Close
 


Rep. Arnolfo Teves Jr., binigyan ng hanggang bukas para personal na humarap sa Kamara | 24 Oras
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hanggang bukas na lang ang ibinigay na palugit kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para personal na sumagot sa Kamara kaugnay ng kanyang patuloy na pagliban sa trabaho. Sa gitna ito ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Ang kampo naman ni Teves, bumwelta sa hindi pagpayag ng Kamara na humarap ito sa pamamagitan ng virtual conferencing. 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mike Enriquez, Mel Tiangco and Vicky Morales. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 6:00 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanetwork.com/24oras. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GM
GMA News
  Mute  
Run time: 03:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hanggang bukas na lang yung ang ibinigay na palugit kay Negros Oriental Representative Arnolfo Tevez Jr. para personal na sumagot sa kamara kaugnayan ng kanyang patuloy na pagliban sa trabaho.
00:13.0
Sa gitna ito ng imbisikasyon ng pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
00:19.0
Ang kampong naman ni Tevez bumuelta sa hindi pagpayag ng kamara na humarap ito sa pamagitan ng virtual conferencing.
00:28.0
Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:34.0
Binigyan ng House Committee on Ethics and Privileges si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Tevez Jr.
00:41.0
ng hanggang bukas ng 4pm para physical na makaharap sa kanila.
00:46.0
Sa panayam ng media matapos ang dalawang oras na pulong ng komite,
00:50.0
sinabi ng chairman ito na si Co-Op Natco Representative Filimon Espares na kung hindi makakaharap ng personal si Tevez sa kanila,
00:58.0
tsaka lang sila magde-desisyon sa ipapataw na parusa rito dahil sa kabigo ang makahabalik sa bansa nang mag-expire ang travel clearance niya noong March 9.
01:20.0
Ayon kay Espares, hindi pwede na sa virtual conferencing lang haharap si Tevez bukas. Hindi na rin siya nakaharap sa kumite kanina.
01:50.0
Anong problema kung hindi personal appearance? Anong problema kung video teleconferencing? Paano nila marinig yung panig ng isang tao?
01:59.0
Ngayong araw ang orihinal na deadline ng kamara sa pagpapaliwanag ni Congressman Tevez.
02:04.0
Hiwalay nausapin pa ito sa pagkamatay ni Gov. Ruel de Gamo kung saan isang nagnangalang Kong Tevez ang sinasabing nasa likod ng krimen.
02:15.0
Nag-file si Tevez ng extension ng kanyang leave ng dalawang buwan dahil daw sa seryosong banta sa kanyang seguridad pero hindi ito pinagbigyan ng liderato ng kamara.
02:26.0
Nauna nang itinanggi ni Tevez ang aligasyong may kinalaman siya sa pagpatay kay de Gamo na naging kalaban ang kapatid niya nitong nagdaang eleksyon.
02:35.0
Sabi niya wala siyang mapapala sa pagkamatay ni de Gamo.
02:39.0
Naghai naman ang petisyon ang misis ni de Gamo na si Pamplona Mayor Janice de Gamo na i-dismiss na si Tevez bilang miyembro ng House of Representatives.
02:49.0
Ayaw nang magbigay ng karagdagang pahayag ng kumite tungkol dito.
02:53.0
Nakatakdang mag-recess ang kamara sa March 25 hanggang May 7 kaya raw kailangan na ring maglabas ng ruling ng kumite.
03:01.0
Sumulat naman si Tevez sa House of Representatives para payagan siyang makapagprivileged speech sa pamamagitan ng video conferencing app na Zoom ngayong araw.
03:10.0
Pero natapos ang sesyon ngayong araw, pasado ala 5.30 ng hapon, nang hindi nakapagsasalita si Tevez.
03:18.0
Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.