Close
 


Isyu sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#TedFailonandDJChaCha | Nilinaw ng MARINA ang ilang isyu kaugnay ng barkong lumubog sa Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 30:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nasa atin ang linyang ngayon si Atty. Sharon Aledo, ang spokesperson ng Marina sa napaka-importante impaksa this morning.
00:07.5
Atty. muli po, maraming salamat at maganda umaga po.
00:11.5
Magandang umaga po Sir Ted and to all your followers.
00:15.5
Opo and thank you. Thank you very much.
00:17.5
Sige po ma'am, pwede ho ban niyo liwanagin kasi naguguluhan kami.
00:21.3
Alam niyo ho naman anong nangyari in the Senate.
00:24.3
Mismong yung Marina Administrator nagsabi daw po na walang kaukulampong legal basis yung paglalayag po nitong MT Princess Empress.
00:33.3
Pati ang Coast Guard nagsabi pa iimbestigahan ng mga tauhan.
00:36.3
And that night, naglabas po ang Coast Guard ng Certificate of Public Convenience document sa kanila pong Facebook at website.
00:44.3
At sinasabi na may tinanggap silang dokumento na nagsasabi na naisamang na daw po doon sa fleet.
00:51.3
Ano ho, kumbaga doon sa CPC nito pong kumpanya po na RDC, Reeled Marine Services Incorporated, ang lumubog na barko.
00:59.3
Ano ho ba talaga ma'am?
01:01.3
Actually po Sir Ted, as confirmed po by our Administrator during the Senate inquiry, the vessel has not yet been added to the company's CPC.
01:13.3
There is a valid company CPC po para sa RDC, Reeled Marine Services.
01:18.3
However, no CPC amendment has been approved as of yet po.
01:23.3
Sandali ma'am ha? Okay.
01:25.3
So sa wikang Filipino, sinabi nga po ng Marina Administrator Hernani Fabia na bagamat may CPC, may prangkisa itong RDC, Reeled Marine Services,
01:40.3
hindi pa kasama officially itong lumubog na barko?
01:44.3
Hindi pa po siya kasama.
01:46.3
May tinatawag po tayo Sir Ted na CPC amendment for permanent addition of ship.
01:52.3
Yung kumpanya, nag-apply pa lang po siya para i-dagdag sa kanyang company CPC yung barko na M-Junker Princess Empress.
02:05.3
However, hindi pa po tapos ang kanyang application kasi katulad nga po nung sinabi ng aming Administrator, mayroon pa po siyang mga locking documents.
02:13.3
And afterward po kapag nakumpleto po niya yun, magkakaroon po ng notice of publication at notice of hearing.
02:21.3
Yun po yung ating proseso base doon po sa 2014 Amendments of Republic Act 9295 or Domestic Shipping Development Act.
02:31.3
Opo. So ma'am, kahapon po nakapanayam namin yung isang Coast Guard Commodore nga at sinasabi na sa kanilang pakakaintindi, may CPC na ito kasama na po itong M-Junker Princess Empress.
02:46.3
At babasahin ko lang po para maintindihan ng ating mga takapakinig kung paano po namin dapat unawain ito.
02:52.3
Doon po sa inilabas nga ng Coast Guard sa kanilang facebook page na CPC nitong kumpanyang ito, sa dulo nito may nakalagay dito na in effect,
03:03.3
the permanent addition of the ship tanker MTKR Princess Empress to the company's fleet to operate in the trampling services for the carriage of persistent oil block products to any part of the Manila effective from date thereof,
03:25.3
valid until expiration of the company's CPC on 6 Feb 2042, et cetera, et cetera.
03:33.3
At sinasabi po dito na in effect, kasama na itong barkong ito sa kanilang fleet.
03:43.3
Paano po namin dapat intindihan itong dokumentong ito na pinagbasihin daw po ng Coast Guard statement kahapon?
03:53.3
Talagang nasabi ko, base po sa records ng Marina, ang Marina Regional Office, NCR, hindi pa po tapos ang aplikasyon ng kumpanya para i-add po sa fleet o doon sa kanilang company CPC yung naturang tanker.
04:13.3
Medyo ano, hindi pa po klaro. So itong dokumento from Coast Guard, may certified through copy galing din po sa Marina.
04:26.3
Mas lalalimang kong pag-intindi ko dito, maaaring una, ito po ba dokumento ito ay totoo, itong binabasa ko?
04:37.3
Usually sir Ted, kapag natapos ang pag-apply ng isang kumpanya para i-add ang kanyang barko sa kanyang fleet o CPC, may tinatawag CPC decision.
04:51.3
However base po sa aming records, wala pa po kaming naiilabas na CPC decision sapagkat hindi pa po tapos ang pag-comply ng kumpanya doon sa tinatawag ng qualification requirements.
05:22.3
Tapagkat isi-set pa lang po for publication and hearing ang aplikasyon ng kumpanya.
05:28.3
Nakita niyo ba mismo itong dokumento ito na ipinosed po ng Coast Guard?
05:33.3
Nakita po namin sa website po, sa internet po.
05:37.3
Sa akin po lamang kasi medyo malabu nga kahit na ako nakaantipara dito, nahihirapan akong basahin.
05:42.3
Kasi po sa aking pakakaintindi bilang pangkaroon yung Mayanator ni...
05:47.3
So assuming po na ito nga sinasaman hanggang sa wording, so sige sinasaman na natin ito sa fleet ninyo pero mayroon pa silang mga dapat sundin na mga requirements.
05:58.3
Nakalista po dito sa isang page nito bago sa page 4 of page 6.
06:05.3
Tapos sa dulo nito, yung so ordered, wala naman po ako nakikita ang pirma dito.
06:13.3
So ito po nangangahulugan na maaaring may dokumento nga nito pero wala pa po ang pirma.
06:19.3
Meaning may kopya po yung kumpanya, yung shipping company nito pero hindi pa talaga approved kasi wala pa naman dito ang pirma na nakikita ko.
06:31.3
Ngayon po sir, application pa lang po talaga ang binasa po ng kumpanya.
06:36.3
Mayroon po tayo kasing sinatawag ng screening process.
06:39.3
Noong po sa screening process, doon po isasubmit ng kumpanya yung mga dokumento at mayroon pa po siyang mga dokumento na hindi nasubmit.
06:46.3
Opo, opo, opo.
06:48.3
Opo sir. So katulad nga po nung kinumpirma ng aming administrator, ongoing pa po yung kanyang application.
06:56.3
Opo. Sige. So again, para mas klaro po ha.
06:59.3
So ang sabi ng Coast Guard sa kanilang press release din po at panayam sa spokesperson na si Commander Balilo,
07:09.3
presumption of regularity ang kanilang pinagbasihan dito,
07:16.3
nagbigay ng dokumento itong kumpanya doon sa Bataan PCG para po sa clearance to sail.
07:23.3
At ito raw pong dokumentong itong ibinigay na kanila nga pong ipinosed.
07:27.3
Presumption of regularity.
07:29.3
So ma'am, kung ganun pong presumption of regularity, is that a defense?
07:35.3
Para ho hayaan mo ito?
07:37.3
O talagang dito po naman ma'am, hindi po naman sa amin po kayong hinihikayat na manise.
07:42.3
Pero in this case, huwag ba ma'am,
07:44.3
pwede ba ditong sabihin na you presume na regular o tama itong dokumentong ibinigay sa kanila?
07:52.3
Alam niyo Sir Ted, actually yun pong presumption of regularity.
07:56.3
Talagang yan po yung nakabasta ka.
07:58.3
Sulat din sa ating batas na ang mga nagtatrabaho sa gobyerno,
08:04.3
alam po yung kanilang trabaho, yung kanila pong duties and responsibilities.
08:08.3
And the normal process is followed.
08:13.3
However, as stated po, the application is still ongoing.
08:19.3
Well ma'am, if you recall, noong ating unang panayam po, di ba ma'am,
08:24.3
natanong din po namin kayo tungkol nga sa franchise nitong kumpanyang ito at ito pong lubabog na barco.
08:30.3
At nasabi po naman ninyo, as far as I remember po na mga atorney,
08:35.3
nabanggit nyo that everything is in order as far as you are concerned.
08:40.3
Meaning, meron pong legal papers itong kumpanya at yung barco na lumubog sa kanilang paglalayag.
08:47.3
Ano na pong nangyari doon?
08:49.3
Actually Sir Ted, ang sinabi ko po noon ay meron pong valid company CPC.
08:54.3
At yun po ay nasa amin pong records. May valid company CPC.
08:58.3
However, ang isa pong barco meron po siyang tinatawag na mga safety documents.
09:03.3
And those safety documents po are in order.
09:06.3
Meron din pong trading documents.
09:08.3
Isa po sa mga trading documents kailangan kasama po na yung barco sa kanyang Certificate of Public Convenience or CPC.
09:16.3
Although may valid CPC yung kumpanya, hindi pa po naka-add itong M-Tanker Princess Empress doon sa kanyang CPC.
09:26.3
Opo. Opo. Naunawaan po namin. Gaya nga po ng paliwanan ko sa Land Transportation,
09:30.3
ganoon din po meron kang franchise, may fleet ka, dapat pasok at nakarehistro yung mga barco sa ilalim ng fleet.
09:37.3
Okay. Pero Atty., dito po ngayon sa usapin po ng paglalayag itong barkong ito,
09:43.3
may sinasabi din po para din po sa Land Transportation, ang LTFRB naglilalabas ng Provisional Authority, PA.
09:52.3
So habang ito ating inaayos, sige bumiyahi ka muna.
09:55.3
In this case po, wala kayong ini-issue ganoon?
09:58.3
Wala po Sir Ted. Yung Provisional Authority o kaya po Special Permit,
10:04.3
pwede mag-apply ang kumpanya pero it's another application po. At wala kami na-receive na application mula sa kumpanya noong November or noong December.
10:15.3
So ang nararapat po, i-comply po kung hindi po siya mag-apply ng Provisional Authority or Special Permit para po alimbawa temporarily siya makabiyahe,
10:25.3
habang nagko-comply po siya sa requirements ng Permanent Addition of Fleet sa kanyang CPC, hindi po nag-apply ito pong RDC.
10:35.3
So ma'am, ito daw po siyam na beses na nakapaglayag magmula ng ito'y komisyon.
10:42.3
Ma-komisyon po ito mula doon sa kanyang pinanggalingan sa na-votas ka ninyo.
10:47.3
Paano naman nangyari yan?
10:50.3
Actually po, meron po kasing sa atin pong regulasyon, standard operating procedure po na bago maglayag ang barco, may pre-departure inspection.
11:02.3
So once na matapos ang certification o yun pong lahat ng kanyang kailangang mga certificates na dapat may kopya on board the vessel or on board the ship,
11:11.3
yan po ay masasubject sa isang pre-departure inspection bago po siya maglayag sa bawat isang voyage niya or trip.
11:19.3
Opo, so yun nga, kung nakapaglayag ito ng nine times, ang presumption ngayon, nine times siyang kolorong mabumiyahe?
11:29.3
Lumalabas pong ganoon, Sir Ted.
11:33.3
O, kasi nga, wala siya ni anumang hawak na dokumento from Marina. So kung nine times siyang bumiyahe ng kolorong, nine times din pong pumayag ang Coast Guard?
11:46.3
Siguro po, mas nararapat pong itanong na lang po natin isusapin yan sa Philippine Coast Guard, Sir Ted.
11:54.3
May naiintindihan namin, ma'am. Pero, ma'am, ito lang po. Theoretically, sa maritime industry, hindi makapaglalayag ang alimampung sasakyampan dagat, lalo na itong gantong mga oil tankers na ito,
12:09.3
nang walang pahintulot sa Philippine Coast Guard.
12:13.3
Yan po ang ating procedure, Sir Ted. Opo.
12:15.3
Opo. Opo. Klaro yan. So, you know, ano na ho yan? Understood na yun na pinayag ang bumiyahe ito ng nine times ng kolorong na biyahe.
12:27.3
Sa usapin po, ma'am, ngayon ng violation ng itong kumpanya, ano pong kanilang kakaharapin?
12:34.3
Considering na nag-a-apply ka pa lang, wala ka pang authority na bumiyahe at nangyari ang sakunang ito, anong pananagutan mismo dito ng kumpanya at ng shipping line owner?
12:47.3
Meron pong pananagutan ng kumpanya dyan. Pero sa ngayon po, ngayon pong araw na ito, nakaset na po yan for hearing yung amin pong administrative na inquiry.
12:58.3
Katulad po nang sasabi ko dati, nag-issue na po kami ng show-cause order. Sumagot na rin po in writing ang kumpanya. Meron na po siyang answer.
13:08.3
At ngayon po ang araw na nakaset po for hearing sa aming Marina NCR office, ito pong kanyang kaso.
13:14.3
Theoretically, Atty., under the operating procedures of Marina, ano ang mga posibling sanction, regardless pong sinong shipping company, ang nagpabiyahe ng kanilang barko, nang walang kaukulang prangkisa at nataumpang lumubog at may disgrasya?
13:34.3
Sa ganoon pong pagkakataon saan meron po kaming Marina Circular 120, meron pong fine ang barko, maaari rin pong ma-suspend ang kanyang company CPC or ma-revoke po ito.
13:51.3
Yan po ang nakalagay na maaari pong sanction ng isang kumpanya na bumiyahe po siya o nag-operate po siya na hindi pa po siya naka-add sa kanyang CPC. Yan po nakalagay sa ating Marina Circular 120. Yan ang din naman ang sinasabi sa 2014 amendments ng RA 9295.
14:13.3
Ang Marina po, sino ang magdedesisyon sa Marina tungkol sa possible franchise revocation, suspension and fine?
14:25.3
Ngayon po, since ang kanyang company CPC ay doon ang nag-issue po ang aming Marina Regional Office NCR, doon po unang i-hear ang kaso. Yan naman may proseso, pwede rin mag-apela hanggang sa Office of the Administrator. Yan ang ating proseso mula sa ating guidelines at mga batas na sinusunod sa Marina.
14:55.3
So soul decision po o may board kayo dyan?
14:58.3
Appeal na po sa administrator. Katulad ng usual process, unang decision ng Marina NCR, pwede mag-motion for reconsideration, pwede pa rin mag-appeal. Sa amin administratively within Marina, ang huli pong appeal is on the Office of the Administrator.
15:17.3
So soul decision po lamang yan? Wala na siyang iba pang mga board? Sa kanya lang po ito?
15:25.3
Yes sir. Sa ating Marina Revised Rules of Practice and Procedure, appealed cases to the Office of the Administrator. However, pwede naman lumabas pa ang kaso hanggang sa DOTR, etc.
15:36.3
Opo opo. Pwede pa sa DOTR, sa Office of the Secretary?
15:40.3
Pwede pa sa ating Courts of Competency Restriction kapag talagang lalawig ang ating usapin sa kaso.
15:47.3
Okay. Meantime po na nakakaroon ng pagdinig, meron ba kayo dyan mga pagkakataon na habang dinidinig ang kaso ninyo, suspended muna ang franchise nyo?
15:57.3
Actually sir, doon po sa ating Marina Circular 120, may fine muna, suspension then revocation. Pero it will all be determined po actually sa course ng hearing.
16:14.3
So katulad po nang nasabi ko, ngayon po yung hearing po dito sa ating kaso.
16:18.3
Okay. Insurance issue. Nabanggit po ninyo merong 1 billion insurance po ito, dollars insurance na ito.
16:27.3
Yes sir. Opo opo.
16:29.3
Tama ho ba yung sinasabi ho ng ibang matatalinong tao sa Senado na hindi kayo babayaran yan kasi kolorum kayong bumiyahe?
16:37.3
Actually sir, yung 1 billion dollars na nakalagay sa face of the PNI certificate, subject po yan sa liability, under limitation of liability under RA 9483.
16:53.3
O yan po yung ating Oil Compensation Act of 2007. However, pagtinignan po natin ang provisions po nito, hindi naman po automatic kaagad na hindi po magiging liable yung kanyang insurer.
17:09.3
Ang ganda po dyan sana, close coordination po doon sa insurer lalo na po sa pagkakataon nito na talaga po makikita naman po yung gaano kalawak po yung affected.
17:20.3
So hindi po automatic yan na hindi siya babayaran ng insurance company?
17:27.3
Makikita po yan sa ating provisions po ng 9483 at maayos makikipag-usap po sa ating PNI.
17:36.3
Yung board of marining ano po yan?
17:40.3
Yung protection indemnity, yan po yung kanyang insurer, yun po yung insurance.
17:46.3
I mean to say it in layman's words, mababayaran ba hindi?
17:53.3
Nasa ngayon po talaga sir, hindi pa po natin ma-determine. Pero sinasabi naman po ng ating batas, yung RA 9483, na hindi naman po talaga automatic na wala na po liability o hindi na po pwedeng makaklaim doon sa insurance or doon sa PNI.
18:11.3
Katulad ng sinabi ko, magandang coordination po with them ng shipowner given the effect of the incident, maaari pa rin niyang mapag-usapan.
18:24.3
Pero sa ngayon po sir, mahirap pong ma-determine, hindi po kami makakapagsabi on the part of Marina na once and for all talaga po nga mababayaran lahat ng claims po.
18:36.3
Pero magandang pakikipag-usap sa PNI. Nakatulad naman po nung nakita rin sa Senate Inquiry, nandoon naman din po yung kanilang representative. So yun po yung aming masasabi siya tungkol sa usapin niya.
18:51.3
So mayroon bang bond na binabayaran itong mga gantong uri ng tankers sa gobyerno?
18:58.3
Opo. Sorry Ted. Nakalagay rin sa RA 9483 under section 22, yun po ang creation ng Oil Pollution Management Fund.
19:29.3
Actually mayroon silang binabayaran lang na halaga bilang para sa pondo sa Oil Pollution Management Fund. Ano po, yun na yun?
19:43.3
Yes po, yan po yun. 10 centavo po per liter of oil, of persistent oil.
19:51.3
Sino may hawak sa perang yun? Sa nakukulekta hun ito?
19:55.3
Ang administrator po ng Oil Pollution Management Fund ay ang Marina sir.
19:59.3
Opo. So itong pinag-uusapan natin ngayon na P63M na hawak po ng Marina, naandyan pa po ba ito o ngayon po yung ginagasta na?
20:08.3
Meron na po kaming received na request mula sa Philippine Coast Guard for the immediate containment and clean-up of oil spill clean-up operations.
20:19.3
Noon po natanggap po namin noong March 10. Kamakalawa sir noong Martes, nag-convene na rin po yung Oil Pollution Management Fund Committee at diniscuss po yung request po ng Philippine Coast Guard.
20:34.3
At ito po ay na-approve na at ito po ay maririlis na po ito sa Philippine Coast Guard after po the process of the transfer of funds.
20:44.3
Sige po. Sino po muli ma'am ang may miyari po nito on record?
20:49.3
Ang miyari po nito ay sa pong kumpanya RDC Riald Marine Services Inc.
20:55.3
Sino po ang tao na may miyari nito na humaharap sa Marina bilang owner ng kumpanya?
21:03.3
Ang president po sir ng kumpanya, my apologies sir. Ang sinabi ko po noong una nating pag-uusap ay pangalan niya ay Reinaldo pero tama po kayo ang pangalan po niya ay Raimundo Cabial, sa po yung tumatayong president po dito po ng kumpanya.
21:19.3
Opo. Silalim po pa ng mga batas po umiiral sa mga pangyayaring ito maliban sa administrative na mga posibleng kaharapin na sanction po ng miyari ng kumpanya. May kulong ba ito?
21:31.3
Actually sir meron po pa ang mga existing laws na pwede mag-determine ng liability pero sa ngayon po hindi po namin masabi. Meron po tayo yung Public Service Act and as amended yung RA 11659.
21:47.3
Pero ito dapat pa rin masusing pag-aralan kung ano po ang magiging liability po ng ating ito pong kumpanya under other existing laws.
21:58.3
Opo. Again to answer my question, is there any statute na may penal provision sa ganito mga pangyayari?
22:07.3
Yung RA 11659 po. However sir, it's a new law. The IRR po is not yet issued, the Implementing Laws and Regulations.
22:18.3
Kailan po ito naipasa na wala pang IRR?
22:22.3
Ito po ay last year sir Ted. Ito po yung amended nating Public Service Act RA 11659.
22:31.3
Opo. Tama ito yung isa sa mga sinasabi na tatlong batas na ipinasan na wala pang IRR.
22:37.3
Pero doon po as far as you know may penal provision doon meaning may talaga po pwede makulong ang sino man po may miyari ng barko kapag maliwanag ang kapabayaan?
22:49.3
Meron po doon na penal provision sir Ted po.
22:53.3
Opo. Opo. Okay. Ano ang pananagutan ng kapitan ng barkong ito? Kasi yung mga may lisensya yan.
22:58.3
Anong pananagutan ng kapitan ng barko na bumiyahe ka na wala ka palang permiso o kolorum ka?
23:05.3
Actually sir Ted, yung ating mga seafarers naman po, yung officers and crew ng mga barko,
23:12.3
ang kanilang mga lisensya ay yung sinatawag si seafarers record book, ang marina din po ang issuing authority po yan.
23:22.3
However kasama na po ngayon po ay suspended na po ang lahat ng kanilang mga dokumento, especially yung kanilang SRB at sila rin po ay ipatatawag din po sa hearing.
23:35.3
At sa ilalim po ng inyong panuntunan dyan sa marina, parang sa LTFRB, isang nagmamaneho ng pampublikong transportasyon, may lisensya from LTO.
23:46.3
Sa kapabayaan mo, naka-aksidente ka. So meron ka posibleng ma-revoke ang lisensya mo and then makulong ka pa kung sa kasakale sa criminal liability.
23:56.3
Dito ba may ganoon din po sa panig ng marina?
23:59.3
Sa amin pong mga batas, administrative lang po ito. Ang maaari pong mangyari ay ma-revoke, ma-suspend and ma-revoke po later on after due process.
24:13.3
Yun po ang seafarers record book ng isang seafarer po.
24:18.3
Pero maliwanag din po, di po ba ang isang nagmamaneho ng barko para din sa panglupang transportasyon o kaya aeroplano, na nagmaneho ka nang walang permiso, walang franchise o walang lisensya ang minamaneho, di ba?
24:37.3
Ay klaro po yan na paglabag sa batas.
24:41.3
I-determine po yan natin using our due process clause po. However ito pong ating mga seafarers na on board the tanker vessel, meron silang mga SRBs at other licenses noong bumiyahe po yung barko.
25:02.3
Yung barko po, yan po ang sinasabi ko kanina, hindi pa po yan, natapos ang kanyang application.
25:10.3
Pero may tanong ba po siya? May tanong ba ang ating manakikinig bago natin pasalamatan si Atty.
25:15.3
Kasi nga napaka-inam po nito Atty na kayo po yung nakapanayam namin para maliwanagan po talaga itong issue nito.
25:21.3
Kasi marami na lito magmula na mag-post ang Coast Guard at aming makapanayam din kahapon, yung taga Coast Guard, sinasabi nga na masakit para sa kanila na maakusahan na sila ipabaya at umapayag maglayag ang mga barkong walang franchise.
25:35.3
Atty. Shadron, nagkaroon na po ba ng ganitong klase ng insidente in the past na wala pang CPC amendment na naa-approve pero naglayag yung barko? At ano ang naging parusa sa mga barkong yun kung meron mang nangyari in the past na ganon?
25:48.3
... Actually ako naman po sa akin karnasansa marina wala akong alala na ganito rin sa oil spill apart doon sa ating sagimaras dati. Pero ito po sinusunod natin ang ating guidelines, yung mga sanctions and penalties once madetermine after due process yun po nga kanilang liability.
26:18.3
Atty. Kung hindi nagkaroon ng oil spill, is there a chance for marina to find out kung yung mga barkong naglalayag may CPC lahat o wala? Kasi kung hindi nangyari ito, nalaman niyo po kaya na wala palang CPC yung Empty Princess Empress?
26:48.3
So malalaman at malalaman din po namin kasi yun din po ang aming regional offices nationwide, nagkoconduct din po sila ng compliance monitoring at magchecheck din po lahat kung ang mga dokumento ng mga barko are in order.
27:18.3
... Ito po ay random compliance monitoring ang kanilang responsibilidad. Halimbawa may mga oplan, kasama yan sa mga panahon na talaga masugid na nagko compliance monitoring ang aming enforcement service at ang regional offices.
27:48.3
Atty. Kung nag-iimbestiga ang Coast Guard sa kanilang mga taohan, sabi nga ng kanilang commandant sa hearing dahil doon sa mga lapses, kayo ba gagawin niyo po yan sa mga compliance team ninyo? Kasi nine times ito nakapagbiyahi na ang karga industrial oil.
28:08.3
Actually Sir Ted, protocol din po yan sa amin sa Marina. Meron na po ngayong fact-finding team para malaman din po ano ang mga nangyari. At yan po apart pa doon sa una kong nabanggit na marine casualty investigation, na safety investigation po yan.
28:38.3
Q1. Masiguro na lahat na bumabiyahi ngayon, lalo na ang mga tankers na ito, may kaukulang prangkisa?
28:45.3
A1. Yes Sir Ted. May records naman kami talaga ng mga prangkisa. Ang aming regional offices ay may mga franchising units at yan po ang may records at listahan ng mga may prangkisa sa kanilang areas of jurisdiction.
29:02.3
Q2. Yung pong-claim ng ilang mga grupo na may pananagutan, yung may mi-ari ng kargamento, sa ilalim po nang binabanggit yung mga batas, totoo ba o wala?
29:15.3
A1. Ano po yan Sir Ted?
29:16.3
Q2. Sa sinasabi ng ibang mga grupo na may pananagutan sa oil spill na ito, yung may mi-ari ng kargamento. Sa kumiira ng mga batas ngayon, totoo ba yan na may pananagutan? Yung may mi-ari ng kargamento sa oil spill, meron o wala?
29:34.3
A1. Under existing laws, maari meron after due process. However sa amin sa Marina, we are of no position to determine the liability kasi hindi yan kasama sa aming mandato. Katulad nung nabanggit ko, sa amin ang certification at safe operation of ships pero sa usapin yan, hindi yan sakop ng aming mandate.
30:04.3
A2. Yes po. Siguro makikita po rin yan later on na meron tayong mga existing laws para sa amin na usapin yan.
30:14.3
Q1. So ma'am ito po developing story and we hope kapag may isyong dapat natin liwanagin, ay kayo po available sa ating panayam. Napakalaking tulong po nito para sa katotohanan, para sa tamang balita. Ano po Atty?
30:29.3
A2. Sige po Sir Ted. Okay po.
30:31.3
Q1. Salamat Atty. Thank you very much po sa inyo.
30:32.3
A2. Sige po. Magandang umaga po ulit. Thank you po.
30:34.3
Q1. Si Atty. Sharon Aledo ang spokesperson po ng Marina.