Close
 


Bantag, iba pa kinasuhan ng murder kaugnay ng Percy Lapid slay | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kinasuhan na ng murder sina suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag, ang kaniyang deputy director na si Ricardo Zulueta at ilan pa kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at umano'y middleman sa krimen na si Jun Villamor. Nagpa-Patrol, Mike Navallo. TV Patrol, Martes, 14 Marso 2023 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2022 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Matapos ang limang buwan mula ng mangyari ang pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at sa inmate na si John Villamor,
00:09.0
kinasuhan na ng Department of Justice Prosecutors ang mga sangkot umano sa krimen.
00:13.0
Nahaharap sa dalawang kaso ng murder ang mga itinuturong mastermind na sina Suspended Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag
00:20.0
at kanyang deputy na si Ricardo Zulueta sa Las Pinas RTC at Muntinlupa RTC.
00:25.0
Kasamang kinasuhan ang self-confessed gunman na si Joel Escorial na umaming bumaril kay Lapid,
00:30.0
kasama rin ang tatlong kasamahan nito na at-large pa rin na sina Israel Dimaculangan, Edmond Dimaculangan at isang Alias Orly.
00:38.0
Limang inmates naman ang Dawit din dahil sa kanilang pagtulong sa pagsagawa ng krimen.
00:44.0
Sila umano ang naging tulay sa pagitan ng gunman at nina Zulueta at Bantag para may sakotuparan ang pagpatay kay Lapid sa Las Pinas noong October 3 ng nakaraang taon.
00:54.0
Si Zulueta ay tahasang tinuro ng mga inmate na kausap nila at kahit walang direktang link kay Bantag,
01:00.0
kinasuhan pa rin siya dahil may mga circumstantial evidence umano na nagtuturo sa kanya bilang mastermind.
01:06.0
Pinaniwalaan din ng mga prosecutor ang pahayag ni Escorial na sinabi umano ni Villamor sa kanya dalawang araw bago ito mamatay na si Bantag ang nasa likod sa pagpatay kay Lapid.
01:17.0
Sa pagpatay naman kay Villamor sa loob ng bilibid noong October 18, 2022, Dawit din ang dalawang gang leaders na sina Alvin Labra at Aldrin Galicia bilang principal by inducement,
01:28.0
habang anim na iba pang PDL ang sangkot sa pagpatay mismo kay Villamor.
01:32.0
Binigyan ng bigat ng prosecutors ang sinabi ni Villamor sa Facebook chat sa kanyang kapatid bago siya napatay, kung sino ang responsable sa kanyang pagkamatay.
01:41.0
Basis sa mga testimonyo ng mga PDL, si Zolweta Umano ang nagutos na patayin si Villamor dahil tinukoy na ito ni Escorial na sangkot sa pagpatay kay Lapid.
01:50.0
Bagamat walang direktang ebidensya na magdidihin kay Bantag, kampante si Justice Secretary Boeing Rimulya may sapat na ebidensya laban sa kanya.
02:11.0
Ikinatuwa ng abugado ng Pamilya Lapid ang naging resolusyon ng mga DOJ prosecutors.
02:41.0
Sagot naman ang abugado ni Bantag, magsusumiti sila ng kaukulang pleadings kapag nabasa na ang resolusyon ng DOJ prosecutors.
02:56.0
Una nang itinanggi ni na Bantag at Zolweta na may kinalaman sila sa pagpatay kina Lapid at Villamor.
03:02.0
Mike Navalyo, ABS-CBN News.
03:11.0
For those who have not yet subscribed to our channel, please subscribe now so that you may be the first to see our videos.
03:18.0
Thank you.