Close
 


Anong Mangyayari Pag Isa Nalang Ang Lalaki Sa Mundo?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Anong mangyayari pag isa nalang ang lalaki sa mundo? Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #whatif #science #education
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano pag ikaw na lang ang natirang lalaki sa mundo?
00:04.0
Sorry, hanggang friends lang tayo.
00:08.0
Ay, busted na naman.
00:11.0
Grabe naman buhay to.
00:13.0
Kailan kaya ako magkaka-girlfriend?
00:15.0
Sana ako na lang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.
00:18.0
Ito ang huling nasa isip mo bago ka matulog.
00:21.0
Ang hindi mo alam, natupad pala ang iyong hiling.
00:24.0
Ikaw na ang pinakagwapong lalaki sa mundo
00:27.0
kahit ikaw na lang din ang natitirang lalaki dito.
00:30.0
Ano sa tingin niyo ang mangyayari?
00:32.0
Pag-usapan natin.
00:34.0
Ayon sa countrymeters.info,
00:36.0
mahigit sa 8 billion ang bilang ng tao sa mundo.
00:39.0
50.5% nito ay mga lalaki,
00:42.0
habang 49.5 naman ang mga babae.
00:45.0
Sa madaling salita,
00:47.0
halos pantay na ang dami ng bilang ng mga lalaki at babae.
00:51.0
Kaya naman, napakalaki ng magiging pagbabago
00:54.0
kung magkakatutuo ang hiling mo.
00:56.0
Siyempre, mapapalitan ang mga world leaders ng mundo
01:00.0
na kasalukuyan ay dominated ng mga lalaki.
01:03.0
As of September 2022,
01:05.0
28 countries lamang ang may babaeng naninilbihan bilang head of state.
01:10.0
Ito ay 14% lamang
01:12.0
kumpara sa 86% ng mga bansa sa mundo na may lalaking pinuno.
01:17.0
Malaki man ang pagbabagong ito,
01:19.0
posibli namang maging mas ligtas tayo mula sa gyera
01:23.0
at anumang nuclear confrontations kalaban ang ibang bansa.
01:27.0
Maraming psychologists ang naniniwala na mas gugustuhin ng mga babae
01:32.0
na ayusin ang kanilang problema sa pamamagitan ng pag-uusap
01:36.0
at hindi sa paglalabanan.
01:38.0
At hindi lang dyan tayo safe.
01:40.0
Bababa din ang crime rate sa mundo
01:43.0
na karaniwan ang mga nahuhuling kriminal ay mga lalaki.
01:47.0
Kahit pantay ang bilang ng mga lalaki at babae sa mundo,
01:51.0
nakita sa isang survey noong 2021 na 85% ng mga naaresto ay mga lalaki.
01:57.0
Marami pang ibang studies na nagsasabi
02:00.0
na mas maraming lalaki na gumagawa ng krimen kaysa sa mga babae.
02:04.0
May ilang psychologists ang naniniwala na isa sa mga rason nito
02:08.0
ay dahil mas mababa ang self-control ng mga lalaki
02:12.0
na isang malaking factor pagdating sa criminal activity.
02:16.0
Gayunpaman, may mga negative effects din ito.
02:19.0
May mga industries na hihina dahil dominated ito ng mga lalaki.
02:23.0
Ilan sa mga industries na ito ay engineering, mining at oil.
02:28.0
Ngunit sa unang ilang taon lang ito hihina dahil di magtatagal,
02:33.0
magkakaroon din ng mga babae na magiging interested dito
02:37.0
at sila ang papalit sa mga lalaki.
02:39.0
Isa din sa magiging problema ay ang pagpapalipad ng eroplano.
02:44.0
Karamihan ng mga piloto sa mundo ay mga lalaki.
02:47.0
Sa katunayan, sa isang study na pagalaman nila na 4-5% lang
02:52.0
na mga piloto sa North America ang mga babae.
02:56.0
Ibig sabihin ito hanggang sa matutunan ng ilang natitirang babae sa mundo
03:01.0
kung paano magpalipad ng eroplano, konti lang ang mangyayaring aerial travel.
03:06.0
Ito ay ilan lamang sa mga mangyayari kung lahat ng tao sa mundo ay babae
03:11.0
maliban sa isa.
03:13.0
Kaya ngayon, pag-usapan naman natin kung ano ang mangyayari sa nag-iisa na tinutukoy ko.
03:19.0
Ano ang magbabago sa buhay mo bilang ang tanging lalaki sa mundo?
03:25.0
Siyempre, malulungkot ka sa una. Wala na ang mga kaibigan mong lalaki,
03:30.0
iyong mga madalas mong katagay noong nababasted ka.
03:34.0
Ang lonely ng buhay mo. Pagkatapos nito ay mapapalitan ng saya ang nararamdaman mo.
03:39.0
Pagnalaman ng mga babae na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo,
03:44.0
magiging celebrity ka. Maraming babae na ang lalapit sayo.
03:48.0
Paano ka pa mababasted yan eh? Wala ka na ngang kakompitensya.
03:52.0
Ang saya, ang dami nang lumalapit sayo.
03:55.0
Isipin mo yun, ikaw ang pinakayunik na tao sa buong mundo.
03:59.0
Pero pagkatapos ng ilang linggo, dito na magsisimula ang pagbabago.
04:04.0
Kapag nakapag-isip na nang mabuti ang mga babae tungkol sa nangyari,
04:08.0
marirealize na nila na kailangang magrepopulate ang mundo.
04:12.0
Araw-araw, may namamatay na 150,000 na tao sa mundo.
04:17.0
Ibig sabihin, kung walang mangyayaring reproduction,
04:20.0
mauubos ang human race sa loob ng 127 years.
04:24.0
At dahil ikaw ang tanging natitirang lalaki na lang dito,
04:28.0
ikaw ang magiging tagapagliktas ng human race.
04:31.0
Nakasalalay sa iyo ang survival ng mga tao.
04:35.0
Ikaw ang magiging pinakamahalagang asset sa buong mundo.
04:39.0
Ilalagay ka sa isang secure facility kung saan masisikurado ng mundo ang iyong kaligtasan.
04:45.0
Higit sa lahat, dahil ikaw lang ang panggagalingan ng sperm,
04:50.0
kailangang marami ang iyong mailabas araw-araw.
04:54.0
Ayon sa mga pagsusuri, bumababa na ang sperm count ng isang lalaki mula pa noong 1973.
05:00.0
Ang mga posibleng dahilan nito ay pulusyon, stress, paninigarilyo at ang paginop.
05:06.0
Upang tumaas ang iyong fertility at testosterone levels,
05:10.0
kailangan mong mag-exercise araw-araw at minom ng maraming vitamin D.
05:15.0
Kailangan mo ring pataasin ang iyong vitamin C at zinc intake upang healthy ang iyong sperm.
05:21.0
Siyempre, upang lumabas ito, kailangang ganado ka araw-araw.
05:26.0
Papakainin ka ng maraming oysters para mas tumaas pa ang sexual drive mo.
05:31.0
At kung mahilig ka mang uminom, magpaalam ka na lang dito.
05:35.0
May negative effects ito sa fertility mo.
05:38.0
Parang imposible naman atang i-repopulate ang buong mundo gamit ang isang lalaki lamang.
05:43.0
Pero huwag kayong magalala, dahil may isang historical figure na nagpakalat ng kanyang DNA sa buong Asia.
05:50.0
Walang iba kundi si Genghis Khan.
05:53.0
Sa kanyang kapanahunan, nagkaroon siya ng maraming sexual partners at nakabuntis ng napakaraming tao.
05:59.0
Mas kumalat pa ang kanyang DNA dahil ang kanyang mga descendants ay sumunod din sa yapak ng kanilang ama.
06:06.0
Isang halimbawa dito ay ang anak niyang si Toshi na siyang nagkaroon ng 40 anak na lalaki.
06:12.0
Ang isang lalaki ay kaya magproduce ng 70 million sperm sa isang araw.
06:17.0
At sapat na ito upang makabuntis ng 8 babae.
06:21.0
Kung ganito kabilis ang pagre-reproduce mo, magkakaroon ka ng halos 3,000 anak mula sa iba't ibang babae sa loob lamang ng isang taon.
06:30.0
Siyempre, kailangan ng mga babaeng bubuntisin mo ay magmumula sa iba't ibang bansa upang masiguro na ang buong mundo talaga ang nakikinabang sa iyo.
06:39.0
At siyempre din, pag nagkaroon ka na ng mga anak na lalaki at lumaki na sila, sila naman ang magtutuloy ng nasimulan mo at magsasagawa sa repopulation.
06:50.0
Sa madaling salita, kailangan mo upang maghintay ng 14 years kung saan pwede na silang makabuntis bago ka makapagpahinga.
06:59.0
Subalit may isang problema pa. Dahil galing lang sa iisang DNA ang magre-repopulate sa Earth, paano natin maaagapan ang inbreeding?
07:08.0
Ang inbreeding ay ang pagre-reproduce ng babae at lalaki na malapit lamang ang blood relation at halos magkapareho ang DNA.
07:17.0
Ang halimbawa nito ay ang pagre-reproduce ng babae at lalaki na magkapatid. Maraming negative effects ang posibleng mangyari sa mga batang ipapanganak mula sa inbreeding.
07:28.0
Kabilang na dito ang pagkabulag, pagkabingi, mga malformations sa katawan, skizofrenia at iba ba.
07:37.0
Sa kasamaang palad, mangyayari talaga ito sa unang ilang taon. Subalit habang mas dumadami pa ang mga lalaki, magkakaroon pa ng maraming DNA sa mundo at maaalis din ang inbreeding at ang negative effects nito.
07:52.0
Ayon sa mga experts, kailangan ng mahigit kumulang 98 na malulusog na babae at lalaki upang makabuo ng isang stable at walang inbred na population.
08:03.0
Ang hirap diba? Pero wag kang magalala, imposible namang mangyari na ikaw na lang ang matitirang lalaki sa buong mundo.
08:10.0
Ang huling beses na muntik na itong mangyari ay mga 6,000 years ago pa. Dahil sa klima at iba pang ecological factors, bumaba ang bilang ng mga lalaki.
08:21.0
Sa mga panahon iyon, may isang lalaki sa bawat labing pitong babae sa mundo. Pero matagal na yun, kaya wag mo nang isipin. Tatanungin na lang kita, ano ang gagawin mo kung ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo?