Close
 


GRABE! ANG TINDI PALA NG KATAKATAKA PLANT! (PANOORIN MO ITO)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Misteryo ng MIRACLE PLANT o KATAKATAKA PLANT: Grabe Pala ang Halamang ito! #katakataka #miracleplant =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor do
Tey Telly
  Mute  
Run time: 06:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Matagal nang ginagamit ang katakatakaplant bilang first aid sa mga sugat at pagtulong sa iba't-ibang mga sakit sa katawan.
00:08.0
At isa na rin ito ngayon sa mga sikat na folk medicine dito sa bansa.
00:12.5
Kaya naman dahil dito, kamakailan ay naggaroon na rin ng mga pag-aaral tungkol sa mga pharmacological benefits ng halaman na ito.
00:21.0
Ang iilan sa mga amazing benefits ng katakatakaplant ay
00:26.0
Kung nasa probinsya ka man o kahit saan mang malamok o mainsektong lugar, malamang madalas mong problemahin ang mga insect bites.
00:35.0
Makati ito at kadalasan ay nagiiwan pa ng mga sugat na napakahirap burahin.
00:41.0
Ang mga dahon ng katakataka ay may antiseptic at anti-inflammatory properties na kayang makatulong sa mga kagat ng insekto.
00:50.0
Maski sa pigsa ay pwede din ito.
00:52.0
Ang gawin mo lang ay magpainit ng dahon ng katakataka sa ibabaw ng apoy at kapag kaya mo na ang init nito, ipatong mo ang dahon sa mga kagat ng insekto o pigsa para maibsan ang kati at sakit.
01:07.0
Para sa mga pigsa, ang pinaka-advisable na gawin ay durug-durugin ito ng bahagya hanggang sa maging medyo mamasama sana ito
01:15.0
at kumuha ng maliit na butas sa gitna para itapat sa ulo ng pigsa.
01:20.0
Number two, pain relief.
01:22.0
Marami ka bang hinanakit sa katawan? Lagi pang masakit ang iyong ulo, likod o mga kasukasuan?
01:29.0
Ang mga dahon ng katakataka ay nakita na may magandang dulot sa pagpapagaan ng mga sakit sa mga ganitong parte ng katawan.
01:37.0
Para sa sakit sa ulo o headache, painitin lang ang mga dahon ng katakataka at ilagay sa iyong noo ng mga 10 minuto hanggang sa maibsan ito.
01:47.0
Ganoon din sa iyong likod at mga kasukasuan. Ilagay lamang ang mga dahon nito sa mga apektadong lugar ng katawan hanggang sa humupa ang sakit.
01:57.0
Pwede din ito kapag may mga sprain ka o kahit mga paso.
02:01.0
Dahil sa pain relieving properties at antibacterial properties ng katakataka plant, pwede din itong gamitin bilang paunang lunas sa mga sakit na ito.
02:11.0
Ang kailangan mo lang gawin ay dikdikin ang mga fresh ng katakataka leaves at ipahid ito sa mga apektadong lugar.
02:19.0
Number three, antibacterial.
02:21.0
Ang mga dahon din ng katakataka plant ay maaaring gamitin bilang isang topical treatment para sa mga sugat at mga infection sa labas ng katawan.
02:30.0
Painitin mo lang ito sa ibabaw ng apoy at ilagay sa itaas ng mga sugat o pasa.
02:36.0
Makakatulong ito sa mabilis na paghilom ng mga ito.
02:40.0
Ang mga dahon kasi ng katakataka plant ay may organic acid na tinatawag na malic acid na nakitang effective laban sa mga bakterya.
02:49.0
Dahil dyan, kilala na talaga ito bilang gamot sa mga sugat, lalo na yung mga bagay na kailangan ng antibacterial na panlaban.
02:57.0
Number four, antiviral.
02:59.0
Maliban sa pangunang lunas sa mga sugat, pwedeng-pwede din ang katakataka leaves na tumulong sa mga taong may viral na sakit gaya ng ubo at sipon.
03:09.0
May mga pharmacologic na pag-aaral na nagpakita na kaya din pala nitong tumulong sa mga taong may sintomas na ubo at sipon.
03:17.0
Para magamit ito para dito, maaaring magpakulo ng mga dahon nito para makagawa ng mainit-init na inumin para sa mga may iniinlang lagnat o flu.
03:28.0
Pwede mo din itong gawin kung ikaw ay may diarrhea.
03:31.0
Parehas lang din ang gagawin.
03:33.0
Ipakulo ang mga dahon sa mainit na tubig na mga 15 to 20 minutes at inumin ang juice na lalabas mula sa mga dahon.
03:41.0
By antiviral, hindi naman ibig sabihin nito na kaya ka na nitong protektahan laban sa lahat ng virus sa mundo.
03:49.0
Importante pa rin ang pag-inom ng mga tamang gamot at ang pag-aalaga sa sarili para masiguradong kompleto ang mga benepisyong na kukuha natin sa katawan.
03:58.0
Number 5. Iba-iba pang mga benepisyo.
04:01.0
Maliban sa mga nabanggit natin, napakarami pang taglay na benepisyon ng katakatakaplant.
04:07.0
Ayon sa mga pag-aaral, meron din itong mga analgesic, immunomodulatory, CNS depressant, anti-ulcer, sedative, muscle relaxant, anti-allergic, insecticidal, anti-anaphylactic at marami pang iba.
04:24.0
Madalas din itong ginagamit pang linis sa mga sugat at kapag pinakuluan, ginagamit din ito para sa mga may iniindang sakit sa loob ng katawan.
04:34.0
Bagamat kilala na bilang isang miracle plant itong katakatakaplant, may mga iilang bagay pa rin na dapat nating alalahanin lalo na kapag may balak kang gamitin ito.
04:45.0
Una sa lahat, sinasabing bawal ito sa mga buntis, unless pinayagan ka ng iyong doktor.
04:51.0
Wala pa namang mga pag-aaral tungkol sa mga epekto ng katakatakaplant sa mga nagbubuntis, pero mahalaga pa rin na maging maingat lalo na kapag nagdadalang tao.
05:01.0
Same goes kapag ikaw naman ay nagbe-breastfeed, maigi na humingi ka pa rin ng payo mula sa iyong doktor.
05:08.0
Ganoon din kapag may mga existing na kondisyon ka sa puso.
05:12.0
Siyempre, given naman na kapag ikaw ay may iniinda sa puso, dapat maging maingat ka talaga sa kung anumang mga tinitake mo.
05:20.0
Kapag may balak kang gumamit ng katakatakaplant, mainam na ikonsulta muna ito sa iyong doktor.
05:26.0
Dagdag pa dito, kahit na tinatrato natin bilang miracle plant ang katakatakaplant, hindi naman ibig sabihin nito ay kaya na talaga niya ang lahat.
05:36.0
Recommended din kasi na iwasan mo ang paggamit nito kung ikaw ay may mahinang immune system galing sa mga nakaraan mong mga sakit.
05:45.0
Ang dahilan kasi nito ay may mga immune modulating o mga suppressing properties kasi ang katakatakaplant.
05:53.0
Mahirap na, baka imbis na ibus pa ang immune system mo, lalo pang bumaba.
05:58.0
Pero kahit ganoon pa man, marami pa rin talagang magandang makukuha mula sa halaman na ito.
06:04.0
At matagal na rin talaga itong ginagamit sa folk medicine.
06:07.0
Kaya mabuting maging mapanuri, alamin ang ginagamit at para saan ito gagamitin.
06:13.0
Ikaw, nagamit mo na ba ang katakatakaplant?
06:16.0
O meron ka bang tanim nito sa iyong bakuran?
06:19.0
I-share mo naman yan sa ating comment section sa baba.
06:22.0
Muli, this is Teytele, ang iyong number one resources ng makabuluhang kaalaman every week.
06:28.0
Kaya subscribe ka na para lagi kang updated.
06:31.0
Ingat!