Close
 


Pagsasama ng Tunog ng mga Titik L at Y | Marungko Approach | Wikaharian Online World
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org #Wikaharian
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 18:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Samahan niyo muna ako sa sama-sama nating awitin ang Kumusta Kumusta song.
00:11.0
Narito na!
00:20.0
Kumusta Kumusta Kumusta Kumusta kayong lahat
00:24.0
Ako'y tuwang-tuwa Masaya't nagagalak
00:28.0
Tra-la-la, la-la-la-la, Tra-la-la, la-la-la-la, Tra-la-la-la-la-la.
00:39.0
Kumusta Kumusta Kumusta Kumusta kayong lahat
00:43.0
Ako'y tuwang-tua Masaya't nagagalak
00:47.0
Okay, o maraming salamat ha sa pag-sama n'yo sa akin sa pag-awit ng Kumusta Song.
01:06.0
Okay, gaya ng sinabi ko kanina, magsasama-sama tayo ng mga tunog na napag-usapan na natin. Okay?
01:15.0
Pero magbalik-aral muna tayo ha. Magpapakita ko ng mga salita at tulungan n'yo ko na tukuyin kung anong tunog o titik ang kailangan natin para mabuo ang bawat isang salita na ipapakita ko.
01:32.0
Malinaw ba yun? Sige, umpisahan natin ha.
01:36.0
Ito ang unang salita. Yan. Yan ay lupa. Ang lupa ay binubuo ng apat na tunog at meron ding apat na titik yun.
01:50.0
Kaya lang parang may kulang. Tignan n'yo, lupa. Parang nawawala yung tunog sa unahan. Ano kayang tunog o titik ang kailangan natin para mabuo ang salita?
02:04.0
Ang lupa. Titik L kaya? Titik Y? O kaya titik B? Ano sa tingin n'yo? Lupa. Lupa.
02:18.0
Sige nga. Subukan pa natin kung titik B. Kung titik B, ano bang tunog ng titik B?
02:25.0
Kung B ang ilalagay natin syan, magiging bupa. Parang hindi yata, tama yun. Alam n'yo na ba kung ano ang nawawalang tunog o titik sa unahan ng salitang lupa na nakikita natin sa screen?
02:44.0
Siyempre, ang titik na kailangan natin ay ang titik L dahil ito ang titik na may tunog na L para sa lupa. Nakuha n'yo ba yun? Sige, subukan natin itong susunod.
03:01.0
Ang susunod na salita naman ay yero. Ano ba yung yero? Diba yung ginagamit para ilagay sa bubungan para magkaroon tayo ng pananggalang sa init at ulan.
03:20.0
Pero kulang na naman, nawawala na naman yung unang titik. Ano kayang titik ang nawawala? Ulitin mo natin. Yero. Anong titik ang bubuo sa salitang yero na nakikita natin ngayon sa ating mga screens?
03:40.0
Titik S kaya? Titik T kaya? O titik Y? Yero. Yero. Narinig n'yo bang mabuti yun? Kung ang sagot n'yo ay titik Y, tama kayo.
04:00.0
Titik Y nga kasi ito ang titik na may tunog na y-y-y para mabuo ang salitang y-y-yero. Ulitin natin ha? Yero.
04:12.0
Sige, ito na ang huli. Para sa salitang ito, hindi ako magbibigay ng pagpipilian. Subukan n'yong tukuyin ito ng kayo lang. Tukuyin n'yo yung nawawalang titik ng kayo lang.
04:28.0
Ang salitang ito ay yelo. Nako, dalawa pala ang nawawalang titik d'yan. Pakinggan n'yo ng mabuti ang mga tunog sa salitang yelo.
04:39.0
At pagkatapos ay isipin n'yo kung ano yung titik na nagbibigay ng nawawalang tunog na kailangan natin.
04:47.0
Ulitin natin. Yelo. Sige, tignan natin kung tama kayo. Ang tunog na kailangan natin para dito ay ang tunog na y-y-y at ang tunog na l-l-l.
05:01.0
Kung ganun, kailangan natin ang titik Y para doon sa unang linya at titik L para doon sa ikalawang linya.
05:12.0
Tignan natin ha. Y-Y at E-E magiging ye. Tapos yung L-L at O-O magiging lo. Pagpinagsamang ye-lo. Yelo.
05:29.0
Okay. Mahusay classmates. Natukoy natin ang mga nawawalang titik at tunog sa mga salita.
05:39.0
Okay naman. Pagsamasamahin na natin ang mga tunog para makabuo ng mga salita.
05:46.0
Maya-maya pagsamasamahin natin ang mga salita para makabuo ng mga grupo ng mga salita.
05:55.0
Di ba? Sigurado akong kayang-kayang classmates kaya umpisan na natin.
06:00.0
Pero bago tayong magsamasama ng mga tunog at salita, may ipapakita akong mga salita na madalas ninyong makikita kapag nagbabasa kayo sa Pilipino.
06:13.0
Ang unang salita na gusto ko ipakita yung salitang MANGA.
06:18.0
MANGA. Ayan, tignan nyo sa screen ninyo. Ito ay binubuo ng tatlong titik. Di ba? Letter M, letter G, at letter A. Okay?
06:30.0
At kapag nakikita ninyo ang mga titik na yan na magkakasama, babasahin nyo siya ng MANGA.
06:38.0
Ulitin nga natin, MANGA. Isa pa, MANGA. Tandaan nyo yan ha? Ito naman ang isa pang salita. Ito naman ang salitang AKO.
06:51.0
Ako. O yan, tignan nyo yung mga salita ay mga titik sa salita. May titik A, titik K, tsaka titik O.
07:00.0
Alam na rin natin ang tunog ng mga titik na yan. At pag pinagsama-sama ang mga titik na yan, kailangan mabilis natin siyang mababasa na AKO.
07:11.0
AKO. Okay? Kasi lagi yang nakikita sa mga babasahin natin sa Pilipino. AKO. Okay? Mahusay classmates.
07:20.0
Kaya simulan na natin ang pagsasama-sama ng mga tunog at salita.
07:26.0
Okay. Subukan natin sa pagbasa ng salita. Yan. Paan natin babasahin ang salitang ito. Sige nga, subukan nyo nga munang basahin nang kayo lang.
07:39.0
Isa-isahin nyo muna yung mga tunog. Tapos pagsama-samahin nyo ang bawat bandig. Tapos basahin nyo yung salita.
07:51.0
Nabasahin nyo na ba? Sige tignan natin kung tama ang basa nyo ha. Ito ay ang salitang LUYA.
08:00.0
LUYA. Okay? Binubuo ito ng dalawang bandig. LUYA. Ang unang bandig ay binubuo ng mga tunog na L at U. LU.
08:12.0
At yung ikalawang bandig naman ay binubuo ng mga tunog na G at A. YA. LUYA. Okay ba yun? Okay.
08:25.0
Ngayon naman, samahan nyo naman ako sa, or samahan naman natin ito ng salitang MANGA.
08:35.0
MANGA. Okay? Tignan nyo nga ang dalawang salitang ito sa inyong screen.
08:43.0
Subukan nyo nga ang basahin. Alam na natin yung unang salita at yung ikalawang salita.
08:47.0
Kaya pag pinagsama sila, babasahin natin ito na MANGA LUYA.
08:54.0
Pagulitin nga natin MANGA LUYA. Ano bang ibig sabihin ng MANGA LUYA? Pag sinabing MANGA LUYA, higit sa isa yung LUYA.
09:06.0
Okay? Yung salitang MANGA sinasabi niya na mas marami sa isa ang isang bagay. Okay?
09:12.0
MANGA LUYA. Higit sa isang LUYA. Okay?
09:17.0
Subukan naman natin ang pangungusap na ito. Subukan nyo nga itong basahin mga classmates, nang kayo lang.
09:32.0
Merong apat na salita sa pangungusap na ito.
09:38.0
Sige, subukan nyo muna.
09:40.0
Sige, sabay-sabay tayong magbasa. Ang basa dito ay AKO AY MAY LUYA.
09:52.0
Pulitin natin. AKO AY MAY LUYA. Sino ang may luya? AKO.
10:02.0
Ayan, mahusay mga classmates. At magsani pa kayo sa pagbasa at pagsasama-sama ng mga tunog at mga salita
10:12.0
para mas maging mabilis kayo sa pagbabasa kapag kayo ay nasa pare.
10:16.0
Lalo na kayo pag nasa bahay kung gusto nyo magbasa ng mga libro ninyo sa inyong mga bahay.
10:23.0
Okay, at dahil tapos na tayo sa pagsasama-sama ng tunog,
10:27.0
syempre, ang susunod na gagawin ay magkukwentuhan na tayo.
10:32.0
Kaya naman, awitin na natin ang ating Oras ng Kwentuhan song.
10:36.0
Okay, narito na!
11:07.0
Oras na, oras na ng kwentuhan.
11:11.0
Oras na, oras na, buksan ang mga tenga.
11:15.0
Oras na, oras na ng kwentuhan.
11:23.0
Ayan. Sige.
11:27.0
Okay, mga classmates.
11:30.0
Bago tayo magsimula sa ating kwento, meron akong tanong sa inyo.
11:34.0
Okay, katulad ng ginawa natin kanina, kumanta tayo.
11:37.0
Kayo ba? Mahilig ba kayong kumanta?
11:41.0
Sinong mahilig kumanta sa inyo?
11:44.0
Kung mahilig kayong kumanta, kailan ba kayo kumakanta?
11:50.0
Kailan kayo kumakanta?
11:51.0
Ako, kumakanta ako kapag, ito meron tayong wikaharian online world.
11:57.0
Kumakanta rin ako minsan kapag naliligo ako.
12:01.0
Kaya, kapag may ginagawa ng ibang mga bagay,
12:04.0
kayo, kay kailan kayo kumakanta?
12:08.0
Ayan. Sige, pag-isipin niyo yan.
12:10.0
Kasi sa ating kwento, meron tayong makikilalang isang bata na mahilig kumanta.
12:17.0
Alamin natin kung sino siya at kung kailan siya kumakanta o umaawin.
12:23.0
Okay ba yan?
12:25.0
Ang kwento natin para sa araw na ito ay pinamagatang
12:29.0
La, la, la.
12:32.0
Ito ay sinulat ni Ate Kay Samonte.
12:36.0
Sa impisahan na natin.
12:38.0
Mahilig kumanta si Leia.
12:42.0
Kumakanta siya pagkagising.
12:46.0
La, la, la.
12:49.0
Kumakanta siya tuwing naliligo.
12:53.0
La, la, la.
12:56.0
Kumakanta siya tuwing naghuhugas ng pinggan.
13:00.0
La, la, la.
13:03.0
At maging bago matulog, kumakanta pa rin siya.
13:07.0
La, la, la.
13:10.0
Naku, walang araw na hindi kumakanta si Leia.
13:16.0
Tuwing lunes hanggang biyernes, kumakanta siya sa paaralan.
13:22.0
La, la, la.
13:25.0
At tuwing sabado at linggo, kumakanta siya kasamang kanyang lolo yulo.
13:32.0
La, la, la.
13:36.0
Apo, bakit hindi mo subukang sumalis sa paligsahan sa pagkanta?
13:42.0
Tanong ng kanyang lolo.
13:44.0
Pinag-isipan ni Leia ang sinabi ng kanyang lolo yulo.
13:49.0
Pinag-isipan niya ito ng pinag-isipan.
13:53.0
Ano sa palagay ninyo? Sasali kaya siya?
13:56.0
Litan natin, ha?
13:58.0
Habang nag-iisip, kumakanta rin siya.
14:01.0
Nag-iisip siya habang nagsusunay.
14:05.0
La, la, la.
14:09.0
Nag-iisip siya habang naliligo.
14:13.0
La, la, la.
14:16.0
Nag-iisip rin siya habang naghuhugas ng pinggan.
14:21.0
La, la, la.
14:23.0
Nag-iisip rin siya bago matulog.
14:27.0
La, la, la.
14:30.0
At kinabukasan, nagbasa siya na sumali sa paligsahan.
14:40.0
Ngunit, walang boses na lumabas.
14:44.0
Nako! Anong nangyari sa boses niya?
14:48.0
Naubos kaya ito dahil lagi siyang kumakanta?
14:52.0
Humingi siya ng tulong sa kanyang lolo yulo at binigyan siya nito ng inumin na gawa sa luya.
15:00.0
Sinabihin rin siya nito na magpahinga.
15:04.0
Sinunod niya ang payo ng kanyang lolo.
15:07.0
Ininom niya ito pagkagising.
15:10.0
La, la, la.
15:15.0
Ininom niya ito pagkatapos kumain ng tanghalian.
15:19.0
La, la, la.
15:24.0
Ininom niya ito bago matulog.
15:27.0
La, la, la.
15:31.0
Ano? Nako! Sa palagay ninyo babalik pa kaya ang boses ni Leia?
15:36.0
Tignan natin ha!
15:38.0
At ng sumunod na araw, bumalik na nga ang boses niya.
15:45.0
Tamang tama dahil araw na ng paligsahan sa pagkanta.
15:50.0
Laking pasasalamat ni Leia sa kanyang lolo yulo at sa luya.
15:56.0
At siya nagtatapos ang puwento.
15:59.0
Ang luya at si Leia na umaawit ng...
16:03.0
La, la, la.
16:07.0
Ayan! Nakakatuwa naman yung kwento ni Leia.
16:13.0
Ngayong tapos na tayo sa kwento.
16:15.0
Balikan na natin ang mga tanong ko kanina.
16:18.0
Sino nga ulit ang mahilig kumanta sa kwento?
16:22.0
Anong pangalan ng batang mahilig kumanta na nakilala natin sa kwento?
16:29.0
Siya ay si...
16:32.0
Tama! Siya si Leia.
16:35.0
Ayan! At taikailan nga siya kumakanta.
16:41.0
Kumakanta siya pagka magkagising sa umaga.
16:46.0
Kailan pa? Kumakanta siya habang...
16:50.0
Habang naliliko.
16:52.0
Kumakanta siya habang...
16:55.0
Naghuhugas ng pinggan.
16:57.0
At kumakanta niya habang...
16:59.0
O habang o bago matulog.
17:03.0
Ayan! Ngilig na talagang kumanta ni Leia.
17:07.0
Okay. Sige.
17:08.0
Sino nga ang nagsabi sa kanya na sumali sa paligsahan?
17:13.0
Sino yung nagsuggest na sumali siya sa paligsahan?
17:19.0
Kasi mukhang magaling naman siya sa pagkanta.
17:22.0
Naalala niyo ba kung sino ang nagsabi nun?
17:26.0
Ayan! Ang kanyang Lolo Yulo nga ang nagsabi na sumali siya sa paligsahan.
17:34.0
Okay. Pero bagong araw ng paligsahan naalala niyo na walan siya ng boses.
17:40.0
Kaya binigyan siya ng kanyang Lolo ng inumin.
17:43.0
At saan gawa ang inumin na ibinigay ni Lolo Yulo kay Leia?
17:50.0
Saan nito gawa?
17:53.0
Naalala niyo ba? Nagsimula sa titik L.
17:56.0
L?
17:58.0
Tama. Luya.
18:01.0
Very good classmates.
18:03.0
Nasagot niyo ang mga tanong natin ukol sa puwento.
18:08.0
Very good kayo.
18:09.0
Ayan. Maraming maraming salamat mga classmates.
18:12.0
Magkita-kita ulit tayo sa susunod.
18:15.0
Maalam!