Close
 


Germany, Mayaman Na Bansa Pero Bakit Maraming Walang Sariling Bahay?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang GERMANY ay pang-apat sa PINAKAMAYAMANG bansa sa buong mundo noong 2022. Ngunit sa kabila ng kayamanan ng bansa, napakaraming Germans ang walang sariling BAHAY at nagrerenta lamang. Ayaw nilang BUMILI o magpatayo ng sarili nilang bahay. Bakit kaya? Alamin sa vidyong ito! Sources: https://docs.google.com/document/d/1wm3Ln5kSHeIWdCCDUUId81p__UTjK1ewNpgGqcdm7DU/edit?usp=share_link Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teachin
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang Germany ay pang-apat sa pinakamayamang bansa sa buong mundo proong 2022.
00:06.3
Ngunit sa kabila ng kayamanan ng bansa, bakit napakaraming tao dito ang walang sariling bahay?
00:12.7
Halimbawa, sa syudad ng Berlin, nasa 85% ng mga naninirahan dito ay nagrirenta lamang.
00:19.8
Ang Pilipinas ay mahira, ngunit may rehiyon dito sa atin na 8.5% lamang ang nagrirenta.
00:27.6
Halos lahat ng households sa Cagayan Valley ay pag-aari nila ang kanilang tinitirahan.
00:33.4
Ang Germany, sa isa, ay kailangang nasa nation of renters.
00:37.0
Ngunit sa Germany, nasa atin ay mahirap na mga tao dito ay hindi kailangan ang lahat ng bahay.
00:41.0
Bakit ang German ay magpapasok sa walang sariling bahay?
00:45.6
Bakit kaya marami ang walang sariling bahay sa Germany?
00:49.4
Ano ang mga dahilan bakit ayaw ng mga Germans bumili o magpatayo ng sariling bahay?
00:58.6
Ang minimum wage sa Germany ay 12 euros kada oras o nasa 700 pesos per hour.
01:05.6
Ayon sa isang Filipina vlogger na nakatera doon, ang isang kasambahay ay maaaring kumita ng 15 euros o 855 pesos kada oras.
01:15.6
Malaki ang saho dito.
01:17.6
At ayon naman sa isang kababayang nurse natin doon, ang net salary niya sa isang buwan ay nasa 155,000 pesos.
01:26.6
Dagdag pa niya, marami dawng libreng serbisyo ang binibigay ng gobyerno doon.
01:31.6
You don't have to have a high salary here in Deutschland because the government will help you when you don't have a job.
01:39.6
The government will help you when your salary is not enough.
01:43.6
When you get sick, it's all free.
01:46.6
And the children's education are free.
01:50.6
Ang Germany ay ang may pinakamalaking ekonomiya sa buong Europe.
01:54.6
Kaya kung tutuusin, malaki ang kakayahan ng mga Germans para bumili ng sariling bahay.
02:00.6
Pero ayon sa ginawang pag-aaral ng ISA.org, noong 2017, ang home ownership rate ng Germany ay 43.9%.
02:10.6
Tumaas naman ito noong 2021 na naging 49.5%.
02:15.6
Ngunit nasa pinakailalim pa rin sila sa listahan ng home ownership rate ng European Union.
02:21.6
Samantala sa Pilipinas, ang home ownership rate dito noong 2019 ay 64.1%.
02:29.6
64.1% ng mga households sa Pilipinas ay pagmamayari nila ang house and lot na kanilang tinitirhan.
02:37.6
Isipin mo, mahirap tayong bansa.
02:40.6
Ngunit mas marami pang may sariling bahay dito sa Pilipinas kaysa Germany.
02:45.6
At sa Cagayan Valley nga ay napakataas ng home ownership rate, 91.5%.
02:52.6
Halos lahat ng household dito ay pagmamayari nila ang kanilang tinitirhan.
02:57.6
8.5% lamang ang nagri-renta, napakakonti lang.
03:01.6
Bakit nga ba mas pinipili na lang ng mga Germans na magrenta?
03:05.6
Hindi rin naman dahil wala ng lupang mapagtatayuan ng bahay dahil mas malaki pa nga ang land area ng Germany kaysa Pilipinas.
03:13.6
At mas kaunti ang kanilang populasyon.
03:16.6
So ano kaya ang dahilan?
03:18.6
Bago tayo magpatuloy, ikaw ka awesome, mas okay ba ang magrenta kaysa magkaroon ng sariling bahay?
03:24.6
Magcomment ng yes or no.
03:28.6
Nang matapos ang World War II at sumuko ang Germany, 2.25 milyong bahay ang nawasak at naglaho, samantalang 2 milyon ang nasira.
03:39.6
Dahil gera, bagsak ang ekonomiya at walang kakayahan ang mga mamamayan na magpagawa ng sariling bahay.
03:46.6
Kaya nagtulong-tulong ang mga private investors at gobyerno.
03:50.6
Nagpatayo sila ng maraming subsidized social housing.
03:54.6
At ang mga apartment units na ito ay ipinarerenta para maging abot kaya sa mga may mga maliit na kita.
04:01.6
Pero kahit mahigit pitong dekada na ang nakalipas mula ng matapos ang digmaan, nanatili ang pagpabor ng mga German sa pagrerenta.
04:10.6
Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit mas pinipili nila ang magrenta kaysa bumili ng sariling bahay.
04:21.6
Maraming mga pulisiya at benepisyong pinapatupad ng gobyerno na mas pumapabor sa mga nagrerenta.
04:28.6
Mga pulisiyang nagpoprotekta sa mga nagrerenta.
04:31.6
Gaya nga ng batas na limitahan sa 15% ang maaaring itaas ng renta sa loob ng tatlong taon.
04:39.6
Sa Berlin ay may ipinapatupad na Berlin rent ka.
04:43.6
Ayon sa batas, magkakaroon ng rent freeze o walang increase sa renta sa loob ng limang taon.
04:50.6
Hindi rin basta-bastang mapapaalis ng landlords ang umuupa kung walang valid na dahilan.
04:56.6
Kailangang sundin ng landlords ang lease contract at mga pulisiya.
05:02.6
Ang national average na upa para sa one-bedroom apartment sa Germany ay nasa 700 euros o 41,000 pesos sa isang buwan.
05:12.6
Mas mura ito kumpara sa national average rent ng USA na $1,769 o 97,000 pesos per month, mataas na tax.
05:23.6
Mahal ang property transfer tax kapag bumili ka ng real estate sa Germany na umabot sa 6.5%.
05:31.6
Napakataas nito kumpara sa Pilipinas na up to 0.75% lamang.
05:37.6
Ito'y nagiging balakid para makakuha ng sariling bahay ang mga Germans.
05:42.6
Wala din masyadong incentives kung bibili ka ng bahay.
05:46.6
Walang tax deduction sa mortgage interest.
05:49.6
Kaya kung wala rin naman ang binepisyong deduction, tila nawawala ng interes ang mga taong magkaroon ng sariling bahay.
05:59.6
Alam naman natin kapag produktong made in Germany ay high quality talaga.
06:04.6
At ganun din sa kanilang rental housing, dekalidad at high standard.
06:09.6
Dahil dito, masaya ang German renters sa kanilang tirahan.
06:12.6
Ayon sa isinagawang survey ng OECD, 93% ng mga Germans ay satisfied sa kanilang kasalukuyang sitwasyon sa pabahay.
06:22.6
Sinasalamin nito na masaya sila kahit hindi pag-aari ang kanilang tahanan.
06:27.6
Dahil nga sa mga kadahilanang ito, mas pinipili ng mga Germans ang magrenta.
06:32.6
May kasabihang a house is made of bricks and beams, a home is made of hopes and dreams.
06:39.6
Kaya sarili man o nererentahan, ang mahalaga ay may tahanang maituturing ang mga Germans, kung saan bubuuyin nila ang kanilang mga pangarap na inaasam.
06:50.6
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.