuhunan ay ang nasa sektor ng manufacturing, ang mga trabaho na medyo nakikita natin na magiging secure ang hanap buhay ng ating mga manggagawa.
09:12.0
Kagaya niyan partner, ang mga department store. Ay sorry, si ikaw na muna. Akala ko wala kang tanong. Go go go. Go.
09:33.0
Yes Doris. Sinusubaybayan po namin yan. Kasi bahagi nga po ng aming gusto mangyari, ang mga nagtatrabaho ngayon na may kakulangan sa kasanayan.
09:45.8
Meaning nga hindi sila talagang makakategorize na skilled or in possession ng mga mataas na antas na kasanayan. Gusto po namin sila matulungan sa pamamagitan ng ating Technical Education and Skills Development Authority or TESDA,
10:05.6
na habang sila nagtatrabaho sana po mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsanay, mabigyan ng training at nang sa ganoon magkaroon ng karagdagang kwalifikasyon ang ating mga manggagawa.
10:20.4
Kasi talagang ano ba ang sapat habang lumalaki ang pamilya, lumiliit siguro ang sinasabi natin na sapat na. Kailangan din siguro na ating mga manggagawa iangat ang kanilang kalagayan sa buhay na may paminsan-minsan, may matatawag na luho,
10:39.7
paminsan-minsan nakakapasyal ang ating mga pamilya na hindi kailangan na araw-araw nakasusub sa trabaho mo, pati Sabad at Lingkaw nagtatrabaho ka. Sana ang kalidad ng buhay ay asamahan ng kalidad ng trabaho.
10:54.0
Tama. Sabi mo kasi dapat dumami sa manufacturing. I was wondering, yung mga nalala mo dati, ewan ko kung panahon mo, kasi dati na pong doli si Sec. Guzman, yung mga notorious dati dyan, yung mga department store, fast food chain, hindi ako nagpapangalan ha, yung mga industry, department store, fast food chain...
11:21.3
Q. Bago mag-6 months tatanggalin nila? Kasi kailangan may batas 6 months tapos tutuloy na naman nila after few weeks. Ibig sabihin babalik na naman sa zero ulit. 5 months na naman. Ginagawa pa rin ba hanggang ngayon o wala nang gumagawa ng ganoon?
11:39.1
Halos hindi kami nakakakita. Siguro meron pa rin mga gumagawa. Alvin, ang isang usapin mo dyan, yung productivity. Pumisan nakikita nila pag nagiging regular ang manggagawa, very unfair naman nasabihin, medyo hindi naging masipag kumpara nung siya nagsisimula.
12:02.4
Ang ating sinusubaybayan din, yan ang binabanggit ninyo na pagkalipas ng 5 buwan at 20 siyem na araw, bago mag-6 buwan, bagamat ang trabaho ay talagang masasabi na yan ang core, yan ang talagang negosyo nitong kumpanya, nagpapalit ng tao.
12:27.9
Yan ang aming sinusubaybayan din at kasama sa aming diyalogo Alvin at Doris sa mga namumuhunan na atin tignan ang pagmamalasakit ninyo sa mga manggagawa na sa tingin natin kung nasisiyahan ang mga manggagawa ninyo, siguro masipag na masipag at magmamalasakit sa pag-unlad ng inyong kumpanya.
12:49.7
Ito ang bahagi ng aming pagkipag-usap sa ating employers association. At natutuwa kami na medyo nakikita namin na talagang nagsisikap din. Ang isa lang napakalaking hamon sa ating Alvin at Doris, napakalaking bahagi ng umiiral o existing ng mga kumpanya na doon sa level ng micro at small enterprises.
13:14.7
Maliliit ang micro, isa hanggang siyam. Ang small, 10-99 odds, siyam na siyam. So ito ang bahagi nito, siguro kumulang meron tayong mahigit 1M existing companies, mahigit 900,000 yan doon sa kategoriya ng micro and small enterprises.
13:39.5
Kaya ang Department of Labor and Employment katulong ng DTI na umaalalay sa mga MSMEs na sana magpatuloy ang kanilang operasyon. Subalit huwag nilang kalimutan na alagaan ng kanilang manggagawa.
13:57.3
Hindi naman siguro dapat maging kadahilan na bagamat maliit tayo, maliit lang ang sweldo. Dapat merong pagtupad sa umiiral na batas, dalo na may kinalaman sa minimum standards na dapat ipatupad, may kinalaman sa batas paggawa.
14:14.1
Secretary yung gobyerno po ba, pwede din nating masabing violator din yung gobyerno? Natawa pa rin. Di pa tapos yung tanong ko, natawa na si Secretary. Ang mga LGUs, notorious po, ang dami dyan, casual 20 years, 30 years, casual.
14:30.5
Ang numero 1 violator noon di gobyerno. May ilang kadahilanan dyan kung bakit ganyan ang sistema. Una, hindi ko ito kino-condone o hindi ko ito binibigyan ng aking lubusang pagsangayon, mas mabuting may trabaho kaysa walang kinikita.
14:54.0
... Isang aspeto yan. Ikalawa may mga hindi ma-regularize kasi wala silang eligibility, civil service. Kasi niriripaso din ng ating DBM at tinitingnan ng ating civil service commission.
15:11.3
May existing vacancies sa ating pamahalaan, hindi yan mapunan ng angkob na tao kasi sinasabi may kababaan ng sweldo sa gobyerno. Pero sa totoo lamang medyo nakakaangat na siya lalo kung yahambing siya sa minimum wage earners, yung mababawang klase ng trabaho.
15:35.6
Ito ay isa sa ilan sa mga kadahilanan. Totoo kayo may mga tinatawag na job orders, may contract of services.
15:44.9
Pero ibig kong sabihin kung 10 taon ka na sa trabaho mo, siguro nag-try ka na kumuha ng exam. At kung hindi talaga kaya, maghanap tayo ng may kaya para mapunan ang plantilya position ng taong karapat dapat, hindi parang sa cycle. Parang nangyayari ngayon, nahaluan ng politika, naging utang na loob sa kung sinong nakaupong mayor. Parang mga tao niya, ala ang tao kung pupuno lahat yan. Ganoon ang nangyayari Secretary.
16:13.4
E yun ang masakit at masaklap na katotohanan ng nangyayari. Sana mabawasan at magtuloy-tuloy. Kami nga, meron po ninyo ni Doris Alvin yung Public Employment Service Officers, marami doon hindi pa institutionalized, ibig sabihin po wala pang regular na mga position.
16:38.9
Yan ang ipinopus namin kasi napakahalagang bagay, napakalaking bagay ang tulong ng mga peso sa employment facilitation, repairal at iba pang mga servisyo may kinalaman sa employment opportunities. Kabahagi siya ng Department of Labor in Employment.
16:55.7
Nagsaganon mapalawak po namin ang aming reach kasi hindi naman po ganoon karami ang personnel ng Department of Labor in Employment. At hindi rin ako naniniwala ang katugunan doon kung meron kang pangangailangan sa mabilis na servisyo ay dagdag ka ng dagdag ng tao.
17:13.5
Pwede ka pa mag-partner, mag-network sa mga existing organizations so that you can reach hanggang sa kahuli-hulihang barangay na hindi naabot ng servisyo ng ating pamahalaan.
17:25.8
Ako yung kasama sa mga direksyon, priority trust ng Department of Labor in Employment, i-strengthen ang aming partnership sa mga organizations kagaya ng peso. Sana talagang sa buong kapuluan ang umiiral na public employment service offices, maging regular ang mga tao nila.
17:45.6
Nagsaganon, hindi papalit-palit ang nabanggit mo kanina Alvin. Pag nagpalit ng mayor, nagpalit ng goberno, napapalitan na rin. Parang hindi rin tayo nakakadagdag sa employment dahil meron na pumasok, meron na bigyan ng trabaho, meron na walang trabaho. Parang 1 plus 1 minus 1.
18:07.9
Q1. May chansa bang tumaas ang sahod ng minimum wage earners in the next months o walang kachansa-chansa?
18:35.1
Alvin, ang mga regional wages and productivity boards natin ay sumasayalim sa proseso ng konsultasyon, kasama pati ang mga hindi o walang nakahain na petisyon.
18:48.9
Sa ngayon ang aking natatandaan, tatlo na region ang may petisyon. Nauna ang NCR, meron sa region 7, meron sa region 6. At tinaasahan ko na may darating na paghahain ng petisyon.
19:06.7
So balit kahit wala mga petisyon, meron mandato ang regional tripartite wages ng productivity boards na taunan, tignan ang mga kaganapan at tignan ang mga factors na nakalagay sa ating batas na siyang magbubunso o magtutulak upang sa ganoon ang talakayan ay maaari sa pagdidesisyon kung anong karampatang karagdagan ang may bigay sa ating mga magagawa.
19:32.5
Hindi ko sila pangungunahan Alvin at Doris kasi anumang desisyon, anumang wage order na ilalabas po ng iba-ibang regional tripartite wages and productivity boards, pwede maging subject yan sa isang apila.
19:48.3
At ang apila pupunta sa National Wages and Productivity Commission, ako ang chairman doon. Hindi po ako pwedeng magsabi na ilabas niyo bukas, ganito ang ilagay ninyo. Kasi dilalabag ko ang proseso at hindi magandang tignan na ang chairman ng isang body na siyang magsusuri at siya maghahatol sa katumpakan ng wage orders ay nagbibigay po, pinipri-empo niya ang mga miyembro ng regional tripartite.
20:18.3
Q1. Kailan tantsa mo makakapagpalabas? I'm not saying you're going to influence them, but kailan tantsa mo...
20:26.1
... Ayoko manantsya kasi habang yan dini-deliberate nila, ako naman naguukul ng pansin saan makatulong sa tinatawag ng non-wage benefits. Kaya nga itong paglulunsan ng ating pangulo ng kadiwa ng pangulo para sa mga manggagawa. Bahagi yan ang intervention ng Department of Labor and Employment sa tulong ng DTI, Department of Agriculture...
20:52.9
... at iba pang mga ahensya kagaya ng National Food Authority. Nang sa ganon, habang tinatala kayong usapin may kinalaman sa monetary benefits, meron kami mga ginagawang hakbangin para ang purchasing power ng ating mga manggagawa makatugon sa basic pangangailangan. Yan ang mga direksyon na tinitignan namin at kami nakikipag-ugnayan sa DOTR...
21:16.7
... nang sa ganon tignan namin anong pwede naming maitulong sa mga pangkaraniwang manggagawa higit sa lahat."
21:46.7
... At alam po namin malaking bahagi ang tinitignan may kinalaman sa usapin ng inflation rate kasi ang mga prices ng ating basic commodities nakikita naman po natin na tumataas. Kaya hindi po nagpubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang mga miyembro ng ating regional TITAN wages and productivity boards...
22:08.5
... At ako umaasa na makakatugon sa pangangailangan ng ating minimum wage earners. Kasi kung matatandaan ninyo Alvin at Doris ang hiling po across the board para sa lahat. Pero ang nakalagay sa batas na umiiral ay minimum wage earners ang subject matter ng anumang wage orders na ipalalabas ng ating regional TITAN wages and productivity boards."
22:38.5
Q1. Pag suspended without pay, obligado ka ba nasagutin ang employer mo pag tinawagan ka?
22:52.3
Kaya ka tinatawagan, baka pinababalik ka sa trabaho, baka sabihin mag-report ka na bukas, dapat sigurong sagutin.
23:09.3
O nga naman makamalay mo kaya ka tinatawagan, pinutol pala ang suspension mo.
23:14.3
Pwede rin. Pwede rin. Pero sagutin mo na rin. Yaman din lamang at boss mo siya.
23:19.1
Q1. Are you legally obliged? Kung suspended ka ba legally speaking, pati kang abogado yan si Leguezma. Legally speaking, dapat mo bang sagutin o hindi nila pwedeng parusahan pag hindi mo sinagot? Suspended ka naman in the first place.
23:36.9
Technically, technically hindi ka pwedeng pwersahin. Sabalit ang suspension ay temporary, cessation lamang ng inyong relationship. At kung ikaw naman ay naniniwala na ang tawag sa iyo ay mayroon kang makukuhang pakinabang o binipisyo,
23:58.7
una maalaman mo ako ba babalik pa pagkatapos ng suspension o tinatanggal ako para makapagsadya ako sa pinakamalapit na tanggapan ng Department of Labor and Employment at humingi ng assistant.
24:11.7
Siguro yan, mahalaga din ang komunikasyon. Ang sabi nga nila Alvin at Doris, di baling nagsisigawan at nagkakarinigan, alalaman mo ang damdamin.
24:22.5
Di baling nagkakagalit pero may pagkakataon na habang nag-uusap, baka sakaling makakatagpo kayo ng convergence point na tinatawag at magkaroon ng settlement ang inyong mga differences.
24:35.5
Isa na lang si Jonas Santiago may pahabol. Sabi niya, wala bang balak si SEC na taasan at i-review annually ang mga non-taxable compensation like rice and meal allowance? Malaki ding tulong yan?
24:48.3
Ang ginagawa ngayon sa pamahalaan kagaya ang presyo ng bigas, sa nilunsad na kadiwa ng Pangulo para sa mga gagawa kahapon, rice 1kg ay P25.
25:05.1
Ngayon, ibang mga tungkol sa may kinalamang sa pagtataas ng subsidy, weather rice, form ng subsidy para sa transportation, ang pinagmumulan niya ang unawaan at usapan ng mga gagawa at mumuhunan.
25:22.9
Ito na ang may organisado o may union. Yan nagiging subject ng discussion, negosyasyon. At kung may sapat na batayan at kumikita naman ng kumpanya, kami laging nanawagan na bigyan natin ng pansin seryoso, seryosohin natin ang paghiling ng mga manggagawa.
25:43.7
Siguro hindi naman kalabisan kung magpag-usapan at magkaroon ng katugunan. Kung hindi man maibigay ng buo, siguro mabawasan ang kanilang pangangailangan, nakakatulong tayo.
25:53.5
Q. Hindi yan dinidikta ng DOLE na sa usapan niya ng union ng mga manggagawa at mumuhunan? A. Nagkakaroon lamang, Alvin at Doris, nagkakaroon lamang ang ginamit ng word didiktahan. Nagkakaroon lamang ng ganyang senaryo, hindi naman pagdikta, paghatol.
26:13.3
Kung may usapin, kagaya nga nagkaroon ng deadlock ang collective bargaining negotiations ng manggagawa at mumuhunan, at diyan ay tinakeover o medyo ang nakialam ang DOLE, pwede nyan tignan lahat ng usapin may kinalaman sa beneficyon na kapaloob sa collective bargaining agreement at pwede siyang maghatol.
26:43.3
Q. Mag-ingat? A. Maraming maraming salamat Alvin at Doris. Kayo din mag-ingat dahil patuloy tayo nakikipaglaban sa mga iba-ibang klase ng virus sa ating paligid. Maraming maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat.