Close
 


Heneral Tuna - Filipino Animated Series - Ang Pancit Hiraya (Episode 4)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Isang araw, nagdiwang ng piyesta ang Barangay Hiraya. Dito natikman ni Heneral Tuna ang sikat na Pancit Hiraya ni Manay Femy. Sobrang nasarapan siya dahil lasang-lasa ang bawat sangkap! Galing daw sa mga ninuno ni Manay Femy ang recipe nito. Pero mas namangha siya nang malaman na maraming bersyon ang pancit. Napaisip tuloy siya kung ang kultura, sining at agham sa bawat lugar ng Planet Earth ay nagtutulungan para makagawa ng iba’t ibang masasarap na foods! 1. Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang kultura, sining at agham? 2. Magbigay ng ehemplo kung saan makikita ang paggamit ng kultura, sining, at agham sa ating buhay. 3. Paano natin pagyayamin at maipagmamalaki ang kultura, sining, at agham sa Pilipinas? Kung may nais kayong balikan na eksena, panoorin lang ang video. --- Heneral Tuna is an animated series commissioned by the Filipino Values Program of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA). It was created by the award-winning tandem of director Avid Liongoren, known for the animated
Heneral Tuna
  Mute  
Run time: 03:24
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakailang linggo na ako rito sa barangay Hiraya at parang ayaw ko nang umalis, kaya lang paminsan-minsan napapanaginipan ko ang planet Minyong at ang aking misyon.
00:16.0
Dami na namang tao, anong meron? Malpiesta daw?
00:23.0
Aray! May dalang masarap na amoy ang hangin! Kailangan mag-investigate si General Tuna!
00:30.0
Ah, excuse me Paul. Ayan ah, maghalang ako.
00:35.0
Ang tawag ni Manay Femi sa niluluto niya ay pansit-hiraya.
00:39.0
Namumukod-tangi raw ang pansit-hiraya sa ibang klaseng pansit dahil may halo itong suka at crispy chicken skin.
00:48.0
Nagmula ito sa kanyang mga ninuno noong World War 2.
00:51.0
Ginamit raw ng mga ninuno niya ang balat kasi mahal ang karne noong panahon yun.
00:57.0
Pansit na may chicken skin at suka? Anong lasa nun? At bakit may iba't ibang klaseng pansit?
01:04.0
Ang sabi ni Manay Femi, ang bawat lugar ay may kanya-kanyang kultura at kanya-kanyang pamamaraan sa paggawa na iba't ibang bagay.
01:13.0
Sa Pampanga, may pansit-luglug. Sa Cavite, may pansit-pusit. Sa Malabon, may pansit-malabon. Pansit-patong sa Cagayan, hab-hab sa Quezon, patos sa Bicol, molo sa Iloilo, ang bam-i sa Cebu, at ang dami-dami.
01:30.0
Kinakawa pa rin raw niya ang pansit-hiraya bilang pagbugay sa mga ninuno nilang nagsakripisyon ang buhay para sa bayan.
01:37.0
Kasama ito sa pagkakakilanlan sa barangay-hiraya.
01:40.0
Ditulad sa amin sa Planet Mingming, iisa ang lasa ng pagkain at lahat ay galing sa lata. Wala rin kwento.
01:48.0
Sa bawat sangkap na inilalagay ni Manay Femi sa kanyang niluluto, unti-unting nag-iiba ang amoy nito.
01:55.0
Ang pagluluto raw ay isang sining. Sining ka dyan Manay Femi, wala namang silbi ang sining-sining na yan.
02:02.0
Para sa akin, mukha siyang scientist at ang pagluluto ay isang siyensya. Pero sa Planetang Mingming, ginagamit lang ang siyensya para sa digmaan.
02:11.0
Dito naman, ginagamit ni Manay Femi ang sining at agham para magsama-sama ang lahat para sa ikatutuwa ng lahat. Walang ganyang sa Planetang Mingming.
02:19.0
Kakaibang lasa! Naglalaro sa aking bibig itong foods. Ang bawat sangkap na nilagay ni Manay Femi ay may ambag sa kabuo ang lasa ng pansit, ang lutong at alat ng chicken skin.
02:32.0
Pinapaikutan ng lambot ng noodles at asim ng suka. Isa siyang himala!
02:39.0
Aba! Anong nangyayari sa akin? Napoposessed na ba ako?
02:46.0
Grabe nito! It's so nakakahiya! Ako pa naman si H-Heneral Duna!
02:56.0
Denman na! Masaya naman!