Close
 


Kaso Tungkol Sa Pamilya, Kapangyarihan At Korapsyon | Chiong Murder Case
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
A true crime story about Family, Power and Corruption Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #court #justice
Moobly TV
  Mute  
Run time: 13:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Tila isang pelikula, ganito kong ilarawan ang kaso ng Chong sisters.
00:05.0
Bakit kaya? Ano ang meron sa kanila at ano ang sikretong dapat malaman sa mga sangkot dito?
00:12.0
July 16, 1997, nag-aalala ang inutusan ni Mrs. Thelma Chong ang kanyang dalawang anak na sina Bruce at Dennis,
00:20.0
nasunduin ng kanilang dalawang kapatid na babae na sina Mary Joy, 21, at Jacqueline, 23 years old.
00:28.0
Noong gabing iyon ay dapat magkikita ang magkapatid pagkatapos ng trabaho ni Mary Joy sa isang internet cafe,
00:35.0
at sila ay mamamasyal sa Ayala Mall, Cebu. Ngunit noong gabing iyon ay hindi na sila nakauwi.
00:42.0
Pagdating ng alas 5 ng umaga, agad na humingi ng tulong ang pamilya Chong mula sa polis sa paghahanap sa dalawang magkapatid.
00:50.0
Noong una ay hindi ito pinansin ng mga otoridad dahil akala nila ay pangkaraniwan lang itong kaso ng mga kabataang naglalakwacha.
00:59.0
Ang hindi nila alam, ang kasong ito ang magiging trial of the century sa Cebu.
01:05.0
Umaga ng July 18, 1997, natagpuan ni Rudy Lasaga ang bangkay ng isang babae sa paanan ng bangin sa Tanawan, Carcar, Cebu.
01:16.0
Ini-examine ng mga polis ang biktima na ang pantalon ay sirasira, nakataas ang t-shirt at ang bra ay nakababa.
01:24.0
May masking tape ang muka at ang isang kamay ay nakaposas.
01:28.0
Isa na kaya ito sa mga Chong sisters?
01:31.0
July 19, 1997, na-identify ng pamilya Chong na ang bangkay na ito ay si Mary Joy,
01:38.0
suot ang kanyang orange t-shirt at pantalon noong siya ay mawala.
01:43.0
Sinasabing nag-gang-rape si Mary Joy at buhay pa noong itinapon sa bangin.
01:49.0
Pero may kailangan pang malaman tungkol sa bangkay na ito.
01:52.0
Mamaya ay malalaman natin kung ano.
01:56.0
Agad na umusad ang investigasyon sa kaso ng magkapatid na Chong.
02:00.0
Isa sa mga naging pangunahing pangalan sa mga nagimbestiga ay si Pablo Labra II.
02:06.0
Siya ang gumawa ng mga listahan ng posibling sospek, ngunit sa kanyang pagnanais na marisolva ang kaso,
02:13.0
hindi na naimbestigahan ng NBI ang mga pangalan sa listahan ginawa ni Labra.
02:18.0
Si Labra na mismo ang nangunang magimbestiga sa mga ito.
02:22.0
Dito na lumitaw ang pangalan ni Francisco Juan Paco Larrañaga, na nagmula sa angkan ng mga Osmeña.
02:30.0
Pamangkin siya ni Lito Osmeña, na noon ay presidential aspirant.
02:35.0
Siya ang naging mukha ng Chong 7 o ang pitong naging sospek sa pagkawala ng Chong Sisters.
02:42.0
Sinasabing siya ang naging leader ng gang na gumahasa sa dalawa.
02:47.0
Tinagurian siyang Bad Boy ng Cebu.
02:50.0
Dahil bukod sa kanyang malaking pangangatawan, dati nang may nagreklamo kay Larrañaga,
02:55.0
isang estudyanteng babae na nagsabing sunubukan siyang kidnapin ni Paco.
03:00.0
Ito ang maaaring naging dahilan ng pagkakadawid ng kanyang pangalan sa listahan ni Labra,
03:05.0
bagamat nadismiss naman ang akusasyong ito.
03:09.0
Kasama ni Paco na nadawid sa kaso ay si Rowen Adlawan alias Wesley,
03:14.0
Josman Aznar, Ariel Balansag, Alberto Caño alias Alan Paja,
03:20.0
James Andrew Uy alias MM, at James Anthony Uy alias Wang Wang.
03:27.0
Halos lahat ng pangalan na nadawid sa kaso ay mula sa mayayamang angkan ng Cebu,
03:32.0
kaya't hindi nakakapagtaka na naging tila soap opera ang kaso ng Chong Sisters.
03:37.0
Dagdag pa dito na ang mga Chong ay may koneksyon sa noon ay President Erap Estrada.
03:43.0
Tinagurian itong Trial of the Century.
03:45.0
Sa utos din ni Estrada ay mas mabilis na umusad ang kaso.
03:50.0
Ngunit maraming anomalya sa pagkakaaresto sa mga sospek sa kaso ng mga Chong.
03:55.0
Si Paco Laranaga ay nasa Quezon City noong araw ng July 16 hanggang 17
04:01.0
at higit sa 35 na witness ang makakapagpatunay
04:04.0
nagkasama nila si Paco noong araw na iyon habang kumukuha ng exam.
04:09.0
Noong inaresto si Paco, siya ay nasa paaralan
04:12.0
at nanginginig pa siyang tumawag sa kanyang kapatid na may mga nakapalibot sa kanyang mga polis
04:18.0
at dadalihin daw siya sa kulungan.
04:20.0
Noong hingan ng warrant of arrest ang mga polis ay wala silang nailabas.
04:25.0
Ang mga akusado din ay hindi magkakakilala.
04:28.0
Ang tanging kilalalang ni Paco ay si Narowen Adlawan at Josman Aznar
04:33.0
ngunit sinabi niyang wala siyang koneksyon sa mga ito
04:37.0
at ang ibang mga sospek ay ngayon lang din niya nakita.
04:41.0
Walang naging matibay na ebidensya laban sa mga sospek hanggang sa lumitaw si David Sanrusha
04:47.0
na siyang tumestigo at nagbigay ng detalye sa nangyaring pangkikidnap at pagkahasa sa dalawang babae.
04:53.0
Ayon sa kanya, inusig siya ng kanyang konsensya kaya siya lumantad.
04:58.0
Idinetalya ni Rusha ang nangyari umano sa dalawang magkapatid.
05:01.0
Limang buwan bago mangyari ang krimen ay nagkita-kita na umano si Narusha,
05:06.0
Naranyaga, Adlawan, James Anthony at James Andrew Uy.
05:10.0
Ngunit noong mismo Julay 16 lang daw nakilala ni Rusha si Alberto Caño at Ariel Balansag.
05:17.0
Julay 15, 1997, nilapitan ni Rowen Adlawan si Rusha habang nakatambay ito sa Cebu Plaza Hotel.
05:25.0
Sinabihan siya ni Rowen na magkita sila sa susunod na araw sa Ayala Mall dahil may big happening daw na mangyayari.
05:33.0
Sa pag-aakalang ang big happening na ito ay isang party, tumambay si Rusha sa Ayala Malls noong sumunod na araw.
05:40.0
Alas 10.30 ng gabi, nagkita si na Rowen, Jusman at Rusha sa exit ng Ayala Mall.
05:48.0
Sinabihan ng dalawa si Rusha na sumakay sa puting sasakyan na dala nila.
05:53.0
Minamaneho ito ni Jusman, napansin naman ni Rusha na mayroon pang pulang sasakyan ang nakabuntot.
05:59.0
Narating nila ang Archbishop Reyes Avenue at doon nakita ang dalawang babae sa isang waiting shed.
06:05.0
Walang kaalam-alam si Rusha na ito na pala si na Marie Choi at Jackie Lee.
06:10.0
Tinigil ni Jusman ang sasakyan sa tapat ng dalawang babae at lumabas si na Jusman at Rowen upang ayayin ang dalawa.
06:17.0
Ngunit tumanggi ang mga ito. Dito na nila sa pilitang pinasok ang dalawang babae sa kotse.
06:23.0
Nasubukan pa ni Jackie Lee na lumabas, labing apat na metro mula sa waiting shed, ngunit nahabol siya ni Jusman at muling ipinasok sa kotse.
06:32.0
Upang masikuradong hindi na makakatakas, sinuntok ni Rowen sa dibdib si Jackie Lee at sinikmuraan si Marie Choi upang mawalan ng malay.
06:42.0
Inutusan pa niya si Rusha na nakaopo sa tabi ni Jusman na kunin ang packaging tape.
06:47.0
Nilagyan ang packaging tape ang bibig ng dalawang babae at pinusasan.
06:52.0
Pagkatapos nito ay nag-drive na si Jusman pero nakadalawang stop pa sila sa paghahanap ng van na pwedeng rentahan.
07:00.0
Ayon kay Rusha, dalawang beses siyang inutusan ni Jusman na bumaba kung saan may van na makikita upang magtanong kung pwede itong rentahan.
07:09.0
Nang walang makitang van, pansamantalan nilang dinala ang dalawang babae sa Guadalupe, Cebu sa safe house umano ng Jusman Aznar Group.
07:19.0
Doon na lumabas si Nalaranyaga, James Anthony at James Andrew sa pulang sasakyan.
07:25.0
Mga labing lima hanggang dalawampung minuto silang nanatili sa safe house bago mag-drive patungong South Bus Terminal
07:33.0
kung saan sila nakahanap ng van na minamaneho ni Alberto Caño at ang konduktor ay si Ariel Balansagno.
07:40.0
Si James Andrew ang nagmaneho ng kanilang puting sasakyan at naiwan ang pulang sasakyan sa South Terminal.
07:47.0
Bago sila dumeretsyo papuntang Tanawan, tinigil muna ang kanilang van sa isang barbecue store
07:52.0
kung saan bumaba si Ruen at bumili ng barbecue at tanduay rum.
07:57.0
Magkatapos ay dumeretsyo na sila papuntang Tanawan.
08:00.0
Pagdating doon ay itinigil nila ang kotse sa tabi ng isang bangin kung saan sila nag-inuman at nagkaroon ng puns session.
08:08.0
Dito na rin nila ginahasa ang dalawang galaga.
08:12.0
Dito ay tinapon si Marie Joy. Hindi na alam ni Rusha kung saan sunod na dinala si Jacqueline
08:18.0
dahil noong bumalik na ang grupo, sa Ayala Center Cebu ay bumaba na siya.
08:23.0
Ang testimonyang ito ay pinabulaanan naman ng mga akusado na noon lang nakilala si Rusha.
08:29.0
Dagdag pa rito ang kwestyonabling integridad ng kanyang testimonya dahil hindi siya masyadong na-cross-examine.
08:36.0
Convicted criminal din siya sa US at isang drug user.
08:40.0
Ayon pa sa isang testimonya ng mga preso ay nakita nilang may mga pasa si Rusha mula sa torture ng mga pulis
08:47.0
at si Rusha mismo ang nagsabi na tinorture siya.
08:51.0
Bukod sa mga inconsistencies sa kanyang mga pahayag, nakapagtataka rin na sa kabila ng kanyang pag-amin
08:57.0
na kasama siya sa pumatay at gumahasa sa Chong Sisters ay nagawa pa siyang bilhan ng mga regalo at birthday cake ni Mrs. Thelma Chong.
09:06.0
Kung totoo nga itong mga sinasabi ni Rusha, kahit pa siya ay naging witness,
09:10.0
makakayanan kaya ng isang ina na ganun-ganun na lang patawarin ang gumahasa at pumatay sa kanyang mga anak?
09:17.0
Maaari kayang planted lang ang lahat ng ito?
09:21.0
May tinatago ba ang mga Chong?
09:23.0
Ang isang angulo na hindi natingnan sa kaso ay ang kasong pinasasangkutan ng ama ng Chong Sisters na si Dionisio Chong.
09:31.0
Bago mangyari ang insidente ay nagtatrabaho ito para sa isang businessman na si Peter Lim na di umano ay isang drug lord.
09:39.0
Natanggal si Mr. Chong sa kanyang trabaho at nakatakda na sanang maging witness laban sa kanyang dating amo.
09:46.0
Ngunit bago ito ay nawala na ang kanyang dalawang anak.
09:50.0
Hindi na natuloy ang kanyang pag-guiness.
09:53.0
Maraming naging butas sa kaso ng mga Chong Sisters.
09:56.0
Una sa lahat ay napatunayan ng mga guru ni Paco Laranjaga na noong July 16 hanggang 17 ay nasa Manila siya at kumukuha ng exam.
10:06.0
Tumestigo din ang kanyang mga classmates.
10:09.0
Sobrang dami ng tumestigo para kay Paco, ngunit sinabihan lang sila ng judge na bawal na silang tumestigo.
10:16.0
Hindi rin binigyan ang pagkakataon ng mga detainees na magbigay ng kanilang mga pahayag sa korte.
10:21.0
At kuminsan ang judge dahil sa katandaan nito ay nakakatulog sa hearing.
10:26.0
Isa pa na dapat tingnan ay ang katotohanan na hindi na-identified ni Mrs. Chong kung si Marijoy ba talaga ang bankay na nakuha sa tanawan sa Carcar Cebu.
10:37.0
Masyado nang basag ang mukha ng biktima at maaaring hindi siya ito.
10:42.0
Sa kabila ng lahat ay hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong ang pitong na akusahan.
10:48.0
Hindi nagtagal, nagpakamatay ang judge na humawang sa kaso.
10:53.0
Ngunit hindi nakontento ang pamilya Chong sa hatol na ito.
10:56.0
Nagkipag-usap sila kay Presidente Erap Estrada at bilang tugon,
11:01.0
hiniling naman ang presidente sa Department of Justice na baguhin ang desisyon at hatulan ng kamatayan ang mga akusado.
11:08.0
Samantalang ang pamilya Larrañaga ay umapila naman sa Supreme Court na mapawalang sala si Paco dahil sa dami ng ebidensya na nagpapatunay na nilabag ang kanyang karapatang padtao.
11:20.0
Ngunit sa halip na mapawalang sala, February 3, 2004, natanggap ni Mrs. Larrañaga na bitay ang hatol sa pitong akusado, kabilang na si Paco.
11:32.0
Ang desisyon na ito ng Korte ang naghudyat sa pagdagsa ng suporta sa mga akusado.
11:38.0
Dito na rin sinimulan ng pamilya Larrañaga na humingi ng tulong sa Espanya dahil ang ama ni Paco ay Espanyol at ibig nitong sabihin, siya ay Espanyol din.
11:48.0
Nakaabot sa Spain ang apila at sa tulong ng Amnesty International ay nagkaroon ng nationwide campaign.
11:54.0
Nagpadala sila ng petisyon sa Embassy ng Pilipinas na naglalaman ng 300,000 na lagda.
12:00.0
Ngunit dahil kamag-anak ni Thelma Chong ang Chief Justice, binasulan ng Supreme Court ang petisyon na ito.
12:06.0
Panghuling nilapitan ng mga abogado ni Paco ay ang United Nations Commission on Human Rights.
12:12.0
Pinanigan naman sila ng UNCHR at nanawagan ito sa pag-release kay Paco.
12:17.0
Samantalang ang Spanish government ay nanawagan sa bagong administrasyon ng nuoy Pangulong Gloria Arroyo na huwag bitayin si Paco.
12:26.0
Noong 2006 ay na-abolish ang death penalty sa utos ni Pangulong Arroyo,
12:31.0
nagawan ng paraan ng mga laranyaga na maalis si Paco sa Pilipinas at sa Spain na lang pagsilbihan ang kanyang life sentence.
12:40.0
Hindi nagkaroon ng detalye sa buhay ng ibang kasangkot sa kaso.
12:44.0
Pero may mga usap-usapang, tatlo sa mga nakonvict ay nabigyan na ng parole
12:49.0
at si Paco naman ay ipinagpatuloy ang life sentence sa Spain kung saan pinayagan siyang mag-aral at magtrabaho bilang chef.
12:58.0
Hanggang ngayon ay palaisipan kung nasaan na si Jacqueline Chong at kung anong nangyari sa kanya.
13:03.0
Hindi rin kumbinsido ang lahat na ang Chong 7 ang may kagagawan sa criming nangyari.
13:09.0
Nakakalungkot lang isipin na dahil sa hindi maayos na sistema
13:13.0
ay hindi nakamitin na Marie Joy at Jacqueline ang nararapat na husti siya.