Close
 


Dear MOR Presents: "Bitaw Na" Kwento Ni Daisy
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nasusukat nga ba sa agwat ng edad sng pagmamahal? Alamin ang sagot dito lang sa #DearMORPresents #KwentongKaMORkada For MORe videos subscribe now: http://bit.ly/MORForLife Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MOREntManila Follow us on Twitter: http://twitter.com/MORentPH Check out our livestreaming at all MOR Philippines Facebook Pages! #DearMOR #DearMORPresents #BitawNa #KwentongKaMORkada
MOREntertainment
  Mute  
Run time: 46:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, nakaka-in-love, Dear M.O.R.!
00:25.0
Dear M.O.R.,
00:26.5
Magandang araw sa inyo, Popoy at Bea.
00:29.0
Ako nga pala si Daisy, 43 years old, at isang akong retail store owner dito sa Pangasinan.
00:37.0
Fan na fan ako ng inyong programa.
00:39.5
Kahit nga noong nasa online na lang kayo, ay hindi ko kayo binitawan.
00:45.0
Kahit maubos na ang data ng phone ko ay okay lang,
00:48.5
basta wala akong ma-miss out na episode ng Dear M.O.R.!
00:54.0
Gustong-gusto ko kasing naririnig ang mga payo nyo sa mga kwento na mga kamarkadang nagpapadala sa inyo.
01:00.5
Ang totoo niyan, ito rin ang rason kung bakit nag-decide na rin ako na mag-message sa inyo.
01:08.0
Meron kasi akong kwento na gustong i-share.
01:11.0
At sana, mabigyan niyo rin ako ng payo, kahit papaano.
01:17.0
Opoy at beya, hayaan niyong simulan ko ang kwento ko noong nagkakilala kami ni Anthony.
01:24.0
Dati akong office worker sa Pasig noon.
01:27.5
Simula noong nakagraduate ako, ay doon ako sa company na yun nagtrabaho.
01:32.5
Sa company na yun ako nakahanap na mga kaibigan, kaaway, at syempre, pag-ibig na rin.
01:42.0
O, JT noon si Anthony sa company namin at sa akin siya na-assign.
01:47.5
Noon pa man ay nakitaan ko na si Anthony ng sipag pagdating sa trabaho.
01:52.5
Kaya hindi na rin katakatakang doon na rin siya nakapasok pagkatapos niyang makagraduate.
01:59.0
Bago kayo pagpatuloy ang kwento ko, Opoy at beya, ay nais ko mo ng linawi ng mga bagay-bagay.
02:06.0
Oo, hindi kayo nagkakamali. Malaki ang agwat ng edad namin ni Anthony.
02:12.0
Nasa early thirties na ako noong nag-intern sa amin itong si Anthony.
02:18.0
Syempre, noong una, wala naman akong feelings para dito sa lalaking to.
02:22.5
Alam ko naman kung saan ako lulugar.
02:25.5
Hindi naman ako tulad ng ibang babae na pa-fall agad basta makakita ng poge sa paligid.
02:32.0
Pinakitaan ko ng respeto si Anthony, at syempre, ganun din ang pinakita niya sa akin.
02:40.0
Nagbago lang naman ang lahat simula noong nagtatrabaho na siya sa company talaga.
02:45.5
As in, iyong colleague ko na talaga siya.
02:48.5
At dahil may history siya bilang intern ko, naging malapit kami sa isa't isa.
02:54.5
At hindi nga nagtagal, ay naging kami na ni Anthony.
02:59.0
Hindi naging madali ang panliligaw niya sa akin kasi apprehensive ako noong una.
03:04.0
Iniisip ko kasi yung agwat ng edad namin.
03:08.0
Iniisip ko rin ang masasabi ng mga tao sa paligid kapag nalaman nila na pumayag akong magpaligaw sa dati namin intern.
03:18.0
Opoy at beya, hindi sumuko itong si Anthony.
03:23.0
Pinilit pa rin niya akong suyuin kahit na palihim.
03:27.0
Very protective ako sa sarili ko, opoy at beya.
03:31.0
Kaya medyo natagalan ang panliligaw sa akin ni Anthony.
03:35.0
At tulad nga nang nasabi ko kanina, eh naging kami na ngang dalawa.
03:40.0
Noong umpisa ay nilihim pa namin ito sa mga tao sa paligid namin.
03:45.0
Nagdesisyon kasi kami na mas maganda kung tulad ng panliligaw niya sa akin, eh unti-untiin din namin ang pagpapakita ng pagmamahal na namin.
03:56.0
Dear M.O.R. Ang mga kwento ng puso mo.
04:26.0
At ito pa lang si Jaycee ay nasa early 30s na. Nung una silang magkakilala sa trabaho at intern.
04:35.0
OJT. Itong si Anthony.
04:38.0
19, 20?
04:41.0
Siguro mga 19, 20, 21, 22, 23.
04:46.0
Galing magbilang.
04:48.0
Kasi matrimodrato ito eh.
04:50.0
So mga maximum 21 siguro.
04:55.0
Maximum 22.
04:57.0
Mga ganyan.
04:59.0
So medyo early 30s.
05:02.0
Medyo may kalayuan yung edad. Pero hindi naman ganon kalayo.
05:07.0
Hindi naman ganon kalayo.
05:09.0
Let's say 10 years?
05:11.0
Pero kasi alam mo nagpalayo sa kanila doon. Kung baga tenured employee ka na.
05:17.0
Tapos ito may intern na naging colleague mo na. Yan yung medyo...
05:24.0
Alam mo na yung pasikot-sikot dito sa companyang pinagtatrabahuhan natin.
05:29.0
Tapos ito merong newbie, merong baguhan na meron palang pagtingin sayo.
05:37.0
So medyo awkward. Merong stage na awkward nga naman.
05:40.0
Liligawan ka nung former intern na ngayon ay co-employee mo na.
05:47.0
Colleague mo na.
05:49.0
So medyo...
05:51.0
Kunsa yung mangyayari yan, Beya? Itatago mo rin ba sa opisina?
05:56.0
Muna.
05:58.0
Merong naligaw sa akin yung dating-dating intern.
06:02.0
O yung iba kasi. Proud eh.
06:05.0
Gusto nilang ipaghiyawan. Gusto nga nilang gawa ng memo.
06:08.0
I would like to inform everybody sa department na ito na we're an item.
06:17.0
May mga ganun eh. Gusto nilang ipagawa yung memo.
06:20.0
Well, para sa akin pag napunta ko sa ganyang sitwasyon ni Atimong Daisy,
06:26.0
it's kinda hard magbigay ng comment kasi ako personally ayoko sa lalaking mas bata sa akin.
06:32.0
Let alone 10 years, diba?
06:35.0
10 years or more.
06:37.0
Oo. Give or take 10 years. Hindi naman sa pagiging judgmental or what.
06:43.0
Pero yun lang talaga yung preference ko.
06:45.0
Kaya lang minsan isipin nyo rin kasi mga kamorkada.
06:48.0
Pagbaliktad ba yung gender nila. Lalaki yung mas matanda.
06:51.0
Tapos mas bata si Karla Lou. Okay lang.
06:54.0
So kapag ka yung babae yung mas matanda, parang maraming ganda.
06:59.0
Maraming magtataas ang kilay.
07:01.0
Maraming magtataas ang kilay.
07:03.0
So parang ang double standard naman ata nun.
07:06.0
Yes.
07:08.0
There's nothing wrong, lalo na kung hindi naman bawal sa opisina nila,
07:13.0
yung office romance na matatawag.
07:18.0
Oo. Kung hindi naman bawal, diba?
07:21.0
Pero...
07:23.0
Alam mo, Beano, para liwan.
07:24.0
Karaniwan bawal kasi.
07:26.0
Karaniwan talaga bawal yung ganyan.
07:30.0
Lalo na kapag ka directly,
07:32.0
or I mean directly nasa isang department kayo.
07:36.0
Tapos you are directly subordinate nung isa.
07:40.0
Kasi mabibigyan at mabibigyan ka ng favor.
07:43.0
Mabibigyan ka ng favor over dun sa ibang mga empleyado pa.
07:48.0
Which is,
07:49.0
Yung siguro dapat ang tignan na factors when it comes to that situation.
07:53.0
Not the age,
07:55.0
pero more on yung the status nila sa opisina.
07:59.0
Kung mas mataas din ba yung posisyon ng isa and subordinate.
08:03.0
O di naman kaya may kapit dun sa boss nung nangliligaw sa kanya.
08:08.0
Diba? Yun yung medyo,
08:10.0
mabibigyan at mabibigyan ka ng favor.
08:13.0
So,
08:14.0
may kapit dun sa boss nung nangliligaw sa kanya.
08:18.0
Diba? Yun yung medyo off, medyo awkward.
08:23.0
So, for me yun lang yata yung factor.
08:26.0
Yun pa lang yung factor na medyo kaya itatago mo.
08:30.0
Kaya itatago mo.
08:32.0
Not really yung age difference.
08:35.0
Pero mukha namang walang binanggit na bawal yung office romance sa kanila.
08:40.0
And para ang nakikita kong issue lang talaga nito ni Ate Ma'am Daisy is yung age lang.
08:48.0
Alam mo, dun sa yung feels.
08:53.0
Diba? Yung feels na binigay niya sa atin sa first part ng kanyang kwento.
08:57.0
Medyo sabihin na nating, sabi nga ni Daisy dito, apprehensive siya.
09:03.0
At iniingatan niya yung sarili niya.
09:10.0
Pero para sa akin naman, okay, sige, you are older.
09:14.0
Diba? So, papaano mo ba i-handle itong relationship na to?
09:20.0
Lagi mo ba ngeisipin na mas patanda ako sayo?
09:23.0
Na hindi tayo bagay?
09:25.0
Kasi kung ikaw pa lang, wala namang iba nagsasabi na hindi kayo bagay.
09:29.0
Kasi you expect these kinds of comments sa ibang mga taong nakikinig.
09:35.0
Sa ibang mga taong nakakakita sa inyo.
09:38.0
Pero kung ikaw mismo, Gina, judge mo yung sarili mo for being older than your boyfriend na si Anthony,
09:47.0
and you see that something's wrong about it, e bakit ka pa nagtutuloy?
09:52.0
Talagang half-hearted ka dyan.
09:53.0
Parang ang hirap magpatuloy na ikaw mismo, tinitignan mo yung sarili mo na,
09:58.0
oh, mas patanda ako sayo. Sige, mag-date tayo pero doon pa sa kapilang table.
10:02.0
Diba parang gano'n? Baka may makakita sa atin.
10:05.0
Papaano yun?
10:07.0
Diba? Oo, it's like you're, hindi naman ashamed,
10:12.0
pero hindi ka ashamed para doon sa jowa mo,
10:15.0
pero ashamed ka doon sa feeling mo nagawa mong hindi maganda.
10:18.0
Parang feeling mo meron ka ginagawa kasalanan.
10:21.0
Alam mo yun? Parang kasi nangyayari kay Daisy, I like him e.
10:26.0
I wanna try to have a relationship with him.
10:29.0
Kaya lang I'm pretty sure, alam mo yun, maraming bang mookray sakin
10:34.0
and I'm not ready for that mookray yet.
10:37.0
Pero I wanna experience the feeling of being in love with Anthony.
10:41.0
Kaya, alam mo yun, may pagdadawt pa rin sa kanya.
10:45.0
May pagdadawt pa rin sa kanya.
10:48.0
Alam mo, Bea, personally, ayoko ng ganyan klase ng pag-uugali.
10:54.0
Hindi naman sa ayoko kay Daisy.
10:57.0
Parang ganito yan.
10:59.0
Gusto kong, nagkikrave ako ng kare-kare ngayon.
11:04.0
Diba? Sabihin na lang, nagkikrave ako ng kare-kare ngayon.
11:08.0
Tapos sinabi mo sa partner mo, sige, bili tayo.
11:10.0
Ay, ayoko na kasi baka tumaas yung BP ko,
11:13.0
kaya baka sumapakiramdam ko, huwag na lang.
11:17.0
Tapos game na game na yung, tara, bili tayo, tikman lang natin.
11:20.0
Ayoko, anlayo eh.
11:22.0
Alam mo yung magyayay tapos hindi tutuloy.
11:25.0
Yan yung ayokong ayokong ugali.
11:27.0
Tapos gusto kong minsan sasabihin, tara punta tayo, mag-overlooking tayo.
11:32.0
O sige, let's go.
11:34.0
Kaso ano eh, traffic eh.
11:36.0
Kaso ano, mainit, papapawisan ako.
11:39.0
Ay, may gagawin pa pala ako.
11:40.0
Parang, alam mo yung mag-introduce ng gagawin sa partner.
11:47.0
Tapos hindi, alam mo yun?
11:49.0
Parang ganito yung ginagawa nitong si Daisy.
11:52.0
Parang, sige tayo pero huwag masyado.
11:55.0
Alam mo, ano yun?
11:57.0
Tayo pero hindi masyado? Medyo lang?
11:59.0
Alam mo, bakit Popoy?
12:01.0
Kasi aware kasi siya of the things na pwedeng sabihin sa kanya.
12:05.0
And yan yung mga ugali, yan yung mga tao na yan.
12:08.0
Yan yung nagaantay ng validation.
12:10.0
Yan yung nagaantay ng permiso from everyone.
12:14.0
Yung magsasabi, mag-a-assure sa kanya na,
12:16.0
Hindi, go, okay lang yan.
12:18.0
Ano yan? Tanggap namin yan.
12:21.0
Hindi, go lang, hindi ka tataba doon kahit sa damak-mak na kanin.
12:25.0
Yung inaantay nila, yung parang go signal from other people
12:30.0
na what you're doing or what you want is okay
12:33.0
or tama, yung gusto mong gawin or gusto mong makamit.
12:37.0
Pero ang hiro, ang labo.
12:38.0
Beya, aminin natin, ang labong kausap.
12:41.0
Lalo na to, hindi naman ito merienda na pinag-uusapan natin.
12:46.0
Hindi naman ito lunch break na tara punta tayo doon pero ayaw mo yung ganyan.
12:51.0
Sige, mapapalampas ko yan.
12:53.0
Relationship ito. Boyfriend mo ako, girlfriend kita
12:56.0
and then doubtful ka sa relationship natin. What's that?
12:59.0
Ano? Pasok yung kalahati tapos labas yung kalahati rin.
13:05.0
Ano ba talaga tayo? Medyo malabo.
13:07.0
So, kung baga parang nakahang ka.
13:11.0
Nakahang ka. Mahal mo ako pero konti lang?
13:15.0
Ganon ba yun?
13:18.0
Kaya dito sa Letter Center natin, make up your mind.
13:23.0
Age is just a number.
13:25.0
Sa lahat ng mga nakikinig sa atin, huwag po kayong mantiri sa sarili ninyo
13:30.0
na much older kayo sa inyong karelasyon.
13:33.0
Tapos tanggalin na rin natin sa isip natin yung double standards.
13:37.0
Katulad nga yung sinabi ni Bea kanina.
13:39.0
Kapag mas matanda ang lalaki sa babae, okay lang. Acceptable.
13:46.0
Macho. Ang gwapo ni Tito, ni Kuya.
13:52.0
Pero kapag mas may edad yung babae kesa rin sa lalaki,
13:58.0
Ay naku! Ano kayang ano niyan?
14:03.0
Tinupuhan yung pagka-inosente ng lalaki. Parang ganon.
14:08.0
Huwag niyong iisipin ganon. Corruption of minor.
14:12.0
Ang sama naman.
14:14.0
So, kami mga lalaki, pwede naming gawin yun.
14:17.0
Pero kayo mga babae, hindi niyo pwedeng gawin yun.
14:21.0
Hindi kayo pwedeng ma-fall sa... Sana!
14:24.0
Sana naman, Daisy. Mapag-isip-isipan mo yan.
14:28.0
Kasi sayang naman yung panahon kung ang lagi mong iisipin yung mga taong nasa paligid mo.
14:33.0
Yung mga taong wala pang sinasabi pero para sa iyo meron na sila nasabi sa relationship nyo.
14:39.0
Hindi nyo pa nga alam.
14:42.0
Wala pang nakakarating.
14:45.0
Hindi pa nila alam pa na kayo.
14:47.0
Hindi kasi. Yan na kasing palaging ginagawa ng society, Popoy.
14:51.0
Naging norm na siya na mango-o-cry at mango-o tayo kung mga Pinoy.
14:57.0
Best in judgment talaga tayo.
14:59.0
Sa buhay ng ibang tao.
15:02.0
Basta tayo ng comment na bago tayo magpunta sa second part.
15:05.0
Ayoko magbasa ng comment, Bea. Medyo...
15:08.0
Ayoko magbasa ng comment.
15:11.0
Kasi gusto ko munang unahin.
15:14.0
Gusto ko munang unahin.
15:16.0
Sabi, baka pangalang ko pa yan.
15:18.0
Yung letter sender. Ito ang 500 stars para sa inyo.
15:22.0
Thank you, Madam Daisy Ansuris.
15:24.0
Thank you so hard, Daisy. Iba talaga. Iba talaga, Daisy.
15:30.0
Feeling ko naman hindi ganyan si Daisy, itong letter sender namin.
15:34.0
Feeling ko itong si Madam Daisy Ansuris, matapang talaga yan.
15:37.0
Matapang? Oo.
15:39.0
Gusto mo raw ba ng kape?
15:42.0
Madam Daisy Ansuris, my address.
15:44.0
Wow!
15:46.0
Madam Daisy.
15:50.0
Teka lang, Madam Daisy.
15:52.0
Thank you so much pala sa pahanda mo nung birthday mo.
15:56.0
Thank you so much, Madam Daisy.
15:58.0
I can't wait for your birthday next year.
16:05.0
Teka lang. Magbasa tayo, Popoy. Baka tayo gumara sa next part.
16:10.0
Sabi ni John Michael Cañaveral dito sa YouTube channel natin.
16:14.0
May mga company rules na hindi pwede ang karelasyon na magkarabaho.
16:18.0
Why not? As long as willing ka din naman, age doesn't materity.
16:28.0
Si Joy Salvame sabi niya, age doesn't matter. Sa workplace ata ang bawal.
16:33.0
May kakilala kong ganyan. Subordinate ni Boyz si Ate Mong Girl.
16:37.0
Tinago nila performance yung relationship nila.
16:40.0
Nung nalaman, iba na yung pinahandle kay girl. Pinaghiwalay sila ng departamento or something.
16:50.0
Ganon, ganon dapat. Yung hindi ka directly nakaka-influenza dun sa trabaho ng isa.
16:59.0
Eto sabi ni Kevin Binuya. Dapat kasi, hindi tayo tukay-depende sa sasabihin ng iba.
17:04.0
Pinasok mo yan. Panindigan mo.
17:08.0
Ngayon, eto lang rin Bea. Siguro itatago ko yan dito kay Daisy.
17:16.0
Unless meron kang iba palang karelasyon.
17:20.0
O meron kang karelasyon. Wala. Wala naman siyang binanggit.
17:24.0
Wala namang binanggit ka. Oo. Nailes naman po ang papel natin. Sabi niya.
17:29.0
Samantala sa ibang daigdig, may sinabi si Remy Boy.
17:34.0
Ayoko kasi nang mas bata sa akin yung girl. Ewan ko ba.
17:39.0
Well, Remy Boy, wala naman nagtatanong.
17:43.0
Wala naman girl in the first place.
17:47.0
Wala naman girl. Hindi, biro lang, Remy Boy.
17:50.0
Tapos nahalos ka. Wala naman yung love.
17:53.0
Tapos nahalos ka ba?
17:56.0
Sabi ni Sere Gonzales, magkocomment pa sana ako ng maganda.
17:59.0
Kaya lang, antamad magbasa ni Popoy. So bukas na lang ako magcomment.
18:04.0
Uy, grabe naman to.
18:06.0
Sere, wala nating magkasayang youtube channel natin.
18:09.0
The fun is over here.
18:12.0
Eto na nga si Riven nga, muling na buhay.
18:14.0
Nagpatala ng 13. Swedish Cron.
18:17.0
Riven, ang usapan natin 30, hindi 13.
18:20.0
I'm expecting isusunod mo yung bubuo sa 30, ha?
18:25.0
Hello sa'yo Riven. Kamusta kayo? Kamusta kayong fiancé mo?
18:28.0
Ano na? Kailan kayo kakasal?
18:30.0
Ha? Saan kayo kakasal? Diyan o dito?
18:32.0
Si Riven?
18:33.0
Yeah, si Riven.
18:36.0
Oo nga.
18:37.0
Ang ganda ng girlfriend niya.
18:40.0
True. Hindi ko nga alam ano nakita kay Riven.
18:42.0
Charot.
18:43.0
Charot.
18:45.0
Bokings nga si Riven din.
18:48.0
Oo naman. Si Riven pa.
18:51.0
Riven, isunod mo na yung bubuo sa 30. Umayos ka.
18:56.0
Ano na? Punta na ba tayo sa second part?
18:58.0
Mag-acting dama dama natin si Chi Chi.
19:00.0
Kaya malay mo naman tumapang.
19:01.0
Andale, sabi ni Dandan Arnaiz, o.
19:04.0
Papaano kung may edad nga pero baby face naman?
19:07.0
Okay na yun, no?
19:09.0
Sikong ka lang.
19:11.0
Ah, yung baba.
19:12.0
O wala ka.
19:13.0
Ang dalaki o yung baba eh.
19:14.0
Pero feeling ko nagpaparinig to si Dandan.
19:16.0
Para sa akin ba yung message niya?
19:19.0
But you, mas matanda niya.
19:21.0
Pero baby face pa rin.
19:23.0
Makaibig ka lang po.
19:26.0
Hindi ka baby face.
19:31.0
Okay.
19:33.0
Pasok pa comment.
19:35.0
Oo nga.
19:38.0
She has been a great help to me and my family.
19:41.0
I started with a minimum plan and after some days, I got returns.
19:46.0
Ah, iba ba to? Iba to?
19:47.0
Iba to.
19:50.0
Ah, mga ano to?
19:52.0
Mga lingko-lingko.
19:54.0
Oo, mga crypto something.
19:58.0
Pero wait mo po ha.
19:59.0
Yung sinabi ni pa baby face.
20:02.0
Ako, eto ha.
20:03.0
Personal preference ko lang to.
20:05.0
Ayoko pumatol sa...
20:08.0
Hindi, I mean...
20:09.0
Depende sa situation.
20:11.0
Pero as much as possible, ayoko sa lalaking mas bata sa akin.
20:14.0
Pero kung mabubustuhan ko talaga yung isang lalaking mas bata sa akin,
20:18.0
o sige, push.
20:19.0
As long as yung katawan niya, yung mukha niya,
20:23.0
hindi mukhang high school.
20:26.0
Hindi mukhang, alam mo yung patpating college student.
20:30.0
Gusto ko, okay lang mas bata ka.
20:32.0
Pero sabayan mo naman yung pangangkatawa ko.
20:35.0
O yung itura ko.
20:37.0
Ayoko lang mukhang bata, mukhang high school,
20:39.0
tapos ako ganito itura.
20:41.0
Preference ko lang naman yun.
20:43.0
Not judgment, but preference.
20:45.0
Okay, ayaw mo na medyo malayo physically yung appearance ninyo.
20:49.0
As a couple.
20:51.0
So medyo magkalapit lang.
20:54.0
Pero like yung katawan ko.
20:56.0
Pero hindi ko naman, Bea, napupusuan na...
20:59.0
Sige, okay lang mas bata ka,
21:01.0
pero gusto ko kulupot ka na.
21:03.0
Ayoko naman.
21:05.0
Wag lang yung mukha talagang junanak ko na.
21:09.0
Di ba? Hindi ko type yung mukhang junanake ko na.
21:12.0
Mukhang kidilets?
21:14.0
Yung legal at may karapatan na akong pagnasaan.
21:17.0
Alam mo yun?
21:20.0
Ganon.
21:21.0
May karapatan pagnasaan?
21:24.0
At legal, gets mo ba?
21:28.0
Yun lang.
21:30.0
Sasabihin ko sana, ganyan din kami mga kalalakihan.
21:33.0
Pero alam ko, majority ng mga kalalakihan.
21:35.0
As much as possible.
21:37.0
Mas bumabata ang nabibigwit.
21:40.0
Mas yumayabang yan.
21:42.0
Yung mga kalalakihan.
21:43.0
Yung iba, ha?
21:44.0
Yung iba, mas bumabata, mas yumayabang.
21:49.0
Kilala mo ko, Bea?
21:50.0
Wala akong kayabang-yabang.
21:52.0
Hindi tayo mahilig sa mga ganyan.
21:55.0
Mga kapamilya, oras na natin.
21:58.0
44 minutes.
21:59.0
Makalipas ang alauna ng hapon.
22:02.0
Thank you sa pag-agree, Bea.
22:05.0
144.
22:06.0
At ang second part ng ating kuwento,
22:09.0
ay malalaman na nga natin,
22:11.0
ano na ba nangyari dito sa pag-iibigang Daisy and Anthony.
22:16.0
Yun.
22:17.0
Si Daisy na medyo mas may edad kaysa kay Anthony.
22:21.0
Colleagues na sila.
22:23.0
Medyo na-awkwardan.
22:24.0
Tinatago.
22:25.0
Pilit yung kanilang relationship sa office.
22:27.0
Wala naman silang mga kanya-kanya mga sabit.
22:30.0
Ayon, sa first part ng ating kuwento.
22:32.0
Saan kaya magkakanda sabit-sabit ito?
22:35.0
At saan doon yung hashtag
22:39.0
na sinasabi natin today.
22:41.0
Kasama niyo po kami.
22:42.0
Ako po si DJP, DJ Popoy.
22:43.0
That's my Guapopoy.
22:47.0
Gorgeous, Bea, Bea po.
22:49.0
Hi, Popoy.
22:52.0
Hi.
23:10.0
Popoy at Bea,
23:11.0
lumipas ang ilang mga taon.
23:14.0
Matiba yung naging relasyon namin ni Anthony.
23:17.0
Noong nalaman na nga sa office na kami na ni Anthony,
23:21.0
ay marami ang nagtaas ng kilay.
23:24.0
Pero kalaunan,
23:25.0
ay natanggap na rin ang mga kasamahan namin sa trabaho.
23:30.0
Nakahinga ka ng maluwag.
23:32.0
Hirap kasi o mahirap kasi nang may tinatago
23:35.0
lalo na kung yung puso mo
23:37.0
ay todo-todo na
23:38.0
ang pagsabog pagdating sa pag-ibig.
23:42.0
Siyempre, hindi pa rin nawawala
23:44.0
yung mga chismosang inggitera
23:46.0
na gumagawa ng issue against me
23:48.0
and sa boyfriend ko.
23:51.0
Paliba sa mga walang diyowa,
23:53.0
kaya love life ko ang pinagdidiskitahan.
23:57.0
Hindi na lang namin pinapansin ito ni Anthony.
24:01.0
At Popoy at Bea,
24:02.0
okay na sana ang lahat sa pagitan namin ni Anthony.
24:06.0
Imagine,
24:07.0
masaya kami together,
24:09.0
tanggap na mga katrabaho namin,
24:11.0
ang relasyon namin.
24:13.0
Ang kaso sa tinagal-tagal ng pagsasama namin ni Anthony,
24:17.0
ay never pa niya akong napakilala sa parents niya.
24:21.0
Nung dumating na nga ang araw
24:23.0
na gusto na akong ipakilala ng magulang ni Anthony,
24:27.0
ay doon ako kinabahan.
24:29.0
Iba kasi pag meet the parents ng usapan.
24:33.0
Bilang confident naman si Anthony
24:35.0
and nagschedule kami ng lunch date with his parents.
24:40.0
Popoy at Bea,
24:41.0
dito na nga nagumpisang gumulo ang lahat.
24:45.0
Unang kita pa lang sakin ng parents ni Anthony
24:48.0
ay talagang irap agad ang sumalubong sakin.
24:52.0
Talagang pinaramdam sakin ng parents ni Anthony
24:55.0
na ayaw nila sa akin.
24:58.0
Ang totoo niyan,
24:59.0
ako pa ang nagkos ng away nilang mag-anak.
25:03.0
Kunyari na lang,
25:04.0
hindi ko narinig yung bulunga ng parents ni Anthony,
25:07.0
pero ang dami kong natanggap na panlalait.
25:13.0
Bilang mahal nga ako nito ni Anthony,
25:15.0
ay pinakita niya o pinakita talaga niyang galit siya sa parents niya.
25:20.0
Popoy at Bea,
25:21.0
mahal ko si Anthony,
25:23.0
pero talagang ayoko ng conflict.
25:26.0
Kaya nga after nung meeting na yun
25:28.0
ay kinausap ko si Anthony.
25:31.0
Noong una,
25:32.0
nag-decide kami na ilaban ang pagsasama namin.
25:36.0
Pero yung pressure kasi ng parents niya sa kanya
25:40.0
at pati na rin sakin,
25:41.0
masyadong mabigat.
25:44.0
Kaya napilitang kami maghiwalay
25:46.0
or more like,
25:48.0
nag-initiate akong makipaghiwalay.
25:51.0
Popoy at Bea,
25:52.0
sobrang iyako nun.
25:54.0
Alam mo yung ako yung nag-propose na maghiwalay na lang kami
25:57.0
pero ako yung sobrang nasaktan.
26:01.0
Nakailang message naman sakin si Anthony.
26:04.0
Ilang beses niyang...
26:06.0
Ilang beses niyang sinabing handa siyang ipaglaban ako.
26:10.0
Ako na lang yung nagsabi na
26:12.0
wag na.
26:14.0
Okay lang.
26:16.0
Tulad nga ng nasabi ko kanina,
26:18.0
alam ko kung saan ako lulugar.
26:22.0
Three days after nang breakup namin
26:24.0
ay nag-resign ako sa trabaho, Popoy at Bea.
26:28.0
Kinuha ko yung back pay ko
26:30.0
at bumalik na nga ako sa Pangasinan.
26:33.0
Tinigil ko na rin ang pakikipag-usap kay Anthony.
26:38.0
Mahal ko siya and
26:40.0
deciding to end the relationship for his sake
26:44.0
is the best show of love na kaya kong gawin.
26:48.0
Mas importante ang pamilya
26:50.0
at ayokong maging sanhi
26:52.0
ng away ng pamilya ni Anthony.
26:55.0
Popoy at Bea,
26:57.0
tama naman yung ginawa ko, di ba?
27:00.0
Tinatanong ko kasi kahit alam ko na tama naman
27:04.0
eh may sakit pa rin kasi akong nararamdaman.
27:07.0
Ano ba ang mas magandang gawin?
27:10.0
Paano ba ang mag-move on
27:12.0
sa isang bagay na ayaw mo naman talagang bitawan
27:16.0
in the first place?
27:19.0
Sana ay matulungan niyo ako.
27:22.0
Lobos na nagpapasalamat,
27:25.0
Daisy.
27:40.0
5 MINUTES BEFORE 2PM
28:10.0
Siyempre, balikan na nga natin itong letter sender natin na si Daisy na bumitaw.
28:17.0
Bumitaw sa gitna ng labanan.
28:21.0
Pero wala pong labanan na nangyari.
28:25.0
Mauna na ako, Bea.
28:28.0
Alam mo, okay lang.
28:29.0
Okay lang sana na ikaw ay bumitaw sa relationship ninyo
28:33.0
lalot nagagalit yung mga tao sa paligid ng partner mo
28:37.0
kung meron ka ng masamang epekto doon sa partner mo.
28:42.0
Kung alam mo na ikaw ay masamang influence sa kanya
28:46.0
sa drugs, sa nagiinom, sa mga kalukuhan
28:51.0
at na-realize mo yan, iiwan mo siya na dahil doon sa mga
28:56.0
umaga nadadamay mo siya sa mga hindi mo magandang ginagawa
28:59.0
well then go ahead.
29:00.0
By all means, umalis ka nga.
29:02.0
Diba kung nakakasira ka ng relationship nila.
29:04.0
Pero dito, sa parte, sa nangyari kay Daisy
29:08.0
para sa akin, hindi ka dapat umalis.
29:12.0
Hindi ka rin naman, hindi ko naman sa'yong i-encourage
29:15.0
na hayaan mo mag-away-away silang pamilya.
29:18.0
Pero bakit ka aalis agad doon sa lugar na
29:23.0
pupwede pa namang maayos,
29:25.0
pupwede pa namang makuha sa paliwanagan.
29:29.0
At siyempre, you just don't expect everybody
29:33.0
na tatanggapin agad yung relationship na meron kayo.
29:37.0
Katulad nung kinatakutan nyo doon sa opisina nyo noon.
29:41.0
Akala mo i-judge ka doon na ganito, ganyan.
29:45.0
Pero hindi.
29:46.0
Walang judgment na nanggaling or major judgment
29:49.0
na nangyari sa loob ng opisina ninyo,
29:52.0
sa kinikilusa ninyo ni Anthony.
29:55.0
It so happened na nangyari siya doon sa family ni Anthony.
29:59.0
Pero pupwede pang trabahuhin.
30:01.0
Pupwede pang hindi necessarily ipaglaban agad-agad.
30:06.0
Pwedeng ipaliwanag.
30:08.0
Alam mo kasi ang pamilya, siyempre,
30:11.0
we want the best for our sibling, for our child.
30:16.0
Gusto natin yung best para sa kanya.
30:19.0
Pero, minsan hindi pa naman kayo ganun magkakilala.
30:23.0
Dumating na ba kayo sa punto na
30:26.0
ang tagal-tagal yung pumupunta?
30:27.0
Lagi kang binabastos?
30:28.0
Wala man lang paliwanagan?
30:30.0
Tsaka binastos ka ba?
30:31.0
I don't think so.
30:32.0
Siguro napagalitan si Anthony
30:34.0
ayon sa kwento mo
30:35.0
kasi hindi ka na rin naman nagpakita sa kanila pa ulit.
30:38.0
Di ba?
30:39.0
Hindi mo in-expose ulit yung sarili mo
30:41.0
at inaral kung papaano bang makukuha.
30:43.0
Kasi alam mo,
30:44.0
deyan, dami kong mga kakilala na ganyan.
30:47.0
Di ba?
30:48.0
Yung iba nga eh.
30:49.0
Yun nga, may bisyo, inilaban, pero nagbago.
30:51.0
Tinanggap pa rin ng pamilya in the end.
30:53.0
At nagpapasalamat pa sila.
30:55.0
Di ba?
30:56.0
Nagpapasalamat pa sila for staying beside their daughter,
31:01.0
staying beside their son,
31:05.0
yung mga taong dati, galit na galit sila.
31:08.0
Di ba?
31:09.0
Ganun sana yung ginawa mo, Daisy.
31:11.0
Kaya ngayon, alam mo, wala kang peace of mind.
31:14.0
Mahirap mag-move on sa ganyan
31:16.0
kasi hindi mo sinubukang lumaban.
31:19.0
Iniwan mo si Anthony, di ba?
31:22.0
Doon sa gitna.
31:23.0
Walang pinagkaiba.
31:24.0
Doon sa sample ko kanina,
31:26.0
tara, punta tayo doon.
31:27.0
Tapos sabi mo, ay, ayoko.
31:29.0
Kasi ganito, ganyan.
31:30.0
Kasi ganyan.
31:31.0
Ang daming kasi, kasi, kasi, kasi.
31:33.0
Di ba? Nakakainis.
31:34.0
Di ba? Ganun yung nangyari.
31:36.0
Kumbaga, pinasarap nyo,
31:37.0
pero binitin.
31:38.0
Eh, talagang bitaw yung nangyari sa'yo.
31:41.0
Mahihirapan ka mag-move on? Yes.
31:43.0
O, kasi lagi mong iisipin what could've been,
31:46.0
what should've been,
31:47.0
what would've been sa inyo ni Anthony.
31:50.0
Kung sakaling ikaw rin
31:52.0
ay nagbigay ng konting pasensya pa
31:54.0
at ng konting effort pa
31:56.0
para mas ipakilala nyo
31:58.0
yung tunay nyo sanang pagmamahalan.
32:00.0
Nakakakonsensya talaga yan, Daisy.
32:03.0
Mm-mm.
32:04.0
Alam mo, agree ako sa'yo, Popoy, no?
32:06.0
Yung bang bumitaw ka
32:09.0
nang hindi ka,
32:10.0
hindi mo man lang pinagayang full force mo,
32:12.0
yung full effort mo
32:14.0
para patunayan
32:16.0
doon sa magulang ni Anthony
32:19.0
na hindi ka naman masamang tao.
32:21.0
Ang problema lang naman sa paningin nyo
32:24.0
ay yung age gap namin.
32:26.0
Pero ako naman ay matinong tao,
32:28.0
may matinong trabaho
32:30.0
at mabuting pagkatao
32:32.0
na hinuhusgahan nyo lang
32:34.0
dahil sa mas matanda ako.
32:36.0
Diba? Kung,
32:37.0
tama yung sinabi ni Popoy eh,
32:39.0
kung siguro nag-antay ka pa,
32:41.0
Daisy,
32:43.0
nagkonting push ka pa
32:45.0
kasi nga yung mga katrabaho nyo
32:47.0
natanggap din eventually, diba?
32:49.0
Eto nga mga magulang na to,
32:51.0
kung napakitaan mo talaga,
32:53.0
napatunayan mo,
32:54.0
napakita mo yung tunay mong ugaling mabubuti,
32:56.0
feeling ko lalamot at lalamot din
32:59.0
yung puso nila.
33:00.0
Plus,
33:01.0
etong si Anthony din naman,
33:02.0
actually, suwerte nga si Daisy
33:04.0
kasi si Anthony, G na G.
33:06.0
Diba? G na G,
33:07.0
naipaglaban ka
33:08.0
at hindi talagang iharap ka
33:10.0
sa mga magulang
33:11.0
at sabihing ikaw yung babaeng
33:13.0
pinakamamahal niya.
33:15.0
And, Popoy, ganyan naman kasi talaga
33:17.0
Daisy yung mga magulang
33:19.0
na yung initial reaction nila,
33:21.0
e, syempre gusto nila
33:23.0
yung kaedara ng anak nila
33:25.0
o kaya mas bata sa anak nila
33:26.0
kasi yun yung parang
33:28.0
warm, diba?
33:29.0
Yun yung dinidikta ng society.
33:31.0
Kaya masyusupe talaga sila sa umpisa.
33:33.0
Pero, kaya na kasi,
33:35.0
medyo na ano eh,
33:36.0
anong tawag dito?
33:37.0
Aminin na natin, Popoy,
33:39.0
na etong si Daisy,
33:40.0
may pagkaduwag talaga.
33:42.0
Kasi siya rin
33:44.0
nanginiwala
33:46.0
doon sa norm na
33:48.0
hindi dapat malayo ang
33:50.0
agwat ng dalawang magsing-irog
33:52.0
at yung babae yung mas matanta.
33:54.0
Medyo ano din siya sa
33:56.0
nagpapadigta din siya
33:58.0
doon sa social norm na gano'n.
34:00.0
Kaya, hindi siya confident
34:02.0
doon sa decision na ginawa niya
34:04.0
na jowain etong si Anthony.
34:06.0
Well, Daisy,
34:08.0
kung ganyan din naman pala
34:10.0
yung, alam mo yun,
34:12.0
yung pananaw mo,
34:14.0
yung belief mo pagdating sa
34:16.0
relationship niya ni Anthony,
34:18.0
eh mukha nga Anthony doesn't deserve
34:20.0
someone like you.
34:22.0
Yung tuwag,
34:24.0
yung walang paninindigan,
34:26.0
yung jowain ka pero hindi ka kayang
34:28.0
ipaglaban. Eh, mabuting nga
34:30.0
huwag mo na lang talagang, alam mo yun,
34:32.0
gawing boyfriend si Anthony.
34:34.0
Kasi hindi mo naman siya kayang panindigan.
34:36.0
Hindi mo kayang ipaglaban.
34:38.0
Meron at merong darating
34:40.0
sa buhay niya na mas deserve niya,
34:42.0
na mas higit kesa sayo.
34:44.0
Well, real talk lang, Daisy.
34:46.0
I mean, oo, mabait ka,
34:48.0
mabuti ka, pero
34:50.0
red flag, yung hindi mo pinaglaban
34:52.0
si Anthony. Mahina ang loob.
34:54.0
Mahina ang loob, eh.
34:56.0
At tama din yung part na sinabi ni Popoy na
34:58.0
bumitaw ka na lang kung alam mong
35:00.0
nakakasama ka na doon sa tao.
35:02.0
Well, bukod doon sa drugs
35:04.0
or whatsoever, pag nakita mong
35:06.0
hindi na maganda yung nagiging efekto
35:08.0
ng relationship niyo sa mentalidad ni Anthony.
35:10.0
Yung nagkakaroon na siya
35:12.0
ng anxiety, hindi na siya
35:14.0
nakakatulog. At yun nga,
35:16.0
yung meron ng,
35:18.0
ang tawag dito, hindi na maganda
35:20.0
yung relationship niya with
35:22.0
his parents. Basta ang
35:24.0
goal kasi... Nang dahil sayo?
35:26.0
Meron kasing ganun, Bea. Yung lahat na lang
35:28.0
ng oras ibinuho sayo, hindi na napapakinabangan
35:30.0
sa bahay. Para
35:32.0
nagiging patapon pa yung buhay.
35:34.0
Kaya, nagiging patapon
35:36.0
si Anthony pa magulang
35:38.0
para lang sayo,
35:40.0
yun yung hindi maganda. Pero eto mga kamorkada ha,
35:42.0
hindi namin sinasabi ni Popoy
35:44.0
na ipaglaban niyo
35:46.0
to the point na ilalayo niyo sa
35:48.0
family. Hindi ganun ha.
35:50.0
Ang gawin niyo,
35:52.0
ilapit niyo yung sarili niyo sa family.
35:54.0
Para sa akin kasi, oh
35:56.0
ipaglaban niyo yung pag-ibig, pero walang
35:58.0
ano, walang cutting ties
36:00.0
with the family. Yung iinganyohin mo
36:02.0
yung jowa mo na
36:04.0
sige, lumayaw ka na sa pamilya mo
36:06.0
tayo na lang dalawa, kaya natin to.
36:08.0
You and me against the world.
36:10.0
May mga ganyang mga katwiran.
36:12.0
Gusto rin natin i-address yan,
36:14.0
Popoy pa, Bea.
36:16.0
Gusto natin i-address yan,
36:18.0
yung ganyang
36:20.0
mentality nung iba. Dahil
36:22.0
ayaw nila mama at papa at mga kapatid
36:24.0
ko sayo, halika, magsama tayo.
36:26.0
Tanggalin niyo yan.
36:28.0
Para tayo kasing isang produkto.
36:30.0
Para tayo kasing isang produkto
36:32.0
na para bang ibinibenta mo doon
36:34.0
sa mga kamag-anak
36:36.0
ng taong
36:38.0
mahal mo. Gusto mo maka-partner.
36:40.0
Hindi porke sinabihan
36:42.0
ng halimbawa,
36:44.0
ang produkto ay suka.
36:46.0
Sige, example, produkto
36:48.0
suka sabihin, ay, ayoko nyan.
36:50.0
Wala naman lase, walang kaasim-asim naman
36:52.0
yung suka mo.
36:54.0
Pagka sinabihan kang ganun,
36:56.0
bilang isang
36:58.0
marketing, sasabihin mo, oho, tama
37:00.0
kayo. Sige ho, dito na lang ako sa iba.
37:02.0
Wala! Walang benta
37:04.0
kapag ka ganun. Ilaban mo.
37:06.0
Diba ilaban mo? Ay hindi ho.
37:08.0
Ganito ho talaga ang lasa niya. Kung gusto
37:10.0
nyo, patitikman ko kayo, isama
37:12.0
nyo sa ganitong ulam, isausaw nyo
37:14.0
rito, yung pulutan
37:16.0
ninyo kapag kaano,
37:18.0
iba ho ang lasa, iba ang tingkla na
37:20.0
alam mo yun, yung i-build up mo yung
37:22.0
sarili mo. Ngayon, kung di mo na-build up,
37:24.0
sinabihan ka lang ng hindi maganda,
37:26.0
naniwala ka naman,
37:28.0
umamin ka na, oho, tama
37:30.0
po kayo. Oho, paalis
37:32.0
na nga ako.
37:34.0
Wala. Walang bibili sa'yo.
37:36.0
Hindi mo kayang i-benta
37:38.0
the best product
37:40.0
na meron ka. At yun ay yung sarili mo.
37:42.0
Yun yung pagmamahal mo.
37:44.0
Walang bibili nyan.
37:46.0
Dahil meron at meron masasabi
37:48.0
ang mga tao sa'yo, mas matanda ka,
37:50.0
hindi kaganda ng itsura mo,
37:52.0
hindi kaganda ng itsura mo,
37:54.0
basta lahat,
37:56.0
lahat na mga
37:58.0
ibabato sa'yo, ang dami.
38:00.0
Maniniwala ka doon? O maniniwala ka
38:02.0
doon sa kaya mong ibigay
38:04.0
doon sa kanila?
38:06.0
At kaya mong patunayan
38:08.0
sa kanila. Kailangan mo ba makipag-away?
38:10.0
Not even. Hindi mo kailangan makipag-away.
38:12.0
Kailangan mo lang patunayan
38:14.0
na I'm worth it.
38:16.0
Diba? Na
38:18.0
mapabilang sa
38:20.0
kanyan ninyo. Diba? Without proving
38:22.0
anything. But just
38:24.0
for being myself. Yun.
38:26.0
Yung ako lang ito, edad lang yung tinitignan
38:28.0
ninyo. Pero I'm more than just my
38:30.0
age. Diba? Meron
38:32.0
akong, tama yung sinabi nyo be, may
38:34.0
maayos akong trabaho, maayos ang
38:36.0
pamilya ko rin po. Diba? Yun lang
38:38.0
nakikita nyo, edad po. At masaya
38:40.0
kami ng anak ninyo. Patunayan nyo
38:42.0
yun sa kanila. Diba? Kahit na
38:44.0
against sila, sinasabi ko sa inyo,
38:46.0
sila na mismo ang maka-observe
38:48.0
niyan. Kasi lagi naman
38:50.0
nakabantay sa iyan. Wala pang CCTV,
38:52.0
nakabantay na yung mga yan e. Diba?
38:54.0
Sa bawat pilos, sa bawat galaw mo.
38:56.0
Diba? Ganon yan.
38:58.0
Doon mo patunayan.
39:00.0
Sila na mismo, sa sarili nila, magsasabi
39:02.0
ay, naku. Sinubok pa lang
39:04.0
namin noon. Pero, ay,
39:06.0
beya, yung anoy, mga ganyan, mga para
39:08.0
bang itinataboy ng mga ano,
39:10.0
yan pa yung mga naging paborito nung ilan
39:12.0
sa mga kakilala ko.
39:14.0
Itinataboy nung una kasi medyo
39:16.0
mas pangit. Kasi nga medyo
39:18.0
mas may edad, ganyan.
39:20.0
Pero sila ngayon yung love na love? Ano ba yun?
39:22.0
Naliligawan kasi ang magulang.
39:24.0
Yan yung tandaanin ko.
39:26.0
Ligaw-ligaw lang. Kuha
39:28.0
lang ng loob. With patience
39:30.0
and determination, makukuha nyo rin
39:32.0
yung loob ng ano. Ngayon,
39:34.0
Daisy, dahil nakipag-break ka na kay Anthony,
39:36.0
ako, I suggest, huwag mo ng pag-isipang
39:38.0
balikan, ha? Kasi
39:40.0
ang tao dito, medyo
39:42.0
na-X na rin sa parents mo.
39:44.0
Ayan, anak.
39:46.0
Iniwang ka. Hindi ka pinaglaban.
39:48.0
Papansin din ng parents
39:50.0
niya yun. Kaya doble hirap
39:52.0
ang
39:56.0
asahan mong makikita mo
39:58.0
kapag binalikan mo si Anthony
40:00.0
at saka mo tinuloy yung laban
40:02.0
ng relationship ninyo.
40:04.0
Pero sige, ikaw.
40:06.0
Tapos ito, maganda rin yung
40:08.0
maganda itong
40:10.0
sinend ng producer
40:12.0
namin natin. Ayan.
40:14.0
Naniniwala ako, Daisy, na ngayon
40:16.0
nag-uusap na ang parents ni
40:18.0
Anthony at sinasabi nila na
40:20.0
you see, hindi ka mahal
40:22.0
ng Daisy na yun, Anthony.
40:24.0
Hindi kayo nilaban eh.
40:26.0
Ibig sabihin, nanalo na sila.
40:28.0
Nanalo na sila. Hindi kaya nilaban.
40:30.0
Nagtagu ka pa sa panggasinan.
40:32.0
Kaya yung isa naming kaibigan dito,
40:34.0
init na init na malaman kung nasan ka sa
40:36.0
panggasinan. Si
40:38.0
Rennie Boy.
40:40.0
Nako, Rennie Boy, ayan ka na naman.
40:42.0
Nalaman mo lang na meron
40:44.0
isang single na babae.
40:46.0
Pupuntaman na naman sa panggasinan.
40:48.0
Magdideliver ka ng tubig
40:50.0
sa panggasinan, Rennie Boy.
40:52.0
Apo po, sino pala si...
40:54.0
Sige.
40:56.0
Sabi ni Carlo, pro-legalidad.
40:58.0
Baka kaedad na ng magulang si Daisy.
41:00.0
Di naman.
41:02.0
Alam mo, Carlo, kahit
41:04.0
pangakaedad pa. Kahit pangakaedad pa.
41:06.0
Nasa pakikisama yan eh.
41:08.0
Nasa pakikisama,
41:10.0
nasa paggalang, sa pagbibigay ng respeto
41:12.0
sa magulang. Alam mo, ako talaga
41:14.0
merong kakilala. Akala ko talaga chuhin nila.
41:16.0
Akala ko chuhin nila. Mas bata pa
41:18.0
sa akin yung babae pero ganyan din.
41:20.0
Ang nangyari, mas matanda yung lalaki
41:22.0
pero sabi ko mas malapit sa edad na
41:24.0
na magulang niya. Pero walang problema.
41:26.0
Walang problema kasi may respeto,
41:28.0
merong totoong pagmamahal yung
41:30.0
lalaki para doon sa babae
41:32.0
na kakilala ko.
41:34.0
At yun naman talaga yung dapat.
41:36.0
Correct.
41:38.0
Sabi ni ano,
41:40.0
sabi ni Joy
41:42.0
Salvame,
41:44.0
that was a selfless move.
41:46.0
Mahirap talaga pagpamilya
41:48.0
ang kontra sa relasyon.
41:50.0
Mas pipiliin mo kung ano
41:52.0
sa tingin mo ang mabuting gawin para sa taong
41:54.0
mahal mo na kahit alam mong
41:56.0
masasaktan ka sa decision mo.
41:58.0
Well, ibigay na rin natin
42:00.0
kay Geisy yun. Yung
42:02.0
point na yun. Para hindi na mahirapan
42:04.0
kay Anthony na mag-decide para hindi na siya
42:06.0
ma-stress between her and the
42:08.0
family. Sige, magbibigay daan ako
42:10.0
para sa family mo
42:12.0
Anthony para hindi ka na mahirapan.
42:14.0
Bigyan din natin ng
42:16.0
puntos yun. Pero this time,
42:18.0
Geisy, pag ginawa mo yun,
42:20.0
panindigan mo na tay. Huwag mo na ulit
42:22.0
guluhin yung isip ni Anthony
42:24.0
porket nagbago yung isip mo
42:26.0
or porket na-realize mo yung
42:28.0
mga pagkakamali mo. Kasi panibagong
42:30.0
stress at problema na
42:32.0
naman ang dadalhin mo. Sabi
42:34.0
ni Callis Grey Reyes o,
42:36.0
Aces sya sa number. Walang bawal
42:38.0
sa relasyon kung matandaman
42:40.0
or what. Pero dapat,
42:42.0
hindi ka muna bumitaw. Kung mahal mo
42:44.0
talaga, kahit anong marinig mo
42:46.0
sa iba't ibang tao or family,
42:48.0
dapat ipaglaban mo
42:50.0
ati girl.
42:52.0
Tapos, ay!
42:54.0
Ito si Riven. Alam mo Riven,
42:56.0
yung quotable quote mo, galing yan
42:58.0
kay Keanu Reeves no?
43:00.0
Maganda yan.
43:02.0
If you're a lover,
43:04.0
then you should be a fighter
43:06.0
because if you don't fight for your
43:08.0
love, then what kind of love
43:10.0
do you have?
43:12.0
What kind of a lover
43:14.0
are you? Pwede rin
43:16.0
ganun.
43:18.0
Di ka marunong lumaban. Thank you, Riven!
43:20.0
At may pahabol na
43:22.0
13 Swedish crowns si Riven,
43:24.0
wag kang kumeme po, boy.
43:26.0
Si John Michael
43:28.0
Canaveral. Sabi niya,
43:30.0
as part of being matured enough, what you did
43:32.0
was right. For the sake of the
43:34.0
family of your partner. Pero,
43:36.0
hindi ka lumaban para sa partner mo all
43:38.0
throughout. Move on, and
43:40.0
life goes on.
43:42.0
Actually, ganun na nga lang talaga yung mangyayari.
43:44.0
I think it's quite easy.
43:46.0
Kung papaano
43:48.0
mong madaling pinagdesisyonan
43:50.0
yung bang sinabi sa'yo na
43:52.0
hindi, ganito dapat ang mangyari.
43:54.0
Ganun mo na lang ding desisyonan
43:56.0
Sige, magmo-move on na ako.
44:00.0
Kasi, totoo yun. Yung sinabi
44:02.0
nung kapamilya natin.
44:04.0
Hindi mo naman din inilaban.
44:06.0
Hindi ka sumubok lumaban.
44:08.0
So, what's the sense na
44:10.0
sabihin pa namin sa'yo, tama ba yung desisyon mo
44:12.0
or hindi? Hindi.
44:14.0
Para sa akin, hindi tama.
44:16.0
Pero, tama lang rin
44:18.0
na nangyari sa'yo yan. For you to
44:20.0
realize na meron mga bagay
44:22.0
dito sa mundo na kailangan mong panindigan.
44:24.0
Na kailangan mo talagang harapin
44:26.0
mga problema that you have
44:28.0
to face
44:30.0
squarely.
44:32.0
Hindi ka
44:34.0
win or lose.
44:36.0
Kailangan mong
44:38.0
panindigan kung ano yung
44:40.0
pinaniwalaan mo. For as long as
44:42.0
alam mo na tama yun
44:44.0
para sa'yo at para doon
44:46.0
sa naniniwala sa'yo.
44:48.0
Pero wala ka nun. Sorry, Daisy.
44:50.0
Wala ka nun.
44:52.0
Wala ka nun.
44:54.0
Wala ka nun.
44:56.0
Sana nga ma-realize mo na para magkaroon siya.
44:58.0
Di ba, nang lakas ng loob.
45:00.0
Kahit nga sa business mo eh. Kung half-hearted
45:02.0
ka sa business, hindi magpo-prosper yan.
45:04.0
Di ba?
45:06.0
O, dapat win or lose. Di ba, laban.
45:08.0
Para makapag-isip ka, makapag-ano ka eh.
45:10.0
Paano kapag ka nalugi ng konti? Wala, sarado na.
45:12.0
Di ba, hindi ka pwede yun.
45:14.0
Ganun din sa...
45:16.0
Wala lang bumibilis sa'yo ng isang araw.
45:18.0
O, wala lang.
45:20.0
It's a bad business na...
45:22.0
It's just a bad day.
45:24.0
Di ba? It's just a bad day.
45:26.0
It's not a bad life.
45:28.0
Ganun yun, Daisy.
45:30.0
Kaya naman, 12 minutes after 2 p.m.
45:32.0
Maraming maraming salamat po
45:34.0
sa inyong mga tumutok sa amin dito.
45:36.0
Bukas, ulitin po natin ito dito sa
45:38.0
Tier MOR.
45:40.0
Wag kayo kumeme.
45:42.0
Live kami bukas.
45:44.0
Utang nalang.
45:46.0
Wag kita tayo bukas.
45:48.0
Walang mawawala bukas.
45:50.0
Magsama-sama nga po tayo.
45:52.0
Magkita-kita ulit. Same time.
45:54.0
Hindi ko nasasabing same time.
45:56.0
Baka...
45:58.0
Baka kasi...
46:00.0
Same time frame.
46:02.0
Around the same time.
46:04.0
Around the same time.
46:06.0
Na magkita-kita tayo.
46:08.0
Alas 12, naminsan 12.30,
46:10.0
naminsan 12.45.
46:12.0
Around 12.
46:14.0
Around 12.
46:16.0
See you around 12.
46:18.0
Masasamahan niyo po kami.
46:20.0
Wag kayong mawawala mga kapamilya.
46:22.0
Thank you for today. Nakasama niyo nga po
46:24.0
DJ PDJ Popoy. That's my
46:26.0
guapopoy.
46:28.0
And of course, Gorgeous V.
46:30.0
At ang lagi namin palaalay,
46:32.0
stay safe, stay healthy.
46:34.0
At kahit anong nga po mangyari mga ka-family,
46:36.0
please stay in love and stay happy.
46:38.0
Bye-bye.
46:44.0
Thank you for watching!
46:46.0
If you like what you see,
46:48.0
please subscribe to our channel.
46:50.0
See you next time!