Close
 


Cong. Teves, duda sa sinabi ni Speaker Romualdez na kaya siyang i-secure nito
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Cong. Teves, duda sa sinabi ni Speaker Romualdez na kaya siyang i-secure nito "Palagay natin lagyan ninyo ako ng police ba o army... ilang police, ilang army ang naka-assign kay Degamo, saan na siya ngayon? Nakalibing. Hindi nga siya na-secure ng sandamakmak na army, sabay sasabihin n'yo ako na kaya ninyo akong i-secure? Boss Martin, 'di ko maintindihan bakit pinipilit n'yo akong umuwi." Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCNaQMcnWvx95j7OG3217IMg/join Follow SMNI News Viber & Telegram Community Get updates via Viber: https://bit.ly/3od1x76 Join us on Telegram: https://t.me/joinchat/cUkfwNmbtT4yYTg1 Wag kalimutang mag-JOIN at mag-SUBSCRIBE sa ating Youtube channel Click the link to Subscribe: 👇👇👇👇👇👇👇👇👇 https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1 📺 Watch Us On Digital TV SMNI News Channel FREE TV on Ch. 39 Manila, Ch. 39 Butuan, Ch. 39 Roxas, Ch. 38 Vigan, Ch. 37 Isabela, Ch. 35 Laoag, Sky Cable Ch. 162 Manila. Sky Cable Ch 4
SMNI News
  Mute  
Run time: 08:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Balikan natin ang sa Congress. Ayoko sana ito sabihin eh.
00:03.5
Miembro ako ng House of Representatives.
00:06.5
Ilang araw lang ba ako nag-absent?
00:09.0
Biglang i-question sa Ethics Committee.
00:11.5
Ganito na lang para patas ang lahat.
00:14.0
Bakit hindi natin ilabas ang record ng attendance
00:18.0
ng buong 19th, 17th, 18th at 19th Congress?
00:22.5
Para makita nyo bakit sinama ko yung ibang Congress.
00:26.0
Because during the 18th Congress, I was a Deputy Speaker.
00:29.0
Alam nyo ba, kahit nung kasagsagan ng pandemic,
00:33.0
pumapasok ako physically.
00:35.0
Minsan, hindi ko man duty sa pagka-Deputy Speaker
00:40.0
dahil malapit ang iyong bahay ko,
00:42.0
nag-duty ako para lang makatulong.
00:44.0
Dahil minsan kulang ng umuupong Deputy Speaker
00:48.0
nagaanap ng umupo.
00:49.5
So kahit hindi ko duty, minsan umuupo ako doon.
00:52.0
Pumupukpuk sa taas.
00:54.0
Dahil lang sa aking pagmamahal sa ating bayan
00:56.0
at sa ating kongreso at sa ating mga mamamayan.
00:59.0
Alam nyo mga kasamaan ko sa Congress.
01:01.0
Kilala nyo ako. Alam nyo kung gaano ako katotoong tao.
01:04.0
Alam nyo kung paano ako magtrabaho.
01:06.0
Alam nyo rin kung sino ang pumapasok dyan,
01:09.0
sino ang nag-aabsent.
01:10.0
Tatanong ko sa Committee on Ethics.
01:13.0
Bakit si Congressman Arnie Tevez lang
01:16.0
ang inyong kinikwistiyon ang attendance?
01:19.0
Malinaw na malinaw ang aking paalam at hiling.
01:24.0
Ang paalam ko na i-extend
01:27.0
at nagpaalam pa ako ng leave sana
01:30.0
dahil hindi pinayagan niyo aking extension
01:32.0
dahil sa serious security threat sa aking buhay.
01:37.0
Pero in spite na nag-request ako,
01:40.0
pinipilit pa rin akong umuwi.
01:42.0
Noong una, nilabas pa ng committee
01:45.0
na merong direct order si Speaker sa akin.
01:47.0
Alam nyo naman na wala.
01:49.0
Bakit naglabas kayo ng gano'n?
01:50.0
Obvious na tuloy na may operation against akin.
01:53.0
Noong una namin nag-usap ni Speaker
01:55.0
ang tagal nga bago niya siya sumagot.
01:57.0
Tinawagan niya ako ilang days na
01:59.0
pagkatapos ko tumawag sa kanya.
02:01.0
Sabi niya sa akin,
02:02.0
advice niya lang, friendly advice,
02:04.0
kung pwede ba daw ako bumalik sa Pilipinas.
02:07.0
Sabi niya, pumproteksyonan niya ako,
02:09.0
pwede pa daw ako tumira sa bahay niya.
02:12.0
Sabi ko maraming salamat, Speaker.
02:14.0
Ito rin, mensahe ko kay Speaker Martin.
02:16.0
Boss, noong una ka pa lang tumampung, Speaker,
02:19.0
ako yung isa sa mga utusan mo.
02:22.0
Alam mo yun.
02:23.0
Magkamag-anak pa ang ating mga asawa.
02:25.0
Kanina, pinasabihan nyo ang aking abogado ng mensahe
02:29.0
na kaya nyo akong i-save.
02:31.0
Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo.
02:34.0
Pero, Speaker, ito lang ang aking tanong.
02:36.0
At ito rin ang aking tanong sa sarili ko at sa lahat.
02:40.0
Paano nyo ako magagarantiya ng safety ko?
02:44.0
Na unang una, tinanggalan nyo ako ng baril.
02:47.0
Hindi kayo, ha, ng gobyerno.
02:48.0
Kung sino man dyan sa gobyerno.
02:50.0
Tinanggalan ako ng bodyguard.
02:51.0
Ngayon, gagarantihan nyo ako ng safety.
02:54.0
Palagayin natin, lagyan nyo ako ng ilang polis ba o army.
02:58.0
Ibabalik ko yung sinabi ko kanina.
03:00.0
Ilang army, ilang polis ang naka-assign kay Digamo.
03:04.0
Sana siya ngayon? Nakalibing.
03:06.0
Hindi nga siya nasecure ng sandamakmak na army.
03:09.0
Sabay sasabihan nyo, ako, kaya nyo ako i-secure?
03:12.0
Di ba?
03:13.0
Boss Martin, hindi ko maintindihan.
03:15.0
Bakit pinipilit nyo akong umuwi?
03:16.0
Sabi ko lang gusto ko ng umuwi.
03:17.0
Kung hindi lang sa pagkadelikado na aking buhay, umuwi na ako.
03:22.0
Boss Martin, sorry, hindi ko kayo mapagbigyan sa hiling nyo na umuwi ako
03:26.0
dahil hindi ko pwede ipagpalit ang aking buhay sa inyong kahilingan.
03:29.0
Kilala mo ko, Boss Martin, kung gaano ako katotoong tao.
03:32.0
Alam mo kung paano kita pinagsilbihan nung majority leader ka pa lang
03:37.0
dahil hindi tayo nanalo sa pagiging speaker.
03:40.0
Nakikiusap ako, boss.
03:41.0
Huwag nyo naman sana akong ibiin.
03:44.0
Ayokong lumaban sa inyo dahil wala naman akong laban.
03:47.0
Sino ba naman si Arnie para lumaban sa gobyerno kay Speaker at sino man dyan?
03:53.0
Ang kaya ko lang gawin, magsabihin ng katotohanan.
03:56.0
I think nasabi ko na ang lahat.
03:59.0
Mga media na gusto mag-interview sa akin, pagpasensya nyo na po
04:03.0
na hindi ko pinaunlakan ang inyong mga requests for interview
04:07.0
dahil ayokong yung iba masaktan na nagpa-interview ako sa isa, sa iba hindi.
04:13.0
Kaya kanina sana magsasalita ako sa Congress, hindi nila ako pinasalita.
04:17.0
Bukas daw, huhusgahanan nila ako.
04:20.0
Ngayon, para sa inyong lahat, ginawa ko itong video para alam nyo ang buong katotohanan.
04:27.0
Meron lang akong konting idagdag.
04:29.0
Sigboyeng, nagsama tayo sa Congress.
04:32.0
Kanina ko lang narinig na tinanong kayo kung nag-reach out ako sa inyo o hindi.
04:36.0
Sabi nyo, hindi.
04:38.0
Sige lang, baka hindi nyo nakuha yung mga missed call ko sa inyo.
04:41.0
Nag-reach out ako, boss.
04:42.0
Ba't naman ako hindi mag-reach out?
04:44.0
Iniisip ko kayong kaibigan.
04:46.0
At alam nyo kung gano'ng katotohang tao ako.
04:49.0
Sek, wala akong problema sa iyong pagawa ng iyong trabaho bilang DOJ Secretary.
04:55.0
Isama nyo man ako sa mga suspect, sa investigasyon, walang problema.
05:00.0
Pero ang hiling ko lang, huwag naman ako lang.
05:03.0
Lahat ng anggulo, tingnan natin.
05:05.0
Lahat, as in lahat, lahat, lahat.
05:09.0
Hindi si Arnie lang.
05:11.0
Ano pa bang hindi ko nabanggit?
05:14.0
Nabanggit ko na yata lahat.
05:16.0
Anyway, kung meron man akong nakaligtaan sa susunod na video, idadagdag ko na lang.
05:22.0
Ang dapat natin sundin ay ang ating Constitution.
05:26.0
Na ang tao ay presumed innocent until proven guilty.
05:32.0
Hindi dapat rin i-deprive sa freedom and liberties at ano pa dyan.
05:40.0
Alam nyo, ito sabihin ko na baka naman bigla na naman akong labasan ng warrant.
05:47.0
Ito, isa ko pang pakiusap.
05:49.0
Baka bigla nyo naman akong labasan ng probable cause.
05:53.0
Andali gumawa ng evidencia, andali gumawa ng witness.
05:58.0
Huwag naman, sana.
06:00.0
Tingnan nyo muna lahat ng angulo.
06:02.0
Anyway, lalabas naman ang buong katotohanan.
06:05.0
Yun lang po, ulit.
06:07.0
Ito si Congressman Arnie Tevez.
06:10.0
Nakikiusap.
06:11.0
Tama na yung pang-aapi.
06:13.0
Tama na yung pagtuturo.
06:16.0
Tama na yung pang-aapak at pang-iipit sa akin.
06:21.0
Uulitin ko, kung gusto nyo magnegosyo, magnegosyo lang kayo dyan.
06:26.0
At isa pa, uulitin ko, dapat sa lahat ng investigasyon, lahat ng angulo tinitingnan,
06:31.0
hindi una yung suspect bago yung evidencia.
06:34.0
Kanina, may sinabi na naman na may bago na naman daw na huli or nag-surrender na witness.
06:42.0
Sa napag-alaman ko, matagal na nilang hawak yung tao na yan.
06:46.0
Kanina lang nila nilalabas para makumpleto ang script.
06:50.0
Noong unang akong video, sinabi ko na, di ba, nakita nyo yung video ng pagpatay.
06:54.0
Ganun kagaling na mga tirador, mahuhuli ng ganun-ganun lang.
06:59.0
Ngayon, ilang patay yun ang pinadala sa negros.
07:02.0
Sabay, isa lang yung mahuhuli.
07:04.0
Mga bossing, honti-honti na nakikita ng netizens at ng taong bayan yung script.
07:09.0
Huwag nyo naman sana gawing sine ang totoong buhay.
07:13.0
Nagsasakripisyo kayo ng tao para sa palabas nyo.
07:16.0
Huwag naman gano'n mga boss, di ba?
07:18.0
Ano kaya kung kayo nasa lugar ko?
07:20.0
Kayo ginawang sakripisya lang.
07:22.0
Meron nga akong naisip na kasama sa script yung pagpatay kay Digamo para lang madiin ako.
07:30.0
Grabe naman, hindi naman ganun.
07:32.0
Pagnalaman ni Presidente lahat ang pinagagawa nyo, malilintikan kayo sa kanya.
07:37.0
Hindi ako maniniwala na gusto to ni Presidente.
07:41.0
Dalawang beses nang kami nakapag-usap.
07:43.0
But in the two times that we talk, okay na tao si Presidente BBM.
07:48.0
So ngayon, tama na yung script nyo.
07:51.0
Tama na.
07:52.0
Dahil obvious na lahat scripted, lahat gawa-gawa.
07:56.0
Anyway, hindi naman palihin ko lang to.
07:59.0
Malalaman din naman natin sa mga tingin ng taong bayan, sa mga netizens na lumalabas na yung script.
08:06.0
Noong una, nabugbog ako sa social media.
08:09.0
Pero ngayon, hindi naman bobo ang mga Pilipino.
08:13.0
Nakikita na nila yung lumalabas na script.
08:17.0
Kawawa lang ako at ang pamilya ni Digamo na puro kami naging biktima sa script na ito.
08:24.0
Maraming salamat po.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.