Close
 


PBBM: P20/kilo ng bigas, malapit nang makamit | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Duda ang ilang grupo sa pahayag ni Pres. Bongbong Marcos na malapit nang makamit ang P20 kada kilong bigas na ipinangako niya noong kampanya. Anila, tumaas pa nga ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Maynila. #News5 | via Shyla Francisco Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Duda ang ilang grupo sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na malapit ng makamit ang 20 pesos kada kilong bigas na ipinangako niya noong kampanya.
00:09.0
Anila, tumaas pa nga ngayon ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
00:14.0
Nasa frontline ng balitan yan si Shyla Francisco.
00:18.0
Yung alibawa, yung bigas, yung aking pangarap na sinabi noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng 20 piso.
00:34.0
Hindi pa tayo umabot doon, dahan-dahan, palapit, nasa 25 piso na lang tayo, konti na lang, maibababa natin yan.
00:43.0
Ito ang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga bikulanong dumalo sa pagbubukas ng Kadiwa Store sa Pilica Marine sewer.
00:50.0
Makakabili rito ang mga consumer ng 25 pesos na kada kilong bigas.
00:55.0
Pero ayon sa samahang industriya na agrikultura o sinag, may subsidiya ang ibinibenta ang bigas sa Kadiwa Stores.
01:02.0
Malayo raw ito sa tunay na estado at presyo ng bigas sa mga pamilihan.
01:07.0
Sa farmgate price o sa presyo ng palay na nabibili sa magsasakapangalang, lampas 20 piso kada kilo na.
01:14.0
At ngayon, tumaas pa ng 1 hanggang 4 na piso ang presyo ng mga bigas sa pamilihan.
01:20.0
Pumapalo sa 34 pesos hanggang 58 pesos ang presyo ng bigas kada kilo dahil ito sa mataas na presyo ng abono at petrolyo.
01:29.0
Inaasikaso naman daw ng gobyerno na maibaba ang presyo ng bigas.
01:33.0
Yesterday if not sooner. Lahat ng timetable ko yesterday if not sooner. Lahat yan asap.
01:39.0
I don't know. We'll see. We'll see. Kasi minamalas din tayo sa weather.
01:47.0
Kaya hindi mo matiyak kung ano yung magiging production.
01:51.0
Ramdam din ang mga kainan ng mahal na presyo ng bigas.
01:55.0
Sa kainang ito sa Maynila, hindi naman nagtaas ng 99 pesos na only rice meals.
02:00.0
Pero bilang panabla sa taas presyo ng bigas, may 29 pesos raw silang sisingilin sa kanilang customer kapag may tirang kanin.
02:08.0
Para hindi rin din po makakaroon ng waste tayo na rice dahil sobrang mahal nga. Kasi pinupuhunanan mam eh.
02:14.0
Payo ng grupong bantay bigas, dapat magdakdana ng price control ng gobyerno para hindi nasumirit pa ang presyo ng bigas.
02:22.0
Pareho rin nanawagan ng sinag at bantay bigas na tumulong ang gobyerno sa pagpapababa ng gastusin ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay.
02:30.0
Hindi daw sana mauwi sa pagangkat pa ng bigas ang pagpapababa sa presyo nito.
02:35.0
Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na naghahanap pa sila ng murang lokal na abono bukod pa sa fuel at fertilizer discount para makatulong sa mga magsasaka.
02:44.0
Pinaparaman din daw ang Kadiwa Stores para mas maraming Pilipino ang makakabili ng 25 pesos na kada kilo ng bigas.
02:51.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Shaila Francisco, News 5.