Close
 


STRAWHAT GRANDFLEET SA EGGHEAD?! 1078 | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1078 Episode 1056
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 10:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Si York ang traitor sa Egghead Island. Yes guys, ni-reveal na nga itong plot patungkol sa traitor.
00:08.1
Pero paano nga ba na-reveal itong pagiging traitor niya? Ano ba ang motibo niya?
00:13.4
Bale pag-usapan nga natin itong latest chapter ng manga na Chapter 1078 at alamin natin itong patungkol sa
00:21.1
pagiging traitor niya at kung ano pa ba ang ibang nilalaman ng chapter na to. So nagumpisa nga itong
00:27.7
chapter 1078 sa second floor ng building B kung saan e kinikwento nga ni Stassi kay Jinbe
00:34.8
yung mga nalalaman niya patungkol sa misyon ng CP-0 sa Egghead Island. Sinabi nga ni Stassi na
00:41.6
ang misyon lang nila e patayin daw ang lahat ng Vegapunk at pagtapos nun ehintayin lang daw si
00:47.8
Admiral Kizaru na dumating. Nung marinig nga yun ni Jinbe e nagulat siya na parang preparado naman
00:54.5
daw ata masyado itong world government sa plano nila sa Egghead Island. Bale sumang-ayon nga itong
01:00.9
si Stassi at sinabi niya na ang tingin nga daw ng world government sa sitwasyon ngayon sa Egghead
01:06.6
Island e mas seryoso kesa sa nangyari sa Uhara incident at dahil nga daw yan sa dalawang rason.
01:13.7
Una e dahil sa si Vegapunk nga daw e pinagpatuloy yung pag-aaral ng Uhara patungkol sa Void
01:20.9
at ikalawa e dahil sa itong Egghead Island ga daw e may laban battle-wise kesa sa Uhara, meaning e mas
01:28.3
prone na lumaban itong isla na to kesa sa Uhara na walang kalaban-laban. Anyway sa sumunod na panel
01:35.3
nga e ipinakita ulit itong Season 2 Maru. Kung maaalala nyo sa last chapter e binalaan na nga niya
01:42.1
itong ibang nakatera sa Egghead Island nalisanin na itong isla na to dahil alam nga niya kung ano yung
01:48.9
piligrong paparating, which is ganun pa nga rin yung sinasabi niya sa chapter na to. At dito e
01:55.4
nagsilikas na nga itong mga binalaan ni Sentou Maru. Sa abilang banda naman e nalipat nga yung scene
02:01.4
sa 3rd floor ng Building C. Sila Yusof at Lilith nga e nakita nating naging mga bato na sa kagagawa
02:08.4
ng Seraphim Hancock, samantalang si Frankie naman e yung kalahati lang ng parte ng katawan niya.
02:14.7
Galit na galit nga ang pinapabalik ni Frankie sa normal itong Sila Yusof. Itong sinasabihan nga niya
02:20.6
na si Seraphim Hancock e nakatayo lang at walang sinasabi. Hanggang sa pumagit na nga itong si
02:26.4
Pythagoras at mangyayak-ngayak nga niyang tinanong itong Seraphim Hancock kung sino daw ba ang
02:31.9
naguutos sa kanya. Bali hindi nga sinagot ng Seraphim na to yung tanong ni Pythagoras at
02:38.1
instead e inapakan niya itong si Pythagoras na nagkos ng isang malakas na pagsabog. Sa sobrang
02:45.0
lakas nga ng pagsabog na to, e dineg hanggang sa 2nd floor ng Building A kung nasaan itong grupo
02:51.9
nila chopper. Dito nga e nagaalala itong si Robin dahil sa nagaganap nga daw nakaguluhan sa
02:58.2
Labo Pace ngayon, e malamang nga daw na nasa panganib yung main Vegapunk kaya naman nakaisip
03:04.2
nga ng idea itong si Atlas. Mukhang alam nga daw niya kung nasaan ang totoong Vegapunk dahil
03:10.4
meron nga daw silang lumang laboratorio na hindi na ginagamit at possible daw na nandon si
03:16.2
Vegapunk. Kaya naman nagdesisyon nga itong grupo ni Chopper na puntahan itong sinasabi ni Atlas.
03:22.7
Sa sumunod na panel naman e napunta nga yung scene sa 3rd floor ng Building A o sa grupo nila
03:29.7
Nakita nga nating nakasoulform na itong si Brooke, si Nami naman e chinecheck kung okay pa ba
03:35.4
itong si Edison. Samantalang itong si Sanji naman e patuloy na nilalabanan itong Seraphim na Jinbei.
03:42.9
Ipinakita nga na kahit anong suntok ang gawin ng Seraphim-Jinbei e hindi tinatablan itong si Sanji,
03:49.9
at ang interpretation nga ni Sanji dito e power of love daw, syempre yung context neto e si Nami.
03:57.4
Anyway naputol nga yung scene dito at napadpad naman tayo sa 4th floor ng Building A.
04:03.2
Ipinakita nga itong grupo nila Luffy na patuloy pa rin na nilalabanan itong mga Seraphim.
04:09.4
Nakita nga nating problemado pa rin itong sila Luffy sa kakayanan ng dalawang Seraphim na kaharap nila,
04:15.7
hanggang sa biglangang tumakas yung Seraphim na Mihawk na sinunda naman ni Zoro. At dahil nga sa
04:21.9
kilala ni Luffy itong si Zoro na madaling maligaw sa daanan, e pinasundan nga niya si Zoro kay Yusopp.
04:28.8
Yes guys, ang tawag nga ni Luffy kay Kako e Yusopp, obvious naman kung bakit.
04:34.7
Bali ang hinala nga ni Luchi kung bakit umalas yung Seraphim-Mihawk e dahil saang tatargetin daw neto
04:40.8
e yung may hina, which is ito nga yung ibang kasamahan nila Luffy, na nagme-make sense naman.
04:47.2
So itong naiwang Seraphim-Kuma nga e patuloy na hinarap nila Luffy at Luchi. Sa sumunod na panel naman e ito na nga yung parang warning sign ni Oda
04:56.9
sa mga susunod na magaganap sa arc na to, dahil biglangang nagsalita yung narrator. Ipinakita nga na 3 months ago e
05:04.9
nag-iimbestiga itong Cyperpol Agents patungkol sa ginagawa ni Vegapunk sa Egghead Island, dahil meron nga silang nakuhang intel.
05:14.1
So alam naman natin kung kanino nang galing ito. Hmm.. Bali sa paggulong pa nga ng imbestigasyon sa pangunguna ng CP5, 7 at 8
05:23.5
e wala ngang nakukuhang risulta itong world government dahil sa hindi na nga nakakabalik pa itong mga pinapadala nilang Cyperpol Agents.
05:31.9
At dito na nga ni-reveal na yung traitor na isa sa mga satelites ni Vegapunk e kinontak itong 5 elders para isiwalat yung ginagawa ng totoong Vegapunk,
05:41.9
which is yung pagpapatuloy ng pag-aaral ng Uhara patungkol sa Void Century. Kaya naman kasama nga ang CP0, si Admiral Kizaru, itong Gorosei na si Saturn
05:53.6
at yung Sandamakmak na alagad ng Marines e buong pwersa nga nilang susugurin itong Egghead Island dahil alam nga nila na lalaban itong si Vegapunk sa mangyayaring kaguluhan na to.
06:05.8
Pero basi nga sa narrator, e may hindi inaasahan sa plano ng world government at ito nga e yung pagdating ng straw hat pirates sa Egghead Island.
06:15.9
Kaya naman itong risulta nga daw ng gera na mangyayari sa Egghead Island e paniguradong gugulatin daw ang mundo. At sa huling panel nga ng chapter na to e yung nakita nga nating pababa ng hagdan sa last chapter e nagpakita na.
06:30.9
At ito nga si Yurt, ang traitor sa mga satelites ni Vegapunk. Kaharap nga ang totoong Vegapunk e sinabi niya na gusto daw niyang maging Celestial Dragon. Maraming nga daw silang Vegapunk pero mas makabubuting nga daw kung isa lang ang matitira.
06:47.5
At dito na nga nagtatapos itong chapter 1078, bali ngayon ipagusapan naman natin ang mga pangyayari sa chapter na to. As you can see e parang isang malaking buwelo nga itong chapter na to, buwelo para sa mga big event na mangyayari sa mga susunod na chapter.
07:05.0
Kumbaga last warning ni Oda na humanda na tayo dahil paniguradong pasabog na yung mga susunod na chapters. So unahin nga nating pag-usapan itong structure ng mga karakter na nasa Labo Pace.
07:17.9
Itong Seraphim Mihawk na bigla nalang tumakas kila Zoro, e sa tingin ko nga na most likely na trigger ito dahil sa desisyon nila chopper na puntahan yung lumang laboratory, since nandun nga si York ngayon.
07:31.4
Kaya posibling bago pa makarating itong Sila Robin kay Vegapunk, e maaharang na sila na itong Seraphim Mihawk. Pero kung sakali nga na hindi dito ang punta ni Seraphim Mihawk at makarating itong Sila Robin sa lokasyon ni Vegapunk, e mas magiging exciting nga yung mangyayari, since wala pa nga tayong idea sa kung paano lumaban itong si York at possible na dito na nga niya ipapakita sa atin ito.
07:55.9
So speaking of Robin, e nakakatawa nga na ine-emphasize na pinapriority niya si Vegapunk, since oo nga naman maraming nga alam si Vegapunk patungkol sa Uhara, pati na possibly sa Void Century. Kaya naman nakakatawa nga alam ni Robin kung sino ang dapat na i-priority sa sitwasyon na to.
08:15.7
Sa part naman ni Seraphim Hancock na paalis na kila Frankie, e ang mukhang makakasalubong nga niya sa daan e itong Sila Jinbei at Stassie. Battlewise nga e di hamak na mas may palag naman itong Sila Jinbei kesa kila Yusof, kaya possible natatagal kahit pa pano itong laban nila. Sa part naman ni Sanji e nakikita nga natin hindi siya tinatablan ng ataque ng Seraphim Jinbei, halos similar nga yung features niya sa Seraphim ngayon.
08:43.3
Pansin nyo? Kaya hindi na nga nakakapagtaka kung i-reveal na siya ang kauna-unahang Seraphim, de joke lang. I'm sure na masaya yung mga fans ni Sanji ngayon sa nakikita nila dahil yung bida nga natin e hirap na hirap sa mga Seraphim, samantalang siya e ginagamitan niya lang ng power of love, de joke lang ulit.
09:04.7
Anyway sa part naman ng narrator kung saan sinasabi niya na yung mangyayari nga daw kinabukasan sa risulta ng laban sa Egghead Island, e gugulatin daw ang mundo e bigla ko nga naalala dito yung scene during sa pagtatapos ng Dressrosa Arc, yung time na mabuo itong Straw Hat Grand Fleet.
09:23.2
Sinabi nga ng narrator sa oras na to na magugrow daw in power itong mga miyembro ng Grand Fleet ni Luffy, at later on daw e magkokos sila ng isang malaking incident na guguhit sa history. So same vibes nga yung pagnanarrate ng dalawang sinaryo na to, kaya naman I wonder kung ito na yung hinihintay nating moment sa pagdating ng Straw Hat Grand Fleet, dadating kaya sila sa Egghead Island para tulungan itong sila Luffy?
09:50.0
Kung may idea nga kayo e e-comment nyo na yan sa ating comment section sa iba ba para mapag-usapan natin yan. Bali dito na nga nagtatapos itong maikling chapter review natin para sa latest chapter ng manga na Chapter 1078. So yun lang, peace!