Close
 


Langis tumatagas pa rin mula sa lumubog na MT Princess Empress | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nasa 10 hanggang 20 litro pa rin ng langis kada oras ang lumalabas sa lugar kung saan nakalubog ang MT Princess Empress. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isinaman ang Philippine Coast Guard ang media sa lugar kung saan nakalubog ang barkong MT Princess Empress para ipakita kung paano nila pinipigil ang pagkalat ng langis.
00:11.0
Kasama ng Philippine Coast Guard ang Japan Coast Guard Disaster Relief Team. May nakalatag na oil spill boom kung saan nagbumula ang kumakalat na langis.
00:20.0
Tuloy-tuloy din ang pag-i-spray ng dispersant na mga tauhan ng Malayan Towage and Salvage Corporation na kinuha ng may-ari ng lumubog na barko.
00:30.0
Sabi ng Malayan Towage, nasa 10 hanggang 20 litro kada oras ang nakukulekta nilang malapot na langis.
00:38.0
Binobomba na rin ang tubig ang langis para mabilis itong maghiwahiwalay. Ang naturang teknik ay itinuro ng Disaster Relief Team ng Japan Coast Guard.
00:48.0
Ang in-advise daw po nila ay yung tugboat sa nakita niyo po na magbibigay ng dispersal sa oil and then sa likod po nila itong barko bubulabogin po yung oil para mabulabog po yung oil habang ginagamit po nila yung water canyon.
01:13.0
Nakakatulong yung pag-i-spray ng tubig para panipisin niya yung makakapal na part ng oil.
01:22.0
Ang paggamit ng dispersant ay yun yung last resort natin. As much as possible ang gusto natin gawin ay i-recover yung oil sa dagat.
01:35.0
Sa mabagitan po ng pag-skimming and then yung manual na collection doon sa mga nakulekt natin gamit ang oil spill boom.
01:46.0
Umaabot na sa halos limang kilometro ang haba ng tumatagas na langis na nakalutang sa dagat na kapag hindi nakulekta ay nangangalib na makarating sa mga dalampasigan.
01:57.0
Sakay kami ngayon ang BFP Bagakay ng Philippine Coast Guard at yung natatanaw na dalawang tagboat na yun, doon lumubog yung MT Princess Empress at doon nagmumula yung tumatagas na langis.
02:09.0
Sa lugar kung saan kami narito ngayon ay makapal ang langis dito at mabaho yung amoy. Kaya gumagamit ngayon ang Coast Guard ng water cannon, binobomba ng tubig yung mga langis para madaling matunaw.
02:22.0
Ayon sa Philippine Coast Guard, umaabot na sa 6,603 na litro ng oily water mixture at 57 sako ng oil contaminated materials ang nakulekta sa dagat.
02:35.0
Habang sa dalampasigan naman ay nasa 1,313 sako at 22 gram na mga waste na kontaminado ng langis ang nakulekta mula sa 13 barangay na apektado sa mga bayan ang pola at nauhan.
02:48.0
Pinuri naman ang Japan Coast Guard Disaster Team ang Philippine Coast Guard dahil sa aksyon nito para mapigilan ang oil spill.
02:55.0
We also acknowledge that these measures taken by the PCG and the Philippine authorities have been contributing to mitigating the damage from this disaster.
03:11.0
Makapal na oil spill naman ang namataan kanina umaga sa barangay Herrera sa nauhan. Sa sityo tuhod, tumambad ang mga bakas ng langis na naiwan sa dalampasigan.
03:22.0
Dennis Datu, ABS-CBN News, Oriental, Mindoro.