Close
 


Ilang mag-aasin, umaalma sa kawalan ng tulong mula sa pamahalaan | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Naglaan ulit ng P100 milyon ang pamahalaan para sa mga mag-aasin sa bansa. #News5 | via Shyla Francisco Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:56
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naglaan ulit ng isang daang milyong pisong pondo ang pamalaan para sa mga mag-aasin sa bansa.
00:07.0
Layon niya na pigilan ng tuluyang pag-alat ng industriya.
00:10.0
Bunsod ng nawawalang asinan at pagdami ng imported salt.
00:14.0
Nasa front line na balitan niya si Shila Francisco.
00:18.0
Home of quality salt.
00:20.0
Ganyan na kilala ang Dasol Pangasinan.
00:23.0
Ang tubig-alat na gamit sa paggawa ng asin talagang malimis.
00:27.0
Traditional ang proseso ng produksyon kung saan binibilad ng pitong araw ang inipong tubig-alat
00:33.0
saka patadaluyin sa mga banigan o asinan.
00:37.0
Karaniwang inaabot ng isang buong araw para matuyo yung tubig-alat at makuha nila yung asin
00:42.0
at oras na mangyari yan, magsisimulan na silang magkayod.
00:45.0
Dalawang oras yung karaniwang inaabot nila at kung hindi ka sanay, medyo mabigat siya
00:49.0
pero kinakain nila dahil mas maraming asin, mas maraming kita.
00:55.0
Ang pag-aasin na ang kinagist ng trabaho ng ilang residente, gaya na lang ni Tatay Lenort.
01:01.0
Sa limampung taon niyang sa industriya, naranasan na niyang kumita at malugi.
01:06.0
Pero ni Minsan, hindi raw siya nakatikim ng tulong mula sa gobyerno.
01:11.0
Ito lang asinan ng walang ayod, yung kwan.
01:15.0
Lahat ng kwan sa pisar po, mayroon na sa magsasaka, ilang beses na silang nakakuha.
01:23.0
Kami, nagmula ng kwan, wala pa.
01:26.0
Walang nagbibigay. Ang magbigay yung buyer namin pag nakatinda kami ng asin, yun lang.
01:33.0
Hulang din daw ang ayuda sa teknolohiya at pasilidad,
01:36.0
kaya patuloy sa paghina ang produksyon at tumitigil ang mga mag-aasin.
01:40.0
Para matugunan na yan, naglaan ulit ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
01:45.0
ng isan daang milyong pisong pondo para buhayin ang lumalamiang industriya ng pag-aasin sa bansa.
01:51.0
Gagamitin ang pondong yan para sa pag-upgrade ng mga warehouse na pag-iimbakan
01:55.0
at pamimigay ng gamit sa pag-aani.
01:57.0
Pero higit sa ayuda, kailanan rin daw tugunan ng kumpetisyon.
02:01.0
Bunsod kasi ng pagkaunti ng supply ng lokal na asin,
02:04.0
pahirapan na ang pagbibenta dahil sa imported supply.
02:08.0
Katunayan, 73% ng ating supply galing sa Australia at China.
02:14.0
Si Priscila, na halos 4 dekada na nag-aasin, nangangamba na sa epekto niyan.
02:19.0
Bukod sa maliit na kita, mas malaking dagok-a nila na nanganganib na walang susunod sa kanilang mga yapak.
02:25.0
Ayaw ro kasi ng kanilang mga anak sa pag-aasin.
02:28.0
Sabi ko, kayo nalang ahawak. Ayaw nila kasi ang hirap, sabi.
02:32.0
Kasi naranasan din nila, ang hirap, ang hirap ng trabaho ni daddy.
02:36.0
Naliliitan, sabi, ang liit mi kung ikumpara dito sa ano.
02:39.0
Kaya mas gusto na nila sa abroad kahit paano, sabi,
02:43.0
kaysa si daddy lang nakatyaga dyan, sabi nila.
02:47.0
Sa ngayon, nagsasagawa na ang pamahala ng konsultasyon sa mga mag-aasin
02:51.0
para sa mga dapat maguwin sa sistema sa industriya.
02:54.0
Kabilang na riyan ang issue sa bumabahang imported supply.
02:58.0
We have to feed our own people with the salt that the soul is making.
03:04.0
Hindi natin kailangan yung asin ng Australia, sir. I agree with you.
03:09.0
Pero kailangan, ang presyo natin at quality ng asin natin, laban.
03:15.0
Lahat ng dapat baguhin, babaguhin.
03:18.0
Kaya nga po namin kayo kinakausap kung sa tingin ninyo ay hindi tayo makakalaban sa importasyon,
03:25.0
hindi po ako pumapayag ng hindi tayo nakakalaban sa importasyon.
03:31.0
Kasi kinakailangan po natin lumaban.
03:35.0
Habang wala pang pangakong tulong ng gobyerno sa mga mag-aasin,
03:38.0
magtitiis na lang daw muna sila sa sitwasyon ng umaalat nilang industriya.
03:43.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Shyla Francisco, News 5.