Close
 


60 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Mandaluyong | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Dalawang magkapatid ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong City. Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy. #News5 | via Gio Robles Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dalawang magkapatid na bata ang nasawi sa sulog na sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong City.
00:06.0
Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy.
00:10.0
Nasa frontline na balitan yan si Gio Robles.
00:16.0
Nataramdaman mga residente ng barangay Addition Hill sa Mandaluyong
00:19.0
nang sumiklab ang sunog sa kanilang lugar itong Sabado ng umaga.
00:26.0
Kanya-kanyang iddip ng maisasalbang gamit ang mga residente.
00:30.0
Ang ibang lalaki naman, tumulom na sa mga bombero sa pag-apula sa sunog.
00:37.0
Sa sobrang kapal ng usok, pahirapan ng pag-apula sa apoy at umabot sa sampung bahay ang natupo.
00:43.0
Agad lumikas ang nasa 60 pamilya sa Block 37 Extension, Terra Street.
00:49.0
Pero ang masaklap, dalawang bata ang nasawi matapos matrap sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.
00:55.0
Ayon sa nanay ng mga biktima, natutulog daw noon ang tatlong niyang anak, edad siyang 8 at 5 taong gulang.
01:01.0
Nakalabas raw sa pintana ang panganay nilang si Enrique S. de Guzman Jr.
01:05.0
Pero hindi ang mga kapatid nitong sina Enrique at Saipo.
01:25.0
Nakitang nahulog na yung kuya na nagsisigaw ng aray-aray daw.
01:28.0
Tumakbo dun sa loob dito sa aming pinakwarto.
01:31.0
Doon na sila natrap pare-pares.
01:33.0
Kwento ng tatay ng mga biktima, walang ibang kasama mga bata ng sumiklabang sunog.
01:38.0
Sinubukan paraon niyang makabalik para masagip ang mga bata sa nasusunog nilang bahay.
01:42.0
Maya-maya, tabatakbo na yung benang ko. Sabi sa akin, nasunog na yung bahay niyo.
01:45.0
Yon, sabi ko na, nandoon yung mga anak ko na eh. Matulog pa yun.
01:49.0
Yon, wala na rin akong nagawa eh kasi alaas na po ng apoy.
01:53.0
Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang mag-asawa sa bilis ng mga pangyayari.
01:57.0
Ang hirap kasi mag-birthday din yung bonso ng 6 years old ngayong March 25.
02:04.0
Yung dagok ng 2023, ang pangit talaga.
02:09.0
Ang masakit din kasi doon. Musmus pa sila.
02:15.0
Si Enriquez naman hindi raw makatulog. Binabangungot daw ito dahil sa sinapit ng kanyang mga anak.
02:21.0
Kaya tawag po. Sabi niya, papa, papa, tulong papa.
02:30.0
Sa initial na investigasyon ng Bureau of Fire, sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tinutuloy ang bahay ng mga biktima.
02:37.0
Unang-una sir, yung sa possible cost noon sir, under investigation pa po yun sir.
02:41.0
So marami pa kaming tinitingnan na ang gulo doon. Kung anong pwedeng maging cost.
02:45.0
Pwedeng electrical, pwedeng sa pagluloto.
02:48.0
Mabilis daw na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay nagawa sa kahoy.
02:52.0
Aabot sa P150,000 ang iniwang pinsala ng sunog.
02:56.0
Samantala, sumiklab rin ang sunog sa kabilang eskinita ng barangay Adhesion Hills itong Sabado rin.
03:02.0
Magtatanghali ng rumesponde muli ang mga bombero sa lugar.
03:05.0
Nasa 21 pamilyang nawala ng tirahan habang 7 bahay ang natupok.
03:10.0
Sa video ito, kinuyog ng mga residente ang lalaking pinaniniwalaang nagsimula ng apoy.
03:18.0
Iniimbestigahan na rin ang BFP ang insidente.
03:20.0
So yun po yung suspected ng mga tao doon kasi allegedly, parang nagbanggit daw na may susunogin.
03:27.0
Parang ganon yung pagkakasabi niya.
03:29.0
So kaya nga iniimbestigan namin kung may koneksyon doon doon sinasabi niya.
03:34.0
Nasunog rin ang isang warehouse sa sityo-gitna barangay na ka-isang nayon sa Quezon City.
03:38.0
Pasado hating gabi kanina ng rumesponde ang mga bombero sa sunog.
03:42.0
Pahirapan ang pagapula, lalot mga materiale sa pagawa ng plasticware ang nakaimbak sa warehouse.
03:47.0
Kung minsan daw, ay nagliliyab muli ang apoy tuwing binobomba ng tubig.
03:51.0
Inaalam pa kung anong pinagmulan ng sunog.
03:54.0
So far sa ngayon na po, under investigation pa rin po yung cause of fire po natin.
03:59.0
Pero meron na po tayong na-identify na origin of fire.
04:05.0
Kung saan, ang sinasabi po ng mga witnesses po natin ay doon po sa may barracks area.
04:12.0
Iniimbestigahan rin ang BFP ang halaga ng pinsala sa warehouse.
04:15.0
Wala namang nasaktan at nakalabas naman ang mga empleyadong stay-in sa warehouse.
04:20.0
Nagbabalita mula sa Frontline.
04:22.0
Gio Robles, News 5.